Ang Kaligiran NG Wika

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Manwal. - Ugot, Irma. 2007.

Ang Wikang
Filipino. -Mercene, Felisa P.,
Sa katapusan ng paksa, ikaw ay inaasahang:
 naipapaliwanag ang katuturan, katangian at Iba pang Sanggunian:
kahalagahan ng wika; https://philnews.ph/2019/07/24/kahalagahan-ng-
Komunikasyon sa
 napag-iisa-isa ang mga antas ng wika at wika/
nakapagbibigay ng halimbawa ng bawat isa ; at Akademikong Filipino
https://www.slideshare.net/thaddeussoria/
kahulugan-at-kahalagahan-ng-wika
 nakabubuo at nakagagawa ng poster ng sariling https://www.slideshare.net/xiaoxiaocamster/
pagpapakahulugan sa wika. kahalagahan-ng-wika-2Unang Linggo
Departamento ng Filipino
antas-ng-wika-77091438

Pangalan: ____________________________ Kurso/Taon/Sekyson: ___________________

PANIMULA

Panimulang Tanong:
Nabubuhay tayo sa daigdig ng mga salita (Fromkin at Rodman, 1983). Mula sa paggising
sa umaga patungong pagtulog sa gabi, nagsasalita tayo dahil nakikipag-usap tayo. May mga
taong kumakausap sa hayop, may mga taong kahit natutulog ay nagsasalita. Kinakausap din
natin an gating sarili sa ating pag-iisa o kahit may kaharap na iba pang tao. Kaya masasabing
walang panahong hindi tayo nagsasalita, malakas o mahina man, pabulong o sa isip lamang. At,
syempre, sa pagsasalita gumagamit tayo ng wika. Ngunit, ano nga ba talaga ang wika?

PROSESO NG PAGTUTURO
Paghahanda (Preparation)
Panimulang Gawain: Isulat sa loob ng bilohaba kung ano ang wika para sa iyo.

WIKA

GEC-KAF Komunikasyon sa akademikong filipino 1


Paglalahad (Presentation)

Ano ang Wika?

- Ayon kay Whitehead, isang edukador at Pilosopong Ingles: “Ang wika ay kabuuan ng kaisipan
ng lipunang lumikha nito.”
- Ibig ipahiwatig nito na ang wika ay salamin ng lahi.
- Ang wika ay mga simbolong salita ng mga kaisipan at saloobin.
- Ito ay isang behikulo o paraan ng paghahatid ng ideya o palagay sa tulong ng mga salita na
maaaring pasalita o pasulat.
- Ayon naman kay Henry Gleason, ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang
tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa
pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang kultura.
- Ito rin ay kaluluwa ng bansa, pag-iisip ng isang bayan, kumakatawan sa isang malayang
pagsasama-sama at sa pagkakaisa ng layunin at damdamin.
- Ito ay paghahatid ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga salitang binibigkas.
- Ang wika ay isang penomenong pumapaloob at umiiral sa loob ng lipunan at may angking
kakayahang makaimpluwensya, magdikta, magturo, tumulong, kumontrol, manakot, pumatay,
magpaligaya at lumikha ng isang realidad sa kanyang ispesipikong kakayahan.
- Ang wika ay maaaring humubog ng ating pananaw pandaigdig (world view).
- Kung titingnan ang wika bilang isang ideolohiya, maaaring magkaroon ng iba’t ibang
pagpapakahulugan, pagtingin, pag-unawa at karanasan dahil may kani-kaniyang posisyon at
papel ang indibidwal sa lipunang kanyang ginagalawan at kinabibilangan.

Mga Katangian ng Wika

1. Ang wika ay masistemang balangkas


- Ang ibig sabihin ng katangiang ito ay isinaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan para
makabuo ng makahulugang bahagi tulad ng salita, parirala, pangungusap at panayam.

2. Ang wika ay sinasalitang tunog


- Ito ay sinasalita na galing sa magkasunud-sunod na tunog na humuhugis sa paraan ng mga
iba’t ibang kasangkapan sa pagsasalita na tinatawag na mga bahagi ng pagsasalita o speech
organs

3. Ang wika ay arbitraryong simbolo ng mga tunog


- Sa katangiang ito, ang mga salita ay tumututok sa mga salitang simbolo. Napapaloob sa
katawagang ito ang dualismo na isang pananagaisag at isang kahulugan

4. Ang wika ay komunikasyon


-Muli, ito ay kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa o higit pang nag-uusap na mga tao. Sa
ganitong paraan, maipapahayag ang mga damdamin, kaisipan, pangarap, imahinasyon, layunin,
at pangangailangan ng tao.

5. Ang wika ay pantao


- Ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng mga tao nga sila mismong lumikha at sila rin ang
gumagamit. Dala-dala ng mga tao nito bilang kasangkapan ng pakikipagtalastasan

6. Ang wika ay kaugnay ng kultura


-Taglay nito ang kultura ng lipunang pinagmumulan nito. Ang sining, panitikan, karunungan,
kaugalian, kinagawain at paniniwala ng mamamayan ang bumubuo ng kultura.

7. Ang wika ay ginagamit


-Kailangan itong gamitin na instrumento sa komunikasyon. Unti-unting mawawala ito kapag
hindi ginagamit.

8. Ang wika ay natatangi


-May kaibahan ang bawat wika sa ibang wika. Walng dalawang wika na magkatulad. Ang
bawat wika ay may sariling sistema ng palatunugan, palabuuan, at palaugnayan; at may sariling set
ng mga bahagi.

9. Ang wika ay dinamiko

GEC-KAF Komunikasyon sa akademikong filipino 2


-Ito ay buhay at patuloy sa pagbabago nang dahil sa patuloy rin na nagbabago ang
pamumuhay ng tao at iniangkop ang wika sa mabilis na takbo ng buhay na dulot ng agham at
teknolohiya.

10. Ang wika ay malikhain


-Ang anumang wika ay may abilidad na makabuo ng walang katapusang dami ng
pangungusap.

Kahalagahan ng Wika

1. Instrumento ng Komunikasyon
-Hindi na mahalaga ang mataas na kaalaman sa wika, sapat na ang nagkakaunawaan gamit
ang wika

2. Nagbubuklod ng bansa
-Wika ang naging dahilan upang magkaisa ang mga tao , umunlad at makamit ang kalayaan

3. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip


-Nagpapalawak ng ating imahinasyon, pagpapakita ng emosyon at leybel ng wika

4. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman


-Paglalakbay Pagsasalin Pagtatala Midyum ng Karunungan

Antas ng Wika

1. Pabalbal /Balbal
- May katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika.
- Mga salitang Pangkalye o Panlansangan.
- Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga
salita.
- Pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan.
- Karaniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda nila sa
kanilang pakikipag-usap.

Mga Halimbawa:
 PARAK  pulis
 ESKAPO  takas sa bilangguan
 ISTOKWA  Naglayas
 JUDING  bakla
 TIBOLI  Tomboy
 BALBONIK  taong maraming balahibo sa katawan
 BROKEBACK lalaki sa lalaking relasyon

2. Kolokyal
- Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita.
- Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin namang maging repinado
batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap.
- Ginagamit sa okasyong impormal at isaalang- alang dito ang salitang madaling maintindihan.
-
Mga Halimbawa:
alala
lika
naron
kanya-kanya
antay
lugal

3. Lalawiganin/Panlalawigan

GEC-KAF Komunikasyon sa akademikong filipino 3


- Karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng mga Cebuano,
Batangeno, Bicolano, at iba pa na may tatak-lalawiganin sa kanilang pagsasalita.
- Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent.
- Salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook.
- Mga salitang ginagamit sa isang lalawigan at hindi pamilyar na gamitin sa ibang lugar.

Mga Halimbawa:
KAIBIGAN HALIK
 Kaibigan-Tagalog  Halik-Tagalog
 Gayyem-Ilokano  Ungngo-Ilokano
 Higala-Cebuano  Halok-Cebuano
 Amiga-Bikolano  Hadok-Bikolano

4. Pambansa/Lingua Franca
- Ginagamit sa mga aklat, babasahin, at sirkulasyong pangmadla.
- Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan
- Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilasyon at kalakalan.

Mga Halimbawa:
aklat
ina
ama
dalaga
masaya

5. Pampanitikan
- Pinakamayamang uri
- Kadalasa’y ginagamit ang salita sa ibang kahulugan
- Gumagamit ng idyoma, tayutay, at iba’t ibang tono, tema, at punto
- Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang panitikan ay ang “kapatid na babae ng kasaysayan,”
ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan ay makasaysayan dahil sa kanyang kakayahang
lumikha ng piksyunal o kathang isip.
- Ito ay nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang nagagamit sa pagkatha ng
dula, katha, palabas, at iba pang likhang pampanitikan.

Mga Halimbawa:
Mabulaklak ang dila Balat sibuyas
Di-maliparang uwak Taingang kawali
Kaututang dila Nagbukas ng dibdib

GEC-KAF Komunikasyon sa akademikong filipino 4

You might also like