ESP-2nd Quarter - Modyul 10

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 10:
Komunikasyon ng Pamilya
Subukin
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang
isulat sa sagutang papel.

1. Anong uri ng pakikipag-ugnayan sa pamilya na kung saan ay dumadaan sa


proseso ng hindi pagkakaunawaan, pagbabangayan ng magkasalungat na ideya
at pagtatalo ngunit sa huli ay nagkakaunawaan at nagtutulungan upang malutas
ang problemang pinagtatalunan?
A. consensual
B. laissez-faire
C. pluralistic
D. protective

2. Anong komunikasyon naman ang pinapairal ng mga magulang na karaniwang


nagsasabi na, “Basta’t sundin mo lang ang sinasabi ko nang sa ganoon ay wala
tayong pagtatalunan dahil kami ang mas nakaaalam. Papunta pa lang kayo kami
ay pabalik na.”?
A. consensual
B. laissez-faire
C. pluralistic
D. protective

3. Gusto ni Joy na maibenta ang ibang lupang nabili nilang mag-asawa upang
ipambayad sa mga pinagkakautangan. Ngunit bago pa man niya ginawa ang
desisyong iyon ay hiningi niya muna ang opinyon ng kanyang asawa at mga anak
na nasa tamang gulang na rin. Anong komunikasyon kaya ang pinaiiral ni Joy sa
kanilang pamilya?
A. consensual
B. laissez-faire
C. pluralistic
D. protective

4. Alin sa sumusunod ang nararapat na mas pairalin na komunikasyon sa isang


tahanan?
A. consensual
B. laissez-faire
C. pluralistic
D. protective

5. Anong uri ng komunikasyong pampamilya ang ipinapakita sa sitwasyong ito, ang


mag-asawang Lina at Lando ay abala sa paghahanapbuhay kung kaya’y hindi na
nila napagtuunan ng pansin ang mga anak; hinahayaan nila ang mga ito na
magdesisyon para sa sarili sa pagnanais na makabawi sa kanilang pagkukulang?
A. consensual
B. laissez-faire
C. pluralistic
D. protective

6. Anong uri ng komunikasyong pampamilya na hindi pinahahalagahan ang


pagkakaroon ng bukas at tapat na pag-uusap ng bawat miyembro ng pamilya?
A. consensual
B. laissez-faire
C. pluralistic
D. protective

7. Anong komunikasyon na humihikayat sa mga anak na magsalita at magbahagi


ng kanilang iniisip at nararamdaman bagamat sila ay inaasahang sumang-ayon
at sumunod ayon sa kagustuhan ng kanilang magulang o nakatatanda?
A. consensual
B. laissez-faire
C. pluralistic
D. protective

8. Bakit mahalagang matukoy ang uri ng komunikasyong mayroon ang isang


pamilya?
A. dahil ito ang mahalagang katangian ng isang matatag at malakas na
pamilya
B. dahil ito ang paraan ng pasalita at hindi pasalitang pagpapalitan ng
ideya sa pagitan ng miyembro ng pamilya
C. dahil nakatutulong ito sa pagpapahayag ng pangagailangan, gusto,
damdamin, ideya, pagpapahalaga at malasakit sa ibang miyembro
D. dahil malaki ang maitutulong nito upang maintindihan ang tunay na
dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema at hindi pagkakaunawaan

9. Anong uri ng komunikasyon na kung saan ay nagkakaroon ng bukas na pag-


uusap kahit may hindi napagkakasunduan, hindi takot sa pagtatalo upang
makabuo ng epektibong paraan para malutas ang hidwaan ng pagkakaiba?
A. consensual
B. laissez-faire
C. pluralistic
D. protective

10.May suliranin si Ana sa kanyang pag-aaral at nangangailangan siya ng taong


makikinig sa kanya nang walang panghuhusga at handang magbigay sa kanya ng
payo. Naisip niya ang kanyang pamilya ngunit natatakot siya sapagkat dati pa
man ay pinapaalalahanan silang magkapatid na huwag na huwag silang bibiguin
sa inaasahan nito sa kanila. Anong uri ng komunikasyon ang ipinapairal ng mga
magulang sa kanilang tahanan?
A. consensual
B. laissez-Faire
C. pluralistic
D. protective
11.Alin naman sa sumusunod na uri ng komunikasyong pampamilya ang hindi
dapat pinapairal ng bawat pamilya sa lipunan lalong-lalo na sa kasalukuyang
panahon?
A. consensual
B. laissez-faire
C. pluralistic
D. protective

12.Sa isang pamilyang naharap sa iba’t ibang mga pagsubok sa buhay na patuloy na
humahamon sa kanilang katatagan, ano ang nararapat na komunikasyong
paiiralin sa tahanan?
A. consensual
B. laissez-faire
C. pluralistic
D. protective

13.“Sabihin mo sa akin ang iyong nararamdaman at naiisip bagamat kailangan mo


pa ring sundin ang mga payo namin sa iyo ng ama mo sapagkat ito ang
nakabubuti sa sitwasyon mo ngayon. Sana’y naiintindihan mo ang desisyon
namin sapagkat para lang din naman ito sa sariling kapakanan mo”. Anong uri
ng komunikasyon ang ipinapakita sa halimbawang ito?
A. consensual
B. laissez-faire
C. pluralistic
D. protective

14.Anong uri ng komunikasyong pampamilya na parehong hindi pinapahalagahan


ang pag-uusap at pagkakasundo?
A. consensual
B. laissez-faire
C. pluralistic
D. protective

15.Bakit mahalagang magkaroon ng bukas at tapat na komunikasyon sa bawat


miyembro ng isang pamilya?
A. para maturuan ang mga bata kung paano makipag-ugnayan sa iba
B. para hindi humantong sa pagkakahiwalay ng magulang at
pagkawatak-watak ng miyembro ng pamilya
C. para magkaroon ng ideya ang bawat miyembro tungkol sa iniisip at
nararamdaman ng ibang miyembro ng pamilya
D. para makabuo ng tahanan na kumikilala sa malayang pagpapahayag ng
pagkakaiba, pagmamahal at pagpapahalaga sa isa’t isa
Aralin

1 Komunikasyon ng Pamilya
Sa mabisang pakikipagkomunikasyon kinakailangang isaalang-alang ang
pagkakaiba sa paraan kung papaano unawain ang mga bagay sa mundo at
gawin itong gabay sa pakikitungo sa ating kapuwa.

Suriin
Mga Uri ng Komunikasyong Umiiral sa Pamilya
Hindi maikakaila na sa kasalukuyan ay nakakaligtaan na ng bawat isang
pamilya ang pagpapahalaga sa paglinang nang maayos na komunikasyon sa
tahanan. Ito ay impluwensiya ng mga pagbabagong dala ng panahon ng
teknolohiyang pagsulong. Samakatuwid, magkakaiba ng paraaan ang bawat
pamilya sa pagtugon o pagharap sa mga hamon dahil ito ay nakadepende sa uri ng
komunikasyong pinapairal sa tahanan.
Mahalagang matukoy ang uri ng komunikasyong mayroon ang isang
pamilya upang matulungan ang bawat kasapi na maunawaan ang kahalagahan
nang maayos na komunikasyon sa paghahanap ng solusyon sa tunay na pinag-
uugatan ng problemang kinakaharap. Sa paraang ito nakasalalay ang katatagan at
pagkakaisa ng isang pamilya.

Ang komunikasyong pampamilya ay nahahati sa apat na uri, ito ay ang


consensual, pluralistic, protective at laissez-faire (Cuncic 2019).

Consensual
Ang uri ng komunikasyon na naghihikayat sa anak na magbahagi ng iniisip
at nararamdaman ngunit sa huli ay desisyon pa rin ng magulang ang masusunod
na hindi man lang isinasaalang-alang ang anumang opinyon nito. Sa uring ito ay
nakakulong at kontrolado ang pagpapahayag ng mga bata sa inaasahan ng
magulang bagaman ay unti-unti namang mapahahalagahan ng mga bata ang
pagkakaroon ng komunikasyon at matutuhan ang sistema ng pagpapahalaga ng
pamilya.

Anak pagpupulis ang iyong Pero, itay tinatanong mo ako


kursong kukunin sa kung anong kurso ang gusto
kolehiyo. Pangarap namin kong kunin, pero ang gusto niyo
ito ng nanay mo para sa iyo. pa rin ang nasusunod.
Makatutulong ka rin naman
sa iyong kapuwa.
Pluralistic
Ang uri ng komunikasyon na kumikilala sa pagkakaroon ng bukas na pag-
uusap na walang panghihigpit at humihikayat sa bawat kasapi ng pamilya na
magbahagi ng ideya o opinyon. Sa paraang ito ay nababawasan ang pagkakaroon
ng negatibong damdamin at makabubuo ng epektibong paraan para malutas ang
hidwaan ng pagkakaiba.

Dahil iyon ang gusto mong


kurso at pumayag naman ang Salamat po itay.
nanay mo. Oka sige.
Protective
Ito ang uri ng komunikasyon na kailanman ay hindi pinapahalagahan ang
pagkakaroon ng bukas na pag-uusap at ang magulang ay may mataas na
pamantayan sa inaasahan sa kanyang anak. Sa uring ito ay madalang o bihira
lamang ang pag-uusap na maaaring makabubuo ng mas mataas na antas ng
negatibong damdamin.

Dahil matalino ka, Nakapagdesisyon na


ito ang kursong kayo eh!
gusto namin para sa
iyo ng nanay mo.

Laissez-Faire
Ito ang uri ng komunikasyon na kung saan ay malaya ang mga miyembro ng
pamilya na gumawa ng kanilang gusto, maliit lamang ang oras ng pag-uusap at
bihirang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Sa komunikasyong ito ay
hinahayaan lamang ang anak na gumawa ng sariling desisyon datapuwa’t hindi
matutunan ng bata ang kahalagahan ng pag-uusap o komunikasyon at maaari rin
niyang pagdudahan ang kakayahan sa paggawa ng desisyon dahil walang
masyadong suporta mula sa magulang o ibang kasapi ng pamilya.

Nay, nais ko po sanang kumuha ng


Huwag mo na
nursing sa kolehiyo. Sa tingin niyo
akong abalahin
maganda kaya iyon?
sa mga bagay na
iyan. Ikaw na ang
bahala!
Mayroon din tayong tinatawag na karaniwang uri ng komunikasyon ito ay;
pasalita o pasulat, di-pasalita at virtual na komunikasyon.

 Ang pasalita o pasulat


Ang komunikasyong gumagamit ng salita upang maipahayag ang
iniisip o nararamdaman patungkol sa isang tao o bagay na pag-uusapan.
 Ang di-pasalitang
Ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng damdamin o gusto sa
pamamagitan ng ekspresyon ng mukha, senyas, pandama, mata, galaw o
kilos ng kamay, pananamit, tunog at iba pang paraan na hindi gumagamit
ng salita.
 Virtual
Ito naman ay tumutukoy sa anumang pagpapahayag na dumadaan sa
midyum na makabagong teknolohiya gaya ng kompyuter at internet.
Halimbawa, video chat at email.

Bilang tao ay malaya tayong pumili ng paraan sa pagpapahayag ng


mensaheng nais ipaabot sa kapwa. Hindi tayo pinipilit kung paano ang maayos na
pakikipagkapwa bagkus dapat nating isaisip na ang paraang gagamitin ay dapat
makatutulong sa ikaaayos ng paghahatid ng mensahe at ikagaganda ng relasyon
sa ibang tao.

Ang pagpili ng komunikasyong paiiralin sa pamilya o lipunan ay isang


malaking hamon sa bawa’t isa lalong-lalo na makabagong panahon na laganap ang
paggamit ng teknolohiya. Mas nagkakaroon pa ng interaksiyon sa social media
kaysa sa pamilya, mas maraming oras sa paggamit ng makabagong teknolohiya
gaya ng cellphone, laptop, telepono kaysa makipag-usap sa personal. Bagama’t ang
mga pagbabagong ito ay hindi naman talaga ang pinakaproblema kung hindi,
paano tayo tumugon sa mga pagbabagong ito. Halimbawa, hindi puwedeng sabihin
na cellphone ang sanhi kung kaya wala ng maayos na komunikasyong nagaganap
sa inyong tahanan sapagkat ang tunay na dahilan ay kung anong uri ng
komunikasyon ang inyong pinaiiral sa bahay.

Bawat pamilyang Pilipino ay magkaiba ng komunikasyong pinaiiral sa kani-


kanilang pamamahay dahil sa magkaibang kultura na nakakaimpluwensiya sa
ating pagkatao mula pa man sa ating pagsilang, ang iba naman ay dahil sa
sitwasyong kinalalagyan ng bawat miyembro ng pamilya. Halimbawa ay malayo sa
piling ang pamilya dahil kailangan magtrabaho sa ibang bansa para maibigay ang
mga pangangailangan nito. Sa sitwasyong ito ay natural lang na ang uri ng
komunikasyong mamamagitan sa pamilya ay virtual. Ang paniniwala, kalagayan,
karanasan, pagpapahalaga na ating kinalakihan ay siyang humuhubog sa ating
pagkatao.
Matapos mong malaman ang mga uri ng komunikasyon, alin sa mga ito ang
angkop na naglalarawan sa uri ng komunikasyong umiiral sa inyong pamilya? Alin
man sa mga uring ito ang pinapairal sa inyong pamilya nawa ay makapagbibigay
ka ng puna at mahihinuha kung alin ang dapat panatilihin, baguhin at paunlarin
upang patuloy na mapatatag ang relasyon sa pamilya.
Ang pamilyang mayroong bukas at tapat na komunikasyon ay isang
tahanang kumilala sa malayang pagpapahayag ng pagkakaiba, pagmamahal at
pagpapahalaga sa kapuwa.

WRITTEN WORK

Gawain 4. Tanong Mo! Sagot Ko!


Unawain mabuti at sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Paano naging hamon sa komunikasyon ng pamilyang Pilipino ang pagbabagong dala ng


modernong panahon?
2. Ano nga ba ang totoong hamon sa komunikasyon, ang pagbabagong dala ng modernong
panahon o ang paraan ng pagtugon natin sa mga pagbabagong ito?

3. Sa tingin mo, bakit may iba’t ibang uri ng komunikasyon ang umiiral sa bawat isang
pamilyang Pilipino?

PERFORMANCE TASK

Gawain 7. Obserbasyon Ko! Puna Ko!


Gumawa ng isang obserbasyon sa uri ng komunikasyon na umiiral sa inyong
tahanan o lipunan at isulat ito sa talahanayang nasa ibaba pagkatapos ay tukuyin
kung anong uri ito ng komunikasyon napapabilang. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Sitwasyong Obserbasyon Uri ng Komunikasyong


Umiiral

You might also like