ENTREP-ICT 5-WK3-Tana

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan


(EPP) 5
Entrepreneurship at ICT
Pagbebenta ng Natatanging Paninda
Ikalawang Markahan-Ikatlong Linggo

Lilybeth C. Tana
Manunulat

Jayson S. Manikan at Virginia P. Cagampang


Validators

Dr. Jane May C. Valbuena at Dr. Antonio C. Gagala


Quality Assurance

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

1
Pagbebenta ng Natatanging Paninda

Inaasahan

Sa tulong ng SLeM na ito, ikaw ay inaasahang:

• naiisa-isa ang pamamaraan sa pagbebenta ng natatanging


paninda;
• nakapagbebenta ng natatanging paninda; at
• napahahalagahan ang perang kinita.

Unang Pagsubok

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng paninda ang makikita sa larawan.

1. 2.

______________________ ______________________

2
3. 4.

___________________ ____________________

5. 6.

____________________ ______________________
7. 8.

___________________ ______________________

3
9.

____________________ _______________________

Balik-Tanaw

Panuto: Isulat ang angkop na serbisyo at produkto ayon sa kanilang


pangangailangan.

SERBISYO PRODUKTO

1. dentista _______________ _______________


2. mangingisda _______________ _______________
3. barbero _______________ _______________
4. panadero _______________ _______________

5. magsasaka _____________ _____________

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

4
Tingnang mabuti ang larawan. Anong uri ng produkto ang
ipinakikita dito? Alam nyo ba na ang Tunasan ay kilala sa malutong at
masarap na litson. Ito ay dinarayo pa ng marami tuwing may okasyon
tulad ng fiesta, pasko, at bagong taon. Maliban sa pagsasaka at
pangingisda, ang pagbebenta ng litson ang pangunahing hanapbuhay ng

mga taong nakatira dito. Subalit ang tanong, paano nga ba ibinebenta o
masisiguradong mabibili ang mga natatanging produkto tulad ng litson ng
taga-Tunasan? Anu-ano ang mga dapat tandaaan sa pagbebenta ng
produkto?
A. Mga Paraan Upang Masiguro na Maibenta ang mga Natatanging
Produkto

Pamamahala ng mga Produkto

1. Pangasiwaan nang wasto at maayos ang paninda.


2. Panatilihing mahusay at mataas ang uri ng produkto.
3. Alamin ang pangkasalukuyang presyo upang hindi malugi.

Pag-iingat sa Ipinagbibiling Produkto

1.Malinis at maayos ang pagkakaluto.


2.Malinis at may takip ang pinaglalagyan.
3.Nasuri ng inspector ng kalusugan ang pinaglulutuan at ang
paninda.
4.Nakasusunod sa pamantayang pangkalusugan ang tinder o tindera.

B. Mga Mungkahi para sa Nagsisimulang Magnegosyo


➢ Pumili ng isang produkto na nais gawin at ibenta.

5
➢ Magmasid sa mga pamilihan ng mga kaparehong produkto upang
makakuha ng dagdag na kaalaman hinggil sa presyo, materyales,
sangkap, kulay, at iba pa.
➢ Maaaring humingi ng mga opinyon sa mga kakilala at mamimili ukol
sa pagbuo ng isang disenyo tulad ng hugis, laki, sangkap,
materyales at kulay.
➢ Gumawa ng prototype o halimbawa ng naisip na bagong produkto.
➢ Kung may mga negatibong puna, maaaring baguhin ito at
pagbutihin pa sa susunod na prototype hanggang sa matamo ang
tamang produkto na maaaring ialok sa mga mamimili
➢ Kung nais mamuhunan at magbenta nang maramihan, maaaring
magpatulong sa Department of Trade and Industry (DTI) upang
makakuha ng mga ideya sa pagdidisenyo at pagbuo ng mga
produkto.
➢ Maging maka-Diyos, makatao at makakalikasan sa pagpapatakbo
ng isang negosyo.

Gawain

A. Suriin ang talaan at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa
inyong kuwaderno.
Paninda Paraan ng Pagbenta Halaga

yema per supot P 25.00

per piraso P1.00

itlog per tray P210.00

per piraso P7.00

kalamansi per kilo P100.00

per supot P15.00

longganisa per kilo P180.00

per piraso P18.00

6
1. Anu-ano ang mga panindang nasa talaan?
2. Paano ipinipresenta ang mga paninda?
3. Paano ipinagbibili ang mga ito?
4. Magkano mabibili ang isang supot ng kalamansi?
5. Anong paninda ang mabibili agad ng mga bata?

B. Gumawa ng talaan tungkol sa pagbebenta ng mga produktong


makikita sa inyong lugar gamit ang template na nasa ibaba. Punuan ang
mga datos na kailangan.

Paraan ng Halaga o
Paninda Presentasyon Pagbebenta Presyo

1.

2.

3.

4.

5.

Tandaan

Mahalagang maunawaan at matandaan ang mga pamamaraan sa


pagbebenta ng natatanging produkto o paninda upang matiyak na
magiging patok ito sa mga konsyumer o mamimili. Makasisigurado rin na
magkakaroon ng kita at hindi malulugi ang negosyo.

7
Pag-alam sa mga Natutuhan

Sa iyong palagay, ano-ano ang mga produktong mabenta sa


panahon ng pandemya? Ano-ano ang mga pamamaraan na ginagamit sa
pagbebenta ng mga produktong ito.

Produkto Paraan ng Pagbebenta

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Isulat ang Tama kung sang-ayon sa bawat pangungusap at Mali


kung hindi sang-ayon.
1. Kapag may naisip kang produkto, tiyak na maibebenta mo ito.
2. Dapat maayos at malinis ang mga paninda mong pagkain.
3. Lahat ng tao ay maaaring maging negosyante.
4. Taasan ng presyo ang mga paninda mong damit kahit sa tingin mo ay
hindi ito de-kalidad.
5. Pagbibigyan mo ang mamimili na nanghihingi ng diskwento kung sa
tingin mo ay hindi ka naman malulugi.
6. Maka-Diyos, makatao, at makakalikasan ang mga katangiang dapat
taglayin ng isang negosyante.
7. Sa negosyong buy and sell kailangan mong magtaas ng presyo o mark-
up para kumita.

8
8. Bilang negosyante dapat hindi ka matiyaga at mapasensya.
9. Dapat pag-isipan mong mabuti bago ka pumasok sa pagbebenta.
10. Magbigay ka minsan ng promo sa binebenta mong produkto upang
hindi makaakit ng mga mamimili.

Sanggunian
DepEd Division of Cabanatuan City.Learning Resource Management and
Development System

https://www.google.com.ph/search?q=puto&biw=1366&bih=657&source=lnms&tbm=isch&sa=
X&ved=0ahUKEwj02L_E56jOAhVDJZQKHdqOAzwQ_AUIBigB#tbm=isch&q=bibingka&imgrc=
AF-06kuWIJHesM%3A

https://www.google.com.ph/search?q=puto&biw=1366&bih=657&source=lnms&tbm=isch&
sa=X&ved=0ahUKEwj02L_E56jOAhVDJZQKHdqOAzwQ_AUIBigB#tbm=isch&q=bibingka&i
mgrc=AF-06kuWIJHesM%3A

EPP5.Entre&ICT_Q2.LM.filipinorecipesite.com

saksingayon.com

Edukayong Pantahanan at Pangkabuhayan IV

Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran V

9
10
Susi sa Pagwawasto
Unang pagsubok
Mga posibleng sagot
1. puto 6. pinya
2. ihaw-ihaw 7. kongganisa
3. rekado 8. inihaw na mais
4. isda 9. bigas
5. kasuotan 10. prutas
Balik-tanaw
1. nag-aalaga ng ngipin – hiringgilya, tubig
2. nanghuhuli ng isda at lamang dagat - bangka, lambat
3. naggugupit ng buhok – gunting, suklay
4. gumagawa ng tinapay – harina, asukal
5. nagtatanim ng palay, gulay at mga produktong pang agrikultura - abono, punla
Gawain Pangwakas na Pagsubok
1. Yema, itlog, kalamansi, longganisa 1. Tama 6.Tama
2. Paraan, halaga 2. Tama 7. Tama
3. Per supot, per piraso, per kilo, per tray 3. Tama 8. Mali
4. P15 4. Mali 9. Tama
5. yema 5. Tama 10. Mali
Susi sa Pagwawasto:

You might also like