MIDTERM EXAM Buhay Mga Sinuat at Gawa Ni Rizal 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

RepublikangPilipinas

Commission on Higher Education


Polytechnic University of the Philippines
Santa Rosa, Laguna

MIDTERM SA MALAYUNING KOMUNIKASYON

Pangalan: DEL VALLE, Margarete S. Iskor: ________________________


Kurso/Seksyon: BSA 1-1 Guro: Sir. Laguerta

Midterm sa Buhay, Mga Gawain at Sinulat ni Rizal

PangkalahatangPanuto: Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng pangongopya o pandaraya sa pasulit


na ito. Ang pagsusulit na ito ay sasagutan lamang sa loob ng 2hrs magsisimulang 9:30 at matatapos ng 11:30
ng umaga sa bawat tugon dapat nagtataglay ito ng basehan o basis na magpapatunay ng kawastuhan at bigat
ng kasagutan na batay sa inilahad na patunay. 10pts bawat isa.Bibigyan lang kau ng 10 minutong dagdag sa
itinakdang oras ng pagpapasa. Ang inyong guro ay nakamonitor sa oras ng pagpapasa.

1. Talakayin ang Batas Republika 1425.Ilahad ang mahahalagang puntos

Ang Batas Republika 1425 o mas kilalang Batas Rizal ay binigyan bisa upang palawigin ang kaalaman
ng mga estudyante sa kolehiyo tungkol sa mga akda at talambuhay ni Rizal . Inilahad ito ng dating senador
Claro M. Recto upang pagtibayin ang pagmamahal sa bayan ng mga kabataan at mamulat sa mga
nangyayari. Sa gitna ng panlabas at panloob na mga panlipunang suliraning kinaharap ng bansa noong
1950’s, naniwala si Recto na ang pag-aaral sa buhay at akda ni Rizal ang gigising sa natutulog na damdaming
makabayan ng mga Pilipinong mag-aaral. Inihapag sa Senado ni Sen. Jose P. Laurel ang isang panukalang
batas (Senate Bill 438, “ An Act to Make Noli Me Tangere and El Filibusterismo Compulsory Reading Matter in
All Public and Private Colleges and Universities and for other Purposes”. ) na naglalayong pag-aralan ang
buhay at mga akda ni Jose Rizal noong Abril 17, 1956. Si Sen. Laurel bilang Tagapangulo ng Senate Committee
on Education ang naghapag nito, subalit ang orihinal na panukala ay inakda ni Sen. Claro M. Recto. Ang
panukalang ito ay tumanggap ng maraming mga pagbatikos mula sa mga Katolikong Senador Sapagkat sa
isang pastoral letter na inilabas ng Simbahang Katoliko, binabanggit na sa 333 pahinang edisyon ng nobela ni
Rizal, 25 bahagi lamang ang naglalaman ng makabayang damdamin. 120 naman ay inilaan ni Rizal bilang
pang-atake sa Simbahang katoliko. Kasama rin sa nasabing pastoral letter ang pagbanggit sa 170 bahagi
mula sa Noli at 50 bahagi mula sa Fili na naglalayong sirain ang magandang imahe ng Simbahang Katoliko. At
sa dami ng bumatikos ay binigyan bisa pa rin ito at mahigit 50 na taon na itong pinapatupad sa iba’t ibang
kolehiyo.

2. Ibigay ang tatlong (3) teknikal na katuturan ng Bayani.Magbigay ng halimbawa sa buhay ni Rizal na aayon
sa bawat katuturan.

Ayon kay Dr. H. Otley Beyer, dalubhasa sa Atropolohiya at teknikal na katulong ng Komisyon
napagkasunduan ng lupon na maging pamantayan sa pagpili ng bayani ang mga sumusunod: 1. Pilipino 2.
Yumao na 3. May matayog na pagmamahal sa bayan na naayon sa buhay ni Rizal. Ang magulang nya na si
Francisco Mercado at Teodora Alonso ay parehong Pilipino. At nang sya ay binaril sa Bagumbayan yumao si
Rizal noong ika-30 ng Disyembre 1896. At kaya pinili si Rizal dahil sya ang kauna unahang Pilipino na umakit
upang ang buong bansa ay magkaisang maghimagsik laban sa mga Kastila gamit ang kanayang akda na Noli at
El Fili na nagbukas sa isipan ng bawat Pilipino at nagsisilbing larawan ng kapayaan si Rizal.
3. Talakayin ang mga kaganapan sa mundo at Pilipinas sa ika-19thdaantaon.

Noong ika-19 na siglo, binuksan ng Espanya ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan at, kaugnay nito, sa
mga lumalaganap na kaisipan sa Europa. Taong 1834 binuksan ang mga daungan ng Maynila at mula 1855
hanggang 1873, anim pang daungan ang nabuksan. Taong 1869 naman ng nabuksan ang Kanal ng Suez, na
nagpaikli ng oras sa paglalakbay mula sa Europa tungong Pilipinas. Dahil dito, ang pagsasaka sa Pilipinas ay
nabago mula sa dating pansariling konsumo lamang tungo sa pag-eksport ng mga cash crops tulad ng tabako,
asukal, at abaka. Ang kaakibat nitong pag-usbong ng ekonomiya ay nagpayaman sa ibang mga Pilipino.
Marami sa kanila ay nakapag-aral sa Maynila at sa ibang bansa.
Sa pagpupumilit ng mga mamamayan sa reporma, pinagbigyan ng Espanya ang ibang kahilingan para rito.
Nagkaroon, bagaman sa maikling pagkakataon, ng representasyon ang Pilipinas sa Cortes (1810-1837).
Noong 1863, ipinatupad ng pamahalaang Espanya ang isang batas para sa isang sistema ng pampublikong
edukasyon. Isang rebolusyon nanan sa Espanya ang nagpaalis sa Reyna Isabella II sa trono noong 1868 at
naitatag ang Unang Republika nito. Iniluklok si Heneral Carlos Maria de la Torre, isang liberal, bilang
gobernador-heneral ng Pilipinas. Binuwag niya ang censorship at binigyan ang mga Pilipino ng mga karapatan
sa pagpapahayag at pagtitipon, na naaayon sa 1869 Konstitusyon ng Espanya. Sa kasamaang palad, pinalitan
agad siya ni Rafael de Izquierdo noong 1871 at tinanggal nito ang mga pagbabago.
Hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang mga repormista. Inilimbag ni Jose Rizal ang mga nobela niyang
Noli Me Tangere (1886) at El Filibusterismo (1891). Kahit na ipinagbawal ng mga Kastila ang mga ito, marami
sa mga Pilipino ang nakapagbasa ng mga nasabing libro. Itinatag ni Graciano Lopez-Jaena ang La Solidaridad
noong 1889 bilang bahagi ng Kilusang Propaganda. Nagtatag din si Rizal ng isang kilusan, ang La Liga Filipina,
noong 1892. Ngunit siya ay inaresto at ipinakulong sa Dapitan. Nang malaman ang pagkaaresto ni Rizal,
itinatag naman ni Andres Bonifacio ang Katipunan, na naghahangad ng kalayaan. Nalaman ng mga Espanyol
ang tungkol sa Katipunan at maraming kasapi nito ang dinakip. Bilang tugon, nanawagan si Bonifacio ng
pakikipaglaban sa mga Kastila, sa Sigaw ng Balintawak noong ika-26 ng Agosto, 1896.
Ang Tejeros Convention noong 1897, bumuo ang mga ilustrado ng isang pamahalaang rebolusyonaryo
bilang kapalit ng Katipunan at ihinalal si Emilio Aguinaldo bilang pinuno nito. Nagkaroon ng pagkakahati sa
loob ng Katipunan at ipinaaresto si Bonifacio at ipinapatay ito noong ika-10 ng Mayo, sa taon ding iyon.
Nagkaroon ng isang kasunduan sa Biak-na-bato. Nagpunta sina Aguinaldo sa Hong Kong, kapalit ng
US$800,000 at pagtigil ng labanan. Nakipagkasundo sila sa Estados Unidos upang labanan ang mga Espanyol.
Noong ika-25 ng Abril, 1898, idineklara ang Estados Unidos ng pakikidigma sa mga Espanyol. Hinarang ng
mga Pilipino ang Maynila upang kunin mula sa mga Espanyol. Ipinahayag ni Aguinaldo ang kasarinlan ng
Pilipinas noong ika-12 ng Hunyo, 1898 sa Kawit, Cavite. Ngunit ang Espanya ay nakipagkasundo sa Estados
Unidos sa pagpapalit ng pamunuan sa Pilipinas. Nagkaroon ng huwad na labanan ng Maynila, na kung saan
ay “nasakop” ito ng mga Amerikano noong ika-13 ng Agosto, 1898. Ibinenta ang Pilipinas, Guam, at Puerto
Rico sa Estados Unidos sa halagang US$20 milyon noong ika-10 ng Disyembre, 1898 sa pamamagitan ng
Kasunduan sa Paris.
Ang karapatan ng mga mamamayan sa edukasyon ay hindi pa sapat na naibibigay ng estado. Maging ito
ay ginagamit upang pigilin ang mga Pilipino na maging kritikal sa mga pangyayari. Laganap pa rin ang
paniniwala ng karamihan na ang pagiging matanong ng mga kabataan ay hindi nakakabuti. Sa larangan
naman ng paggawa ay halos wala pa ring pagbabago. Karamihan sa mga manggagawa ay inaapi at hindi
nabibigyan ng sapat na suweldo. Malaki rin ang impluwensiya ng mga mayayaman sa mga patakaran sa
pamahalaan. Isa sa mga patunay rito ay ang North Expressway sa may lugar ng Pampanga at sa mga daanan
sa Negros. Ang mga ito ay humahati sa kalagitnaan ng taniman ng asukal at kaakibat nito ay isang malawak
na network ng mga daan sa buong lupain.

4. Ipaliwanag ang konseptong bayani at heroe. Magbigay ng halimbawa.

Sa mitolohiya, ang Hero ay isang taong nagtataglay ng katapangan, lakas, at pinapaboran ng mga diyos.
At sa modernong kahulugan naman ang isang Hero ay: isang taong nakikilala ang katapangan at kakayahan,
isang taong gumagawa ng mabubuting gawa para sa higit na kabutihan ng iba, at kadalasan kumikilosng mag-
isa lamang. Habang ang isang Bayani ay isang taong nakikipaglaban sa kanyang 'bayan' o pamayanan.
Maraming mga bayani ng Pilipino ang nakipaglaban at namatay para sa Pilipinas, ilan dito ay sina Jose Rizal,
Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, at marami pa. Maaari silang isaalang-alang bilang tradisyonal na Bayani,
isang taong nakipaglaban para sa mga tao ng kanyang pamayanan at para sa kanilang higit na kabutihan, at
namatay kapalit.

Ang isang modernong Bayani ay maaaring maging sinumang nagsakripisyo kahit na ang pinakadulo ng
mga bagay para sa kapakinabangan ng iba. Ang isang mabuting halimbawa para sa isang modernong Bayani ay
si Efren Peñaflorida. Sinasakripisyo ni Peñaflorida ang kanyang oras at pagsisikap para lamang magturo sa mga
kabataan ng paaralan sa isang simpleng silid-aralan ng pushcart. Maaaring hindi siya namatay para sa bansa,
ngunit tumugon siya sa mga pangangailangan ng iba - edukasyon. Ngayon, kahit sino ay maaaring maging
isang Bayani. Isang Bayani na maaaring isakripisyo ang pinakasimpleng mga bagay tulad ng: oras, pagsisikap, at
kaalaman para sa mga nangangailangan. Hindi natin kailangang mamatay tulad ng tradisyonal na Bayani;
ngunit sa halip isang simpleng gawa ng kabaitan ay maaaring maging halaga sa isang tao.

5. Sa iyong palagay si Rizal ba ay separista o isang repormista.Magbigay ng patunay

Para sa akin ay maituturing kong isang repormista si Rizal sapagkat nagnanais sya ng pagbabago sa
pamamagitan ng malinis at mapayapang paraan. Kaya nga nya isinulat ang kanyang akda na Noli Me Tangere
at El Filibusterismo ang mga nobelang ito ay nagsisilbing palatandaan sa mga nangyari nung nakaraan.
Napakadaming matutunan sa nobelang ito tulad ng reporma, rebolusyon at kasaysayan upang buksan ang isip
ng bawat Pilipino. Isa sya sa lider ng Kilusang Propaganda na nais maging parte ang Pilipinas sa Espanya,
magpahayag ng balita, magkaroon ng sekularisasyon ng bawat parokya at magkaroon ng pantay na karapatan
ang mga Pilipino.

6. Batay sa mga sulatin ni Rizal, talakayin at ipaliwanag ang pananaw ng bayani sa mga sumusunod na
konsepto: (20pts.)

a. bansa –

Si Sisa ang konsepto ng bansa sa kanyang akda. Dahil sa kalupitan at pang-aabuso unti unti na
nawawala ang kayang sarili sa kamay ng ibang tao. Dahil malaki ang ginagampanan niya sa kuwento at
lipunan, mula noon hanggang ngayon. Makikita mo ang: (1) pagmamahal niya sa pamilya at (2) sakit ng
lipunan - partikular ang kahirapan at diskriminasyon.

b. relihiyon–

Sa pamamagitan ng imahe ni Padre Damaso at Padre Salvi naihahayag nito ang kalupitan at pang-
aabuso ng mga prayle sa panahon ng pananakop ng mga Kastila.

c. edukasyon–

Ang problema sa sistema ng edukasyon at sa propesyon ng pagtuturo na nailahad sa kapitulo ika-19 ng


Noli na pinamagatang “Mga Kinasapitan ng Isang Maestro sa Escuela.” Nabanggit sa kabanatang ito ang
paghihirap ng isang guro na gampanan ang kanyang bokasyon dala ng mga problemang kanyang kinakaharap
sa pagtupad sa kanyang tungkulin.

Una, ang pagnanais ng guro na turuan ng wastong paggamit ng wikang Kastila ang mga bata ay
hinahadlangan ng impluwensya at pangbubuska ng prayleng si Padre Damaso. Ang klase ng maestro ay
isinasagawa sa isang kwarto sa kumbento, katabi ng silid-pahingahan ng paring Pransiskano. Hindi na iba sa
pari ang pagalitan ang mga mag-aaral, pati na ang guro kapag naiistorbo ang kanyang paghilik sa kanyang silid.
Ipinakikita rin sa kabanata ang dimensyong pulitikal ng paggamit ng wika sa konteksto ng edukasyon.
Iminungkahi ni Damaso sa guro na “magkasya na lamang sa sariling wika” nang ito’y nangahas na kausapin ang
pari sa wikang Kastila. Makikita rito ang mataas na pagtingin sa wikang dayuhan bilang, ayon nga sa isang
kolumnista ay, “wika ng mga aral.” Sa kabila ng sinserong hangarin ng maestrong Indio na ituro ang
“nakatataas” na linggwahe sa ikagagaling ng kanyang mga kamag-aral, tinapakan ng pari ang kabutihang-loob
ng guro sa pagpapahiwatig na tila ilang piling tao lamang ang nararapat na matuto ng wikang mistulang
kabanal-banalan. Maihahalintulad ito sa klase ng sistemang pang-edukasyon na nagtatakda na iilang seksyon
lamang sa pampublikong paaralan ang nararapat na mag-aral ng mga piling asignatura, samantalang ang iba ay
nararapat na lamang magkasya sa nababagay sa kanila.

Bukod rito ay ipinamalas rin ni Rizal kung paanong hawak sa leeg ng mga nasa kapangyarihan ang mga
tao sa loob ng institusyon na naghahangad ng reporma mula sa kanilang kinalalagyan. Nang dahil sa
pagkapako sa maliit na sahod at hindi kasiguruhan ng tenyur, hindi mailahad ng maestro ang hindi pagsang-
ayon sa mga alituntunin at ideyang isinasampal sa kanya ng pari

Dagdag dito’y hindi lingid sa kaalaman ng maestro na ang klase ng gurong kinalulugdang asal ng
Simabahan at Espanya sa mga kaguruan ay ang “matutong magtiís, magpacaalimura, huwág cumilos,” hindi
ang pagiging marunong at masipag magturo.

d. pamahalaan–

Karakter ni Kapitan Tiago ay nagrerepresenta sa pamahalaan ng Kastila noon sapagkat mas pinipili nito
talikuran ang sariling bayan para sa kanyang sariling kagustuhan. Si Don Tiburcio ang sumisimbolo sa mga
mangmang na kastila na nagbibigay ng kapahamakan sa mga probinsiya noong mga panahon ng kastila.
Hinayaan nalang ng kanyang mga kapwa Kastila ang kanyang mga nagawa sapagkat ayaw nilang maging
pasakit ito sa kanila.

e. hustisyang panlipunan –

Sinisimbolo ni Crispin ang mga inosenteng inakusahan sa mga kasalanang hindi nila ginawa. Ang
kawalan ng hustisya na kanilang pinagdaanan sa mga kamay ng awtoridad noong kanilang panahon ay
nawalan ng ingay sa pamamagitan ng pagpatay sa kanila at pagbibigay ng kwento na hindi totoo

You might also like