Lpfilipino 7

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Grade 8-Purity

Estudyanteng Guro: Chantra Marie Q. Forgosa


Gurong Tagapayo: Bb. Debby D. Repe

I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naihahambing ang pagkakaiba ng mga halimbawa ng magasin.
b. Nagagamit ang iba’t ibang pamamaraan sa pangangalap ng ideya sa paggawa ng isang
halimbawa ng isang magasin cover.
c. Nabibigyang-reaksyon ang kaibahan ng iba’t ibang halimbawa ng magasin hinggil sa
sariling saloobin at damdamin.

II. Paksang Aralin:


Popular Na Babasahin: Magasin

III. Sanggunian:
Ebook: Repe,D.2017. Panitikang Pilipino 8
https://www.slideshare.net/mobile/JanelleLangcauon/magasin-70573539

IV. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Paghahanda
* Pagbati

Magandang umaga klas! Magandang umaga rin Ma’am!

Kumusta kayo? Mabuti po Ma’am!

Masaya akong marinig yan klas!

*Panalangin
Raven, maaari mo bang pangunahan ang Opo Ma’am! Handa na ba kayo mga
ating panalangin? kaklase?

Handa na!

AMA NAMIN

Ama Namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo,
Sundin ang loob mo dito sa lupa para
nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw,
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa
nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa
tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Amen.

*Pag-alam ng Liban

Maraming salamat Raven, sino ba ang liban Wala po!


ngayong umaga?

Mabuti. Ipaalala ko lamang sa inyo ulit ang mga


alituntunin natin sa loob ng silid-aralan.

1. Dapat pantay-pantay ang pagtrato sa bawat isa.


2. Iwasang bumili o kumain sa oras ng klase.
3. Itaas ang kamay kung nais sumagot o kung may
katanungan.
4. Panatilihin ang kalinisan sa loob ng silid-aralan.
5. Gamitin lamang ang iPad kapag sinabi ng guro.

Nagkakaintindihan ba tayo? Opo Ma’am!

Ngayong umaga na ito ay may tatalakayin tayong


bagong aralin kaya nais kong makinig kayo nang
mabuti dahil pagkatapos ng ating talakayan kayo
ay inaasahang:

a. Naihahambing ang pagkakaiba ng mga


halimbawa ng magasin.
b. Nagagamit ang iba’t ibang pamamaraan sa
pangangalap ng ideya sa paggawa ng isang
halimbawa ng isang magasin cover.
c. Nabibigyang-reaksyon ang kaibahan ng
iba’t ibang halimbawa ng magasin hinggil
sa sariling saloobin at damdamin.
B. Pagtuklas

Bago tayo dumako sa ating talakayan ay


magkakaroon muna tayo ng pangkatang gawain.
Bubunot kayo isa-isa sa mga hugis na nasa loob
ng aking kahon. Kung sino man ang nakabunot sa
hugis bilog sila ang magiging pangkat una at kung
sino naman ang makakabunot sa hugis parisukat
ay sila naman ang pangkat pangalawa. Ang tawag
sa gawaing ito ay “copy paste” may ipapakita
akong larawan sa screen bibigyan ko lamang kayo
ng sampung segundo upang magaya ito. Ang
pinakamaayos na pagkakagaya ay siyang panalo.
Handa na ba kayo? Opo Ma’am!

Pagpapakita ng larawan:

C. Paglinang

Batay sa inyong ginawa kanina ano kaya ang Magasin po Ma’am!


tatalakayin natin ngayong umaga?
Tama! Ano ba ang magasin? May ideya ba kayo? Ang magasin po ay naglalaman ng
maraming artikulo at larawan.

Ano pa? Isang uri ng babasahin po.

Maraming salamat sa inyong mga kasagutan.


Tama! Ang magasin ay peryodikong publikasyon
na naglalaman ng maraming artikulo, kuwento,
larawan, anunsyo at iba pa. Ito ay nagbibigay ng
impormasyon sa mga mambabasa. Maaaring ito
ay naglalaman ng mga larawan ng mga produkto
na iniindorso ng mga sikat na tao sa bansa.

Alam niyo bang maraming uri ng magasin ang Hindi po, Ma’am.
nailimbag sa Pilipinas?

Ngayon ay tutulaksin natin kung ano-ano ba ang


mga ito.

Papangkatin ko kayo sa apat na grupo. Mayroon


ako ditong mga hand outs ng iba’t ibang uri ng
magasin bawat grupo ay magkakaroon ng magasin
na tatalakayin. Pagkatapos ng isang minutong
talakayan sa kani-kanilang grupo ay magpapalit-
palit kayo ng mga magasin hanggang sa matapos
at maibalik ang magasin at hand outs na nasa
inyo. Naiintindihan ba? Opo, Ma’am!

Unang pangkat :
(Lipag Kalabaw, Telembang, Liwayway) Ang mga mag-aaral ay pupunta sa kani-
kanilang pangkat at magbabahagi sa
Pangalawang pangkat: kanilang mga nakaatas na uri ng magasin.
(FHM,Cosmopolitan, Good Housekeeping)

Pangatlong pangkat: Pagkatapos ng isang minuto sa


(Yes!, Metro, Candy) pagbabahagi sa kanilang nakaatas na uri
ng magasin ay ibibigay ng pangkat una
Pang-apat na pangkat: ang kanilang magasin sa pangkat
(Men’s Health,T3, Entrepreneur) pangalawa, ang pangkat pangalawa
naman ay sa ikatlong pangkat, at ang
ikatlo sa pang-apat na pangkat hanggang
sa matapos.
Ngayon ay may mga katanungan akong ibibigay
kung sino man ang makasasagot ay bibigyan ko
ng puntos.

Ano-ano ba ang mga kauna-unahang magasin na Lipag Kalabaw, Telembang at Liwayway


nailimbag sa Pilipinas? po.

Tama! Maraming salamat. Ano -ano naman ang FHM, Cosmopolitan , Good
mga kasalukuyang magasin sa ating bansa? Housekeeping, Yes!, Metro, Candy,
Men’s Health, T3 at Entrepreneur po.

Magaling! Ano ba ang FHM magasin? Ang magasing ito po ay tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno ng mga
impormasyon na nagiging instrumento
upang mapag-usapan ng kalalakihan ang
maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig
at iba pa nang walang pag-aalinlangan.

Tumpak! Ano naman ang Cosmopolitan? Ito po ay isang magasing


pangkababaihan.Ang mga artikulo dito ay
nagsisilbing gabay upang maliwanagan
ang kababaihan tungkol sa mga
pinakamainit na isyu sa kalusugan,
kagandahan, kultura at aliwan.

Tama! Ano ba ang Housekeeping magasin?


Ito po ay isang magasin para sa mga
abalang ina. Ang mga artikulong
nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila
upang gawin ang kanilang mga
responsibilidad at maging mabuting ina
Magaling at naintindihan mo kung ano ang
Housekeeping magasin. Ano naman ang Yes Ito naman po ay magasin tungkol sa
Magasin? balitang showbiz.

Magasin po tungkol sa fashion, mga


Magaling! Ano naman ang Metro Magasin? pangyayari,shopping at mga isyu hinggil
sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.

Candy magasin binibigyan ng pansin ang


Tumpak! Ang Candy Magasin? mga kagustuhan at suliranin ng kabataan.
Ito ay gawa ng mga batang manunulat na
mas nakakaunawa sa sitwasyon ng mga
mambabasa.
Mahusay! Nakinig ka talaga sa pagbabahagi Isang magasin po na nakatutulong sa
kanina. Ano naman ang Men’s Health? kalalakihan tungkol sa mga isyu ng
kalusugan

Tama! Ano naman ang T3? Isang magasin po na para lamang sa mga
gadget.

Ito po ay magasin para sa mga taong may


Tumpak! Ang Entrepreneur? negosyo o nais magtayo ng negosyo.

Ang magasin po ay nagbibigay sa atin ng


Magaling at nakinig kayo sa pagbabahagi kanina. mga mahahalagang impormasyon na
Ano ba ang kabutihan na maidudulot ng Magasin pwede nating magamit sa ating araw-araw
sa buhay ng tao? na buhay at tumutulong din po ito para
mapalawak ang ating pag-iisip.

Alin sa mga magasing iyon ang nais mong Ang candy magasin po dahil angkop po
basahin? Bakit? ito sa aking edad.

Ang T3 po dahil gusto kong malaman


kung paano ba alagaan ang aking mga
gadgets.

Ano ba ang lamang ng magasin sa ibang popular Lamang po ang magasin sa ibang popular
na babasahin? na babasahin dahil po ang magasin ay
napapakita ng mga konkretong larawan at
updated po siya palagi.

Sa inyong palagay, paano nasasalamin ng Nasasalamin po ito sa pagka malikhain ng


kulturang pilipino ang babasahing magasin? isang pilipino na noon pa man ay may
angkin ng katalinuhan at kakayahan ang
mga pilipino na sumulat tulad laman ng
ating bayani na si Dr. Jose Rizal.

D. Pagpapalalim

Ngayon ay may gagawin tayong isang aktibiti. Sa


parehong pangkat gagawa kayo ng isang magasin
cover gamit ang inyong ipad at ipad application na
pwede kayong mag-edit at magsaliksik. Bibigyan
ko lamang kayo ng limang minuto para sa
paggawa at dalawang minuto sa pagbabahagi.
Handa na ba kayo? Opo Ma’am.

Sa unang pangkat Ang bawat pangkat ay magbabahagi ng


Bilang isang estudyante gumawa ng isang kani-kanilang ideya sa paggawa ng isang
magasin cover kung saan makikita ang kaibahan magasin cover.
ng makabagong pag-aaral o pagkatuto sa
tradisyunal na pagkatuto. Pagkatapos makagawa ay ibabahagi nila
ang kanilang nagawa na magasin cover sa
Ikalawang pangkat klase.
Gamit ang mga bagay na makikita sa inyong bag,
gumawa ng isang magasin cover kung saan
makikita ang mga mabisang materyales na
maaaringgamitin sa pagkamit ng mabisang
pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ikatlong pangkat
Gumawa ng isang magasin cover na kung saan
makikita ang mga apps na maaaring makatulong
upang makamit ng mga mag-aaral ang mabisang
pagkatuto.

Pang-apat na pangkat
Gumawa ng isang magasin cover na kung saan
makikita ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat
isa.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Ngayon masasabi ko na lubos na ninyong


nauunawaan ang leksyon natin ngayong umaga
base sa inyong naipakita.

E. Paglilipat
Ngayon naman ay kunin ninyo ang inyong mga
Ipad. Ibigay ninyo ang pagkakaiba ng mga
halimbawa ng magasin ayon sa inyong
naunawaan. Ilagay ang inyong mga sagot sa mga
buto ng pakwan at sa gitnang bahagi naman ay
ilagay ninyo ang kahalagahan ng magasin. Ipasa
ito sa gmail ko.

You might also like