Filipino8 Q1 M4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

8

FILIPINO
KUWARTER 1 – MODYUL 4

MELC
 Naisusulat ang talatang:
- binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap
- nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
- nagpapakita ng simula, gitna, wakas
K to 12 BEC CG (Competency Code F8PU-lg-h-22)
MGA KASANAYAN: PAGBASA, PAGSULAT, WIKA AT GRAMATIKA

Sa modyul na ito ay ating matutunghayan at mapag-aaralan ang tungkol sa pagsulat ng talata na


makatutulong at makapagbibigay ng kaalaman kung paano mahahanay at maipahahayag ang isang
kaisipan. Ito rin ay magsisilbing gabay upang mapalalim pa nang husto ang kaalaman sa
pagpapahiwatig ng sariling pananaw o kuro-kuro sa bawat sitwasyon o pangyayari sa ating
ginagalawan sa pang araw-araw na buhay.

Alam mo ba…
Ang komposisyon ay binubuo ng mga talata. Mahalagang malaman kung ano ang talata, mga uri
nito, mga bahagi nito, at paano ang pagtatalata para sa epektibong pagsulat ng komposisyon.
Ang talata ay nagpapakita sa isang mambabasa kung saan nagsisimula at nagtatapos ang mga
subdibisyon ng isang sanaysay, at sa gayon ay matulungan ang mambabasa na makita ang samahan ng
sanaysay at maunawaan ang mga pangunahing punto nito. Ang bawat talata ay may istraktura, hindi
ito isang random na koleksyon ng mga pangungusap dahil ang mga bahagi na bumubuo sa teksto ay
may kaugnayan sa bawat isa.

PAGSULAT NG TALATA
Ano nga ba ang talata?

Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng isang buong
pagkukuro, palagay o paksang-diwa. Ang mga balita ay karaniwang isinusulat sa talatang iisahing
pangungusap. Makatatagpo rin ng mga talatang iisahing pangungusap sa maikling kuwento. Samantala,
ang editoryal at mga sanaysay ay karaniwang nagtataglay ng mga talatang binubuo ng ilang mga
pangungusap.

Ayon sa katatagpuan sa mga talata sa komposisyon, ang mga talata ay mauuri sa: (1)
panimulang talata; (2) talatang ganap; (3) talatang paglilipat-diwa; at (4) talatang pabuod.

Mga Uri ng Talata


1. Panimulang Talata.
Ito ang una at kung minsan ay hanggang sa ikalawang talata ng komposisyon. Layunin nito
ang ipahayag ang paksa ng komposisyon. Sinasabi rito kung ano ang ipaliliwanag, ang isasalaysay,
1
ang ilalarawan o bibigyang katuwiran. Kung maikli ang komposisyon , ito’y isa lamang maikling
talata rin. Subalit kung mahaba ang akda, maaaring ang panimulang talata ay buuin ng mahigit sa
isang talata.
Halimbawa:
Ang tao ay natatanging nilalang ng Diyos. Kung ihahambing nga naman sa iba pang nilikha sa
daigdig, walang pag-aalinlangang masasabi na ang tao ang nakahihigit sa lahat. Ang paniniwalang
ito ay maibabatay sa mataas na antas ng pag-iisip ng tao.
Bunga nito, ang iba pang tanging kakanyahang ibinigay ng Diyos sa tao ay ang makapag-
desisyon para sa kaniyang sarili. Sa kabila nito may mga tungkulin ding iniatang ang Diyos sa
balikat ng bawat tao.

2. Talatang Ganap.
Makikita ito sa kalakhang gitnang bahagi ng komposisyon. Tungkulin nito ang paunlarin ang
pangunahing paksa. Binubuo ito ng paksang pangungusap at mga pangungusap na tumutulong
upang matalakay nang ganap ang bahagi ng pangunahing paksa ng komposisyon na nililinaw ng
talata.
Halimbawa:
Ang pananampalataya sa Diyos ay pangunahing tungkulin ng tao. Dapat niyang kilalanin na
kung hindi dahil sa Diyos ay wala siya sa daigdig na ito. Kung gayon, dapat niyang ipagpasalamat
sa Diyos ang lahat ng biyayang kaniyang natatanggap. Ang pananampalataya sa Diyos ay dapat
ding makita sa kabutihan sa kaniyang kapwa sapagkat Diyos ang nagsabi, “Kung ano ang
ginagawa mo sa iyong kapwa ay siya mo na ring ginagawa sa akin.”

3. Talata ng Paglilipat-diwa.
Mahalaga ito upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng mga pahayag sa mga talataan ng
komposisyon. Ginagamit ang talatang ito upang pag-ugnayin ang diwa ng dalawang magkasunod
na talata.
Halimbawa:
Bakit naman sinabi sa Bibliya na, “ibigay mo kay Caezar ang kay Caezar, ang sa Akin sa Akin.
Ano ang nais ipahiwatig ng Diyos dito?
Paano maipamamalas ang kabutihan ng tao sa kaniyang kapwa? Kailangan bang maging
malaking bagay ang malay sa kapwa tao?

2
4. Talatang Pabuod.
Madalas na ito ang pangwakas na talata o mga talata ng komposisyon. Inilalagay dito ang
mahahalagang isipan o pahayag na nabanggit sa gitna ng komposisyon. Maaari ring gamitin ang
talatang ito upang bigyan ng higit na linaw ang layunin ng sinusulat na komposisyon.
Halimbawa:
Ang mga iyan ang mga tungkulin ng tao ayon sa pagkasunod-sunod ng halaga ng bawat isa.
Una, tungkulin sa Diyos, ikalawa, tungkulin sa kapwa, ikatlo tungkulin sa bayan at ikaapat,
tungkulin sa sarili.

Ang bawat talata ay may tatlong bahagi:


• Panimula
• Gitna
• Wakas
Ang panimula ay matatagpuan sa unahang bahagi ng komposisyon. Dito isinasaad ang paksa na nais
talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang inilalahad, inilalarawan, ipinaliliwanag, o
isinasalaysay.
Halimbawa:
Ang kalusugan ay tumutukoy sa mabuting kalagayan ng katawan. Ang mga palatandaan ng
malusog na pangangatawan ay pagkakaroon ng wastong timbang, kawalan ng sakit o karamdaman, at
pagkakaroon ng masayang disposisyon sa buhay.

Ang gitna ay matatagpuan sa katapusan ng panimula at bago magbigay ng wakas. Ang tungkulin nito
ay paunlarin ang pangunahing paksa. Binubuo ito ng mga sumusuportang ideya na siyang paraan
upang ganap na matalakay ang nais ipaliwanag ng manunulat. Upang maisagawa ito, ang isang
manunulat ay gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan tulad ng:
1. pagbibigay-katuturan
2. pagtutulad
3. pagsusuri
Halimbawa:
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos na parang arbitraryo.
Ang mga tunog ay hinugisan o binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama
upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.
3
Ang wakas ay matatagpuan sa dulong bahagi ng akda. Dito isinasaad ang mahahalagang kaisipan na
nabanggit sa gitnang talata. Ito ay maaaring isulat sa paraang patanong, pabuod, paghamon, o bilang
isang konklusyon.
Halimbawa:
Bilang pagtatapos, nais kong ibahagi ang sinabi ni Gat Jose Rizal na kung sinuman ang hindi
marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng isang talata:


- Dapat palaging nagsisimula sa malaking titik ang simula ng pangungusap
- Kailangan ay may tamang bantas.
- May tamang margin.
- Dapat nakapasok o naka-indent ang unang pangungusap sa talata.
- Pagsunud-sunurin ang ayos upang hindi maguluhan ang mga mambabasa.

Pagbibigay ng angkop na pamagat at paggamit ng angkop na bantas sa pagsulat ng talata.


• Sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata, alamin muna ang paksang-diwa o paksang
pangungusap. Ang mga ito ay nagbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat. Ang pangunahing diwa
ang pinakabuod ng mga pangyayari sa talata o kuwento. Ang paksang pangungusap ang
pinagtutuunan ng mga detalye upang mabuo ang pangunahing diwa ng talata o kuwento.
• Ginagamit ang malaking titik sa mahahalagang salita ng pamagat ng talata at sa simulang salita ng
bawat pangungusap. Ginagamit din ito sa mga unang titik ng mga pangngalang pantangi. (hal.
Pangasinan, Luzon, Pilipinas, etc.)
• Ginagamit ang tuldok (.) sa katapusan ng mga pangungusap na paturol at pautos. Tandang
pananong (?) sa pangungusap na patanong, at tandang padamdam (!) naman sa pangugusap na
padamdam.

Narito ang isa pang halimbawa ng talata na ating susuriin at bibigyang kasagutan upang lubos niyong
maunawaan ang ating aralin.
Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan ng pag-awit, pagpipinta at
pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga produkto nating gawang kamay na tulad ng
binurdahan at nililok. Tunay na ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang larangan.
Ano ang paksang diwa ng talata?
4
Ganito ba ang iyong sagot?
Ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang larangan.

Ano ang maaari mong ibigay na pamagat sa talata?


Ang pamagat ng talata ay: “Ang Pilipino: Likas na Malikhain.”
Nakatulong ba sa iyo ang paksang diwa ng talata sa pagbibigay ng angkop na pamagat?

Anong salita sa pamagat na “Ang Pilipino: Likas na Malikhain”, ang sinimulan sa malaking
titik?
Tama ka! Ang Pilipino Likas Malikhain
Bakit sinimulan sa malalaking titik ang mga ito?
Sapagkat ang mga ito ay mahahalagang salita. Ang Ang ay simula ng pamagat.
Alin naman ang hindi sinimulan sa malaking titik?
Ang na ay hindi isinulat sa malaking titik dahil hindi ito mahalagang salita.
Binabati kita sa mabilis mong pagkatuto. Ngayon dadako na tayo sa mga gawain na may kaugnayan
sa ating aralin.

GAWAIN I: Pag-ayos ng Talata


Panuto: Isaayos ang wastong pagkasunod-sunod ng talatang nasa ibaba sa pamamagitan
ng pagsulat ng bilang 1 hanggang 7 sa bawat patlang.
____ Sa gabi, sumasama sila sa prusisyon at nanonood ng mga palabas.
____ Ang pagdiriwang ng pistang-bayan ay labis na nagugustuhan ng mga Pilipino.
____ Sa madaling-araw naririnig ang ingay ng baboy, kambing, itik, manok, bibe, baka at iba pang
hayop na kinakatay.
____ Sa araw ng kapistahan, makikita ang mga matatanda at bata na masayang nagsisimba, nanonood
ng parada at sumasakay sa iba’t ibang uri ng sasakyang umiikot.
____ Pagkatapos ng pista, masaya silang naglilinis ng tahanan, nagliligpit ng pinagkainan at
nagkukuwento ng pinagkagastusan subalit makikita mo sa kanilang mga mukha ang labis na
kaligayahan.
____ Bago pa dumating ang kapistahan ay abala na ang mga tao sa paglilinis ng kani-kanilang mga
tahanan, naglalagay ng dekorasyon sa mga lansangan at naghahanda ng mga pagkain.
____ Masaya rin silang lumilibot sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan upang pagsaluhan ang
inihandang pagkain.
5
GAWAIN II: Pagtukoy sa Paksang Pangungusap
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na talata na nasa loob ng kahon. Salungguhitan ang paksang
pangungusap na nararapat sa bawat bilang.
1. Maaga pa ay gising na ang mga tao sa bahay ni Mang Isidro. Ang bawat isa ay abalang
nagbibihis at naghahanda papunta sa simbahan. Nakasuot ng magandang puting damit si Eloisa. Ito
ang araw ng kaniyang kasal.

2. May iba’t ibang kahulugan ang bawat kulay. Ang asul ay kapayapaan at ang pula ay katapangan.
Pag-ibig naman ang kahulugan ng rosas at panibugho naman ang dilaw. Kasaganaan naman ang berde
at kalungkutan ang itim. Marami pang kulay ang may kahulugan.

3. Ang aklat ay nagbibigay ng iba’t ibang impormasyon. Ito rin ang nagdadala sa atin sa iba’t
ibang bansa sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang dating pagkatao ay nagbabago rin. Ang lahat ng
bagay ay matututunan natin sa aklat. Ito ang mga kahalagahan ng aklat.

4. Ang isang pagdiriwang na pinakahihintay ng halos sa karamihan ay ang kapaskuhan. Ang lahat
ng tao ay abala sa paghahanda sa araw na ito. Mga bagong damit at sapatos naman ang kinasasabikan
ng mga paslit. Ang pagpunta at pagbibigay-galang nila sa kanilang ninong at ninang ay kinakikiligan
din. At higit ay ang pagpapasalamat sa Diyos para sa araw na ito.

5. Malalaki at matataas na gusali ang matatagpuan sa Ayala, Makati. Kilalang-kilala ang lungsod
na ito dahil na rin sa mga subdibisyong magagara at mala-palasyong bahay ng mga milyonaryo. Narito
rin ang iba’t ibang mga hotel at restawran na tanyag. Ang Makati ay isa sa pinakamayamang lungsod
ng bansa.
GAWAIN III: Paggawa ng Talata
Panuto: Gumawa ng sariling talata tungkol sa Covid – 19 na binubuo ng magkakaugnay
na mga pangungusap, nagpapakita ng simula, gitna, wakas at nagpapahayag ng sariling palagay
o kaisipan hinggil sa pandemyang nagaganap sa kasalukuyan.
PAMANTAYAN 10 8 6 4 2
Pagkamalikhain
Tamang pagbabaybay ng mga salita
Naipahahayag ang sariling palagay o kaisipan
KABUUAN 30 Puntos
6
Pangalan: ________________________________________ Iskor: ___________________
Baitang at Seksyon: ________________________________ Petsa: ___________________

PAGTATAYA

A.1. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot na tumutukoy sa tamang pamagat sa bawat talata.
1. Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit pa. Natatangi sa lahat
ng puno ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring sangkap sa paggawa ng sabon,
shampoo, at iba pa.
A. ang niyog C. Ang mga Gamit ng Niyog
B. Ang Niyog D. ang mga gamit ng niyog
2. Ang kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue) ay ang sangay ng pamahalaan na
namamahala sa pangongolekta ng buwis ng mga mamamayang may hanapbuhay. Bawat
manggagawang Pilipino ay may tungkuling magbayad ng kaukulang buwis. Ang buwis na
ibinabayad ang siyang ginagamit na pondo ng pamahalaan sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng
ating bansa.
A. Ang kawanihan ng Rentas Internas C. Ang kawanihan ng internas rentas
B. Ang Kawanihan ng Rentas Internas D. ang kawanihan ng rentas internas
3. Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni Magellan ang Pilipinas, gusto
niyang kilalanin ng mga katutubo ang hari ng Espanya. Tinutulan ito ni Lapulapu at naganap ang
digmaan sa pagitan ng mga Kastila at katutubo kung saan tinalo ni Lapulapu si Magellan at naging
sanhi ng pagkasawi nito sa laban.
A. Lapulapu, bayaning pilipino C. lapulapu, Bayaning pilipino
B. Lapulapu, Bayaning Pilipino D. lapulapu, bayaning pilipino
4. Si Melchora Aquino ay ipinanganak noong ika-6 ng Enero, 1821. Ang kaniyang mga magulang
ay sina Juan Aquino at Valentina Aquino. Kahit na walumpu’t tatlong taong gulang na si Tandang
Sora, ito ay hindi naging hadlang sa kaniyang paglilingkod sa bayan. Lihim niyang tinulungan ang
mga katipunerong may sakit at nagugutom.
A. Tandang Sora: Ina ng mga Katipunero C. Tandang sora: ina ng mga Katipunero
B. Tandang Sora: ina ng mga katipunero D. tandang sora: Ina ng mga katipunero
5. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating bansa ay
may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon

7
natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay isang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain.
May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.
A. Tradisyon ng mga Pilipino C. tradisyon ng mga pilipino
B. tradisyon ng mga Pilipino D. Tradisyon ng mga Pilipino

A.2. Panuto: Iayos ang mga pangungusap ayon sa pagkasunod-sunod ng pangyayari sa binasang talata.
Gumamit ng bilang 1 hanggang 5.
_____6. Siya si Mina, nasa ika-apat na baitang na siya.
_____7. Lagi siyang nagbabasa kung wala siyang ibang gawain.
_____8. Mahilig siya sa mga libro at iba pang babasahin.
_____9. Madalas siyang magbasa sa ilalim ng puno ng mangga, sapagkat masarap ang hangin doon.
_____10. Wala na siyang oras sa paglalaro dahil ibinubuhos niya lahat ang kaniyang oras sa
pagbabasa.

B. Panuto: Ibigay ang paksang diwa ng mga sumusunod na talata.


1. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti nating pagtanggap
sa mga panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila’y naglilinis at nag-aayos ng kabahayan.
Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming prutas at inumin.
Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing pasalubong sa panauhin.
Ano ang paksang diwa ng talata? __________________________________________________
2. Napag-utusan si Janna na hugasan ang mga plato at lahat ng ginamit sa pagkain at pinaglutuan
nito. Sinalansan ni Janna ang mga baso at pitsel. Pinagsama-sama niya ang plato at platito ayon sa
laki. Pagkatapos ay inihanay niya ang mga kaldero at kawali. Matapos sabunin, banlawan at
patuyuin ayon sa ayos nito at inilagay niya ang mga ito sa kani-kanilang lalagyan.
Ano ang paksang diwa ng talata? ________________________________________________
3. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin,
dapat umiiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang
pagsasamahan ng isa’t isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at
matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong ingatan.
Ang paksang diwa ng talata ay _____________________________________________________
4. Ang ating ina ang nag-aaruga at nag-aalaga sa atin mula sa sinapupunan hanggang sa ating
paglaki. Sinisikap niyang ibigay ang lahat ng ating pangangailangan. Hindi niya iniinda ang puyat
at pagod masigurado lamang na nasa mabuti tayong kalagayan. Ibinibigay niya ang lahat para sa
8
ating magandang kinabukasan. Sa kaniyang pagtanda, tayo naman sana ang maging gabay na
kakalinga sa kaniya.
Ang paksang diwa ng talata ay _____________________________________________________
5. Panganay si Andres Bonifacio sa anim na magkakapatid. Naulila sila noong 14 na taong gulang
pa lamang. Gumawa siya ng paraan upang buhayin ang mga nakababatang kapatid. Gumawa at
nagtinda sila ng mga abanikong papel at tungkod na kahoy. Pumasok siyang mensahero sa isang
kumpanya. Naging ahente rin siya sa iba namang kumpanya.
Ang paksang diwa ng talata ay _____________________________________________________

C. PAGSULAT.
1. Sumulat ng talata tungkol sa kalinisan para maiwasan ang pagkalat ng covid-19 sa ating lipunan.

Rubriks sa Pagmamarka:
Mahusay ang pagkasunod-sunod ng mga ideya 3 puntos
Malinis at maayos ang pagkakasulat ng talata 2 puntos
KABUUAN 5 puntos

2. Gumawa ng talata na nagpapakita ng simula, gitna at wakas na naglalahad ng iyong sariling


karanasan sa pag-aaral gamit ang Modular Distance Learning.

Rubriks sa Pagmamarka:
Nakapagbigay ng mga pangungusap na nagpapahayag ng sariling palagay o
Kaisipan 3 Puntos
Angkop ang pagkakagamit ng mga bantas at wasto ang baybay ng mga salita 2 Puntos
KABUUAN 5 Puntos

9
SUSI SA PAGWAWASTO (PARA SA MAG-AARAL)

Gawain I: Pag-ayos ng Talata Gawain 2: Pagtukoy sa Paksang Pangungusap


3 1. Sa bahay ni Mang Isidro
1 2. May iba’t ibang kahulugan ang bawat kulay
4 3. Ang kahalagahan ng aklat
5 4. Isang pagdiriwang na pinakahihintay ng halos karamihan
7 5. Makati, isa sa pinakamayamang lungsod ng bansa
2
6
Gawain 3: Paggawa ng Talata
Sariling sagot ng mga mag-aaral.

SANGGUNIAN:
A. Government Publications
• Alcomtiser P. Tumangan Sr., Luz A. De Dios, Ma. Lourdes Bela-o, Dante C. Lim,
Alicia T. Soriano, 1997, Retorika sa Kolehiyo, 56 Tendido St., Brgy. San Jose, Quezon City,
Grandwater Publications and Research Corporation
• Louise Vincent B. Amante, Jose D. Francisco Jr., Bukal ng Lahi Serye sa Filipino 8,
Bonanza Plaza 2, Block 1, Lot 6, Hilltop Subdivision Greater Lagro, Novaliches, Quezon City,
Brilliant Creations Publishing Inc.

B. Online and Other Sources


https://www.slideshare.net/MegGrado/talata-53852938
https://www.scribd.com/document/422593384/Pagsulat-ng-Talata
https://ecopinoy.com/halimbawa-ng-talata-kahulugan-uri-at-mga-halimbawa/
https://www.academia.edu/33875954/ANGKOP_NA_PAMAGAT_NG_TALATA

10
SUSI SA PAGWAWASTO NG PAGTATAYA (PARA SA GURO)

A.1. Pagtukoy sa pamagat ng talata B. Pagsuri sa mga talata


1. c 1. pagiging maasikaso sa mga panauhin
2. a 2. tamang paghugas ng plato at pag-oorganisa
3. b 3. katatagan sa pagharap sa mga suliranin
4. a 4. pagiging mapag-aruga at maalaga
5. a 5. pagiging masipag at responsable sa buhay

A.2. Pag-ayos ng talata


6. 1
7. 3
8. 2
9. 5
10. 4

C. Pagsulat
1.
Mahusay ang pagkasunod-sunod ng mga ideya 3 puntos
Malinis at maayos ang pagkakasulat ng talata 2 puntos
KABUUAN 5 puntos

3.
Nakapagbigay ng mga pangungusap na nagpapahayag ng sariling palagay o
Kaisipan 3 Puntos
Angkop ang pagkakagamit ng mga bantas at wasto ang baybay ng mga salita 2 Puntos
KABUUAN 5 Puntos

11

You might also like