Ict 12 1 Filipino Sa Piling Larangan
Ict 12 1 Filipino Sa Piling Larangan
Ict 12 1 Filipino Sa Piling Larangan
THIS MODULE IS NOT FOR SALE! THIS MODULE IS NOT FOR SALE! THIS MODULE IS
NOT FOR SALE!
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
FIRST SEMESTER, A.Y.2021-2022 LEARNING MODULE GRADE 12
for
MODULE NO.: 1
WEEK NO.: 1-2
CONTENT:
Ano ang kahalagahan ng pagsusulat at ang akademikong Pagsulat?
Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral.
Ayon kay Cecilia Austera, et al. ang may akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino ( 2009) , ang pagsusulat ay isang
kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng
paghahatid ng mensahe,ang wika.
Ayon naman kay Edwin Mabilin, et al. ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental.
Ano ang pagsusulat?
-Ito ay nagsisilbing libangan.
-matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng kasanayan.
-sa mga propesyonal , bahagi ito ng pagtugon sa bokasyon o trabaho.
-isang pagpapahyag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito
ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon.( Mabilin 2012)
Bakit kailangan nating magsulat?
-Ito ay nagdudulotng malaking tulong sa nagsusulat , sa mga taong nakabasa at maging sa lipunan sa
pangkalahatan. Ang kanilang isinulat ay magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari.
-ito ay nagsisilbing tulay para sa kabatiran ng susunod na henerasyon.
-dito masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa iba’t-ibang disiplina.
Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat
-Ayon kay Royo (Pagbasa , Pagsulat at Pananaliksik 2001 ), malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubong at
isipan ng tao.Naipapahayag niya nag kanyang damdamin, mithiin ,pangarap, agam-agam, bungang-isip, at mga
pagdaramdam.
2
-nakikilala ng tao ang kanyang sarili , ang kanyang kahinaan at kalakasan, ang lawak ng tayog ng kanyang
kaisipan, at ang mga naaabot ng kanyang kamalayan.
Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman, at mga
karanasan ng taong sumusulat.
Dalawang layunin sa paggawa ng pagsulat:
1. Personal o Ekspresibo – nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip, o nadarama ng manunulat.
Hal. Sanaysay, maikling kuwento, tula, dula, awit at iba pang akdang pampanitikan
2. Panlipunan o Sosyal – layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan.
Hal. Liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon, at iba pa.
2
Ito ay mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan.Binibigyang-
pansin nito ang paggawa ng mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o
paaralan.
4. Dyornalistik na Pagsulat ( Journalistic Writing )
Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag.
Hal. Balita, editorial, lathalain, artikulo, at iba pa.
5. Reperensiyal na Pagsulat ( Referential Writing )
Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng
konseptong papel, tesis, at disertasyon.
Hal. RRL ( Review of Related Literarture )
6. Akademikong Pagsulat ( Academic Writing )
Isang intelektuwal na pagsulat. Ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t-ibang
larangan.
Ayon kay Carmelita Alejo, et al. ( Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik 2005) ana akademikong pagsulat ay
may sinusunod na partikular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pangangatwiran.
Bakit mahalagang matutunan natin ang akademikong pagsulat?
Mahalagang matutunan natin ang akademikong pagsulat sapagkat kung marunong sumulat nang maayos at may
kabuluhan ang isang tao, maituturing na nakaangat siya sa iba dala na rin ng mahigpit na kumpetistyon sa kasalukuyan sa
larangan ng edukasyon at pagtatrabaho.
Ang paggamit ng Akademikong Filipino sa Pagsasagawa ng Akademikong Pagsulat
Ang akademikong Filipino ay iba sa wikang karaniwan o sa wikang nakasanayan nang gamitin ng marami sa araw-
araw na pakikipag-usap o pakikipagtalastasan kung saan hindi gaanong pinahahalagahan ang mga alintuntunin o prinsipyo
sa paggamit ng Filipino.
Ayon kay Vivencio Jose – isang mahusay na manunulat at historyador, sa kanyang sanaysay mula sa aklat ng Mga
Diskurso sa Wika at Lipunan (1996). Epektibong magagamit ang Filipino sa loob ng akademya, hindi lamang sa larangan
ng pagtuturo sa lahat ng uri ng komunikasyon kundi maging sa pamamagitan ng kurikulum at buhay sa akademya.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat
1. Obhetibo- una sa lahat ang akademikong pagsulat ay dapat na maging obhetibo ang pagkakasulat.
2. Pormal- dahil nga karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat ay ang akademikong Filipino, nangangahulugan
lamang ito ng pagiging prmal nito.
3. Maliwanag at Organisado-ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay nararapat na maging malinaw at
organisado.
4. May paninindigan-mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag aralan,
ibig sabihin hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa.
5. May pananagutan- ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay dapat na
bigyan ng nararapat na pagkilala.
SELF-ASSESSMENT:
Panuto: Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng Akademikong Pagsulat gamit ang concept map sa ibaba. Magtala
ng maikling paliwanag sa bawat katangian. Ilagay ang sagot sa Activity Sheet.
Obhetibo
Pormal Maliwanag at
Organisado
Katangian ng
Akademikong Pagsulat
THIS MODULE IS NOT FOR SALE! THIS MODULE IS NOT FOR SALE! THIS MODULE IS NOT FOR SALE! THIS MODULE IS NOT FOR SALE! THIS MODULE IS NOT FOR SALE! THIS MODULE IS
NOT FOR SALE!
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
FIRST SEMESTER, A.Y.2021-2022 LEARNING ACTIVITY SHEET GRADE 12
for
SUBJECT:
MODULE NO.: 1
WEEK NO.: 1-2
TOPIC: Review No. 1:
ACTIVITY NO.: 1
a.) Only this/these activity sheet/s is/are allowed to be returned to the adviser.
b.) Write your answer/s neatly and legibly.
c.) Read specific instructions carefully before doing the task/s.
d.) Do not submit extra paper if possible.
e.) CHEATING IS STRICTLY PROHIBITED. It is subject to punishment. (SHS Student Handbook, 12.3, p.26)
For clarifications and concerns, please contact your subject teacher.
I. Pantuno: Sagutin ng tama o mali ang sumusunod ng mga pahayag tungkol sa pagsulat. Sa akalaang linya ay
magbigay ng maikling paliwanag kaugnay ng iyong sagot.
_Tama_2. Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ay isa sa mga opisyal na wikang panturo sa mga
paaralan.
_Tama_3. Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na natutuhan mula sa elementarya hanggang high school ay
maituturing na bahagi na akademikong pagsulat.
_Tama_4. Ang sanaysay, maikling kwento, awit, at dula ay hindi kabilang o maituturing na isang akademikong
pagsulat.
_Tama_5. Ang pagsulat ng balita, pananaliksik, at iba pang korespondensiya ay bahagi ng pasulat ng pakikipag
ugnayan sa atao at sa lipunan.
_Tama_6. Mahalagang isalang-alang ang wika, paksa, at layunin sa anumang uri ng pagsulat.
2
__Tama__7. Ang paggamit ng salitang kololyal o balbal ay mahalagang bigyang-pansin sa pormal na pagsulat.
__Tama_8. Ang malikhaing pagsulat at teknikal na pagsulat ay kapwa na maituturing na akademikong pagsulat.
_Mali_9. Ang mga guro, manunulat, mag-aaral lamang ang dapat na matuto ng propesyonal na pagsulat.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
____B____1. ito ang nagsisilbing behikulo upang maisatitk ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin,
karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.
____C____2. Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng
Pagsulat
Pagsulat
_____C____5. Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos,
_____A_____6. Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na
____C_____7. Ito ang magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
2
A. wika B.paksa C.layunin D.pamamaraan ng pagsulat
SELF-ASSESSMENT:
Panuto: Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng Akademikong Pagsulat gamit ang concept map sa ibaba. Magtala
ng maikling paliwanag sa bawat katangian. Ilagay ang sagot sa Activity Sheet.
OBHETIBO
PORMAL MAY
PANININDIGA
N
Katangian ng
Akademikong Pagsulat
MALIWANAG MAY
AT PANANAGUTAN
ORGANISADO 2
2