Filipino LM4
Filipino LM4
Filipino LM4
Linggo 4
Pangalan : __________________________________________
Baitang/ Seksyon : 10
Sabjek : Filipino 10
Markahan : Ikatlong Markahan
MODYUL 4
MGA AKDANG MULA SA AFRICA AT PERSIA
Aralin 4: Pag-ibig
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES
1. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa, at daigdig
Learning Targets:
Pagbibinhi
Panuto: Ano ang kahulugan ng salitang pag-ibig sa iyo? Bigyang katumbas na kahulugan ang bawat letra
ng salitang PAG-IBIG.
Pagpupunla
B. Panuto: Tingnan ang larawan sa pahina 232. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ano ang naramdaman mo nang makita ang larawan?
2. May naalala ka ba na nagpangiti sa iyo o nagpakirot ng iyong puso? Ilahad.
3. Ano ang susi ng nakikita mong masaya nilang pagsasamahan?
Pag-uuhay
Basahin Mo!
Panuto: Basahin ang maikling kwento ni Ebrahim Golestan na pinamagatang “Ang Carousel” sa
pahina 233 hanggang 238.
Pag-aani
A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibaba. Isulat sa iyong sagot sa sagutang papel.
1. Bakit kinakailangan pang udyukan ng ina ang anak upang magyaya na silang pamilya ay
makapamasyal?
2. Bakit ikinubli ng asawang babae ang tunay na layunin sa paglabas nila?
3. Ano ang sinasabi ng mag-asawang hindi nila maintindihan?
4. Ilarawan ang ugali ng lalaki na pilit binabago ng asawa.
5. Bakit hindi parin matanggap ng babae ang ugaling mayroon ang lalaki samantalang apat na taon
na silang nagsasama?
6. Bakit ayaw baguhin ng lalaki ang ugaling kinalakihan na gusto niyang mapag-isa at ayaw
makihalubilo sa ibang tao?
7. Kung mahal niya ang babae, bakit ayaw niyang mapag-usapan man lang ang bagay na madalas
nilang pagtalunan?
8. Gaano kahalaga ang hinihingi ng babae sa kaniyang asawa?
9. Ipaliwanag ang sinabi ng babae sa asawa na lumilikha siya ng sarili niyang kalungkutan.
10. Bakit tanging ang tunay na pag-ibig lamang ang tanging tugon sa magandang pagsasamahan ng
mag-asawa?
Paggigiik
Panuto: Ihayag ang naging damdamin at saloobin mo tungkol sa kahalagahan ng kwento sa iyo, sa
lipunan at sa daigdig. Isulat ang sagot sa isang buong papel.
Pagsasaing
Panuto: Mula sa binasang kwento, kumuha at gamitin ang mga pahayag sa pagbibigay-kahulugan sa
mga damdaming nangingibabaw rito. Iugnay sa mga pahayag sa lugar, kondisyon ng panahon
at kasaysayan ng akda. Gawing gabay ang mga halimbawang makikita sa pahina 240. Isulat
sa papel ang iyong kasagutan.
Paghahain
Panuto: Sumulat ng sanaysay patungkol sa pag-ibig. Ang kahalagahan nito sa sarili, sa lipunan at sa
daigdig. Isulat sa isang buong papel.