Maikling Kuwento 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Pagsulat ng Maikling Kuwento

1. Paksa
a.Gabay sa Pagpili ng Paksa

Gabay sa Pagpili ng Paksa

Ang Paksang-diwa o Tema


 ay siyang pangunahing kaisipan ng kuwento, ng pangkalahatang pagmamasid sa buhay ng may-akda na
nais niyang ipabatid sa mambabasa. Hindi ito dapat ipagkamali sa sermon o aral. Hindi sapat na sabihing
tungkol sa pagiging ina ang tema. Paksa lamang itong matuturingan.
 Ilahad ito nang ganito, “Kung minsa’y puno ng pagkasiphayo kaysa kaligayahan ang pagiging ina,”
(Tambuli, 1990). Kumbaga, ang paksa ay ang siyang pinag-uusapan sa kuwento at ang tema naman ay
ang siyang nagsasabi tungkol sa kung ano ang pinag-uusapan.
 Bagamat ang isang manunulat ay hindi nahihirati sa iisa lamang na paksang-diwa, madaling makilala ng
mambabasa ang kuwentong kanyang babasahin matapos niyang mabasa ang pamagat at ang may-akda
nito. Katulad ni Genoveva E. Matute, ang kanyang ibang akda ay kasasalaminan ng kanyang mga
karanasan sa buhay na pinatitingkad ang kulay ng mga tauhang kanyang pinili. Ang buhay ang
pangunahing paksa ng mga akda ni Matute.
Pagpili ng Paksa 
 Ito ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng salaysay.        
 Kailangan ito ay maganda at kawili-wili.
 Bukod dito, mahalaga rin ito ay napapanahon at may dalang pakinabang o kabutihan sa mga babasa. 
Gabay sa Pagpili ng Paksa 
1. Kawilihan ng Paksa 
Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang damdaming pantao, may kapanapanabik na
kasukdulan, naiibang tunggalian, at  may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at
tagpuan. 
2. Sapat na Kagamitan 
Mga datos na pagkukunan ng impormasyon. 
3.Kakayahang Pansarili 
Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan at  hilig ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook 
Ang kagandahan ng isang kwento ay nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng
panahon at pook na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong
sakop ng salaysay at pagbangggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa 
Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kanya pansariling kasiyahan at kapakinabangan kundi para
sa kanyang mga  mambabasa. 

You might also like