V.2AP5 Q2 W1 PilipinasSaPagdatingNgMgaEspanyol

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 5
Pilipinas sa Pagdating
ng mga Espanyol
Ikalawang Markahan – Unang Linggo

Angelo Gamusa
Manunul at
Irene U. Destura
Tagasuri
Dr. Aurora S. Bartolaba
Edizer C. LAqueo
David T. Libao
Mariel Eugene L. Luna
Katibayan ng Kal idad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa Ci ty
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

1
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa inyo. Ito ay
naglalayong makatulong na mahasa sa konsepto katulad ng kahalagahang
pangkasaysayan (historical significance) tungo sa pagpanday ng maunlad na
kinabukasan para sa bansa. Ang saklaw ng modyul na ito ay naglalayong
gamitin para sa iba’t ibang sitwasyong matutunan. Ang araling ito ay inayos
para masundan ang pamantayan sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay tumatalakay sa pamunuang kolonyal ng Espanya
at pananakop ng Espanyol sa Pilipinas:
 Katuturan ng Kolonyalismo
 Ekspedisyon ni Magellan
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Matalakay ang kahulugan ng kolonyalismo at ang konteksto nito
kaugnay sa pananakop ng Espanya sa Pilipinas;
2. Maipaliwanag ang mga dahilan at layunin ng kolonyalismong Espanyol;
at
3. Makabuo ng timeline ng mga paglalakbay ng mga Espanyol sa Pilipinas.

Bago ang lahat, alamin muna natin kung gaano kalawak ang iyong
kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Bilugan ang
letra na nagsasaad ng tamang kasagutan.
1. Isang patakaran na tumutukoy sa tuwirang pagkontrol ng malakas na
bansa sa isang mahinang bansa.
A. ekonomiks B. kolonyalismo C. merkantilismo D. sosyalismo
2. Kasunduan na naghahati sa daigdig sa dalawang bahagi na inilabas noong
May 4, 1493.
A. Inter Caetera C. Treaty of Paris
B. Kasunduan ng Biak na Bato D. Treaty of Tordesillas
3. Isang Portuguese na manlalayag na nakarating sa Pilipinas noong 1521.
A. Alvaro Saavedra C. Miguel Lopez de Legazpi
B. Ferdinand Magellan D. Ruy Villalobos
4. Ginanap ang unang misa sa pulo ng ________ sa pangunguna ni Padre
Valderrama.
A. Intramuros B. Homonhon C. Limasawa D. Mactan
5. Ang madugong Labanan sa Mactan sapagitan ni Lapu-Lapu at Magellan ay
naganap noong ________.
A. Abril 26, 1521 C. Abril 28, 1521
B. Abril 27, 1521 D. Abril 29, 1521
6. Ang kolonyalismo ay isang anyo ng ______________.
A. imperyalismo B. merkantilismo C. sentralisado D.sosyalismo

2
7. Naniniwala ang mga Europeo na ang tunay na kayamanan ng isang
bansa ay ang dami ng ginto at pilak na mayroon o _________________.
A. imperyalismo B. merkantilismo C.sentralisado D.sosyalismo
8. Layunin ng mga Europeo na mabawi ang _______, ang banal na lupain
ng mga Kristiyano na nasakop ng mga Muslim.
A. Barcelona B. Jerusalem C. Lisbon D. Paris
9. Nagsimula ang paglalayag ni Ferdinand Magellan kasama ang humigit
kumulang na 270 tripulante sakay sa _______ barko.
A. 4 B. 5 C. 6 D. 7
10. Linggo ng Pagkabuhay ginanap ang unang misa sa Limasawa sa
pangunguna ni Padre Pedro de __________.
A. Castro B. Dios C.Jesus D. Valderrama

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang


TAM A kung ito ay nagsasaad ng wastong pahayag at M ALI kung ito
ay nagsasaad kamalian.
_____1. Ang Islam ay isang relihiyong may paniniwala sa iisang Diyos, si Allah.
_____2. Bibliya ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim.
_____3. Ang salitang Islam ay nangangahulugan ng kusang pagsalungat sa
kalooban ni Allah.
_____4. Pag-aayuno (fasting) sa buwan ng Ramadan.
_____5. Allah– ang Dakilang Lumikha.
_____6. Sa Islam lamang maaaring maligtas ang kaluluwa ng isang tao.
_____7. Ang pook dalanginan ng mga Muslim ay ang Mosque.
_____8. Ang tagapagtatag ng Islam ay si Allah.

Pilipinas sa Pagdating ng mga Espanyol


Nagsimula ang pagsagawa ng kolonyalismo sa daigdig nang
magtagumpay ang mga Kanluranin sa pagtuklas ng mga bagong lupain. Ang
panahong ito ay tinatawag na Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas na
naganap mula ika-15 hanggang ika-17 na siglo.

Ano ang kolonyalismo?

Kolonyalismo – tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng


malakas na bansa sa isang mahinang bansa.

3
Sa madaling salita, ang pagsakop sa isang bansa at pagkakaroon ng
kapangyarihang politikal sa lugar na ito. Ang tawag sa bansang sinakop ay
kolonya at ang tawag sa mga mananakop ay kolonyalista.

Imperyalismo – dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon sa:


 aspetong political;
 pangkabuhayan; at
 kultural na pamumuhay
sa mahina at maliit na nasyon upang maging pandaigdigang
makapangyarihang bansa ay nananakop ng maraming maliliit na bansa.

Ang kolonyalismo ay isang anyo ng imperyalismo.


Dahilan kung bakit naganap ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya.
 Paglunsad ng Krusada - Layunin ng mga Europeo na mabawi ang
Jerusalem, ang banal na lupain ng mga Kristiyano na nasakop ng mga
Muslim
 Paglalakbay ni Marco Polo - Maraming adbenturerong Europeo ang
namangha at nahikayat na makarating at makipagsapalaran sa Asya
bunsod na rin sa kwento sa aklat niyang “The Travels of Marco Polo”.
 Paghahanap ng bagong rutang pangkalakalan - Upang maiwasan ang
monopolyo ng Italya at nasakop ng mga Muslim ang rutang
pangkalakan, sila ay naghanap ng panibagong ruta papuntang
Silangan.
 Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas - Panahon kung kailan
nagsimulang maglakbay ang mga Europeo upang tumuklas ng mga
bagong lupain at mga bagong rutang pangkalakalan.
 Paniniwala sa Merkantilismo - Naniniwala ang mga Europeo na ang
tunay na kayamanan ng isang bansa ay ang dami ng ginto at pilak na
mayroon ito.

Nagkaroon ng kompetisyon sa pagitan ng Spain (Espanya) at Portugal.


Naging mahigpit ang tunggalian sa pagitan ng dalawang bansa sa pagtuklas
at pananakop ng mga bagong lupain. Dahil dito, hinati ni Pope Alexander VI
ang daigdig para sa mga lugar na tutuklasin ng dalawang bansa.

PORTUGAL
SPAIN

Groubani at English Wikipedia,"Cyprus Spain Locator",https://tinyurl.com/yxcjoh4s,on 9.11.20


Mapa ng Bansang Espanya at Portugal

4
Noong May 4, 1493, inilabas ng Pope ang Inter Caetera na nahahati
sa dalawang bahagi. Sa silangang bahagi ng imahinasyong linya ay nakalaan
para sa bansang Portugal. Sa kanlurang bahagi ay napunta naman sa
bansang Espanya (Spain). Subalit hindi sumang-ayon ang bansang Portugal
sa nilalaman ng Inter Ceatera kung kaya’t pinalitan ito ng Treaty of
Tordesillas ng sumunod na taon.

Koppchen,Christian,"Linie Inter Caetera und T ordesillas",


https://tinyurl.com/y3jy567v on 9.11.20
Dotted Line - Inter Caetera
Curved Line - Treaty of Tordesillas

Buo na ang pasya ng Espanya (Spain) na mamuhunan sa mga


manlalayag na Espanyol upang magsagawa ng ekspedisyon at tumuklas ng
mga bagong lupain. May tatlong pangunahing dahilan ng pagsusumikap ng
Espanya (Spain) na makatuklas ng lupain:

1. Ninais na makuha ang kayamanang taglay ng mga nasakop na bansa.


2. Maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo.
3. Makamit ang katanyagan at karangalan sa buong mundo.

Itinuring na isa sa pinakamatagumpay na paglalayag ang ekpedisyon


na pinamumunuan ni Ferdinand M agellan noong 1519 hangang 1522. Si
Magellan ay isang Portuguese na naglilingkod sa hari ng Espanya sa
pamamagitan ng pamumuno sa maambisyong ekspedisyon. Ito ay ang
paghahanap ng bagong ruta patungong Moluccas Islands na kilala bilang
Spice Islands.

5
Gray,P atrick,"Age of Exploration - Ferdinand
Magellan",, https://tinyurl.com/y2dlchfo on 9.11.20
Ferdinand M agellan

TIM ELINE
September 20,1519 Nagsimula ang paglalayag ni Magellan kasama ang
humigit kumulang na 270 tripulante kabilang si
Antonio Pigafetta at sakay sa limang barko
(Trinidad, Concepcion, San Antonio, Santiago, at
Victoria)
October 21,1520 Natuklasan nila ang makipot na lagusan ang Strait
of M agellan na nag-uugnay sa Atlantic Ocean at
Pacific Ocean, binaybay ng tatlong barko (Trinidad,
Concepcion, Victoria) hangang makalabas
patungong Pacific Ocean.
March 6,1521 Narating nila ang Guam sa Pasipiko. Tinawag itong
Islas Ladrones o Pulo ng Magnanakaw.
March 16,1521 Narating nila ang Pilipinas, Tinawag itong
Archiepelago de San Lazaro dahil araw na iyon ay
kapistahan ng naturang santo. Dumaong sila sa
Homonhon para mag-imbak ng pagkain at tubig.
March 25,1521 Naglayag at dumaong muli sila sa Limasawa at
nakipagkasunduan ni Rajah Kolambu.
March 31,1521 Linggo ng Pagkabuhay ginanap ang unang misa sa
Limasawa sa pangunguna ni Padre Pedro de
Valderrama.
April 7,1521 Dumaong muli sila sa Cebu at magiliw na tinanggap
ni Rajah Humabon. Sa pagpupugay sa kanilang
pagkakaibigan bininyagan si Rajah Humabon at ang
kanyang asawa bilang isang Kristiyano at pinalitan
ang pangalan, ginawang Carlos at Juana at
hinandugan ni Magellan ng imahen ng batang
Hesus (Sto. Niňo)

6
April 27,1521 Naganap ang Labanan sa M actan sa pagitan ng
magkalabang hukbo ni Lapu-Lapu at Magellan.
Nasawi si Magellan sa labanan sa tama ng panang
may lason.
September 22,1522 Nakabalik ang nag-iisang barko sa Espanya, ang
Victoria lulan ang 18 tripulante sa pamumuno ni
Juan Sebastian Elcano.
Ang paglalayag ni Magellan ang nagpapatunay na bilog ang mundo.
Nagbago ang mapa ng daigdig dahil sa mga datos na itinala ni Antonio
Pigafetta sa panahon ng paglalayag. Naging interesado ang hari sa lupaing
natuklasan ng mga Espanyol partikular ang kapuluan ng Pilipnas. Dahil dito,
nagpasya ang Espanya na muling magsagawa ng mga ekspedisyon.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang


TAM A kung ito ay nagsasaad ng wastong pahayag at kung M ALI
naman, isulat ang tamang sagot sa maling salita na may linya.
_____1. Tinatawag na kolonya ang lugar o bansang tuwirang kinontrol ng
isang makapangyarihang bansa.
_____2. Nagkaroon ng kompetisyon sa pagitan ng Spain (Espanya) at Poland
sa pagtuklas at pananakop ng mga bagong lupain.
_____3. Si Magellan ay isang Espanyol na naglilingkod sa hari ng Espanya sa
pamamagitan ng pamumuno sa maambisyong ekspedisyon.
_____4. Narating nila ang Pilipinas noong March 16, 1521 at tinawag itong
Archiepelago de San Lazaro dahil ang araw na iyon kapistahan ng
naturang santo.
_____5. Ang kolonyalismo ay isang anyo ng imperyalismo.
_____6. Ang paglalayag ni Magellan ang nagpapatunay na bilog ang mundo.
_____7. Ang tanging barkong nakabalik sa Espanya ay ang Victoria.
_____8. Nagbago ang mapa ng daigdig dahil sa mga datos na itinala ni Padre
Valderrama sa panahon ng paglalayag.
_____9. Naganap ang Labanan sa Maynila sa pagitan ng magkalabang hukbo
ni Lapu-Lapu at Magellan.
____10. Nakabalik ang nag-iisang barko sa Espanya, ang Concepcion lulan
ang 18 tripulante sa pamumuno ni Juan Sebastian Elcano.

Kunin mo ang iyong kuwaderno sa Araling Panlipunan. Isulat mo ang


iyong natutuhan at pagtuunan mo ng pansin ang paksang tinalakay.
Sa araling ito ay nalaman mo ang mga sumusunod:

7
 Ang kolonyalismo ay tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang
pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa.
 Ang imperyalismo ay dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon sa
aspetong politikal, pangkabuhayan, at kultural na pamumuhaynng
mahina at maliit na nasyon upang maging pandaigdigang
makapangyarihang bansa ay nananakop ng maraming maliliit na bansa.
 Ang paglalayag ni Magellan ang nagpapatunay na bilog ang mundo.
 Nagbago ang mapa ng daigdig dahil sa mga datos na itinala ni Pigafetta
sa panahon ng paglalayag.

PANUTO: Suriin nang mabuti ang larawan sa ibaba at sagutan ang gabay
na tanong .
Gabay na Tanong:

FERDINAND MAGELLAN
Shankar S."Ferdinand Magellan's death",https://tinyurl.com/y59z98ov on 9.11.20
RAYANDBEE,"FERDINAND MAGELLAN",https://tinyurl.com/yxfk7h58 on 9.11.20

Ano-ano ang naging papel na ginampanan ni Ferdinand Magellan sa


panahon ng paggalugad at pagtuklas?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

8
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Bilugan ang
letra na nagsasaad ng tamang kasagutan.
1. Matagumpay na nakarating sa Pilipinas si Ferdinand Magellan mula sa
isang mahabang paglalayag noong _________.
A. Marso 13, 1521 C. Marso 16, 1521
B. Marso 14, 1521 D. Marso 17, 1521
2. May tatlong pangunahing dahilan ng pagsusumikap ng Espanya
(Spain) na makatuklas ng lupain, ito ay ang ___________.
A. God, Gold, Glory C. Gold, Glory, Greatness
B. General,God, Greatness D. General, Glory, Greatness
3. Nagbigay ng regalo si Magellan ng isang imahe ng _________ bilang
tanda ng kanilang pagkakaibigan ni Rajah Humabon at ng kanyang
asawa.
A. Sta. Ana C. Sta. Isabel
B. Sta. Cruz D. Sto.Niño
4. Itinuring na isa sa pinakamatagumpay na paglalayag ang ekpedisyon
na pinamumunuan ni __________ noong 1519 hangang 1522.
A. Magallanes C. Mariveles
B. Magellan D. Masaguin
5. Nagkasundo ang Espanya at Portugal sa paghati ng daigdig sa
pagtuklas ng mga lupain nang pirmahan nila ang _______________.
A. Treaty of Lyons C. Treaty of Westminster
B. Treaty of Tordesillas D. Treaty of Windsor
6. Narating nina Ferdinand Magellan ang ______ sa Pasipiko at tinawag
itong Islas Ladrones o pulo ng magnanakaw.
A. Barbados C. Guatemala
B. Belarus D. Guam
7. Natuklasan nina Ferdinand Magellan ang makipot na lagusan o mas
kilala sa kasalukuyan na ______________ na nag-uugnay sa Atlantic
Ocean at Pacific Ocean.
A. Strait of Mackinac C. Strait of Magellan
B. Strait of Maine D. Strait of Messina
8. Nagbago ang mapa ng daigdig dahil sa mga datos na itinala ni ______
sa panahon ng paglalayag.
A. Alvaro Saavedra C. Ferdinand Magellan
B. Antonio Pigafetta D. Miguel Lopez de Legazpi
9. Isa sa naging salik kung bakit naganap ang kolonyalismo at
imperyalismo sa Asya ay dahil na rin sa librong isinulat ni _________
tungkol sa tanyag na lupain sa Silangan.
A. Antonio Pigafetta C. Ferdinand Magellan
B. Christopher Columbus D. Marco Polo
10. Ang tawag sa bansang sinakop ay ________ at ang tawag sa mga
mananakop ay kolonyalista.
A. encomienda C. kolonya
B. estado D. pueblo

9
10
Pangwakas na Pagsususlit Gawain Balik-Tanaw Unang Pagsubok
1. C 1. Tama 1. Tama 1. B
2. A 2. Portugal 2. Tama 2. A
3. D 3. Portugue se 3. Mali 3. B
4. B 4. Tama 4. Tama 4. C
5. B 5. Tama 5. Tama 5. B
6. D 6. Tama 6. Mali 6. A
7. C 7. Tama 7. Tama 7. B
8. B 8. Pigafe tta 8. Mali 8. B
9. D 9. Mactan 9. B
10. C 10. Victoria 10. D
Susi sa Pagwawasto
Gabuat,M.A.et al."Pilipinas Bilang Isang Bansa".Vibal Group Inc,2016.
https://tinyurl.com/ydgf9dr6
History.Com."FerdinandMagellan".RetrievedJune19,2020, from
Balagtas, M.U. et al."Philippine’ Pride 5".Rex Bookstore Inc,2016.
Sanggunian

You might also like