Q2W5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 10
Migrasyon
Ikalawang Markahan – Ikalimang Linggo

6 2 2

Aileen C. Peñaranda
Simon Jay De Leon
Mary Rhine B. Mallorca
Ricky T. Marcelino
Manunul at
Mark Joseph C. Fernandez
Tagasuri
Mariel Eugene L. Luna
Katibayan ng Kal idad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa Ci ty
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Matutunghayan sa bahaging ito ang isa sa mga kinahaharap na isyu ng ating
bansa na lubos na nakapagpapabago sa buhay ng maraming Pilipino, ito ay ang isyu
ng migrasyon. Sa ating pagtalakay sa isyu na ito, kailangan ang bawat isa sa atin ay
maging mapanuri at bukas ang isipan upang higit na maunawaan kung ano ba ang
dahilan at epekto ng pag alis ng tao sa kanyang kinagisnang lugar. Sa katunayan,
maraming positibo ang dulot ng migrasyon ngunit sa kabilang banda ay mayroon
din naman itong negatibong epekto na dapat nating maunawaan sa pag-aaral ng
konsepto at konteksto ng migrasyon ng ating kapwa Pilipino. Bilang isang mag-aaral
ay dapat tayong maging mapanuri sa nangyayari sa ating lipunan upang alam natin
ang tamang pagtugon sa bawat isyu na kinahaharap ng ating bansa.
Tayo na’t pag-aralan ang mga inihandang gawain upang lalo pang mapalalim
ang iyong pagkaunawa sa migrasyon at ang mga dahilan at epekto nito sa ating
buhay at sa bansang kinabibilangan.

Bilang panimula, subukin mong sagutan ang paunang pagsusulit


upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksa na tatalakayin.
Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagutan nang wasto at alamin ang
sagot nito sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng wastong
sagot sa bawat katanungan.
1. Ano ang migrasyon?
A. Proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
B. Proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan
C. Proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang
pangyayari sa lugar na pinagmulan.
D. Proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal
patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente
2. Tawag sa isang indibidwal na paalis ng lugar patungo sa panibagong lugar.
A. Emigrant C. Irregular
B. Immigrant D. Migrant
3. Terminong gamit kapag ang isang indibidwal ay dumating sa panibagong
lugar upang magtrabaho o manirahan.
A. Emigrant C. Irregular
B. Immigrant D. Migrant
4. Si Cardo ay taga-Leyte at nagdesisyong magtrabaho at manirahan na sa
Maynila upang mas higit na matugunan ang pangangailangan ng kanyang
pamilya. Anong uri ng migrasyon ito?
A. External Migration C. Permanent Migration
B. Internal Migration D. Temporary Migration

2
5. Ang pamilya Peñaranda ay hinihikayat ng kanilang kamag-anak na nasa
Australia na doon na lamang manirahan at may nag-iintay rin na
magandang oportunidad na trabaho. Nagdesisyon ang pamilya na umalis
sa bansang kinabibilangan at lumipat sa Australia. Ano ang tawag sa
ganitong uri ng migrasyon?
A. External Migration C. Irregular
B. Internal Migration D. Temporary Migration
6. Tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang
bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon.
A. Flow C. Net migration
B. Outflow D. Stock
7. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa kahulugan ng outflow?
A. Tumutukoy sa mga taong gusto lumipat ng ibang bansa
B. Bilang ng mga tao na umaalis o lumalabas ng bansa
C. Taong pinapangarap na makapanirahan at makapagtrabaho sa ibang
bansa
D. Bilang ng mga tao na mas gusto na makapagtrabaho at
makapanirahan lamang sa loob ng bansang kinagisnan
8. Tawag sa bilang ng mga nandayuhan na naninirahan o nananatili sa
bansang nilipatan.
A. Flow C. Outflows
B. Net migration D. Stock
9. Tumutukoy sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bans ana hindi
dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying
sa bansang pinuntahan.
A. Irregular migrants C. Permanent migrants
B. Migrants D. Temporary migrants
10. Kilala rin bilang migrasyong panlabas ay kapag lumipat ang tao sa ibang
bansa para doon na manirahan o mamalagi nang matagal na panahon
A. External Migration C. Irregular
B. Internationall Migration D. Temporary Migration
11. Alin ang hindi dahilan ng pag-alis o paglipat ng migrasyon?
A. Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang
maghahatid ng masaganang pamumuhay
B. Paghahanap ng ligtas na tirahan.
C. Pagbabakasyon.
D. Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na
matagal nang naninirahan sa ibang bansa.
12. Madalas na pantukoy sa mga taong umaalis o lumalabas ng bansa.
A. Emigration C. Outflows
B. Departures D. Lahat ng Nabanggit
13. Noong taong 2013, saang kontinente nagmula ang pinakamalaking bilang
ng mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa?
A. Europe B. Asya C. Africa D. Timog Amerika
14. Ano ang bumubuo sa 48 porsiyento ng mga imigrante na halos dumarami
pa para maghanapbuhay?
A. Kababaihan B. Kalalakihan C. Kabataan D. Matatanda
15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa anyo at daloy ng
migrasyon?
A. Pagbabagong pangkabuhayan C. Pampolitikal
B. Kultural D. Panrelihiyon

3
GAWAIN 1: AKO’Y NAKARAAN, SANA’Y MATANDAAN
Ngayong panahon ng pandemya, marami ang naapektuhang tao sa
iba’t ibang aspeto lalo na pagdating sa kabuhayan. Marami ang
nawalan ng trabaho dahil sa pagpapatupad ng lockdown na kung
saan ang ibang kompanya ay tumigil muna sa paggawa ng
produkto o serbisyo. Mula sa ating nagdaang aralin ukol sa
UNEMPLOYMENT AT UNDEREMPLOYMENT, sagutan ang gawain
na CHART ANAYLSIS upang higit natin maunawaan kung ano ba
ang epekto nito sa mga tao.

Bilang isang
kabataan, ano ang
mga hakbang na
maaari nating gawin
para hindi tayo
mapabilang sa may
mga walang trabaho
pagdating ng
panahon?

____________________
____________________
ANO ANG
____________________ EPEKTO
____________________ NITO SA
PANSARILI?
____________________
____________________
____________________ PAANO ITO
____________________ BINIBIGYANG
SOLUSYON NG
GOBYERNO?

4
GAWAIN 2: TARA, USAP TAYO!
Mayroon ba kayong mga kakilala o kaanak na naghahanapbuhay sa
ibang bansa? Kung gayon, magsagawa ng isang panayam sa isang
indibidwal na nasa ibang bansa o nangibang bansa. Maaring
gumamit ng iba’t ibang paraan katulad ng text, call, messenger, o
video call upang makapagsagawa nito na hindi nilalabag ang mga
panuntunan sa pag-iwas sa pagkakaroon ng sakit.

Sa pagsasagawa ng pakikipagpanayam, punan ang talahanayan sa ibaba ukol sa


mga mahahalagang sagot na ibinigay ng iyong kapanayam.

Pangalan ng Kaanak na nasa ibang bansa: _____________________________________


Bansang Kinaroroonan: ________________________________________________________
Bilang ng Taon o Buwan na nasa Ibang Bansa: _________________________________
M ga Dahilan ng Pag- Inasahang/Inaasahang M ga Bagay na
alis sa Pilipinas ng Buhay ng Kaanak sa Inaasam/Hinahangad ng
Kaanak Ibang Bansa Iyong Kaanak sa Pilpinas

PAMPROSESONG TANONG:

1. Ano ang iyong masasabi sa mga dahilan ng kanyang pag-alis sa


Pilipinas?
_____________________________________________________________.

2. Sa paanong paraan kaya makakatulong ang pamahalaan upang


makamit niya ang kanyang inaasam at hinahangad na bagay sa
Pilipinas?
_____________________________________________________________.

3. May kaunlaran kayang matatamasa ang Pilipinas kung


maraming Pilipino ang maghahanapbuhay sa ibang bansa?
_____________________________________________________________.

5
Sa kasalukuyan, mayroong kabaligtarang kaugnayan (inverse correlation) ang lagay ng
pandaigdigang ekonomiya at ang laki ng populasyon ng mga bansa. Kadalasang may
mataas na antas ng kabuhayan ang mga bansang maliit ang populasyon, samantalang
nakararanas ng hamon sa kabuhayan ang mga bansang may higit na malaki ang
populasyon. Ang ganitong kalagayan ay ang nag-uudyok sa mga tao na mangibang-bayan
o bansa.

Ang MIGRASYON ay tumutukoy sa


proseso ng pag-alis o paglipat mula sa
isang lugar o teritoryong politikal patungo
sa iba pa maging ito man ay pansamantala
o permanente. Dahil sa globalisasyon,
dalawang pangunahing anyo ng migrasyon
ang nangyayari: una, ay ang paglipat ng tao
upang manirahan sa mga pook urban (gaya
ng mula sa pamayanang rural sa loob ng
isang bansa) at pangalawa, ang paglipat ng
mga tao mula sa kanilang bansa tungo sa
mas maunlad na bansa. Ito rin ay tugon ng
mga Pilipino sa kahirapang dinaranas.
Pangunahing layunin ang paghanap ng mas
magandang oportunidad sa ibang bansa.
https://www.rappler.com/corruption/62055-history-migration-filipinos

Narito ang mga terminolohiya na kailangang malaman upang mas higit na maunawaan
ang konsepto ng migrasyon.

1. Emigrant (emigrante) – ang mga taong paalis sa kanilang bayan upang


manirahan sa ibang bansa (umaalis ng bansa).
2. Immigrant (imigrante) – ang mga taong nagsimulang itaguyod ang kanilang
pamumuhay sa ibang bansa. (pumapasok sa isang bansa).
3. Irregular migrants – ay ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bans ana
hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at sinasabing overstaying
sa bansang pinuntahan.
4. Tempoary migrants – naman ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa
ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at
manirahan nang may takdang panahon.
5. Permanent migrants – ay ang mga overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo
sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang permanenting paninirahan sa
piniling bansa.
6. Flow – tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang
bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon.

1. Outflow – mga tawag sa mga taong umaalis o lumalabas ng bansa.


2. Stock – ay ang bilang ng mga nandayuhang na naninirahan o
nananatili sa bansang nilipatan.
3. Internal Migration – tinatawag din na panloob na migrasyon na kung
saan ito ay paglipat sa loob lamang ng bansa.
4. International Migration – kilala rin bilang migrasyong panlabas ay
kapag lumipat ang tao sa ibang bansa para doon na manirahan o
mamalagi nang matagal na panahon.

6
Ang migrasyon ay isang gawain na di-karaniwan. Mula sa sandaang Pilipino
na lumipat sa ibang bansa, dumami ito sa libo at ngayon ay milyon
Mula sa ating pinag-aralan, nais kong suriin mo kung ano ba ang mabuti at
hindi mabuting epekto ng migrasyon pagdating sa iba’t ibang aspeto sa
pamamagitan ng iba’t ibang gawain.
GAWAIN 3: FRAYER’S MODEL
KAHULUGAN MGA URI

MIGRASYON
MGA DAHILAN MGA HALIMBAWA

Panuto: Gumuhit ng simpleng poster na nagbibigay ng sanhi ng walang


humpay na pangingibang-bayan ng marami sa ating mga Pilipino.
Ipaliwanag ang inyong mga iginuhit sa isang maigsing pangungusap.

GAW AIN 5: Paint Me a Picture!

Ipaliwanag ang simbolo:

7
Sa pagkakataong ito, lubos na nating naintindihan ang sakripisyo ng
mga ating mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa o ang mga tinatawag
na Overseas Filipino Workers na kung saan sa kabila ng kanilang
pagsasakripisyo ay may kapalit na magandang epekto sa kabuhayan,
lipunan, pampolitikal, at sa kanilang pansariling pangangailangan.

GAWAIN 8: KUNG IKAW SIYA?


Panuto: Malalim na ang iyong nalalaman sa paksang tinatalakay, ngayon ay
subukan nating kunin ang iyong pananaw kung ikaw ay bibigyan ng
pagkakataong magdesisiyon.

Sitwasyon: M ATAAS NA DEM AND SA M GA OFW


Paano mo lulutasin ang sitwasyong ito kung ikaw ay isang
__________________?
M AG-AARAL
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
https://www.iconfinder.com/icons/379383/3_stud
ent_icon

KALIHIM NG DEPARTMENT OF LABOR AND


EM PLOYMENT (DOLE)
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
https://news.mb.com.ph/2020/04/07/dole -expedites-
assistance-to-workers/
PANGULO NG PILIPINAS
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
______________________________________
_______________________________________
https://www.philippine-embassy.org.sg/about-us-
2/the-president-of-the-philippines/

8
I. Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Paano mo bibigyang kahulugan ang migrasyon?
A. Tawag sa pagbisita ng isang tao sa kanyang kamag-anak na nasa
ibang bansa
B. Pagpunta sa ibang lugar upang makapagbagong buhay mula sa
kinagisnang buhay.
C. Tawag sa pag-alis o paglipat ng isang lugar o teritoryong politikal
patungo sa iba pang bahagi permanente man o panandalian
D. Pagbibigay ng karapatan sa mga taong may kapasidad
makapanirahan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig na kung saan ay
maaari din nila madala ang kanilang kamag-anak dito.
2. Tawag sa mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may
kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan nang may
takdang panahon.
A. Irregular Migrant C. Permanent migrant
B. Migrant D. Temporary migrant
3. Mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado, walang
permit para magtrabaho at sinasabing overstaying sa bansang
pinuntahan.
A. Irregular Migrant C. Permanent migrant
B. Migrant D. Temporary migrant
4. Overseas Filipinos na ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi
lamang trabaho kundi ang permanenting paninirahan sa piniling bansa.
A. Irregular Migrant C. Permanent migrant
B. Migrant D. Temporary migrant
5. Si Jenny ay taga Ilocos at nagdesisyong magtrabaho at manirahan na sa
Maynila upang mas higit na matugunan ang pangangailangan ng kanyang
pamilya. Anong uri ng migrasyon ito?
A. External Migration C. Permanent Migration
B. Internal Migration D. Temporary Migration

II. Matching Type: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan na tinutukoy sa Hanay A.

HANAY A HANAY B

______6. Emigrant (emigrante) A. Taong paalis sa kanilang


______7. International Migration bayan upang manirahan sa ibang
bansa (umaalis ng bansa).
______8. Irregular migrants
B. Overseas Filipinos na ang
______9. Permanent migrants layunin sa pagtungo sa ibang bansa
______10. Outflow ay hindi lamang trabaho kundi
______11. Stock ang permanenting paninirahan sa
______12. Flow piniling bansa.
______13. Immigrant (imigrante) C. Kilala bilang migrasyong panlabas
______14. Internal Migration ay kapag lumipat ang tao sa ibang
______15. Temporary Migration bansa para doon na manirahan
o mamalagi nang matagal na panahon.
D. Tawag sa mga taong umaalis
o lumalabas ng bansa.

9
E. Mamamayan na nagtungo sa ibang
bansa na hindi dokumentado, walang permit
para magtrabaho at sinasabing
overstaying sa bansang pinuntahan
F. Tawag sa mga mamamayan
na nagtungo sa ibang bansa na may
kaukulang permiso at papeles upang
magtrabaho at manirahan nang may
takdang panahon.
G. Tumutukoy sa dami o bilang ng mga
nandarayuhang pumapasok sa isang
bansa sa isang takdang panahon na
kadalasan ay kada taon.
H. Tinatawag din na panloob na migrasyon na
kung saan ito ay paglipat sa loob lamang
ng bansa.
I. Taong nagsimulang itaguyod
ang kanilang pamumuhay sa ibang
bansa. (pumapasok sa isang bansa).
J. Bilang ng mga nandayuhang na
naninirahan o nananatili sa bansang
nilipatan

Sanggunian:
Antonio, Eleanor D., Dallo, Evangeline M., Imperial, Consuelo M., Samson,
Maria Carmelita B. & Soriano, Celia.Kayamanan; Mga Kontemporaryong
Isyu, Sampaloc, Manila:,Rex Book Store, Inc. (RBSI), C 2017
Urgel, Eliabeth T., Madrigal, Christopher L., Ramos, Dexter John V. & Javar,
Roderick C., Paglinang sa Kasaysayan (Kontemporaryong Isyu). Makati City:
Diwa Learning Systems Inc.2018
Sarenas, Diana Lyn R. Mga Kontemporaneong Isyu.Quezon City: Sibs
Publishing House, Inc. 2017.

Jose, Mary Dorothy dL., Ong, Jerome A., Navarro, Atoy M., Villan, Vicente
C., PhD & Abejo, Arthur G.. Mga Kontemporaryong Isyu. Quezon City: Vibal
Group, Inc 2017

1D,2A,3B,4b,5A,6A,7B,8D,9A,10B,11C,12D,13B,14A,15D

Unang Pagsubok

1C,2D,3D, 4C, 5B,6A,7C,8E,9B,10D,11J,12G,13I,14F,15H

Pangwakas na Pagsusul it

Susi sa Pagwawasto:

10

You might also like