Piing Larang Akadsworksheet3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FILIPINO 11

Filipino sa Piling Larang (AKADEMIK)


ACTIVITY SHEET – Week 3

Pangalan: _________________________________ Baitang 11

Aralin 3: PANANALIKSIK SA AKADEMIKONG PAGSULAT

ALAMIN

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto


Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at
katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko. CS_FA11/12EP-0a-c-39

Kasanayang Pampagkatuto
Inaasahan na sa katapusan ng module na ito ang mga mag-aaral ay;
1. Natutukoy ang panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan at katangian ng iba’t
ibang anyo ng sulataing akademiko
2. Napahahalagahan ang panimulang pananaliksik sa iba’t ibang anyo ng sulating pananaliksik
3. Nakasusulat ng payo sa mga mananaliksik batay sa aralin

SUBUKIN NATIN
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot

1.Anong katangian ng isang mananaliksik ang walang katapusan ang paghahanap ng mahahalagang
mga datos na makatutulong sa kaniyang sulatin, ito man ay sa lehitimong mga personalidad,
institusyon at mga nakalimbag na material?
a. Matiyaga b. Masipag c. Mahusay d. Maalam

2. Anong katangian ng isang mananaliksik ang walang itinatagong pagkilala sa mga orihinal na
ideya mula sa pinaghanguang mga datos? Hindi inaangkin ng manunulat na ang kaniyang mga
nakuhang datos ay pagmamayari niya at may iba nang personalidad/institusyon ang nagmamay-ari na
nito?
a. Maatapat b. Sistematika c. Kritika d. Etika

3. Isang sistematikong gawain. Kailangang sundin ang mga hakbang ayon sa pagkakasunod – sunod.
a. Maingat b. Sistematika c. Kritika d. Etika

4. Mapanuri ang isang mananaliksik sa pag iksamen ng mga imformasyon, datos, ideya/ opinyon.
a. Maingat b. Sistematika c. Kritika d. Etika
5. Ito ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda,
programa, himig, at iba pa, hindi kinikilala ang pinagmulan
a. Mapanuri b. Sistematika c. Plagyarismo d. Kaalaman

BALIKAN

Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito, muli mong balikan ang
iyong natutunan sa naunang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa partikular na tanong.

Ano ang kahalagahan ng mga sumusunod?


1. Malikhaing Pagsulat

2. Teknikal na Pagsulat

3. Propesyunal na Pagsulat

TUKLASIN
Mga Katangian at Pananagutan

3. KATANGIAN NA DAPAT TAGLAYIN NG ISANG MANANALIKSIK


A. Masipag- kailangang maging masipag sa pangangalap ng datos at pagsisiyasat sa lahat ng anggulo
at panig ng pinapaksa ng pananaliksik. Hindi maaaring doktorin ng mananaliksik ang resulta ng
kanyang pananaliksik.
B. Matiyaga - Tiyaga Sa pangangalap ng datos, maaring imungkahi pa rin ng kanyang guro /
tagapayo ang pagdaragdag sa naunang mga nakalap na datos.
HANGUAN NG MGA DATOS
Aklat ,Magazine, Pahayagan, Journal, Tisis/ Disertasyon
C. Maingat sa paghihimay – himay ng mga datos, kailangang maging maingat. Dokumentasyon o sa
pagkilala sa pinag kunan ng datos at pinagmulan ng anumang ideya. Ang pag iingat ay kailangan
upang maging kapani- paniwala ang mga resulta ng pananaliksik. Kailangang tiyakin na may sapat na
katibayan o validasyon ang anumang posisyon o interpretasyong ginawa sa
D. Sistematiko- Ang pananaliksik ay isang sistematikong gawain. Kailangang sundin ang mga
hakbang ayon sa pagkakasunod – sunod.
E. Kritikal o Mapanuri -Isang iskolarling gawain. Pinag lalaanan ng buhos ng isip. Kailangang
kritikal o mapanuri ang isang mananaliksik sa pag iksamen ng mga imformasyon, datos, ideya/
opinyon.

MGA PANANAGUTAN NG ISANG MANANALIKSIK


KATAPATAN Pangunahing pananagutan ng ilang mananaliksik. Kailangang maipamalas sa
pagkilala ng pinagkunan ng kanyang mga datos at iba pang ideya o inpormasyon sa kanyang
pananaliksik.
a. kilala dapat ang lahat ng pinagkunan ng datos.
b. bawat hiram na termino at ideya ay ginagawan ng karapatang tala.
c. hindi nagnanakaw ng mga salita ng iba kung hindi sinisipi ito at binibigyan ng karapatang
pagkilala.
d. hindi nag kukubli ng datos para lamng palakasin o patibayin ang kanyang argumento o para ikiling
ang kanyang pag aaral sa isang partikular na pananaw.
ISYU NG PLAGYARISMO Ang pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at
balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa, hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan.
Isang uri ng pagnanakaw
ETIKA - katulong ng disiplina na may istriktong CODE OF ETHICS na pinapatupad. Sa
pananaliksik itinuturing na napaka laking kasalananang plagyarismo. Dahil sa kabigatan ng
kasalanang ito, napatalsik ang isang dekano sa isang unibersidad, natanggalan ng digri ang isang
nagtapos na doktorado, nawalan ng kredibilidad ang isang tanyag na iskolar, hinabla sa korte ang
prodyuser ng isang programa sa telebisyon.

SURIIN
Batay sa iyong binasa ano ang pinakanaiibigan mong katangian ng isang mananaliksik at bakit ito ang
iyong napili
1.________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Bakit mahalagang maunawaan ng isang mananaliksik ang kanyang pananagutan.
2.________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

(Ang iyong pagsagot sa mga katanungan ay makatutulong upang lubos mong


maisapuso ang mga dapat taglayin sa pananaliksik. Kung kaya sa
pagkakataong ito alam kong may sapat kanang kaalaman)

PAGYAMANIN
Gawaing 1
Suring Pangkaisipan
Panuto: Ano ang kahalagahan ng Pananaliksik sa isang mag-aaral na tulad mo. Gamitin ang chart sa
pagsasagot.
HAKBANG SA PAGIGING MAHUSAY NA
MANANALIKSIK

Masipag Matiyaga Maingat Sistematiko Kritikal

Gawain 2
Katapatan at Kahusayan
Panuto: Isulat ang maaring maging problema ng isang mananaliksik kung hindi susundin ang
Pananagutan ng Isang Mananaliksik
1. Katapatan
2. Etika
3. Plagyarismo

ISAGAWA
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o reyalidad ng buhay.
Pasasagutan sa mga mag-aaral ang gawaing makakatulong sa kanilang upang mahasa ang
kanilang kasanayan sa upang lubos na maunawaan ang kasanayan sa pananaliksik b

Sumulat ng isang salaysay na naglalahad ng payo sa mga mananaliksik batay sa Pananagutan ng


mananaliksik
RUBRIKS SA PAGSULAT NG SANAYSAY
Nilalaman……………………………..……………….5
Kahusayan sa paglalahad ng ideya…………….5
Watong gamit ng mga bantas……………………5
Kabuuan 15 pts
ISAISIP

 Iproseso pa natin kung ano ang mga natutunan mo mula sa aralin. Isusulat ang kanilang sagot sa
kanilang kwaderno.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Bakit mahalaga ang paggamit ng dyornal, magazine at Tesis /Desertasyon?
________________________________________________________
________________________________________________________
2. Bakit mahalaga sa isang mananaliksik na may taglay siyang kasipagan sa pagsasaliksik?
________________________________________________________
________________________________________________________
3. Paano nagaganap ang isyu ng Plagyarismo at paano ito maiiwasan?
________________________________________________________
________________________________________________________
(Pagbati sapagkat nakalikha ka na ng iyong pananaw batay sa mga katanungan.)

TAYAHIN
Upang matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi,
pasasagutan sa mga mag-aaral inihandang maikling pagsusulit.
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang pangongopya ng datos o idea ay maraming maging isang kasong_____.

a. Plagyarismo b. Manipulasyon c. Pagkakawil d. Katapatan

2. Ang isang mananaliksik na may kakayahang maghanap at mangalap ng datos ay may taglay na
________________.
a. Katalinuhan b. Kasipagan c. Kaalaman d. Karunungan
3. Ang pagsunod sa mga hakbang ng pananaliksik ay tinatawag na _______________.
a. Kritikal b. Sistematiko c. Mapanuri d. Klasikal
4. Ito ay mapanuring pag iksamen ng mga imformasyon, datos, ideya/ opinyon.
a. Etika b. Sistematiko c. Kritikal d. Organisado
5. Ito ay pagkilala ng pinagkunan ng kanyang mga datos at iba pang ideya o informasyon sa
kanyang pananaliksik.
a. Katapatan b. Isyu ng Plagyarismo c. Etika d. Sistematiko

II. Isulat ang T kung tama ang sinasaad ng pahayag at M kung hindi naman.

1. Ang pgbanggit sa taong nagsaad ng pahayag ay nakatutulong upang maiwasan ang plagyarismo.
2. Ang kasipagan sa pananaliksik ay nagiging daan upang maging mahusay at maayos ang isang
saliksik.
3. Ang paggamit ng dyornal at magazine ay pinagbabawal sa pananaliksik.
4. Ang organisadong pananaliksik ay nagiging tulay upang maging maayos at mabilis na makakuha
ng kinakailangan datos.
5. Ang etika ay nagsisilbing gabay upang maging mas maayos at maiwasan ang kasong plagyarismo.

PAGNINILAY

Panuto: Magsusulat ang mga mag-aaral sa kanilang journal/kwaderno ng kanilang repleksyon gamit
ang sumusunod na pormat

Nauunawaan ko na ______________________________________________________________
Nabatid na_______________________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto

Subukin
1. A
2. A
3. B
4. C
5. C
TAYAHIN
1. A
2. B
3. B
4. C
5. A
6. T
7. T
8. M
9. T
10. T

You might also like