4th Grading Exam Fil 8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

R epublic of the P hilippines

D epartment of Education
Re g i o n IV A – CALABARZO N
SCH O O LS D IVISIO N O F CALAM BA CITY
CALAMBA IN TEGRATED SCH O O L
CALAMBA CITY

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Filipino 8

Pangalan: __________________________________ Seksiyon: _______________Petsa:_____________Iskor: _______________

I. Pagpili sa mga Salitang Hindi Dapat Mapasama sa Pangkat


PANUTO: Bilugan ang salitang hindi dapat mapasama sa pangkat sapagkat may naiibang kahulugan.

1. irog mahal dusa sinta

2. umintindi tumarok umunawa sumulat

3. hilaw hinog mura pa bubot


4. papurihan laitin dustain apihin

5. pantas eksperto henyo hari

6. umid pipi maingay tahimik

7. himok himutok hinaing reklamo

8. mapanglaw malungkot madilim masaya

9. kalasag sasakyan panangga pananggol

10. palaso sibat pika kasuotan

II. Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot.
___ 11. Unang sulyap niya pa lamang kay Selya ay nabihag na ang kanyang puso.
a. nahirapan siyang huminga b. napaibig na siya c. nagkasakit na siya
___ 12. Naging bukambibig ang pangalan ni Kiko sa larangan ng pagbigkas ng tula.
a. paksa ng tsismis b. tampulan ng tukso c. bantog
___ 13. Paglabas niya sa piitan ay nalaman niyang naubos ang kanyang kabuhayan.
a. naghirap siya b. naubos ang mga kamag- anak niya c. nagkasakit siya
___ 14. Sa edad na 74 binawian siya ng buhay sa lalawigan ng Bataan.
a. nagkasakit ng malubha b. pumanaw c. ikinulong muli
___ 15. Ang mga karanasan niya ang nagpanday sa kanya upang maging isang mahusay na manunulat.
a. Humubog b. nagsanay c. nagpahirap
___ 16. “Ngayong namamanglaw sa pangungulila
ang ginagawa kong pag- alis sa dusa,
nagdaang panaho’y inaalala
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa.”
a. pagpapakalunod sa kalungkutan
b. pagpipilit bumangon mula sa kalungkutan
c. pagkagalit sa mundo dahil sa kalungkutan
___ 17. “Ang katauhan ko’y kusang nagtangkilik
sa buntong- hininga nang ikaw’y may sakit,
himutok ko noo’y inaaring Langit,
Paraiso naman ang may tulong silid.”
a. pag-aalala sa sakit na taglay ng kasintahan
b. kalungkutan dahil iniwan ng kasintahan
c. kaligayahan sa piling ng kasintahan
___ 18. “Nagbabalik mandin parang hinaharap
dito ang panahong masayang lumipas
na kung maliligo’y sa tubig aagap
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.”
a. kawalang pag- asa dahil binigo ng kasintahan
b. kalungkutan dahil may umagaw ng kasintahan
c. kaligayahan sa piling ng kasintahan
___ 19. “Bakit baga noong kami’y maghiwalay
ay di pa nakitil yaring abang buhay
kung gunitain ka’y aking kamatayan,
sa puso ko Selya’y di ka mapaparam.”
a. kawalang pag- asa at sobrang sakit ng kalooban
b. pagkakasakit ng malubha
c. pagkagalit nang sobra- sobra
___ 20. “Itong di matiis na pagdaralita
nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa
ang siyang umakay na ako’y tumula
awitin ang buhay ng isang naaba.”
a. pagbangon at paggawa ng makabuluhang bagay mula sa pagkabigo
b. muling pagtatangka upang mabalikan ang dating relasyon
c. pagtitiis ng lahat ng hirap upang muling mabalikan ang minamahal
___ 21. Nang magdamdam ngawit sa pagayong anyo
sa puno ng isang kahoy ay umupo,
nagwikang “O palad!” sabay ang pagtulo
sa mata ng kuhang anaki’y palaso.
Si Aladin ay nakadarama ng__________
a. labis na kapaguran b. labis na kalungkutan c. labis na sakit ng katawan
___ 22. Malao’y humilig, nagwalang bahala
di rin kumakati ang batis ng luha
sa madlang himutok ay kasalamuha
ang wikang “Flerida’y tapos na ang tuwa.”
Ang ipinaghihirap ng kanyang kalooban ay_______.
a. ang pagwawalambahala sa kanya ni Flerida
b. ang pagkawala sa kanya ni Flerida
c. ang masakit na salitang binitawan ni Flerida
___ 23. Mapamaya- maya pa’y nagbangong nagulat
tinangnan ang pika’t sampu ang kalasag
nalimbag sa mukha ang bangis ng Purias
“Di ko itutulot,” ang ipinahayag
Ang saknong ay nagpapakitang _________.
a. hindi matanggap ni Aladin ang pagkawala ni Flerida
b. pinipilit ni Aladin na unawain ang sitwasyon
c. kakalimutan na ni Aladin si Flerida
___ 24. “At kung kay Flerida’y iba ang umagaw
at di ang ama kong dapat igalang,
hindi ko masabi kung ang pikang tangan
bubuga ng libo’t laksang kamatayan.”
Ang saknong ay nagpapakitang____________
a. isang magalang na anak si Aladin kaya naman labis siyang kinatutuwaan ng kanyang ama
b. ang pika ni Aladin ay ilalaan niya sa taong umagaw sa kanyang pinakamamahal na kasintahan
c. kung hindi lang ang sariling ama ang umagaw sa kasintahan ay tiyak na mapapatay ito ni Aladin
___ 25. “Sa kuko ng lilo’y aking aagawin
ang kabiyak niring kaluluwang angkin
liban na kay ama ang sino ma’t alin
ay di igagalang ng tangang patalim.”
Ang saknong ay nagsasabing________
a. babawiin ni Aladin ang kanyang kasintahan sinuman o anuman ang maging hadlang
b. gustong bawiin ni Aladin ang kasintahn subalit hindi niya magawa dahil ama ang karibal
c. ang mga kaluluwa ng magkasintahan ay sa kabilang buhay na lamang magtatagpo

III. Tama o Mali. Isulat sa patlang/ sagutang papel ang salitang Tama kung tama ang pahayag at Mali kung ito ay
salungat sa ipinapahayag ng pangungusap.
_________ 26. Naaalala ni Florante ang pagluha ni Laura kapag ang binata’y nalulungkot.
_________ 27. Naiisip ni Florante na baka si Laura ay nakahilig na ngayon sa kandungan ni Adolfo.
_________ 28. Napatunayan ni Florante na tunay ngang tinalikuran na siya ni Laura at ang dalaga at si Adolfo na
ngayon ang magkasintahan.
_________ 29. Maging ang kalasag ni Florante ay ni hindi hinayaan ni Laura na magkaroon ng kalawang sa takot na
marumhan ang kanyang kasuotan.
_________ 30. Ang ipinagpapalagay ni Florante na pinakamatinding nagawa ni Adolfo sa kanya ay ang pag- agaw
niya kay Laura.
_________ 31. Naging mahigpit na karibal ni Kiko ang mayamang si Nanong Kapule.
_________ 32. Kahit mayaman ang karibal ay hindi umurong si Kiko sa laban para kay Selya.
_________ 33. Sinasabing si Jose Rizal ang unang nagdala ng kopya ng Florante at Laura habang siya ay naglalakbay
sa Europa.
_________ 34. Binubuo ang wawaluhing pantig ang awit na Florante at Laura.
_________ 35. Naging inspirasyon ni Kiko ang makatang si Huseng Sisiw sa paggawa ng tulang Florant at Laura.

IV. Identipikasyon
A. Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat bilang.

Haring Linceo Mariano Kapule Laura


Konde Adolfo Maria Asuncion Rivera Florante
Duke Briseo Aladin Flerida
Sultan Ali- Adab Emir Menandro

_______________ 36. Siya ang tauhang kinatatakutan ng kanyang nasasakupan dahil sa kanyang kalupitan maging sa
sarili niyang anak.
_______________ 37. Siyang ang tauhang nagpakita ng lakas at tapang sa kabila ng pagiging isang babae.
_______________ 38. Siya’y nagging mabuting heneral ng hukbo ng Albanya at nagpabagsak sa 17 na kaharian bago siya
nalinlang ni Adolfo at naipatapon sa gubat.
_______________ 39. Siya’y magandang dalagang hinangaan at hinangad ng maraming kalalakihan tulad nina Adolfo at
Emir.
_______________ 40. Siya ang anak ni Sultan Ali- Adab ng Persya. Naging kaagaw ang kanyang ama sa larangan ng pag-
ibig.
_______________ 41. Sa babaeng ito inialay ni Kiko ang kanyang tulang Florante at Laura.
_______________ 42. Naging mahigpit na kaagaw ni Francisco sa kanyang babaeng iniibig.
_______________ 43. Siya ang butihing ama ni Florante. Kaibigan at tagapayo ni Haring Linceo.
_______________44. Kaaway na mortal ni Florante. Ang kanyang inggit at panibugho kay Florante ang nagtulak sa kanya
upang patayin ang hari at ipatapon sa malayo si Florante.
_______________ 45. Ama ni Laura at hari ng Albanya. Makatarungan at mabuting hari.

B. Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang kung ito’y katotohanan o opinyon.
_______________ 46. Si Florante ay nanaghoy dahil sa masaklap na kamatayan ng kanyang ama.
_______________ 47. Ang lahat ng taong namamatayan ng ama ay nanaghoy katulad ng ginawa ni Florante.
_______________ 48. Halos magputok ang dibdib ni Aladin sa habag sa narinig na karanasan ni Florante.
_______________49. Ang sinumang makaririnig sa karanasang tulad ng kay Florante ay magpuputok din ang dibdib sa
awa.
_______________ 50. Ang ama ni Aladin ay kabaliktaran ng mabuti, maalaga at mapagmahal na ama ni Florante.

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang
buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.” – Bob Ong

Maligayang Pagtatapos mula sa puso ni Gng. G.

You might also like