Kabanata 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Kabanata 2

Sa kabanatang ito’y napapaloob ang kaugnayan na literature at kaugnayan nap ag-aaral

na nagging batayan at katulong ng mananaliksik sa kanyang pag-aaral

Kaugnayn na Literatura

Ang Wikang Tagalog na kilala rin sa payak na pangalang Tagalog, ay isa sa mga

pangunahing wika sa Republika ng Pilipinas at sinasabing ito ang de facto (“sa katunayan”)

ngunit hindi jure (“sa batas”) na batayan na siyang pambansang wikang Filipino (mula 1961)

hanggang 1987: Pilipino). Ito ang katutubong wika ng mga lalawigan sa rehiyon IV

(CALABARZON at MIMAROPA), Bulakan, at kung saan ang mga Pilipino ang pinakamalaking

pangkat etnolingwistiko. Bilang isang pangunahing wika sa Pilipinas, ang karaniwan at

pamantayang anyo nito ang pangunahing wika sa pambansang telebisyon at radio, bagaman

halos nasa ingles ang buong kayarian ng mga pahayagan. Bilang Filipino, kasama ng ingles, isa

ang Tagalog sa kasamang-opisyal at tanging pambansang wika sa Pilipinas. Malawak na

ginagamit ang Tagalog bilang Lingua Franca o “tunay na wika” sa buong bansa, at sa mga

pamayanang Pilipino nasal abas ng Pilipinas. Subalit, habang kalat ang Tagalog sa maraming nga

larangan, higit na laganap ang Ingles, sa iba’t ibang antas ng katatasan, sa mga larangan ng

pamahalaan at kalakalan. Tinatawag na mananagalog o mananalita ang isang may mataas, may

kahusayan, at kaalaman sa pananagalog.

Ang Tagalog na binibigkas sa Lalawigan ng Quezon at Aurora na dating Tayabas ang

pinaka-naiiba sa mga anyo ng Tagalog. Malawak ang paglagom nito ng mga salitang Kastila,

Fukyen, at Bikolano; ilan ding mga salita ang hindi nauunawaan ng ibang mga nagsasalita ng

Tagalog. Bukod sa karaniwang “ay” ma katumbas ng Batanggenyong “ala e” may higit-kumulang


200 salita na ginagamit lamang sa lalawigan ng Quezon, lalo na sa silangang bahagi ng

lalawigan.

Ang Tagalog ay salitang hinango sat aga-irog dahil kilala ang pangkat ng kayumangging

ito sap ag-irog sa sinisintang kabiyak at pagiging tapat din sa [akikipag ugnayan sa pinili niyang

makasama sa buhay. Ito ay batay sa nakaraang kaganapan nang ang mga tao ay may higit pang

katinuan at takot sa DIOS may kaugnayan angn salitang ito sa kasabihang tagalog “mahirap

mamangka sa dalawang ilog/irog. Wala pang nailathalang aklat na nagsasabi kung gaano

katanda ang wikang ito subalit may dokumento o kasulatan na anakalimbag sa tanso na

nagpapatunay na ang isang matandang uri ng wika na pinagmulan ng wikang tagalog ay umiiral

at ginagamit na mahigit isang libong taon nang nakalipas. Ang Wikang Tagalog ay isa sa una at

may mataas na uri ng Wika sa kapuluang Pilipinas. Ito ang Sulat sa Tanso ng Laguna ng taong

822 A.D na patuloy pang inuusisa at pinag-aaralan ng mga nagdadalubahasa sa wika. Ang mga

katutubong wika saPilipinas ay ipinapalagay na sangay na kauri ng Wikang Tagalog at ang mga

ito ay patuloy pa ring gamit sa bawat rehiyon at mga lalawigan ng bansa.

Ayon kay Mabilin, et al (2012) sa kanyang aklat nasasaad sa ilalim ng kautusang

tagapagpaganap Blg, 1937, “Pagpapahayag na ang Tagalog ang magiging batayan ng wikang

Pambansa, ang wikang Filipino.”

Sa Resolusyon Blg. 92-1 ng KWF, inilahad ang batayang deskripsyong ng Wikang Filipino,

“Ang wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng

Komunikasyon ng mga etnikong grupo katulad ng iba pang wikang buhay. Ang Pilipinas ay

dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika sa


Pilipinas at mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang varayti ng wika para sa iba’t

ibang sitwasyon sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang salitang sosyal at para sa mga paksa

ng talakayan at iskolar na pagpapahayag.”

Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan ay

“dila”, kayat ang magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan,

saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya, opinion, pananaw, lohika o mga kabatirang

ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o pasalita.

Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wik ay maituturing na

behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isnag instrument rin sa pagtatago at pagsisiswalat ng

katotohanan. Ang wika ay kasangkapan ng ating pulitika at ekonomiya. Ang mabisang paggamit

nito ang nagpapakilos sa tao at nagagawang manipulahin ang mali at tamas a lipunang ating

kinabibilangan.

Ayon kay Randy S. David sa kombensyon ng sangfil na nalathala sa Daluyan, Tomo VII-

Bilang 1-2 journal ng Sentro ng Wikang Filipino kailanman ay di magiging nyutral I inosenteng

larangan ang wika.

Ayon kay Whitehead, isang educator at Pilosopong Ingles: Ang wika ay kabuuan ng

kaisipan ng lipunang lumikha nito; bawat wika ay naglalaman ng kinaugalian palagay na lahing

lumikha nito. Ito raw ay salamin ng lahi at ng kanyang katauhan.

Ang wika ay kultura, isa itong kontekstibong kaban ng karanasan ng mga tao at ng

kasayasayan ng wika. Dahil sa wikang nakatala sa mga aklat pangkasaysayan at panliteratura,

nakikita ng bayan ang kanyang kultur ana natutuhan nitong angkinin at ipagmalaki.
Ayon kay Devera, et. Al. (2010), sinasabi sa aklat nina Alcaraz, et. Al. (2005) na ayon

naman kay otanes, ang wika ay kasngkapan sa pakikipagtalastasan at ayon naman kay Swamon,

ang gampanin ng wika sa naturang gawain ay sa paghahatid, pagtanggap at komprehensyon ng

kabuuan ng mensahe o teksto. Dagdag pa niya na tinukoy ni Almario sa akdang Mga Estratehiya

ng Pagsasalin sa Agham at Ibang Makabagong larang ang pulitika sa mga sitwasyong dinanas ng

wikang Pambansa upang kilalanin at isulong bilang komon na wika. Nakapaloob dito ang isyu sa

pagitan ng mga puristang Tagalog 9ang mga higit na makiling Tagalog), hind Tagalog (maaaring

buhat sa ibang nga wikain sa Pilipinas kasama ang mga makiling sa Ingles at Espanyol).

Mahihinuhang tagisan ng kaalaman at kapangyarihan ang nagyayari sa pagtukoy ng pulitika sa

wika.

Sa pagpapaliwanang ni Hymes, nangangahulugan itong isang buhay, bukas sa Sistema

ang wika na nakikipag-interaksyon. Binabago at bumabago sa kapaligiran bilang bahagi ng

kultura ng grupong gumagamit nito. Isa itong kasanayang panlipunan at makatao.

Ayon sa pahayag ng Pambansang Alagad ng Sining para sa literature na si Bienvenido

Lumbera (2007); “Parang hininga ang wika, sa bawat sandal ng buhay natin ay nariyan ito.

Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit din

nito. Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng wika upang kamtinang kailangan

natin. Halimbawa ay kung nagugutom, humihingi ng pagkain; kung nasugatan, dumadaing

upang mabigyan ng panlunas; kung nangungulila, humahanap ng kausap na makakapawi sa

kalungkutan. Mula sa pahayag n anito ni Lumbera, malinaw na sadyang napakahalaga ng wika.

Sa madaling sabi, wika ang instrument upang maipahayag at maipabatid ang pangangailangan
ng bawat tao. Gaya na lamang ng paghahalintulad niya sa wika bilang hininga, sapagkat walang

buhay kung wala ang wika.

Sa pagtakalay ni Halliday (1973) may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa

mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa

pagpapangalan, verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos at pakikipag-

usap.

Ayon kina Mangahis et. Al (2005) na ang wika ay may mahahalagang papel na

ginagampanan sa pakikipagtastasan. Ito ang midyum na ginagamkt sa maayos na paghatid at

pagtanggap ng mensahe sa susi sa pagkakaunawaan. Ayon kay Austero at. Al. (1999) mula kay

Gleason na ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang

arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa iisang kultura. Ang mga tunog ay

hiugisan/binigyan ng mga makabuluhang tunog simbolo (letra) na pinagsama-sama upanng

makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.

Ayon nga kay Jean Jacques Rousseau (1950), ang pagkakaiba sa kultura at wika ay

nagbunga sa bawat panahon, pag-uugali at kaasalan, namay kaugnayan sa di pagkakapantay-

pantay ng mga wika, sangkot ang tagapagsalita, kultura at sibilisasyon. Dapat din nating tandan

na walang isang wika ang pinakamahusay o nakahihigit kaysa sa ibang wika. Ang wikang

tagalog, halimbawa ay sinasalita hindi lamang sa Maynila kundi pati sa malaking bahagi ng

Luzon. Dahil sa magkakaibang lugar ay nagkaroon ng barayti na makikita sa paraan ng

pagsasalita, tono o punto at istruktura ng pangungusap.


Sa lalawigan ng Laguna, mapapansin ang kanilang lumanay at lambing sa pagsasalita at

ang paggamit ng panlaping [na-] sa mga salita sa halip na gitlaping [-um-]. Halimbawang

pangungusap ay ang; “Pare, nakain ka ba ng baoy?” at “Naulan sa bahay.” Kung susuriin natin

ang mga halimbawang pangungusap sa punto ng mga taga-Maynila, aakalain ng nagtatanong sa

nagsasalita na kausap nito kung siya ba ay kinain ng baboy. Sa Batangas naman mapapansin ang

lakas sa pagsasalitang mga Batangueno at ang paggamit nila ng “ala eh” Halimbawang

pangungusap ay; “Ala! Angkanin eh malate eh! Malata eh! Kaya naman kung ikaw ay hindi

pamilyar sa ganitong uri ng pagsasalita ng mga taga-batangas ay maaaring ikaw ay matawa at

ito ay hindi agad maunawaan.

Pumunta naman tayo sa iba pang baryasyon ng wika tulad ng sosyolek. Ayon kay Dr.

Grace rubric sa kaniyang pananaliksik tungkol sa wika at lipunan, may kaugnayan sa

pagkakaroon ng baryasyon ng wika ang kalagayang pablipunan-mayaman o mahirap; kasarian-

lalaki o babae, bakla o tomboy; edad-bata o matanda; etnisidad-Tagalog, Bisaya, Tausug at iba

pa; sa madaling salita, ang sosyolekay nabubuo dahil sa pangangailangang makaangkop ng tao

sa iba. Tulad halimbawa sa paraan ng pakikipag-usap, na iba makipag-usap ang isang bata sa

kapawa niya bata kumpara sa paraang ginagamit niya kapag matanda naman ang kausap niya.

Ilan sa mga halimbawa ng sosyolek na lam natin ay ang wika ng mga bakla, wika ng mga tambay

wika ng mga estudyante at iba pang grupo. Iba pang halimabawa ay Taglish at Enggalog na

madalas ginagamit ng mga sosyal o elite at mga nakapag-aaral. Mayroon tayong mas

detalyadong pagsususri ukl sa Taglish o Enggalog na mababasa sa mga susunod na talata na ito.

Nagging usapin din ang paggamit ng jejemon sa text messaging ng mga pangkat ng tao nap
wing ang mga bata at teens ang gumagamit. Mapapansin sa mga Jejemon ang paggamit nila ng

mga simbolo sa pagbuo ng salita at pangungusap.

Tinalakay ni santos et. Al. (2012) na ang dayalek ay wikang subordineyt ng isang katulad

ding wika. Pekuliyar ito sa isang tiyak na lugar o rehiton. Ang varyasyon ng wikang ito na nasa

ilalim ng isang masaklaw na wika ay maaaring nasa tunog-punto o paraan ng pagbibigkas,

maaaring nasa vokabularyo o maaaring sa pagkakabuo ng mga salita/grammar o maaaring sa

lahat. Sosyolek naman ang tawag sa wikang ginagamit ng bawat particular na grupo ng tao sa

isang lipunan. Maaaring grupo ay nagkakaiba ayon sa edad, sa sek, sa uri ng trabaho, sa istatus

sa buhay, sa uri ng edukasyon, atbp.

May tatak ang pagiging indibidwal, kaya nga sinasabing indibidwal dahil may

natatanging pagkakaiba sa iba. Ang pagkakaiba-ibang sosyal sa paggamit ng wika ay tinatawag

ding sosyolek. Nagmula ang pagkakaibang ito sa wika na nakaaaapekto sa pagkakaiba ng wika

ng bawat grupo ay maaaring dahil sa uri ng trabaho, lugar na kinatitirhan o kinalakihan,

edukasyon, propesyon, katayuan sa buhay, edad, seks o kasarian, relihiyon, katayuang sibil,

isports, atbp. Dahil sa pagkakaiba-iba ng wika ng bawat grupo ng mga tagapagsalita ay

umusbong ang tinatawag na rejister.

Ito ay isang set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng mga grupong gumagamit

nito na maaaring hindi nauunawaan ng mga taong hindi kasali sa grupo o hindi pamilyar sa

profesyon, uri ng trabaho o organisasyong kinabibilangan ng nagsasalita o grupong nagsasalita.

Ito ay ang lumilitaw na varyasyong sosyal ng wika dahil sa uri ng profesyon mayroon sila,

gawain o trabaho, interes at iba pang grupo na nagkakasama-sama dahil kinaaanibang


organisasyon, relihiyon, atbp. Samantlang kakaiba ang indibidwal ng isang indibidwal na

mababakas sa muka pagkilos at maging sa pagsasalita tinatawag naman itong idyolek.

Binigyan diin ni Arrogante et. Al (20070 nais kong bigyan ng sintesis ang ugnayan ng

domeyn at rhistro ng wika. Ang domeyn ay tumutukoy sa isang particular na larangan o gawain.

Nagkakaroon ito ng ugnayan sa rehistro ng wika dahil bawat domeyn ay may kanikaniyang

rehistro. Mga wikang tanging unique o pekukyar sa isang domeyn at tanging maytiyak na grupo

lamang ang siyang nagkakaintindihan ng mga salita o terminong ginagamit.

Ang wika ay instrument ng komunikasyon at sinasabing mahalagang biyayang

tinatanggap ng sangkatauhan.

You might also like