Filipino 9-Modyul 5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

NOT

9
Filipino
Unang Markahan- Modyul 5
Elemento ng Maikling Kuwento
at Iba pa

i
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1

Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Aralin ……………………………… 4
Balikan ……………………………… 4
Tuklasin ……………………………… 5
Suriin ……………………………… 6
Pagyamanin ……………………………… 10
Isaisip ……………………………… 11
Isagawa ……………………………… 12
Buod ……………………………… 14
Tayahin ……………………………… 15
Karagdagang Gawain ……………………………… 16
Sanggunian ……………………………… 17

ii
Modyul 5
Elemento ng Maikling Kuwento
at Iba pa

Pangkalahatang Ideya
Ang modyul na ito ay tungkol sa konsepto ng akdang pampanitikan ng
Timog-Silangang Asya. Matutunghayan dito ang pagsusuri ng maikling kwento batay
sa paksa, mga tauhan, pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, estilo sa pagsulat
ng awtor at iba pa. Nilalayon ng modyul na ito na gabayan ang mga mag-aaral kung
paano susuriin ang isang akdang panitikan.
Maipapakita rin sa modyul na ito kung paano ang pagsururi ng isang akdang
binasa. Sa pamamagitan nito, matutulungan ang mga mag-aaral kung paano
susuriin at unawain ang binasang akda.
Makatutulong din ang modyul na ito na mapalawak ang kakayahan at
kaalaman ng mag-aaral sa pagsusuri ng maikling kwento batay sa paksa, mga
tauhan, pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at iba
pa.
Matutunghayan din sa modyul na ito ang mga akdang susuriin na
kinakailangang maintindihan at mapahalagahan dahil ito ay magiging kapaki-
pakinabang sa pagkatuto ng mga mambabasa lalo na ng mga mag-aaral. Walang
mangyayaring pagsusuri kung walang babasahing akda. Mas magiging
makabuluhan ang pagbabasa kung nakuha ng mambabasa ang angkop na
mensaheng nais ihatid ng akda.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay may isang aralin:
Aralin 1 - Pagsusuri ng Maikling Kwento Batay sa: Paksa,
mga Tauhan, Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari,
Estilo sa Pagsulat ng Awtor, at Iba Pa

Alamin

Ano ang Inaasahan Mo?

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:
Nasusuri ang maikling kwento batay sa paksa, tauhan, pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor, at iba pa. (F9PS-Ia-b-41)

1
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o

Alamin mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa

tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
Subukin masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa

pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
Balikan mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa

Tuklasin pamamagitan ng iba‟t ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at

nararapat mong matutunan upang malinang ang
Suriin pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa

iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
Pagyamanin mahasa ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong

mahahalagang natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang

mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
Isagawa mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.
2
Subukin
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat lamang
ang
titik o letra ng mapipili mong sagot sa iyong sagutang papel.
___ 1. Isa itong anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan at mag-iwan ng isang kakintalan sa isipan ng mga mambabasa.
A. tula B. sanaysay C. nobela D. maikling
kwento
___ 2. Kapag ang maikling kwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito ay
mauuri sa maikling kwentong ____________________.
A. pantanghalan B. makabanghay C. kababalaghan D. katutubong kulay
___ 3. “Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang
ama.” Tukuyin ang posibleng katangian ng ama na makikita sa pahayag.
A. isang malupit at iresponsableng ama C. tahimik at mabait
B. isang amang laging galit D. mapagmahal na ama
___ 4. Mula sa kwentong Ang Ama, ibigay ang nagtulak sa ama ni Mui-Mui na magbago ng
ugali at magsisi sa kanyang mga nagawa.
A. sa kadahilanang nais niyang maging isang mabuting ama
B. dahil nais niyang magmalaki sa kanilang lugar
C. dahil ito sa pagkawala ni Mui-Mui
D. sapagkat nais niyang ituwid ang kanyang mga pagkakamali
___ 5. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod,
habang pahikbing nagsalita ng “Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay ang
iyong ama kundi ito. Sana‟y tanggapin mo.” Kilalanin ang damdaming namutawi sa
pahayag.
A. pagdadalamhati B. pagsisisi C. pangngungulila D. kasiyahan
___ 6. Isa itong elemento ng maikling kuwento na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari.
A. wakas B. kasukdulan C. banghay D. tagpuan
___ 7. Isa itong gawain kung saan sinusukat nito ang antas ng kakayahan o kaalaman ng
isang tao ukol sa isang paksa, asignatura o iba pang talakayan.
A. maikiling kwento B. pagsusuri C. pagsagot D. pagtataya
___ 8. Ang batang ito ay sakitin, tuwing gabi maririnig ang kaniyang halinghing na siyang
ikinagalit ng kaniyang ama. Kilalanin ang pangunahing tauhang tinutukoy sa
pahayag.
A. kapatid na lalaki B. si Mui-Mui C. kapatid na babae D. ina
___ 9. Isa itong pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling
kuwento at binibigyan ng layang maikintal sa isipan ng mga mambabasa
A. mensahe B. damdamin C. tauhan D. panimula
___ 10. Tumutukoy ito sa pinakakaluluwa ng maikling kuwento.
A. suliranin B. kasukdulan C. kaisipan D. paksang-diwa
___ 11. Elemento ito ng maikling kuwento na nagsasaad ng mahalagang detalye tugnkol sa
may-akda at kung paano ang paraan ng kaniyang pagsulat.
A. kaisipan B. tauhan C. estilo sa pagsulat ng awtor D. paksa
___ 12. Tumutukoy ito sa pagkilala ng mga karakter o nagsipagganap sa kuwento.
A. kasukdulan B. tauhan C. tagpuan D. suliranin
___ 13. Tumutukoy ito sa lugar na pinangyarihan ng kuwento.
A. tagpuan B. tauhan C. mensahe D. banghay
___ 14. Nagsasaad naman ito ng mga problemang kakaharapin ng mga tauhan sa kwento.
A. paksa B. mesahe C. suliranin D. tauhan
3
___ 15. Tinuturing itong pinakapangunahing tauhan sa kwentong Ang Ama na nagsisisi at
nagbago ng pag-uugali dahil sa isang di-inaasahang pangyayari.
A. ina B. Mui-Mui C. anak D. ama

Pagsusuri ng Maikling Kwento Batay

Aralin
sa: Paksa, mga Tauhan,

1 Pagkakasunod-sunod ng mga
Pangyayari, Estilo sa Pagsulat ng
Awtor at Iba Pa

Balikan

Gawain 1: Ihambing mo
Panuto: Ihambing ang ilang pangyayari o kaganapan sa lipunang Asyano sa
kasalukuyan sa ilang piling pangyayari na napanood sa telenobela. Pagkatapos,
ipaliwanang ang iyong paghahambing. Ilagay sa angkop na kahon ang iyong
magiging kasagutan.

4
Ilang Kaganapan sa Ilang Piling Ipaliwanag ang Iyong
Lipunang Asyano sa Pangyayari na Sariling
Kasalukuyan Napanood sa Paghahambing
Telenobela

1. Napapabilang ang
karamihan sa kabataan
ngayon sa isang wasak na
pamilya o hiwalay na mga
magulang.
2. Maraming kabataan
ang nakikilahok sa mga
gawaing paaralan,
barangay o komunidad.

3. Kadalasan sa mga tao

ay nagiging mapanghusga
sa kanilang nakikita.

Tuklasin

Handa ka na ba?

Alam kong masisiyahan ka sa mga

matutuklasan mo habang pinag-aaralan
ang araling ito. Sinasabi nga nila na bawat
manunulat ay madalas ninanais niyang
mang-aliw at magturo sa kaniyang
mambabasa.

Ninanais din ng manunulat na mag-

iwan ng kakintalan o mahalagang aral na
kukurot sa puso‟t isipan ng mga
mambabasa. Kaya, matutulungan kang
madagdagan ang kaalaman mo sa araling
ito.
5
Gawain 2: Fist of Five

Panuto: Gawin natin ang fist of five. Pumili ng bilang at ilagay sa patlang ayon sa
katumbas nitong antas ng pagkaunawa o pagkatuto.

5- alam na alam na at kayang ipaliwanag sa iba

4- nagagawa nang ipaliwanag mag-isa

3- kailangan pa ng tulong sa pagpapaliwanag

2-kailangan pang magpraktis

1-nagsisimula pa lamang matuto

___a. naipaliliwanag ko ang katuturan ng maikling kwento

___b. naiisa-isa ko ang mga elemento ng maikling kwento

___c. napagsunod-sunod ko ang mga pangyayari sa isang kwento

___d. nabigyang kahulugan ko ang mga pahiwatig na ginamit sa maikling kwento

___e. nasusuri ko ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan

Suriin
Ang pagsusuri ay isang uri ng pagtataya kung saan sinusukat nito ang antas
ng kakayahan o kaalaman ng isang tao ukol sa isang paksa, asignatura o iba pang
talakayan. Mahalaga ang pagsusuri sapagkat natatasa nito kung naintindihan ba ng
isang tao ang kanyang napag-aralan at kung epektibo ang paraan ng pagtuturo.
Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning
magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng
isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Kaya nga, dito pumapasok ang iba‟t ibang paraan ng pagsusuri ng akda ayon
sa mga sumsusunod.

Mga Elemento

 Panimula- Nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang

pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
 Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ito ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.

 Suliranin- Ito ang problemang haharapin ng tauhan.

6
 Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban
sa lipunan at tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
 Kasukdulan- Makakamtan dito ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian
ng kanyang ipinaglalaban.
 Kakalasan- Tulay ito sa wakas.
 Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
 Tagpuan- Nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga
insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
 Paksang Diwa- Pinakakaluluwa ito ng maikling kuwento.
 Kaisipan- Mensahe ito ng kuwento.
 Banghay- Pagkakasunod-sunod ito ng mga pangyayari sa kwento.
 Estilo sa Pagsulat ng Awtor - Dito makikilala ang manunulat. Ano ang kaniyang
naging gawain o katungkulan? Paano nito
maiuugnay ang kaniyang background sa estilo ng
kaniyang pagsulat?

Mga uri
Ilan sa mga uri ng maikling kuwento:

 Sa kuwento ng tauhan, inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian

ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa
sa kanila ng mambabasa.
 Sa kuwento ng katutubong kulay, binibigyang-diin ang kapaligiran at mga
pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga
tao sa nasabing pook.
 Sa kuwento ng kababalaghan, pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi
kapani-paniwala.
 Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-
sindak.
 Sa kuwento ng katatawanan, binibigyang-aliw at pinapasaya naman ang
mambabasa.
 Sa kuwento ng pag-ibig, matatalakay ang pag-iibigan ng dalawang tao
 Sa kwentong makabanghay, pinagtutuunan ang pagkakabuo ng mga
pangyayari. Mahalagang matukoy ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari at ang estilo na ginamit ng may-akda.

Tema
7
 Mayroong pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento.
 Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda ng
isang maikling kuwento. Ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal
sa isipan ng mga mambabasa.
 Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng
manunulat sa mambabasa.

Talakayin Mo

Alam mo ba…

na ang kwentong Ang Ama ay isang uri ng

kwentong makabanghay na nakatuon sa
pagkakabuo ng mga pangyayari? Mahalagang
matukoy ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari at ang estilo na ginamit ng may-akda.

Basahin ang kwentong ito mula sa bansang Singapore na isinalin ni Mauro R.

Avena. Pagkatapos, suriin ang mga pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang
malaman mo kung paano naiiba ang kwentong makabanghay sa iba pang uri ng
kwento.

Buod ng Maikling Kwentong Ang Ama

ni Mauro R. Avena

Kapag naghihintay ang mga bata sa kanilang ama ay laging may halong takot.
Paminsan-minsan ang ama ay may inuuwing malaking supot ng mainit na pansit na iginisa
sa itlog at gulay. Ito ay para lamang sa kanya pero napakarami nito upang maubos niya
nang mag-isa at hindi nagbibigay.

Ito'y inihahati-hati ng ina sa mga anak sa mga pinakamatanda at malalakas na bata

lamang mapupunta ang lahat at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Ang mga bata

Anim lahat ang mga bata.

Ang pinakamatanda ay isang lalaking 12 anyos

Isang babaeng 11 anyos, kahit na payat ito ay matatapang pa rin at kapag wala ang
ina ay sila nal ang ang maghahati sa lahat ng bagay para meron din ang mga maliliit.

Dalawang lalaki ang kambal, 9 anyos

8
Isang maliit na babae, 8 anyos

Isang 2 anyos na maliit pa lamang.

Lahat ng mga bata ay maiingay, naghahangad na mabigyan ng parte sa pinag-

aagawan. Isa o dalawang beses lang itong naulit at hindi na naulit ang pag-uwi ng ama na
may dalang pansit guisado. Mapalad pa ang mga bata kung ang ama ay hindi lasing at hindi
nagugulpi ang kanilang ina.

Kapag uuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog ay tiyak na walang pagkain. Ang

mga bata ay nagsisiksikan sa dahilan ng takot na makagawa ng ingay na nakakainis sa ama
at umaakit sa malaking kamay nito na dumapo sa kanilang mukha. Madalas din na masapok
ang kanilang ina kaya nahihiya itong lumabas ng bahay para maglaba.

May isa sa mga bata ang sakitin at palahalinghing na parang kuting na

nagngangalang Mui-Mui. Alam nila na ang halinghing na iyon ay parang kudkuran na
nagpapangilo sa nerbyos ng ama at ito ay sisigaw kapag „di pa huminto, ito ay lalapit at
hahampasin ng buong lakas ang bata.

Noong gabing umuwi ang ama at masama ang timpla dahil nasisante sa trabaho sa
lagarian. Hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata si Mui-Mui at biglang
bumagsak na lamang ang kamao ng ama sa nakangusong bata na tumalsik sa kabila ng
kwarto na kung saan matagal na nanatiling walang kagalaw-galaw. Nahimasmasan ng ina
ang batang si Mui-Mui dahil sa malamig na tubig.

Pagkamatay ng Anak

Pagkaraan ng 2 araw ay namatay si Mui-Mui at ang ina lamang ang umiiyak habang
inihandang ilibing sa sementeryo ng nayon na mayroong isang kilometrong layo sa tabi ng
gulod. Ang ama naman ay buong araw na nagmumukmok. May isang babaeng umiikot
upang mangolekta ng abuloy at pilit itong inilagay sa palad ng ama na nagsimulang
humagulhol. Papuntang bayan ang ama at tiyak ng mga anak na uuwi na naman itong
lasing.

Ang Pagsisisi

Pagkalipas ng isang oras ay bumalik ang ama na may dalang malaking supot na
may mas maliit sa loob at nilagay ito sa mesa. Pumasok ang ama sa kwarto at „di nagtagal
lumabas. Kinuha nito ang maliit na supot at lumabas ng bahay. Sinundan ito ng mga bata at
napunta ang ama sa tabing gulod. Lumuhod ito at kinuha ang laman ng supot at kanya itong
inilapag sa puntod. Madilim na ang langit at malapit nang umulan pero patuloy pa rin ang
ama sa pagdarasal at pag-iyak.

Pag-unawa sa Binasa

Gawin 2.1: Sagutin mo

Panuto. Batay sa binasang kwento, sagutin ang mga sumusunod na tanong
hinggil sa iyong nauunawaan. Ilahad ang sagot sa loob ng isa o dalawang
pangungusap lamang. Dalawang puntos ang bawat ang bilang.
9
1. Saan ang tagpuan ng kwento?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Anu-anong katangian ng ama ang makikita sa kwento?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Anong pangyayari sa kwento ang nakapagpabago sa di-mabuting pag-

uugali ng ama? Isalaysay ito.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang mga anak?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Pagyamanin
Gawain 3. Fan-Fact Analyzer

Panuto: Sagutin ang kasunod na graphic organizer sa iyong sagutang papel.

Punan ito ng mga pangyayari mula sa binasang kwento ayon pagkakasunod-sunod
nito. Tukuyin din ang tagpuan, tauhan at halagahang pangkatauhan.

Pagsunod-sunod ng
mga pangyayari

10
Isaisip
Gawain 4. Antas ng iyong pag-unawa

Panuto: Balikang muli ang akdang Ang Ama. Sumulat ng isang pagsusuri sa
pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na mga tanong. Kinakailangang
nakalahad sa 2-3 na pangungusap ang iyong magiging kasagutan at 3 puntos ang
bawat bilang.
1. Ano ang paksa o tema ng akda?
_______________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, ano kaya ang nagtulak sa manunulat na sulatin ang

ganitong uri ng kwento o akda batay sa kaniyang tema?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
11

3. Sino-sino ang mga tauhan? Anu-anong mga karakter sa ating lipunan ang
ipinapakita ng may-akda sa pamamagitan ng mga tauhan?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

4. Naging epektibo ba ang ginawang pagsunod-sunod ng mga pangyayari?

Bakit mo nasabi? Ipaliwanag ang sagot.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

5. Sino ang manunulat? Ano kaya ang kaniyang gawain o katungkulan? Paano
mo maiuugnay ang kaniyang background sa estilo ng kaniyang pagsulat?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

6. Ano ang aral na taglay nito?

7. Anong pagbabago ang maaaring mangyayari sa iyong sarili o pagkatao,

pagkatapos mong maunawaan ang aral na taglay nito?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
12

Isagawa

Gawain 5: Ibahagi mo

Panuto: Batay sa binasang kwento na Ang Ama, ibahagi mo ang iyong naging
damdamin hinggil sa pangyayari ng nasabing kwento. Gawing gabay ang mga
tanong sa ibaba sa pagbabahagi mo ng iyong damdamin.

1. Aling bahagi ng kwento ang hindi mo nagustuhan?

2. Alin namang bahagi ang iyong nagustuhan?
3. Anong katangian ng ama ang dapat taglayin ng isang mabuting ama?
4. Ano-anong mga gintong aral ang natutunan mo na nais mong ibahagi?

Ilagay ang iyong kasagutan sa loob ng hugis-puso. May gabay na pamantayan

sa pagsagot na mababasa sa ibaba. Ito rin ang gagawing batayan sa pagbibigay ng
puntos ng guro.

________________________________________________

13
Pamantayan sa Pagmamarka / Rubric
Pamantaya 1-5 6 7 8 9 10
n

Hindi Kulang Masya- Halos Magaling Napakaga

malinaw ang dong naiuugnay kaya lang -ling.
ang ipinakitang limitado sa paksa ay limitado Malaman
ipinakitang kaalaman ang kaya lang ang at
Nilalaman kaalaman sa paksa. kaalaman kulang sa paglinang mahusay
sa paksa sa paksa. detalye. ng na
ngunit paksang- naipaliwan
may diwa. ag ang
naisulat paksang-
na sagot. diwa.

Buod
Ang pagsusuri ay proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging mas
payak o maikli ang mga bahagi, upang makatanggap ng isang mas mainam na
pagkaunawa rito. Ang kahalagahan ng pagsusuri ay upang lubos mong maunawaan
ang binabasang teksto.

Sa pagsusuri ay kinakailangan ang kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng

buong nilalaman ng akda, ang paraan ng pagkakabuo nito at ang ginagamit ng awtor
o estilo. Ang pagpapaliwanag o panunuligsa sa isang akda ay upang ihatid ang
kahalagahan nito. Dalawa ang layunin ng panitikan, ang magbigay ng aliw at
magbigay ng aral kaya mahalaga din sa mga akda ang magkaroon ng bias sa
kaasalan.

Ang bawat manunulat ay may layunin sa paglikha ng isang akda. Ang ano
mang layunin niya sa pagsulat ay isang mahalagang desisyong binubuo bago pa
man simulan ang pagsulat.

Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng maikling kuwento, ay
isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa
isang tunay na pangyayari sa buhay ang isang maikling kuwento. Ito ay
kasasalaminan ng isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang
nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.
14
Kaya nga, sa pagsusuri ng akdang pampanitikan, maraming paraan ang
maaaring ilahad ng mga kritiko tulad na lamang ng mga nabanggit sa unahan. Sa
pagsusuri ng maikling kwento ay maaaring susuriin ito ayon sa paksa, mga tauhan,
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at iba pa.

Tayahin
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat lamang
ang
titk o letra ng mapipili mong sagot sa iyong sagutang papel.
___ 1. Isa itong anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan at mag-iwan ng isang kakintalan sa isipan ng mga mambabasa.
A. tula B. sanaysay C. nobela D. maikling
kwento
___ 2. Kapag ang maikling kwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito ay
mauuri sa maikling kwentong ____________________.
A. pantanghalan B. makabanghay C. kababalaghan D. katutubong kulay
___ 3. “Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang
ama.” Tukuyin ang posibleng katangian ng ama na makikita sa pahayag.
A. isang malupit at iresponsableng ama C. tahimik at mabait
B. isang amang laging galit D. mapagmahal na ama
___ 4. Mula sa kwentong Ang Ama, ibigay ang nagtulak sa ama ni Mui-Mui na magbago ng
ugali at magsisi sa kanyang mga nagawa.
A. sa kadahilanang nais niyang maging isang mabuting ama
B. dahil nais niyang magmalaki sa kanilang lugar
C. dahil ito sa pagkawala ni Mui-Mui
D. sapagkat nais niyang ituwid ang kanyang mga pagkakamali
___ 5. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod,
habang pahikbing nagsalita ng “Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay ang
iyong ama kundi ito. Sana‟y tanggapin mo.” Kilalanin ang damdaming namutawi sa
pahayag.
A. pagdadalamhati B. pagsisisi C. pangngungulila D. kasiyahan
___ 6. Isa itong elemento ng maikling kuwento na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari.
A. wakas B. kasukdulan C. banghay D. tagpuan
___ 7. Isa itong gawain kung saan sinusukat nito ang antas ng kakayahan o kaalaman ng
isang tao ukol sa isang paksa, asignatura o iba pang talakayan.
A. maikiling kwento B. pagsusuri C. pagsagot D. pagtataya
___ 8. Ang batang ito ay sakitin, tuwing gabi maririnig ang kaniyang halinghing na siyang
ikinagalit ng kaniyang ama. Kilalanin ang pangunahing tauhang tinutukoy sa
pahayag.
A. kapatid na lalaki B. si Mui-Mui C. kapatid na babae D. ina
___ 9. Isa itong pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling
kuwento at binibigyan ng layang maikintal sa isipan ng mga mambabasa
A. mensahe B. damdamin C. tauhan D. panimula
___ 10. Tumutukoy ito sa pinakakaluluwa ng maikling kuwento.
A. suliranin B. kasukdulan C. kaisipan D. paksang-diwa
___ 11. Elemento ito ng maikling kuwento na nagsasaad ng mahalagang detalye tugnkol sa
may-akda at kung paano ang paraan ng kaniyang pagsulat.
A. kaisipan B. tauhan C. estilo sa pagsulat ng awtor D. paksa
___ 12. Tumutukoy ito sa pagkilala ng mga karakter o nagsipagganap sa kuwento.
A. kasukdulan B. tauhan C. tagpuan D. suliranin
15
___ 13. Tumutukoy ito sa lugar na pinangyarihan ng kuwento.
A. tagpuan B. tauhan C. mensahe D. banghay
___ 14. Nagsasaad naman ito ng mga problemang kakaharapin ng mga tauhan sa kwento.
A. paksa B. mesahe C. suliranin D. tauhan
___ 15. Tinuturing itong pinakapangunahing tauhan sa kwentong Ang Ama na nagsisisi at
nagbago ng pag-uugali dahil sa isang di-inaasahang pangyayari.
A. ina B. Mui-Mui C. anak D. ama
Karagdagang Gawain

Magaling!
Alam kong magaling ka na.
Nasagot mo nang maayos ang
nasabing mga gawawin. Talagang
marami ka nang natutunan. Bilang
paghasa sa iyong mg nuunawaan,
sasagutin mo ang susunod na
karagdagang gawain.

Gawain 6: Ibigay mo

Panuto: Magbigay ka ng limang katangian ng isang mabuting ama na nais

mong taglayin sa isang mabuting magulang. Ilagay sa loob ng puso ang mga
katangian na iyong pinili. Pagkatapos nito, ipaliwanag kung bakit ito ang napili mong
mga katangian at ilagay naman ang iyong paliwanag sa loob ng kahon.

Mga katangian ng isang mabuting ama

Ipaliwanag kung bakit ito ang napiling mga katangian ng isang mabuting ama.

Ito ang napili kong mga katangiang

sapagkat_____________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
16
________________________________
Mga Sanggunian
DepEd- IMCS Panitikang Asyano 9: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino, Pasig City:
Vibal Group, Inc., 2014.

Marasigan, Emily at Mary Grace Del Rosario. Pinagyamang Pluma. 927 Quezon
Ave. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.

17
18
19

You might also like