Dalumat Notes

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Dalumat Notes

092520

Dan – Ang komunikasyon ay isang prosesong dinamiko

Uri ng Komunikasyon

1. Berbal – pagsasalita
2. Di-berbal – hindi gumagamit ng wika; galaw ng katawan at ekspresyon lamang.
3. Ekstra berbal – gumagamit ng tono o timbre ng boses
4. Simbolik – mensaheng nagbibigay ng mga bagay na ginagamit na naglalarawan sa katangian ng
isang tao.

100220

Antas ng Komunikasyon

1. Intrapersonal – proseso ng komunikasyon ng indibidwal mismo ang naghahatid, tagatanggap ng


mensahe at feedback o tugon sa kanyang sarili.
2. Interpersonal – ay proseso na kung saan, ang indibidwal ang nasasangkot sa pakikipag-ugnayan
sa isa’t isa.
3. Pampubliko o pangmdla – paghahatid sa mas malawak na audience sa pamamaraang
ginagamitan ng telebisyon, radio, magasin, limbagan, recording, pelikula, adbertasyon at iba
pang teknolohiya.
4. Multicultural – nakapokus ito sa pag-aaral ng iba’t ibang kultura na nakakaimpluwensiya sa
komunikasyon na may relasyon sa iba’t ibang lahi, kasarian, relihiyon, edad, antas ng lipunan na
kaniyang kinabibilangan. (globalisasyon)

Dell Hymes – gumawa ng acronym para sa salitang “speaking”.


S – etting: lugar kung saan nag-uusap
P – articipant: sino ang naguusap
E – nds: ano ang layunin ng pinaguusapan
A – bsequence: takbo ng usapan
K – ey: pormal o di-pormal
I – nstrumentalities: paraan
N – orms: tuntunin
G – enre: nagsasalaysay, nakikipagtalo

Layunin ng Komunikasyon

1. Pagpapahayag – paglalahad.
2. Makapanghikayat – mahalaga itong pamamaraan para sa industriya, negosyo at politiko.
3. Makapaglibang – nakapagpapagaan ng kalooban at nagdudulot ng kasiyahan ang
pakikipagpalitan ng kuro-kuro sa kapuwa.
4. Magbigay ng impormasyon – nakakakuha tayo ng iba’t ibang uri ng kaalaman at naipababatid
naman natin ito sa ating kapuwa.
5. Makakuha ng kaalaman – nakakakuha tayo ng ilang mga mahahalagang kaalaman hinggil sa
iba’t ibang mga bagay.
6. Pakikipagkaibigan – paghahanap ng mga kaibigan

Ang komunikasyon ay isang sining dahil kapag tayo ay nakikipag-usap, pili ang salita na ating
binibitawan dahil ayaw nating makasakit ng kapuwa.

Gawain:

Gumawa ng halimbawa ng acronym na “SPEAKING”.

Send compilation: [email protected]

Komunikasyon – pinakamagandang tuklas ng tao

Dan - Ang komunikasyon ay isang prosesong dinamiko

Ideya – naglalaman ng talino at damdamin

Lahat ng senses – daluyan ng mensahe

Matagumpay ang komunikasyon kung may balik tugon

Senyas, kumpas na kapalit ng tugon – sign language

Paghudyat Action Language Simbolik Object Language Sign Language

102320

Masining na Pakikinig

Sangayon ang lahat sa katotohanang malaki ang naitutulong ng pakikinig sa pamumuhay ng tao,
daan ito upang maunawaan ang damdamin at kaisipan ng iba. Kung gaano kahalaga ang nagsasalita,
ganon din ang tagapakinig.

Ang gawaing pakikinig ay kombinasyon ng tatlong (3) bagay: 1. Ang tinatanggap na tunog, 2. Ang
nauunawaan, at 3. Ang natatandaan.

Upang magkaroon ng kakayahan sa pakikinig dapat maayos ang kalusugan.

Layunin sa pakikinig:

1. Makinig upang maaliw


2. Lumikom ng impormasyon at kaalaman
3. Makinig upang magsuri
Hakbang sa proseso ng pakikinig

1. Pagtanggap sa mensahe – pagsasapuso at pagsasaisip ng naririnig.


2. Pagpokus ng atensiyon sa tinanggap na mensahe – pag-ukulan ng sapat na atensyon ang
impormasyon na ating naririnig.
3. Pagpapakahulugan – susuriing mabuti ang narinig saka bibigyan ng interpretasyon.
4. Pag-alala at pagtanda – pagtanda sa isip ng ating naririnig.
5. Pagtugon –

Mga Patnubay sa mabisang pakikinig

1. Maging handa sa pakikinig – dapat ipakita natin na tayo ay interesado sa nagsasalita


2. Magkaroon ng layunin sa gagawing pakikinig – maaliw, kumuha ng impormasyon, o sumuri
3. Bigyang pansin ang agwat o pagkakaiba ng pagsasalita o pakikinig – higit na mas mabilis ang
pakikinig kaysa sa pagsasalita.
4. Kilalanin ang mahahalagang kaalaman o impormasyon
5. Unawain mabuti ang sinasabi ng nagsasalita
6. Iwasan ang pagbibigay puna hangga’t hindi pa tapos ang nagsasalita

Mga Bagay na Nakakaimpluwensiya sa pakikinig

1. Oras
2. Haba ng sinasabi
3. Edad o gulang ng tagapakinig
4. Tono
5. Konseptong Pangsarili
6. Tsanel
7. Pook o lugar

10320

1. Deskriminatibo – matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng komunikasyon.


Binibigyang pansin ang paraaan ng pagbigkas ng tagapagsalita at kung paano siya kumikilos pag
nagsasalita.
2. Komprehensibo – maunawaan ang kabuoan ng mensahe, maintindihan ang nilalaman at
kahulugan ng kanyang pinakikinggan.
3. Paglilibang – upang malibang o aliwin ang sarili. Ginagawa ito para sa sariling kasiyahan.
4. Paggamot – matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa
pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita.
Uri ng Tagapakinig

1. Eager Baever – siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tango nang tango habang may
nagsasalita sa kaniyang harapan ngunit kung naintindihan niya ang narinig ay isang malaking
tanong.
2. Sleeper – siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid at wala siyang
tunay na intensiyong makinig,
3. Tiger – siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng
tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.
4. Bewildered – siya ang tagapakinig na kahit anong pilit ay walang maintindihan sa naririnig at
kapansin-pansin ang pagkunot ng kaniyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o
pagtatanong sa kawalan niya ng malay sa kaniyang naririnig.
5. Frowner – siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa,
makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo ngunit ito ay isang pagkukunwari lamang at
naghihintay lamang siya ng oportunidad na makapagtanong para makapagpa-impres.
6. Relax – isa siyang problema sa isang nagsasalita papaano’y kitang kita sa kaniya ang kawalan ng
interes sa pakikinig.
7. Busy bee – isa siya sa pinakaayawang tagapakinig ng anumang pangkat dahil hindi lang siya
nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagchismisan sa katabi,
pagsusuklay.
8. Two-eared listener – siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang
ang kaniyang tainga kundi maging ang kaniyang utak, makikita sa kaniyang mukha ang kawilihan
sa tagapakinig.

Selection:

Title: Dito o Doon, Hindi ilusyon

Akda ni Dr. Marquez

Gawain:

A. Ibigay ang ibig pakahulugan ng pariralang may salungguhit


1. Pinapagaan ang buo kong katawan ng simoy ng hangin.
2. Gumapang na parang pagong upang hindi makalikha ng ingay.
3. Itinulak ko ang aking sarili na maniwala sa kasinungalingan.
4. Nagpu-prosisyon ang mga ulap nang aking pinagmamasdan sa kaitaasan.
5. Mabuhay ka sa katotohanang ikaw ay nilalang na isang tao.

B. Kaugnay ng salitang ilusyon, ibigay ang hinihingi ng ss.


1. Katuturan sa diksyonaryo
2. Sarili kong pagpapakahulugan sa salita
3. Kaugnayan nito sa buhay ko
C. Ipaliwanag ang damdaming nais palutangin ng tula ayon na rin sa dayalogo ng nagsasalita sa
tula.

D. Sa iyong palagay, ano ang pangunahing layunin ng makata sa kaniyang akda.

110620

Uri ng Pakikinig

1. Aktibo – pakikinig na ang atensiyon ay nakapokus sa mensaheng pinararating ng nagsasalita.


2. Di-aktibo – pakikinig na ang atensiyon ay nakapokus sa ibang bagay at hindi masusi ang pagkuha
ng mensahe.
3. Mapanuri – pakikinig ng taimtim upang makuha at maunawaan ang mga kaisipang taglay ng
mensahe.
4. Malugod – pakikinig na ang layunin ay malibang.

112720

Pagsasalita

Bunganga – ngipin, ngalangala, obula, tonsil, gilagid, soft pallete (soft), palatal (hard)

Mayroon tayong kakayahang magsalita upang makapagpahayag ng ating nadarama.

Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita

1. May kaalaman
2. Kasanayan
3. Tiwala sa sarili

Kasangkapan sa Pagsasalita

1. Boses/Tinig
2. Bigkas
3. Tindig
4. Kumpas
5. Kilos

Kasanayan sa Pagsasalita

1. Pakikipagusap
2. Pakikipanayam
3. Pangkatang talakayan
4. Pagtatalumpati
5. Pakikipagdebate
Kailangan isaalang-alang ang mga sumusunod:

1. Kailangan ipakita ang paggalang sa isa’t isa


2. Pagpapalitan ng ideya
3. Pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at karanasan ng naguusap
4. Ang paguusap ay likas at bukal

Pagtatalumpati

Tatlong Uri ng Talumpati

1. Impromptu – biglaang talumpati nang walang ganap na paghahanda.

Gabay:

-
- Maglaan ng oras sa paghahanda
- Tiwala sa sarili
- Magsalita ng medyo mabagal
- Magpokus sa paksa

2. Ekstemporanyo – pagbigkas sa isang kompetisyon na walang tiyak na kahandaan sa pagbigkas.

Gabay

- Limitasyon sa oras

3. Preparado – dito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng talumpati, kailangan memoryado o


saulado ang piyesa

Pakikipanayam

- Kinakailangan ay mayroong inihandang mga katanungan


- Magtakda ng araw, oras o lugar
- Tukuyin ang pangkalahatang paksa
- Isa-isahin na ang tala ng katanungan
- Maayos na pananamit
- Maging magalang at makinig ng maayos at magpakita ng kawilihan sa kaniyang sinasabi
- Iwasan ang mga tanong na sinasagot ng oo o hindi
- Pagkatapos, huwag makalimot na magpasalamat

Gawain:

Sumulat ng iyong talumpati na binubuo ng introduksyon, katawan at konklusyon.

Paksa : “Bilang kabataan, paano ka makakatulong sa pagpapaunlad ng wikang Filipino?”


120420

Pagsulat

Ang pagsulat ay artikulasyon ng mga ideya konsepto, paniniwala at nararamdaman na


ipinapahayag sa paraang pagsulat, limbag o elektroniko.

Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa
atin maging ito ay pagsulat sa unang wika at pangalawang wika. (Badayos, 2000)

Ito ay isang sistema na humigit kumulang na permanenteng panandang ginamit upang


kumatawan sa isang pahayag kung saan maaari itong muling makuha nang walang interbensiyon ng
nagsasalita. (Peter Daniels)

Ang pagsulat ay pagsalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na


pagsasalinan ng mga nabuong salita. (Bernales)

Antg pagsulat ay isang komprehensibong naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo


ng kaisipan, retorika at iba pang element. (Xing & Jin, 1989)

Kahalagahan ng Pagsulat

1. Nabibigyan tayo ng magandang kaisipan. Pagkakataon ng isang indibidwal na magsaayos ng mga


bagay na nabubuo muna sa ating isipan.
2. Nabibigyan tayo ng pagkakataong marinig. Hindi man tayo nakakapagsalita, ngunit sa pagsulat
naihahatid natin ang ating kaisipan at damdamin.
3. Pagkakataong Makapagimpluwensiya ng iba.

Dalawang Dimensiyon sa Larangan ng Pagsulat

1. Oral Dimension – ang pagsulat ay isang pakikipagusap sa mambabasa kahit hindi nailalahad.
2. Visual Dimension – nabibigyan ang mambabasa ng mga tuntunin at damdamin. Nagiging
malinaw at epektibo ang mga pahayag.

5 Kategorya sa Larangan ng Pagsusulat

1. Ekspresib – personal na pagsulat upang maipahayag ang sarili. [Hal. Talaarawan or Journal.]
2. Formulari – isang mataas at standardisadong pagsulat kagaya ng kasunduan sa negosyo at iba
pang legal, political at pang-ekonomiyang transaksiyon. [Hal. Resume.]
3. Imaginativ – ginagamit upang mabigyang ekspresyon ang mapanlikhang imahinasyon ng
manunulat. [Hal. Tula, awit, dula o script atbp.]
4. Impormativ – ginagamit upang magbigay ng mahahalagang impormasyon at ebidensiya. [Hal.
Paguulat, pahayagan]
5. Persweysiv – ginagamit upang makapanghikayat, mapaniwala ang mga mambabasa dahil sa mga
ebidensiya at katibayang inilalahad. [Hal. Sanaysay at Talumpati]
Mga Kahingian o Kailangan sa Pagsusulat

1. Magbasa. Ang pagbabasa ay nakapagdudulot ng kaalaman. Ang pagbasa ay ang siyang pinaka
pagkain ng ating utak. (Valentine)
2. Magsanay. Nasasanay na tayong paganahin an gating kamay sa pagsusulat at pagiisip ng
malalim.
3. Isang pagkakataon ng pagkatuto sa sarili. Ito ay nakapagbibigay ng mga kaalaman tungkol sa
iba’t ibang bagay hinggil sa sulatin.

Uri ng Pagsulat

1. Teknikal na pagsulat – ito ay isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng


mga propesyonal na tao. [Hal. Ulat pang laboratoryo, Feasibility study]
2. Reperensiyal na pagsulat – ito ay may kaugnayan sa malinaw at wastong presentasiyon ng
paksa. Paglalahad ng impormasyon batay sa katotohanan. [Hal. Paggawa ng bibliyograpi at
indeks at note card]
3. Jornalistik na pagsulat – karaniwang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. [Hal. Pagsulat
ng balita, editorial, lathalain]
4. Akademik na pagsulat – itinuturing na isang intelektuwal na pagsulat dahil layunin nitong
pataasin ang anta sang kalidad ng kaalaman ng mga mag-aaral. [Hal. Pamanahong papel,
konseptong papel]
5. Propesyonal na pagsulat – nakatuon sa isang tiyak na propesyon o larangan, tinuturo sa sa
paaralan bilang paghahanda sa kursong napili. [Hal. Police report sa pulis, Legal report sa
abogado]
6. Malikhaing pagsulat – sarili ng manunulat ang format, lengguwahe, organisasyon ng kaniyang
sulatin. [Hal. Nobela, maikling kwento]

Para sa mga offline at hindi naka-attend.

Gawain 120420

1. Paghambingin ang oral at visual na dimensiyon ng pagsulat.


2. Tukuyin ang kategorya ng pagsulat sa mga sumusunod.
a. Liham pang kaibigan
b. Talumpati ng isang kandidato
c. Business contract
d. Thesis
e. Script pang radyo
f. Subpoena
g. Memorandum of agreement
h. Journal
i. Shopping list
j. Ulat pamanahon
k. Pamanahong papel
l. State of the Nation Address
m. Tula
n. Diary
o. Disertasiyon
3. Ibigay at talakayin ang mga pagpapakahulugan ng mga sumusunod na tao tungkol sa pagsulat.
a. Badayos
b. Peter daniels
c. Bernales
d. Xing at Jin
4. Bakit mahalaga ang pagsulat?

Ipasa sa akin nang direkta hanggang sa Disyembre 6, 2020.

121120

Baitang ng Pagsulat

1. Pag-asinta (Triggering) – kailangang may isang bagay na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat.
2. Pagtipon (Gathering) – anumang paksang sulatin ay kailangan pa ring magdaan sa masusing
pagsasaliksik at pagtuklas.
3. Paghugis (Shaping) – habang kumukuha tayo ng mga materyales, binibigyang hugis natin ang
paksang sulatin.
4. Pagrebisa (Revising) – bihira sa mga manunulat ang nakakalikha ng magandang sulatin sa isang
upuan lamang. Nagdadaan ito sa ilang yugto ng pag-unlad mula sa di-pormal hanggang pormal.
5. Pag-edit – sa bahaging ito isinasagawa ang pagkikinis ng papel upang matiyak na ang bawat
pangungusap at salita ay naghahatid ng tamang kahulugan.

Austero – ayon sa kanya ang pagbasa ay pagkuha ng kahulugan sa nakalimbag na salita.

Goodman – siya ay nagsabi na ang pagbasa ay psycholinguistic guessing game.

Bernales – ang pagbasa ay magkahalong gawain ng apat na makro ng kasanayan. Pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, pagsulat

Arogante – ang pagbasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay ng tao.

Valentine – ang pagbabasa ay nakapagdudulot ng kaalaman. Ang pagbasa ay ang siyang pinaka pagkain
ng ating utak.
Teorya ng Pagbasa

1. Bottom-up – ang kaalaman ay nagmumula sa mga titik o letra o salita mula sa ating mga
nababasa
2. Top-down – magsisimula ang kaalaman sa isipan patungo sa teksto sapagkat ang dating
kaalaman ang magpapasimula sa teksto o babasahin.
3. Interaktib – nagsasaad na ang dalawang teoryang nauna ay hindi pwedeng paghiwalayin
sapagkat mas makatutulong sa mambabasa kung gagamitin o pagsasamahin ang dalawang
teorya.
4. Schema – ito naman ay nagsasaad ng paglilinaw ng mga nakaimbak na kaalaman at mga
karanasan.

Uri ng Pag-basa

1. Mabilisang pagbasa (Skiming) – pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng tao.


2. Pahapyaw na pagbasa (Scanning) – tumutukoy sa paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa
isang pahina.
3. Pagsusuring pagbasa (Analytical) – nakasalalay sa mga materyales ang gawaing pagsusuri at
ginagamit dito ang matalino
4. Tahimik (Silent) – mata lamang ang gumagalaw.
5. Pasalita (Oral) – pagbasa sa teksto na inaangkupan ng wastong pagbigkas ng mga salita at sapat
na lakas ng tinig.
6. Previewing – sinusuri muna ang kabuuan at istilo o rehistro ng wika ng sumulat.
7. Kaswal – ang pagbabasa ay pansamantala at di pamalagian at ginagawa na pampalipas oras
lamang.
8. Matiim na pagbasa – nangangailangan ito ng maingat at masusing pagbasa.
9. Muling pagbasa (Re-reading) – paguulit ng pagbasa kung ang paksa ay mahirap unawain.

Tanong:

1. Ano ang socio-cognitive na pananaw sa pagsulat?


2. Paghambingin ang oral at visual na dimension na pagsulat.

You might also like