ESP1 - Q2 - WK4 - Magalang Ako Sa Pamilya at Sa Kapwa Ko

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LUNGSOD NG MABALACAT

Pangalan:_______________Baitang at Seksiyon: ___________


Paaralan: ______________________Petsa: ________________

GAWAING PAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 1
Ikalawang Markahan – Ika-apat na Linggo
Magalang Ako, Sa Pamilya at Sa Kapwa Ko

I. Panimula

Ang paggalang ay isa sa mga mahahalagang


katangian ng batang Pilipino. Ang paggalang ay
nangangahulugang pagrespeto at pagpapahalaga sa
kapwa, kalikasan, hayop at iba pa. Nagpapakita ito ng
malasakit sa kapwa at sa opinyon ng iba lalo na ngayong
panahon ng pandemya. Mahalagang igalang natin ang
isa’t-isa sa pagkakaroon ng iba’t-ibang pananaw dahil
tayo ay may iba’t-ibang paniniwala. Matuto tayong
makinig sa mga nakatatanda upang magkaroon ng
pagkakaintindihan dahil ang batang magalang ay
kinalulugdan.
II. Kasanayang Pampagkatuto

Nakapagpapakita ng paggalang sa pamilya at sa


kapwa sa pamamagitan ng: (EsP1P-IIe-f-4)
a. pagmamano o paghalik sa nakatatanda
b. bilang pagbati
c. pakikinig habang may nagsasalita
d. pagsagot ng “po” at “opo”
e. paggamit ng salitang “pakiusap” at “salamat”

III. Mga Layunin

Sa katapusan ng mga gawain sa gawaing pagkatuto


na ito, ikaw ay inaasahang:

1. matutukoy ang iba’t-ibang gawain na nagpapakita ng


paggalang sa pamilya at sa kapwa;
2. mapahahalagahan ang iba’t-ibang paraan ng
paggalang sa pamilya at sa kapwa; at
3. magagamit ang mga magagalang na pananalita sa
pakikipag-usap sa matatanda.

IV. Pagtalakay
Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang
paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano sa
matatanda. Isang paraan ito ng paggalang. Karaniwang
ginagawa ito ng mga bata matapos magdasal,
pagkagaling sa simbahan, bago umalis ng bahay, kapag
may dumarating o bumibisitang kamag-anak o
matatanda. Ngunit dahil sa panahon ngayon ng
pandemya, hindi na muna natin maaaring gawin ang
2
mga ito, sa halip maaari tayong makipag-usap sa ating
mga kamag-anak sa pamamagitan ng pagpapalitan ng
mensahe gamit ang text, chat, video call, o iba pang
pamamaraan na kung saan maaari natin silang
kumustahin. Subalit, kahit ganito ang ating nararanasang
krisis, palagi parin nating tandaan ang mga sumusunod:
a. Pagsagot ng “po” at” opo” sa nakatatanda
b. Paggamit ng magalang na pananalita
• Magandang umaga po
• Magandang hapon po
• Magandang gabi po
• Pakiusap
• Salamat
c. Makinig habang may nagsasalita

VI. Mga Gawain


Gawain # 1: Iguhit Mo ang Sagot Mo!
Panuto: Iguhit ang masayang mukha (☺) kung
ginagawa mo ang sinasabi ng pangungusap at
malungkot na mukha () kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
___1. Sumasagot ako ng mga module nang tahimik
upang hindi makaabala sa iba.
___2. Iniiwasan ko ang sumagot kung hindi tinatawag.
___3. Nakikipag-unahan ako sa pagbili ng pagkain
kung rises.
___4. Tinutulungan ko ang kaklase kong may kapansanan.
___5. Sinisigawan ko ang aking kaklaseng hindi nakikinig
sa guro.

3
Gawain 2: Gagawin Ko!
Panuto: Lagyan ng tsek () ang mga larawan na
nagpapakita ng paggalang at ekis (X) kung hindi. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1 2 3

https://www.istockphoto.com/vector/black-and-white- https://www.istockphoto.com/vector/black-and- https://www.clipartof.com/interior_wall_decor/det


child-helping-old-woman-cross-the-street-gm1197449058- white-child-helping-old-woman-cross-the-street- ails/Black-And-White-Cartoon-Mean-Girl-Bullying-
341879691 gm1197449058-341879691 And-Shoving-A-Boy-Poster-Art-Print-1294027

4 5

https://www.dreamstime.com/illustration/fight- https://www.pinterest.ph/pin/476326098071531122/
over-toy.html ?autologin=true

Gawain 3: Tama Ba o Mali Ako?


Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa bawat
bilang. Isulat ang A kung ito ay tama at B naman kung
hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____________1. Ang pagsasabi ng “po” at “opo” ay tanda
ng paggalang.
_____________2. Umaalis ako ng bahay ng hindi
nagpapaalam sa aking mga magulang.
_____________3. Humingi ng pahintulot bago gamitin ang
anumang gamit ng kapatid.
4
_____________4. Madaling mapahamak ang batang hindi
sumusunod sa magulang.
_____________5. Maaari tayong gabayan ng ating mga
magulang sa anumang oras.

VII. Pagsusulit
Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa
bawat bilang Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
_____ 1. Nagsasalita ang guro, ano ang gagawin mo?
A. Sisigaw nang malakas
B. Padabog na lalabas
C. Makikinig nang mabuti
_____ 2. Maraming mga bata ang nag-uusap, hindi mo
marinig ang nagsasalita. Ano ang gagawin mo?
A. Sisigawan sila
B. Pakiusapan silang tumahimik
C. Pakainin sila
_____ 3. Ibig mong makakuha ng mataas na marka.
Ano ang gagawin mo habang ang guro
ay nagsasalita?
A. Makikinig
B. Aawit
C. Sasayaw
_____ 4. May panauhin ang nanay mo at sila ay nag-uusap.
Ano ang gagawin mo sa maingay mong kapatid?
A. Dadalhin sa kwarto at sasabihang huwag
mag-ingay.
B. Papaluin sa binti.
C. Lagyan ng takip ang bibig.
5
_____5. Kumakain kayo ng almusal gusto mo pang kumuha
ng kanin ngunit malayo ito sa iyo. Ano ang
gagawin mo?
A. Tatayo at kukuha ng kanin.
B. Ipapaabot ang kanin sa kapamilya at sasabing
“Pakiabot po ang kanin”.
C. Huwag na lang kumuha ng kanin.

VIII. Pangwakas
Panuto: Gumuhit ng larawan ng nagpapakita ng
paggalang sa iyong kapwa. Isulat sa ibaba “Ako ay
Batang Magalang”. Gawin ito sa sagutang papel.

Mga Pamantayan at Pagmamarka Puntos


Kabuluhan ng detalye ng iginuhit 2
Kalinisan ng iginuhit 2
Wasto ang pagbaybay at gramatika 1

Kabuuang Puntos 5 puntos

6
VIII. Sanggunian:
Abac, Felamar E. 2017.Edukasyon sa Pagpapakatao1
Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog Binagong
Edisyon

Most Essential Learning Competencies (MELC) K to Grade 12 S.Y.


2020-2021. Accessed on May10, 2020. Page 84
https://www.depedclick.com/2020/05/mostessential-learning-
competencies_1.html

Sanchez. 2006. Edukasyon sa Kagandahang Asal at


Wastong Pag-uugali
http://www.seasite.niu.edu/tagalog/modules_in_tagalog/mga_katangia
n_ng_pilipino.htm
https://brainly.ph/question/978788
https://www.google.com/search?q=magalang+magagalang+na+panan
alita+worksheet

Mga Larawan hango sa:


Google Images. Accessed on October 2020.
https://www.istockphoto.com/vector/black-and-white-child-
helping-old-woman-cross-the-street-gm1197449058-341879691

Google Images. Accessed on October 2020.


https://www.istockphoto.com/vector/black-and-white-child-
helping-old-woman-cross-the-street-gm1197449058-341879691

Google Images. Accessed on October 2020.


https://www.clipartof.com/interior_wall_decor/details/Black-
And-White-Cartoon-Mean-Girl-Bullying-And-Shoving-A-Boy-
Poster-Art-Print-1294027

7
Google Images. Accessed on October 2020.
https://www.dreamstime.com/illustration/fight-over-toy.html

Google Images. Accessed on October 2020.


https://www.pinterest.ph/pin/476326098071531122/?autologin=tru

8
9
1. C
2. B
3. A
4. A
5. B
Pagsusulit
1. A
2. B 1. tsek 1.
3. A 2. tsek
4. B 3. ekis 2.
5. A 4. ekis
5. tsek 3.
4.
5.
Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1
Susi sa Pagwawasto IX.
X. Grupo ng Tagapaglinang

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pagkatuto

Sumulat: Wendy L. Tolentino


Patnugot: Myrna M. Valencia, EdD
Tagasuri ng Nilalaman: Myrna M. Valencia, EdD, Myla V. Nicdao,
Mary Joan C. Tayag, ESP QA Team
Patnugot ng Wika: Jennifer Bungque-Ilagan, EdD
Tagalapat: Mary Joan C. Tayag, Jenaro C. Casas
Grupo ng Tagapaglinang: Engr. Edgard C. Domingo, PhD, CESO V
Leandro C. Canlas, PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla, PhD
Sonny N. De Guzman, EdD
Myrna M. Valencia, EdD
Remedios C. Gerente

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: [email protected]

10

You might also like