Summary Aralin 3. Komunikasyon

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Department of Education

REGION IV – A CALABARZON
QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL
VALUES EDUCATION 8

Modyul 3. Paksa: Ang kahalagahan ng KOMUNIKASYON sa pagpapatatag ng Pamilya


 Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga magulang at mga anak ay nagbibigay daan sa mabuting ugnayan
ng pamilya sa kapwa.
 Ayon kay Dr. Manuel Dy, “Sa pagwiwika sumasalipunan ang tao”. Hindi possible ang mabuhay sa lipunan kung
walang salita o wika.
 Ang komunikasyon ay may mashigit na malalim na kahulugan kaysa sa pagsasabi ng totoo at hindi
pagsisinungaling.

Ano ang ibig sabihin ng KOMUNIKASYON?


 Ang KOMUNIKASYON ay anumang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kaniyang iniiisip at
pinahahalagahan kabilang dito ang wika, kilos, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay at mga gawa.
 Ang komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano nagpapalitan ng pasalita at di pasalitang impormasyon sa
pagitan ng mga kasapi nito. Mahalaga rin ang pakikinig sa sinasabi ng kausap at ang pag-unawa sa kaniyang mga
hindi sinasabi.
 Sa pamamagitan ng Komunikasyon, naipapahayag ng mga kasapi ng pamilya ang kanilang mga pangangailangan,
ninanais at ang kanilang pagmamalasakit. Ang bukas at tapat na komukasyon ay daan upang maipahayag ng bawat
kasapi ang pagkakaiba ng pananaw o di-pagsang-ayon gayun din ang kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa
isat-isa.
 Sa pamamagitan ng komunikasyon nagagawa ng kasapi ng pamilya na malutas ang mga suliraning dumarating.
 Ang hindi maayos na komunikasyon ay maaring maging sanhi ng madalas na pagtatalo sa pamilya, kakulangan
para malutas ang suliranin, paglalayo ng loob sa isat-isa at mahinang pagbibigkis ng mga kasapi nito.

Ano ang hamon sa KOMUNIKASYON sa pamilya sa modernong panahon?


 Ilan sa mga positibong pagbabago ay ang pagkakaroon ng mga kasapi nito ng:
a. kamalayan tungkol sa kanilang kalayaan bilang tao
b. kamalayan tungkol sa kanilang kalayaan bilang tao
c. kamalayan sa kanilang pakikipagkapwa,
d. mapanagutang pagmamagulang at edukasyon.
 Ang ilan naman sa mga negatibo ay ang:
a. Entitlement Mentality
b. Kawalang galang sa awtoridad at nakatatanda
c. Ang kahirapan sa pagsasalin ng pagpapahalaga
d. Ang legal na paghihiwalay ng mga mag-asawa
e. Kahirapan o kasalatan sa buhay
 Nag-uugat ang mga negatibong pagbabagong ito sa pamilya sa labis na materyalismo at pangingibabaw ng
paghahangad sa pansariling kapakanan bago ang pamilya.
 Ang pinakamabisang tugon dito ay ang pag-unawa sa tunay na kahulugan ng komunikasyon sa pagitan ng tao ay
tinawag ni Martin Buber na “DIYALOGO”.

Ano ang DIYALOGO?


 Ang pakikipagdiyalogo ay pagkumpirma sa pagkatao ng taong kadiyalogo. Sa pakikipagdiyalogo tinitingnan mo ang
kapwa nang may paggalang sa kaniyang dignidad kaya inilalagay mo ang iyong sarili at ibinibigay ang buong
atensyon sa pakikipagdiyalogo sa kaniya. Kaya nga sa diyalogo nakahanda kang tumayo sa tinatawag na NARROW
RIDGE o makipot na tuntunga – ito ay tinatawag na ugnayang I-THOU relationship ni Buber.
 Kung ang komunikasyon ay ginagawa upang makamit ang isang layuning pansarili o kung ang pakay na marinig
lamang at hindi ang making, hindi ito nasa isang diyalogo kundi monologo. Hindi tinitingnan ang kapwa bilang tao
kundi isang daan upang makamit ang nais, ito naman ay tinatawag na ugnayang I-IT.
 Ang DIYALOGO ay nararapat na sa pamilya nagsisimula at natutuhan – ang diyalogo ay nararapat na higit na
madali para sa isang pamilya kaysa sa hindi magkakapamilya. Kailangan lamang na pairalin ang pagmamahal na
natural na nagbibigkis sa mga kasapi nito.
 Mas magiging madali ang makinig at umunawa hindi lamang sa sinasabi kundi sa mga hindi masabi ng pamilya.
 Sa diyalogo ang mga anak ay pinakikinggan at inuunawa, madalas din silay binibigyan ng kalayaang lumahok sa
paggawa ng pasiya at tumulong sa paglutas ng problema.
 Ang mga magulang naman ay tinitingnan ng mga anak bilang mga taong bukas at may pag-unawa at buong
pagtitiwalang ipinapahayag ng mga anak ang kanilang isip at damdamin sa kanila.
 Ang PAGMAMAHAL ay ang pinakamabisang paraan ng KOMUNIKASYON sapagkat ang tunay na pagmamahal ay
ang pagkakaisa ng isip at puso ng dalawang tao.

You might also like