Jay Mark F. Lastra - Mga Pagsasanay Sa Yunit2 (Fil16)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Jay Mark F.

Lastara BSED-III
FILIPINO 16- PANUNURING PAMPANITIKAN
Bb. Shery Jane Borja

Mga Pagsasanay sa Yunit 2

ARALIN 6
1) Ipaliwanag kung bakit kailangang masuri ang isang akda. Magsaliksik ng mga
akdang karapat-dapat bigyang pagsusuri.

-Kinakailangang masuri ang isang akda upang malaman ang nais ipahiwatig ng
may-akda sa ginawang teksto. Higit na mauunawaan ng mambabasa ang punto
de bista ng isang katha kung dumaan sa pagsusuri at dahil sa pagsusuri ay
nabibigyang halaga ang ginawang paksa ng isang mangangatha kung kaya ay
napakahalaga ang pagsusuri sa panitikan upang mabigyang diin ang mensahe
at layuning napapaloob sa akda. Narito ang mga akdang dapat bigyang
pagsusuri: Ibong Adarna, Florante at Laura, sapagkat ito ang isa mga Panitikang
Popular ng mga Filipino na galing sa mga sikat na mangangatha sa panahon ng
mga Kastila. Higit nating mauunawan ang mensahe, mga pangyayari at mga
damdamin ng katha at kung maliwanag sa manunuri ang pinagdaanan at
kasalukuyang buhay ng may-akda

2) Ilahad ang sariling pananaw kung bakit dapat na maging tiyak at matatag ang
manunuri sa kanyang pagpapasya.

- Nararapat lamang na maging tiyak at matatag ang isang manunuri sa kanyang


pagpapasya sapagkat sa kanyang mga opinyon o kuro-kuro nakasalalay ang
kinabukasan, kaunlaran ng akda at maging ng manunulat. Kinakailangan na
maging tapat at pantay sa pamumuna ang mununuri. Hindi dapat nadadala ng
kabantugan ng may-akda upang makatulong sa ikauunlad at ikaliliwanag sa
likhang-sining ng manunulat at maging sa panitikan.

3) Bakit mahalagang malaman ang istilo ng manunulat ?

- Dapat nating malaman ang istilo ng manunulat dahil ang bawat akdang
pampanitikan ay may sariling buhay at umiiral sa sariling paraan ng manunulat.
Sabi nga, nasa porma o kaayusan ang kasiningan ng isang akda. Kung kaya’t
mahalaga na may sariling estilo angmanunulat dahil dito natin makikita ang
kasiningan ng kanyang akda.Ang istilo ng pagkakasulat ng akdang ito ay binase
sa isang sitwasyon,pangyayari o karanasan sa buhay. Ito ay angkop sa antas ng
pag-unawa ng mga mambabasa. Ito ay makakatulong sa literaturang Filipino
dahil ito ay ang nagbibigay buhay sa ating mga ginagawa katulad na lang ng
pag-sulat at pag-basa. Mahalagang malaman ang istilo upang malaman natin ng
mas kaakit-akit ang pinapahayag ng isang tao.

ARALIN 7

1) Ilahad ang kahulugan ng pagbasa batay sa pahayag ng mga sumusunod:


a. LAPP at Flood
- Ipinaliwanag naman ni Lapp at Flood na lahat ng
pakahulugan sa pagbasa ay patungo sa dalawang Prof
kategorya. ang pagbibigy kahulugan sa mga kodigo/simbulo
at ang pagbibigay kahulugan sa nabasa. Ang pagbasa ay
tiyak at maayos na pagkilala sa pagsasama-sama ng mga
salita upang makabuo ng kahulugan at kaisipan.

b. Dr. Paquito B. Badayos


- Ang pagbabasa ay walang kahingiang imposible para hindi
ito magawa ng isang mambabasa.• Ang pagbabasa ay isang
proseso ng pag-iisip. -Utak ang ginamit sa pagbabasa at
hindi ang mata na naghahatid lamang ng mga imahen o
mensahe sa utak. -para sa mga bulag, pandama ang
pumapalit sa mata nang ang mga imaheng mula sa braille
na kanilang binabasa ay makarating sa utak upang
maiproseso.Ang magaling na mambabasa ay sensitib sa
kayariang balangkas ng tekstong binabasa.• Ang mabilis na
pag-unawa sa teksto ay nakakapagpabilis sa pagbabasa.

c. Dr. Lydia P. Lalunio


- Ayon sakanya, ang pagbasa ay pundasyon sa edukasyon.
Ayon din sa kanya, ang karanasang dulot ng pagbabasa ay
nagbibigay ng lubos na kasiyahan sa buhay na hindi
maipagpapalit sa kayamanang materyal.

d. Carmelita S. Lorenzo
- Ang Pagbasa ay ang tiyak at madaling pagkilala ng ayos at
pagkakasunod-sunod ng mga salita upang makabuo ng mga
ideya at kahulugan. Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha
ng mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang
pasalita ang mga ito.
2) Sa sariling mga salita ay ipaliwanag kung ano ang tinatawag na mapanuring
pagbabasa.

- Ang panunuring pagbabasa ay ang pagsuri sa bawat salita upang ito ay


ating maintindihan. Ito ay ang pagiging mapanaliksik sa bawat detalye upang
makita ang nilalahad na interpretasyon ng mga pangungusap o parirala. Ang
pagiging mapanuri ay isa sa importanteng kasangkapan ng pagbasa dahil
naiuugnay nito ang kaangkupan, katiyakan at pagka makatotohanan ng
impormasyong nakalahad sa teksto. Dahil ipinabababtid nito sa atin ang
kahalagahan na nais iparating sa atin ng mensahe sa akda.

3) Maglalahad ng mga sitwasyon kung kailan masasabing ang ginagawang


pagbabasa ng isang tao ay mapanuri.

- Narito ang mga sitwasyon na masasabing ang ginawang pagbabasa ng


isang tao ay mapanuri. Kung ang mambabasa ay:

 bago gumawa ng obserbasyon at reasksyon sa teksto, masusi itong


binabasa at hindi pahapyaw lamang.
 bukas ang isip sa mga ideyang ipinahahayag ng may-akda o ng teksto.
 Tumatanggap ng mga bagong ideya at inuugnay ito sa sarili niyang
ideya.
 Bumubuo ng sariling ideya at hindi nakikisakay lamang sa ideya ng
iba.
 Maalam, nagsasaliksik, at naghahanap ng paraan upang maunawaan
ang teksto at paksa mula sa mga libro, panayam, internet,
obserbasyon at iba pa.

4) Magsaliksik/ makipanayam sa ilang kilalang tao na nahihilig sa pagbabasa at


hingin ang pananaw tungkol sa pamanuring pagbabasa.

- Ayon kay Anderson et al. (1985) ang mapanuring pagbabasa ay isang


proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto. Ito ay
isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba't
iba at magkakaugnay na pinagmulan ng impormasyon. Ito ay iisang kompleks
na kognitibong proseso ng pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang
makakuha at makabuo ng kahulugan
ARALIN 8

1. Bakit kailangang suriin/punahin ang mga akdang pampanitikan ?

- Kinakailangan na suriin o punain ang mga akdang pampanitikan sapagkat nagbibigay


ito ng kakayahan upang makita ang mas malalim na kahulugan sa nilalaman ng akda at
kung paano ito ay lahat nagiging isang buong ideya. Napaghihimay ang mga akdang
pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa
mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha. Tumutulong ito na
pahalagahan ang lalim ng kuwento at ang mensahe na binabanggit ng may-akda. At
upang maipahayag ang kanilang mga opinyon sa isang lohikal na paraan na maaaring
maunawaan ng nakararami.
2. Magsaliksik ano ang naiambag ni Propesora Nenita sa Batayang Pagsusuri.
- Ang mga Balangkas sa Pagsusuri ang siyang naiambag ni Nenita Papa sa Batayang
Pagsusuri. Ito ang paraan upang masanay ang kaalaman ng sa mga estudyante sa
malawak na balangkas, pamagat ng kabanata, simula, paksa, at buod. Kailangan
malaman ng mga estudyante kung anong uri ng teksto ang binabasa bago makapili ng
estratehiyang gagamitin.
Mga Hakbang:
A. Pagtingin muna sa pamagat
B. Pagbasa sa paunang salita (Introduksiyon) ng may-akda sa aklat
C. Pagbasa sa simula at lagom sa kabanata
D. Pahaphay na pagbasa

Balangkas-A
A.Pamagat ng Akda:
May-Akda: (Ilahad ang talambuhay kung mayroong nalimbag)
Mga Tauhan: (Bigyang Paglalarawan)Buod/Lagom ng Katha: (maikli lamang)
Pagsusuri:
1. Panahong kinabibilangan
2. Sariling Puna
3. Gintong Kaisipan/Balyus na Nakapaloob sa Katha
4. Mga Mungkahi (upang lalong mapaganda at mapaunlad ang katha)

Balangkas B-Ayon kay Prop. Nenita Papa

I-
A. Pamagat ng Katha May-akda
B. Sanggunian o aklat na Pinagkuhanan Buod Pagsusuri
II-BUOD
III-PAGSUSURI

A. Uring Pampanitikan-Pagbigay ng uri at paliwang tungkol ditto (uri ng tula, uri ng


maikling kwento, uri ng dula, uri ng nobela atbp)
B. Istilo ng Paglalahad Paraan ng paglalahad ng mga kaisipan o pangyayari
(patumbalik-isip, daloy ng kaisipan, in media res etc.)

C. Mga Tayutay
1. Mga halimbawa ng tayutay na natagpuan sa kathang sinuri.
2.Maikling paliwanag tungkol sa bawat tayutay na hinalaw.

You might also like