Aktibiti 1 Filipinolohiya

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Pangalan: Petsa:
Kurso/Seksyon: Iskor:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng teksto. Sagutin nang komprehensibo
ang mga sumusunod na katanungan. (R x 5)

“SOCIAL MOVEMENTS”

Ano nga ba ang social movement? Para sa akin, ito ang pagsasama-sama ng iba’t ibang
mga taong may iisang hinaing, layunin o di kaya nama’y nais iparating sa mga nakaupo. Ito ay
ang isa sa mga pinakamabisang paraan upang marinig ng mga nasa itaas ang nais na
pagbabago ng taong bayan. Malaki ang gampanin ng mga social movement sa ating bansa
‘pagkat pinasisimulan nito ang pagsaboy ng malamig na tubig sa gobyerno upang sila’y
magising at makita ang paghihirap na dinaranas ng mamamayan nito.

Paano kung walang social movement? Kung wala nito, marahil ay wala rin ang mga bagay-
bagay na tinatamasa natin ngayon. Marahil wala pa ring malakihang pagbabagong lubos na
nakatutulong sa taong bayan. Kung walang social mvements hindi na maipaaabot ng taong
bayan ang mga simpleng kahilingan na malaki ang maiaambag sa lipunan.

Ang mga halimbawang nabanggit sa teksto tulad ng Edsa Dos ay isang patunay na
napakalaki ng naitutulong ng pakikibaka ng mga tao upang sila’y marinig. Sa Edsa Dos, alam
nating napatalsik si Estrada sa pwesto hindi lamang dahil sa kanyang kaso kung hindi dahil
ang taong bayan ay lumaban at hindi tumgil hangga’t hindi nila nakakamit ang kanilang
isinisigaw.

Maraming tao ang walang simpatya sa mga social movements o di kaya nama’y tingin sa
mga nagra-rally ay mga panggulo sa lipunan kaya naman tatanungin ko kayo, mali bang taas
noo mong ipaglaban ang karapatan na dapat ay ibinibigay sa iyo ngunit hindi mo makamit dahil
sa mga mapang-abusong kamay ng gobyerno o ng mga naghaharing uri?

Ang tekstong ito’y napakahalagang mabasa ng mga taong hindi marunong o may takot na
isigaw ang kanilang mga daing. Dapat ay malaman natin na ang mga social movement ay
maaaring magdigta ng kung ano ang hinaharap na naghihintay sa ating bayan. Kung baga’y
para itong kabataan na kung tawagin nila’y “pag-asa ng bayan.”

1. Ano ang nilalaman ng tekstong binasa? Paano tinalakay ng may-akda ang nilalaman nito
hinggil sa pangyayari na nagaganap sa bansa?

1
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA

2. Paano iminulat ng may-akda ang kanyang sarili sa mga nagaganap sa kanyang paligid?
Anong kamalayan mayroon ang may-akda? Ano ang kaugnayan ng teksto sa Filipinolohiya?

3. Ano ang kaugnayan ng teksto sa Filipinolohiya?

2
Republika ng Pilipinas
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS
Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
4. Ano ang Filipinolohiya? Ano ang pangunahing layunin nito?

*Paalala: Isaalang-alang ang paggamit ng wastong ispeling at gramatika sa pagsagot.

You might also like