Komunikasyon at Pananaliksik11 - Q1 - Module9 - 08082020

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 9:
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 9: Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Darlene Joy A. Huelar
Editor: Jonathan F. Bernabe
Tagasuri: Perlita E. Dela Cruz
Elisa N. Lajera
Tagaguhit: Romdel F. Partoza
Tagalapat: Leonila L. Custodio
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral
Job S. Zape, Jr.
Eugenio S. Adrao
Elaine T. Balaogan
Fe M. Ong-ongowan
Lourdes T. Bermudez
Bernadette T. Luna
Violeta L. Fransciso
Marissa O. Aguirre
Ednel A. Almoradie

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IVA-CALABARZON


Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/ 8684 – 4914/ 8647 - 7487
E-mail Address: [email protected]
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 9:
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Kasaysayan ng Wikang Pambansa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Halika, ipagpatuloy mo na iyong


pag-aaral. Tuklasin mo na ang pananaw ng
mga awtor tungkol sa wikang pambansa.
Basahin mo muna ang pagtalakay sa mga
pananaw mula sa iba’t ibang indibidwal na
siyang gagabay sa iyong pag-aaral sa
modyul na ito.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kasaysayan ng Wikang
Pambansa!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

iv
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay
makatutulong upang matutuhan ang Kasaysayan ng Wikang Pambansa. Ang
sakop ng modyul ay magagamit ng mag-aaral sa ano mang kalagayan. Ang mga
salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pag-unawa ng mag-aaral na naaayon sa
pamantayan nito.

Kasanayang Pampagkatuto:
• Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/ kaganapan tungo sa pagbuo
at pag-unlad ng wikang pambansa (MELCs)

Layunin:
• Sa modyul na ito, inaasahang matutukoy ng mga mag-aaral ang
mahahalagang pangyayari sa wika mula sa panahon ng Kastila hanggang sa
kasalukuyan. Gayundin, ang mga Kautusan, Proklamasyong pinaiiral sa
pagpapaunlad ng Wikang Pambansa: Tagalog/Pilipino/Filipino. Maaari ring
makilala ang panahong kaganapan sa pagbuo at pag-unlad ng wikang
pambansa. At panghuli, mapahalagahan ang kasaysayan ng wikang
pambansa sa pamamagitan ng pagbuo ng talata.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang kasagutan sa mga sumusunod na katanungan.

1. Dito nagsimulang manamlay ang wikang Tagalog.


A. panahon ng Hapon
B. panahon ng Kastila
C. panahonn ng Amerikano
D. panahon ng Rebolusyon

2. Ito ang panahon kung saan yumabong ang pag-unlad sa panitikang teatro.
A. panahon ng Hapon
B. panahon ng Kastila
C. panahon ng Amerikano
D. panahon ng Rebolusyon

3. Ginamit ang alpabetong Romano bilang unang hakbang tungo sa


pormalisasyon ng mga wika sa Pilipinas.
A. panahon ng Hapon
B. panahon ng Kastila
C. panahon ng Amerikano
D. panahon ng Pangkasalukuyan

4. Nagkaisa ang mga paring dayuhan na mag-aral ng mga katutubong wika.


A. panahon ng Hapon
B. panahon ng Kastila
C. panahon ng Amerikano
D. panahon ng Rebolusyon

5. Nagsimula ang paggamit ng wikang Tagalog ng mga Propagandista sa


pagsulat ng pahayagan.
A. panahon ng Hapon
B. panahon ng Espanyol
C. panahon ng Amerikano
D. panahon ng Rebolusyon

6. Isang proklamasyon kung saan inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng


Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 bilang kapanganakan ni Manuel Luis
Quezon.
A. Proklamasyon blg. 12
B. Proklamasyon blg. 86
C. Proklamasyon blg. 1041

2
D. Proklamasyon blg. 570
7. Sa proklamasyon blg. na ito inalabas ni Pangulong Ramon Magsaysay ang
pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29-Abril 4.
A. Proklamasyon blg. 1041
B. Proklamasyon blg. 186
C. Proklamasyon blg 570
D. Proklamasyon blg. 12

8. Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel Ramos ang Proklamasyon blg. na


ito na ang buwan ng Agosto ang Buwan ng Wika.
A. Proklamasyon blg. 1041
B. Proklamasyon blg. 570
C. Proklamasyon blg. 186
D. Proklamasyon blg. 12

9. Ayon sa Saligang Batas 1987, Artikulo XIV, anong seksyon ang nagsasabing
ang Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas?
A. Seksyon 2
B. Seksyon 6
C. Seksyon 11
D. Seksyon 12

10. Sa Kautusang ito, inihayag ang pagtuturo ng wikang pambansa (Tagalog) sa


mga pampaaralang pampubliko at pribado simula Hunyo14, 1940
A. Kautusang Tagapagpaganap blg. 263
B. Kautusang Tagapagpaganap blg. 134
C. Kautusang Tagapagpaganap blg. 96
D. Kautusang Tagapagpaganap blg. 60

11. Ipinahayag sa kautusang ito na Tagalog ang siyang magiging batayan ng


wikang Pambansa sa Pilipinas.
A. Kautusang Tagapagpaganap blg. 96
B. Kautusang Tagapagpaganap blg. 134
C. Kautusang Tagapagpaganap blg. 60
D. Kautusang Tagapagpaganap blg. 87

12. Sa kautusang tagaganap na blg. na ito, binigyang-pahintulot sa paglimbag


ng isang diksyunaryo at balarila ng wikang pambansa at itinagubilin din
ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan pambayan man o
pribado.
A. Kautusang Tagapagpaganap blg. 60
B. Kautusang Tagapagpaganap blg. 87
C. Kautusang Tagapagpaganap blg. 96
D. Kautusang Tagapagpaganap blg. 263

3
13. Nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Kautusan blg. na ito na
nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Filipino.
A. Kautusang Tagapagpaganap blg. 60
B. Kautusang Tagapagpaganap blg. 87
C. Kautusang Tagapagpaganap blg. 96
D. Kautusang Tagapagpaganap blg. 263

14. Sa Kautusang Pangkagawaran Blg. Na ito nilagdaaan ni Kalihim Alejandro


Roces at nag-utos na simulant sa taong-pampaaralan 1963-64 ang mga
sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalimbag na sa wikang Filipino.
A. Kautusang Pangkagawaran blg. 7
B. Kautusang Pangkagawaran blg. 24
C. Kautusang Pangkagawaran blg. 25
D. Kautusang Pangkagawaran blg. 54

15. Ang paggamit ng katagang Filipino sa pagtukoy sa wikang Pambansa ng


Pilipinas ay nilagdaan ni Lourdes Quisumbing ng Kagawaran ng
Edukasyon, Kultura at Isports sa Kautusang Pangkagawan blg. na ito
A. Kautusang Pangkagawaran blg. 7
B. Kautusang Pangkagawaran blg. 24
C. Kautusang Pangkagawaran blg. 25
D. Kautusang Pangkagawaran blg. 203

4
Aralin
Kasaysayan ng Wikang
1 Pambansa
Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang matukoy ang
kasaysayan ng Wikang Pambansa. Bago ipagpatuloy ang pagtalakay sa paksa ay
sagutan mo muna ang mga susunod na gawain.

Balikan

Ipaliwanag:

Nabigyang-linaw ba ng mga awtor ang mga konsepto ng wikang pambansa


batay sa naging pagtalakay nila? Pangatuwiranan ang iyong sagot. Isulat sa iyong
papel.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Basahing mabuti ang panuto sa bawat bahagi ng modyul.


Tiyaking nakasusunod sa bawat gawain upang matamo ang
layunin nito.

5
Tuklasin

Pagtapatin ang wika at taon kaugnay ng kasaysayan ng wikang pambansa.


Pagkatapos ay ibigay ang iyong hinuha kung ano ang mga pangyayaring may
kaugnayan sa kasaysayan ng wika sa iba’t ibang taon.

1. Tagalog A. 1959
2. Pilipino B. 1987
3. Filipino C. 1940

1940
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

1959
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

1987
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

6
Suriin

Kasaysayan ng Wika sa Iba’t ibang Panahon

Ang isinasaalang-alang na ang unang pananakop ng mga kastila sa ating


kapuluan ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez De Legaspi noong 1565. Siya ang
kauna-unahang kastilang gobernador-heneral sa Pilipinas. Kalaunan napasailalim
naman ang kapuluan sa pamumuno ni Villalobos na nagbigay ng ngalang Felipinas
bilang parangal sa Haring Felipe II na naunang namuno noong panahong iyon.
Naging Filipinas ang Felipinas dahil sa maling pagbigkas ng mga tao rito.

Ayon sa mga Espanyol, nasa kalagayang barbariko, di sibilisado o pagano


ang mga katutubo noon. Itinuro ng mga Kastila ang Kristiyanismo sa mga
katutubo upang maging sibilisado diumano ang mga ito. Naniniwala ang mga
Espanyol noong mga panahong iyon na mabisa ang paggamit ng katutubong wika
sa pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong Espanyol. Hinati-
hati sa apat na ordeng misyonerong Espanyol ang pamayanan kaya’t ito’y
nagkaroon nang malaking epekto sa pakikipagtalastasan ng mga katutubo.

Upang mas maging epektibo ang pagpapalagananp ng Kristiyanismo, ang


mga misyonerong Espanyol ay nag-aral ng wikang katutubo upang madaling
matutunan ang wika ng isang rehiyon kaysa sa ituro sa lahat ang wikang
Espanyol. Mas magiging kapani-paniwala kung ang mismong banyaga ang
nagsasalita ng wikang katutubo. Dahil dito, ang mga prayle ay nagsulat ng mga
diskyunaryo at aklat-panggramatika, katekismo at mga kumpensyonal para mas
mapabilis ang pagkatuto nila ng katutubong wika.

Nang sakupin ng Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawa ang wikang


ginagamit ng mga bagong mananakop sa maga kautusan at proklamasyong Ingles
at Espanyol. Sa kalaunan napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal.
Dumami ang natutong bumasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging
wikang panturo sa rekomendasyon ni Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899.
Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit ng mga
Katipunero ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Sa Konstitusyong
Probinsyal ng Biak- na- Bato noong 1897, itinadhanang ang Tagalog ang opisyal na
wika. Noong Marso 24, 1934, pinagtibay ni Franklin Roosebelt ang Batas Tyding
McDuffie na nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang
sampung taong pag-aaral ng Pamahalaang Komonwelt.

Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942,


nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista” Sila ang nagnanais na gawing
Tagalog na mismo ang gawing wikang pambansa at hindi na batayan lamang.
Malaking tulong ang nagawang pananakop ng mga Hapon sa kilusang nabanggit.

7
Ayon kay Prof Leopoldo Yabes, ang pangangasiwa ng Hapon ang nag-utos na
baguhin ang probisyon sa konstitusyon at gawing Tagalog ang pambansang wika.
Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anumang kaisipang
Pang-Amerika at mawala ang impluwensya ng mga ito kaya Tagalog ang kanilang
itinaguyod. Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga
wika. Sa panahong ito namulaklak ang Panitikang Tagalog sapagkat maraming
manunulat sa Ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang tula, maikling kuwento,
nobela at iba pa.

Ilang batas Kautusan, Proklamasyong Pinairal sa pagpapaunlad ng Wikang


Pambansa: Tagalog/Pilipino/ Filipino

• Kautusang Tagapagpaganap Blg 134 (1937)- ipinahayag na ang tagalog


ang siyang magiging batayan ng wikang Pambansa sa Pilipinas

• Kautusang Tagapagpaganap Blg.263 (Abril 1, 1940)- isinaad ang


pagpapalimbag ng “A tagalog English Vocabulary” at``Ang Balarila ng
Wikang Pambansa”. Inihayag din ang pagtuturo ng wikang pambansa
(Tagalog) sa mga paaralang pampubliko at pribado simula Hunyo 19, 1940.

• Kautusang Tagapagpaganap Blg 60 (1960) – nilagdaan ng Pangulong


Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik
nitong Filipino.

• Kautusang Tagapagpaganap Blg 96 (1967) – nilagdaan ng Pangulong


Marcos at nagtatadhana na ang lahat ng edisyon, gusali at tanggapan ng
pamahalaan ay pangalanan sa Filipino

• Kautusang Tagapagpaganap Blg 87 (1969) – nilagdaan ng Pangulong


Marcos at nag-utos sa lahat ng kagawaran, kawanihan at tanggapan at iba
pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Filipino hanggat maaari
sa Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal
na komunikasyon at transaksyon.

• Kautusang Pangkagawaran Blg.7- Ipinalabas noong Agosto 13, 1959 ng


noo`y kalihim ng kagawaran ng Edukasyon na Si Jose E. Romero na nag-
aatas na tawagin ang wikang pambansa na Pilipino.

• Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (1962) – nilagdaan ni Kalihim


Alejandro Roces at nag-utos na simulan sa taong-aralan 1963-64 ang mga
sertipiko at diploma ng magtatapos ay ipalimbag sa Wikang Filipino

• Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974) – nilagdaan ni Kalihim Juan


Manuel na itinagubilin sa mga guro ang mga bagong tuntunin na
Ortograpiyang Pilipino

• Kautusang Pangkagawaran Blg. 203 (1978) – paggamit ng katagang


Filipino sa pagtukoy sa wikang pambansang Pilipino. Nilagdaan ni Lourdes
Quisumbing ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports.

8
• Kautusang Pangkagawaran Blg. 54 (1987)- Panuntunan ng
implementasyon ng patakaran sa Edukasyong Bilinggwal 1987.

• Batas ng Komonwelt Blg. 570- ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang


wikang pambansa (Tagalog) simula Hulyo 4, 1946

• Proklamasyon Blg, 12- ipinalabas noong Marso 26, 1954 ni Pang. Ramon
Magsaysay ang pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso
29- Abril 4 (kapanganakan ni Franciso Balagtas.)

• Proklamasyon Blg. 186 (1955)- Inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng


Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 kapanganakan ni Manuel L Quezon.)

• Saligang-Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6- Filipino ang wikang


pambansa ng Pilipinas.

• Proklamasyon Blg. 1041 (1997) – Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong


Fidel V. Ramos na nagtatakda na ang buwan ng Agosto, ang buwan ng
wikang Filipino.

9
Pagyamanin

Pagsasanay 1: Bumuo ng Timeline ng maikling kasaysayan ng Wikang Pambansa.


Gamit ang mga salita sa loob ng kahon sa ibaba, iuri ang mga ito ayon sa panahon
nakalaan sa bawat larawan.

Panahon
ng Kastila

1.
2.
Panahon ng
Amerikano

3.
4.
Panahon ng
Hapon

5.
6.

A. Manuel Lopez De Legaspi D. Batas Tyding McDuffie


B. Biak- na -Bato E. Henry Felipe II
C. Prof Leopoldo Yabes F. Tagalog

10
Pagsasanay 2: Hanapin sa Hanay B ang tamang sagot na nasa Hanay A. Letra
lamang ang isulat sa sagutang-papel.

Hanay A Hanay B

1. Ipinahayag na ang Tagalog ang siyang


magiging batayan ng wikang Pambansa A. Kautusang Tagapagpaganap
sa Pilipinas. Blg. 96

2. Nilagdaan ng Pangulong Marcos at B. Kautusang Tagapagpaganap


nagtatadhana na ang lahat ng edipisyon, Blg. 60
gusali at tanggapan ng pamahalaan ay
pangalanan sa Filipino. C.Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 134
3. Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces
at nag-utos na simulan sa taong-aralan D.Proklamasyon Blg. 186
1963-64 ang mga sertipiko at diploma ng
magtatapos ay ipalimbag na sa Wikang Filipino. E. Batas ng Komonwelt Blg.
570
4. Ipinahayag na isa sa wikang opisyal ang
wikang pambansa (Tagalog) simula
Hulyo 4,1946.

5. Inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang


ng Linggo ng Wika sa Agosto 1319 kapanganakan
ni Manuel L Quezon.

Pagsasanay 3: Bumuo ng isang maikling talata tungkol sa kasaysayan ng wikang


Pambansa gamit ang mga susing salita na nasa ibaba.

Di-sibilisado Saligang Batas 1987 Panitikang Tagalog


Kristyanismo Komisyon Schurman Proklamasyon Blg. 186
Diksyunaryo Biak-na- Bato Niponggo at Tagalog

11
Isaisip

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Sa iyong palagay, ano ang nangyari sa usaping pangwika sa pagpasok ng
mga mananakop na Kastila, Amerikano at Hapon? Ipaliwanag.
2. Bilang mag-aaral, nakatulong ba ang nangyaring pananakop ng isang
bansa sa ating bansa upang magkaroon ng sariling wika? Pangatwiranan
3. Ano ang maaari mong maiambag sa ating bansa upang higit na
mapaunlad ang wikang Pambansa?

Isagawa

Bumuo ng sariling opinyon tungkol sa mga balakid na kinaharap sa pagsusulong


ng wikang Pambansa sa bawat panahon.

Panahon ng Kastila
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Panahon ng Amerikano
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Panahon ng Hapon
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12
Tayahin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang kasagutan sa mga sumusunod na katanungan.

1. Dito nagsimulang manamlay ang wikang Tagalog.


A. panahon ng Hapon
B. panahon ng Kastila
C. panahonn ng Amerikano
D. panahon ng Rebolusyon

2. Ito ang panahon kung saan yumabong ang pag-unlad sa panitikang teatro.
A. panahon ng Hapon
B. panahon ng Kastila
C. panahon ng Amerikano
D. panahon ng Rebolusyon

3. Ginamit ang alpabetong Romano bilang unang hakbang tungo sa


pormalisasyon ng mga wika sa Pilipinas.
A. panahon ng Hapon
B. panahon ng Kastila
C. panahon ng Amerikano
D. panahon ng Pangkasalukuyan

4. Nagkaisa ang mga paring dayuhan na mag-aral ng mga katutubong wika.


A. panahon ng Hapon
B. panahon ng Kastila
C. panahon ng Amerikano
D. panahon ng Rebolusyon

5. Nagsimula ang paggamit ng wikang Tagalog ng mga Propagandista sa


pagsulat ng pahayagan.
A. panahon ng Hapon
B. panahon ng Espanyol
C. panahon ng Amerikano
D. panahon ng Rebolusyon

6. Isang proklamasyon kung saan inilahad ang paglilipat ng pagdiriwang ng


Linggo ng Wika sa Agosto 13-19 bilang kapanganakan ni Manuel Luis
Quezon.
A. Proklamasyon blg. 12
B. Proklamasyon blg. 86
C. Proklamasyon blg. 1041
D. Proklamasyon blg. 570

13
7. Sa proklamasyon blg. na ito inalabas ni Pangulong Ramon Magsaysay ang
pagkakaroon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula Marso 29-Abril 4.
A. Proklamasyon blg. 1041
B. Proklamasyon blg. 186
C. Proklamasyon blg 570
D. Proklamasyon blg. 12

8. Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel Ramos ang Proklamasyon blg. na


ito na ang buwan ng Agosto ang Buwan ng Wika.
A. Proklamasyon blg. 1041
B. Proklamasyon blg. 570
C. Proklamasyon blg. 186
D. Proklamasyon blg. 12

9. Ayon sa Saligang Batas 1987, Artikulo XIV, anong seksyon ang nagsasabing
ang Filipino ang wikang pambansa ng Pilipinas?
A. Seksyon 2
B. Seksyon 6
C. Seksyon 11
D. Seksyon 12

10. Sa Kautusang ito, inihayag ang pagtuturo ng wikang pambansa (Tagalog)


sa mga pampaaralang pampubliko at pribado simula Hunyo14, 1940
A. Kautusang Tagapagpaganap blg. 263
B. Kautusang Tagapagpaganap blg. 134
C. Kautusang Tagapagpaganap blg. 96
D. Kautusang Tagapagpaganap blg. 60

11. Ipinahayag sa kautusang ito na Tagalog ang siyang magiging batayan ng


wikang Pambansa sa Pilipinas.
A. Kautusang Tagapagpaganap blg. 96
B. Kautusang Tagapagpaganap blg. 134
C. Kautusang Tagapagpaganap blg. 60
D. Kautusang Tagapagpaganap blg. 87

12. Sa kautusang tagaganap na blg. na ito, binigyang-pahintulot sa paglimbag


ng isang diksyunaryo at balarila ng wikang pambansa at itinagubilin din
ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan pambayan man o
pribado.
A. Kautusang Tagapagpaganap blg. 60
B. Kautusang Tagapagpaganap blg. 87
C. Kautusang Tagapagpaganap blg. 96
D. Kautusang Tagapagpaganap blg. 263

14
13. Nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Kautusan blg. na ito na
nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Filipino.
A. Kautusang Tagapagpaganap blg. 60
B. Kautusang Tagapagpaganap blg. 87
C. Kautusang Tagapagpaganap blg. 96
D. Kautusang Tagapagpaganap blg. 263

14. Sa Kautusang Pangkagawaran Blg. Na ito nilagdaaan ni Kalihim Alejandro


Roces at nag-utos na simulant sa taong-pampaaralan 1963-64 ang mga
sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalimbag na sa wikang Filipino.
A. Kautusang Pangkagawaran blg. 7
B. Kautusang Pangkagawaran blg. 24
C. Kautusang Pangkagawaran blg. 25
D. Kautusang Pangkagawaran blg. 54

15. Ang paggamit ng katagang Filipino sa pagtukoy sa wikang Pambansa ng


Pilipinas ay nilagdaan ni Lourdes Quisumbing ng Kagawaran ng
Edukasyon, Kultura at Isports sa Kautusang Pangkagawan blg. na ito
A. Kautusang Pangkagawaran blg. 7
B. Kautusang Pangkagawaran blg. 24
C. Kautusang Pangkagawaran blg. 25
D. Kautusang Pangkagawaran blg. 203

Karagdagang Gawain

Sumulat ng maikling reaksyon tungkol sa kasaysayan ng wikang Pambansa. Ito ay


hindi bababa sa limang (5) pangungusap at hindi rin lalagpas ng sampung (10)
pangungusap.

15
16
Tayahin Pagyamanin Subukin
1. D Pagsasanay 1 1. C
2. D 2. A
3. C 1. A 3. D
4. B 2. E 4. B
5. A 3. B 5. D
6. B 4. D 6. B
7. D 5. C 7. C
8. B 6. F 8. A
9. C Pagsasanay 2 9. B
10. A 10. D
11. B 1. C 11. B
12. C 2. B 12. D
13. B 3. A 13. A
14. D 4. E 14. B
15. A 5. D 15. C
Pagsasanay 3
- Pagsulat ng talata
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Alcaraz, C., Austria, R. et al. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior


High Shool. Cubao, Quezon City: Educational Resources Corporation

Catacataca P., Espiritu, C. 2005. Wikang Filipino: Kasaysayan at Pag-unlad.


Manila: Rex Book Store.

Santiago, Erlinda M. et.al. 1989. Panitikang Filipino Kasaysayan at Pag-unlad


Pangkolehiyo. Manila: National Book Store.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like