Banghay Aralin SP7

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MALA- MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Matutukoy ng mga mag-aaral ang literal at interpretatib na pagpapakahulugan.
b. Napapahalagahan ang mga payo o bilin ng magulang.
c. Nakasusulat ng isang tula bilang tugon sa tulang payo ng magulang.

II. PAKSANG –ARALIN


Tula – Ang Guryon ni Idelfonso Santos
Sanggunian: Hiyas ng Lahi ( Panitikan, Gramatika, Retorika), pahina 16-21
Magdalena O. Jocson ( May-Akda/Patnugot)
Petrona Q. n\Nieto, Mary-arr D. Malirong (Mga Tagasuri)
Kagamitan: Kartolina para sa paghahawan ng balakid
Sangguniang aklat para sa pagbasa
Pisara at yeso para sa pagsulat sa pagbabahagi ng katumbas na kahulugan ng mga
payo.
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin: Magsitayo tayong lahat at tawagin natin si Maria para sa pambungad na
Panalangin.
2. Pagbatian: Magandang umaga mga mag-aaral.
3. Pagtatala sa lumiban: Meron bang lumiban sa klase?
4. Pampasigla: Larong dugtungan, pangalan ng dalawang tao, kilos, lugar at ekspresyon.
5. Pagsasanay: Pagbigkas ng mga salitang malumay at malumi.

MALUMAY MALUMI
Pako Pako
Pito Pito
Basa Basa
Sala Sala

6. Pagbabalik-aral:
Mga Bahagi ng Tula
1. Ano ang tula?
2. Magbigay ng isang elemento ng tula at ipaliwanag ito.
B. Paglalahad
a. Pagganyak
1. Sino na sa inyo ang nakagawa ng guryon at nakapagpalipad kasama ang ama?
2. Pagbanggit ng layunin
Sa araw na ito, mayroon tayong tatlong nais maisakatuparan. Una, nais natin
makatutukoy ng literal at interpretatib na pagpapakahulugan. Pangalawa, nais nating
mapahalagahan ang mga payo o bilin ng ating magulang. At ang pangatlo naman ay nais
din nating makasulat ng isang tula bilang tugon sa tulang payo ng magulang.
Sa ating pagtutulungan makakaya ba natin na maisakatuparan ito?
3. Paghahawan ng balakid
Basahin ang pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng nasalungguhitan na salita at piliin ang
letra ng tamang sagot sa ibaba. Bilugan ito.
1. Marami ang nagpapalipad ng Guryon kapag mahangin.
a. lobo c. eroplano
b. saranggola d. helicopter
2. Makukulay na papel de hapon ang ginamit sa paggwawa ng parol.
a. papel de dyaryo c. papel na manipis
b. papel de liha d. papel na makapal
3. Pakasuriin ninyong mabuti at pakatimbangin ang inilahad kong katotohan.
a. suriin kung tama o mali c. magsukat ng timbang ng isang bagay
b. magdesisyon kung tama o mali d. sukatin kung tama o mali
4. Mag-ikit ka ng plato bago ka kumain para para maging ligtas sa byahe ang iyong
kapatid.
a. maghanda c. maghugas
b. magpaikot d. magbigay
5. Lagyan mo tungkod ang lamesang hindi pantay upang hindi magkiling.
a. tumagilid c.tumalikod
b. tumayo d. tumuwid

C. Aktibidad
Pagkatapos natin hawain ang balakid, ngayon ay handa na tayong basahin ang tula.
( Pagbasa ng Guro sa tula at pagbasa ng mga mag-aaral )

Ang Guryon

Tanggapin mo, anak, itong munting guryon


na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo’t paulo’y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas
at sa papawiri’y bayaang lumipad;
datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali’t tandaan
na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya’y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti’t dumagit, saanman sumuot…
O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!

d. Analisis
1. Sino ang nagsasalita sa tulang ito?
2. Para kanino isinulat ang tula?
3. Ano ang mga bilin ng Ama sa pagpapalipad?
4. Saan inihahambing ang guryon?
5. Anong pag-uugali ng Ama ang naipahayag sa tula?

e. Abstraksyon
 Isusulat ko sa pisara ang inyong mga sasabihing payo ng mga magulang.
 Tutumbasin ninyo ang payo mula sa literal at interpretatib.
 Sa pisara ay isusulat din ninyo ang mga bahagi.
 Humanap ng kapareha sa loob ng tatlong minuto at pag-usapan ninyo ang
katumbas na kahulugan.

Mga payo Katumbas na kahulugan


Hal. 1. Kung wala kang tiyaga, Hal. 1. Katulad sa pag-aaral kung walang
walang nilaga. sipag na mag-aral mabuti ay hindi mo
makakamit ang tagumpay.
2. 2.
3. 3.
f. Aplikasyon
1. Paano ninyo mapapahalagahan ang mga payo ng inyong mga
magulang? Bakit iyon ang gagawin mo?
2. Sa inyong palagay, bakit kailangan ng isang bata/mag-aaral ang pangaral ng magulang?
Ipaliwanag nang malinaw ang iyong sagot?

e. Ebalwasyon
Ngayon naman ay kumuha kayo ng isang buong papel na malinis. Sa loob ng dalawampu’t
limang minuto ay sumulat kayo ng isang tula bilang tugon sa inyong mga magulang.

IV. TAKDANG-ARALIN
Sa isang malinis na papel ay gumawa ng tula para sa iyong matalik na kaibigan.

You might also like