ESP Grade-1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD
MAYNILA

PANAPOS NA PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1
S.Y. 2019-2020

I. PANUTO: BASAHING MABUTI ANG MGA SUMUSUNOD NA TANONG. PILIIN ANG TITIK
NG TAMANG SAGOT AT ISULAT SA SAGUTANG PAPEL.

1. Alin ang nagpapakita ng kanyang angking kakayahan?


A. Sumasali sa palatuntunan sa paaralan.
B. Nagtatago kung tatawaging sumayaw.
C. Umiiyak kung pipiliting sumali sa sayaw.
D. Ikinahihiya ang galing sa pagsayaw.

2. May paligsahan sa pagguhit sa paaralan. Mahusay ka sa pagguhit. Ano ang


gagawin mo?
A. manahimik sa tabi C. sasali sa paligsahan
B. liliban sa klase D. magtatago sa bahay

3. Ano ang magiging damdamin mo kapag ikaw ay nanalo sa laro?


A. masaya C. malungkot
B. magagalit sa kalaro D. magtatampo sa kalaro

4. Sa pagpapakita ng ating talento, tayo ay nagiging _____.


A. masaya C. mahiyain
B. malungkot D. takot

5. Alin ang dapat gawin upang maging malinis at malusog ang katawan?
A. Maglaro sa putikan.
B. Maligo araw-araw.
C. Maghilamos ng mukha araw-araw.
D. Maligo sa ulan.

6. Aling gamit sa paglilinis ng katawan ang HINDI dapat ipahiram sa iba?

A. B. C. D. lahat ng nabanggit

1
7. Alin ang tamang inumin ng isang batang katulad mo?

A. B. C. D. wala sa nabanggit

8. Aling mga pagkain ang kailangan natin upang maging malusog?

A. B. C. D. titik B at C

9. Alin sa mga sumusunod ang masama sa kalusugan?


A. Mag-ehersisyo palagi. C. Magsipilyo ng ngipin.
B. Maglaro sa tubig baha. D. Kumain ng gulay.

10. Bago at pagkatapos kumain, ano ang dapat gawin?


A. Maghugas ng kamay.
B. Maghugas ng paa.
C. Maghilamos ng mukha.
D. Maglaro sa labas.

11. Tinatawag ka ng iyong nanay, ano ang dapat mong gawin?


A. Hindi siya papansinin. C. Sisigawan siya.
B. Sasagot kaagad. D. Tatakbo palayo.

12. Nakita mong maraming ginagawa ang nanay, ano ang dapat mong gawin?
A. Tutulungan C. Pagtatawanan
B. Hahayaan lang D. Maglalaro

13. Nakita mong dumating ang tatay mo buhat sa trabaho. Ano ang dapat mong
gawin?
A.Hindi papansinin C. Magmamano
B. Titingnan lang D. Manood ng telebisyon

14. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang?


A. Sinisigawan ang magulang
B. Nagmamano sa sa tatay at nanay
C. Pinagtatawanan ang matanda
D.Hindi sumusunod sa utos

2
15. Sa paanong paraan mo ipapakita ang pagmamahal sa iyong mga magulang?
A. Pagsunod sa kanilang mga utos
B. Pagsuway sa kagustuhan nila
C. Pagsisinungaling
D. Pagdarabog

16. Ang gumagalang sa mga matatanda ay______________.


A. pinaparusahan C. kinamumuhian
B. nagkakasala D. pinagpapala

17. Alin sa mga sumusunod ang tamang pakikitungo sa mga kasambahay?


A. Pasigaw kung mag-utos
B. Pagalitan kung mali ang ginawa
C. Kausapin nang mahinahon
D. Palalayasin

18. Nais mong utusan ang inyong kasambahay. Ano ang sasabihin mo?
A. “Hoy , gawin mo nga ito!”
B. “Bilisan mo nga dyan sa ginagawa mo!”
C. “Pakigawa nga po ito.”
D.“Ang bagal mong kumilos.”

19. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin sa mga kasambahay?


A. utusan sa lahat ng oras C. saktan
B. sigawan D. mahalin

20. Humihingi ng tulong at nakikiusap ang inyong kasambahay. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Tutulungan siya C. Magtatago ka
B. Hindi papansinin D. Pababayaan lang

21. Naglalaro ang iyong mga nakababatang kapatid. Maya-maya pa ay narinig mong
sila ay nag-aaway na. Ano ang iyong gagawin?
A. Sisigawan ko sila.
B. Ipapaalam ko ito sa aking nanay.
C. Pipigilan at aawatin ko sila.
D. Panonoorin ko sila.

3
22. Bawat isa sa inyong magkakapatid ay may nakatakdang gawaing-bahay. Upang
maiwasan ang di pagkakasundo ito ay:
A. dapat mong gawin
B. ireklamo sa inyong magulang
C. ipagawa sa nakababatang kapatid
D. iutos sa katulong

23. Kinausap kayo ng inyong magulang. Pag-uusapan ninyo kung ano ang dapat
gawin upang maiwasan ang hindi pagkakasunduan sa paggamit ng computer. Ano
ang gagawin mo?
A. Pakikinggan mo ang mungkahi ng bawat isa.
B. Ipipilit mo ang gusto mong mangyari dahil ikaw ang bunso.
C. Umiyak ka para piliin ka ng nanay.
D. Magtatampo ka sa magulang.

24.Hindi sinasadyang nagalaw ng iyong kapatid ang mesa kung saan ikaw ay
nagsusulat ng iyong takdang aralin. Ano ang iyong gagawin?
A. Magagalit ka sa kanya.
B. Pagpapasensiyahan mo siya.
C. Papaluin mo siya.
D. Magsusumbong ka kay Nanay.

25. Malabo ang mata ng iyong kapatid. Hindi na niya gaanong nababasa ang mga
salita lalo na kung ito ay malayo. Ano ang gagawin mo?
A. Tutulungan ko siyang magbasa.
B. Itatago ko ang kanyang salamin.
C. Hindi ko siya papansinin.
D. Yayayain kong maglaro na lang.
E.

II. PANUTO: BASAHIN ANG KWENTO AT SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA TANONG.
PILIIN LAMANG ANG TITIK NG TAMANG SAGOT AT ISULAT SA SAGUTANG PAPEL.

Madasalin ang pamilya Vargas. Sama-sama silang nagsisimba kung Linggo.


Bago kumain, ang bunso na si Bianca ang nangunguna sa pagdarasal. Si Clark
naman ang nagdarasal ng pasasalamat pagkatapos kumain.
“Mga anak, huwag tayong makalimot sa pagsisimba at pagdarasal sa Diyos
upang lagi niya tayong pagpapalain”, wika ng kanilang ina.

4
26. Kaninong pamilya ang madasalin?
A. Pamilya Gavino C. Pamilya Ventura
B. Pamilya Santos D. Pamilya Vargas

27. Sino ang nangunguna sa pagdarasal bago kumain?


A. si nanay C. si tatay
B. si Clark D. si Bianca

28. Sino naman ang nangunguna sa pagdarasal pagkatapos kumain?


A. Si tatay C. si nanay
B. Si Clark D. Si Bianca

29. Ano ang payo ng ina sa kanyang mga anak?


A. Huwag makalimot sa pagsisimba at pagdarasal sa Diyos.
B. Huwag umasa sa iba.
C. Matutong tumayo sa sariling paa.
D. Kumain nang sabay-sabay.

30. Ano ang aral na ipinapahiwatig ng kwento?


A. Pagiging maagap C. Pagiging mapagpasalamat sa biyaya
B. Pagiging masunurin D. Pagiging magalang

You might also like