LAS FILIPINO 1 Quarter 2 Ikalimang Linggo

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PANGALAN:____________________________________________ PETSA: ____________

SEKSYON AT BAITANG: ________________________________ ISKOR : ___________

FILIPINO I/Quarter 2/LINGGO 5

PANDIWA
Natutukoy at nagagamit ang pandiwa sa pangungusap

Ang pagsasanay na ito ay tungkol sa mga salitang kilos o pandiwa. Inaasahang ang mga mag-
aaral ay matututong gamitin sa wastong paraan ang mga pandiwa sa pakikipagtalastasan,
pagsulat at paggamit nito sa pangungusap.
_________________________________________________________________________________________

Basahin at Alamin!

Si Dodong Palaka

Kwento ni: Bb. Lianne Rose P. Lastrado

Sa isang malayong bukirin ay may palakang nagngangalang


Dodong.
Mabait at masipag siya kaya marami siyang kaibigan. Maaga
pa lang ay tinutulungan na niyang mamitas ng gulay si Beng
Kambing. Sa tanghali naman ay nagluluto siya ng masarap na ulam para sa mga kaibigan
niyang manok. Sa gabi naman ay inihahatid niya sa kubo ang matandang pagong. Kapag
nagagawa niya ang mga ito ay lundag siya ng lundag, sayaw ng sayaw at kanta ng kanta.
Ganyan kabait at masipag ang batang palaka.

Tanong:

1. Sino ang tauhan sa kwento?

__________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga ginagawa ni Dodong araw-araw?

__________________________________________________________________

3. Ano ang tawag sa mga salitang nakasalungguhit sa maikling kwento?

________________________________________________________________________________

PANDIWA
- Ay salitang nagbibigay-buhay sa pangungusap dahil ito ay tumutukoy sa mga
salitang kilos o galaw ng isang tao, hayop, o bagay.
- Ito ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi: na, ma, mag, nag, um, in, at
hin.
Halimbawa: umiiyak
Salitang-ugat: iyak
Panlapi: um

Si Dodong ay nagtatanim sa bakood.


pandiwa
(ang salitang kilos sa pangungusap ay nagtatanim)

Nagluluto ng ulam si Dodong.


pandiwa
(ang salitang kilos sa pangungusap ay nagluluto)

_____________________________________________________________________________________________________

I. PANUTO: Lagyan ng tsek ang salitang nagsasaad ng kilos batay sa


larawan.

2.
1.
__________naglalaba
_________umaalis
__________nagsasayaw
_________umiiyak
__________nagpupunas
_________umaawit

3. 4.

__________lumulukso _________nakikinig

_________tumatakbo __________nanonood

_________bumibili __________nangingisda
5.
_______naliligo
_________natutulog
__________nagluluto

II. PANUTO: Bilugan ang pandiwa sa pangungusap.

1. Naliligo sa dagat ang mga bata.

2. Maraming magsasaka ang nag-aani sa bukid.

3. Nalalaglag ang mga bulaklak ng manga.

4. Lumipad ng mataas ang saranggola.

5. Nagluluksuhan ang mga hipon sa basket.

6. Nagpapahinga ang kalabaw sa ilalim ng puno.

7. Ang elepante ang humila ng malalaking torso.

8. Sinigaan ni Mang Pedro ang mga basura.

9. Nag-iihaw ng isda si Nanay Ora.

10.Hinahabol ni Aya ang mga paruparo.

_________________________________________________________________________________________
Answer Key:

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
1. Umiiyak 1. Naliligo
2. Naglalaba 2. Nag-aani
3. Nalalaglag
3. Tumatakbo 4. Lumipad
4. Nangingisda 5. Nagluluksuhan
5. Nagluluto 6. Nagpapahinga
7. Humila
Inihanda ni:
LIANNE ROSE P. LASTRADO
SSES TEACHER 1
MAYAPYAP ES

You might also like