Komunikasyonatpananaliksik11 - q2 - Mod1.2 - Sitwasyong Pangwika Sa Iba Pang Anyo NG Kulturang Popular

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

Komunikasyon at Pananaliksik sa

Wika at Kulturang Pilipino


Ikalawang Markahan –Modyul 1.2:
Sitwasyong Pangwika:
Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng
Kulturang Popular:Flip Top ,Pick -up Lines at
Hugot Lines
( Ikalawang Bahagi )
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1.2: Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng
Kulturang Popular: Flip Top, Pick-up Lines at Hugot Lines (Ikalawang Bahagi)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA SENIOR HS

Awtor : Grace B. Almario


Ko-Awtor - Editor : Jennifer S. Dominguez
Ko-Awtor - Tagasuri : Jennifer S. Dominguez
Ko-Awtor - Tagaguhit : Grace B. Almario
Ko-Awtor - Tagalapat : Grace B. Almario

Team Leaders:
School Head : Marijoy B. Mendoza, EdD
LRMDS Coordinator : Karl Angelo R. Tabernero

MGA TAGAPAMAHALA:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Filipino : Mila D. Calma
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: [email protected]
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
IkalawangMarkahan– Modyul 1.2:
Sitwasyong Pangwika:
Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang
Anyo ng Kulturang Popular:Flip
Top, Pick-up Lines at Hugot Lines
(Ikalawang Bahagi)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa


Wika at Kulturang Pilipino sa Ikalabing-isang Baitang ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Sitwasyong Pangwika: Sitwasyong Pangwika sa Iba
Pang Anyo ng Kulturang Popular: Flip Top, Pick-up Lines at Hugot Lines!

Ang pangunahing layunin sa paglikha ng modyul na ito ay itawid ang


edukasyon ng mga mag-aaral maging sa ganitong panahon ng pandemya.
Pinagsumikapang buoin, suriin, at idisenyo ang modyul na ito upang maging
epektibo at kahika-hikayat sa mga mag-aaral na basahin at pag-aralan tungo sa
patuloy na pagdaloy ng pagkatuto ng mga kasanayan at kompetensi na batay sa
itinakdang pamatayan ng K to 12 na kurikulum.

Ang modyul ding ito ay nilikha upang makaagapay ang mga mag-aaral sa
kanilang angking kakayahan, bilis, oras, at kalagayan sa buhay habang
nagsusumikap na makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo na tutugon sa
pagharap sa bagong kagawian ng buhay.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Para sa guro, ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin na sugon
sa itinakdang konpetensi sa MELC- 2020. Matutunghayan sa modyul na ito ang
mga paunang kasanayan sa pag-unawa sa wika at kulturang Pilipino na
layuning ihanda ang mga mag-aaral sa paglikha ng kanilang sariling
pananaliksik sa nabanggit na kasanayan.
Ito ay may anim na bahagi mula sa bahagi ng Alamin kung saan
matutunghayan ang mga layunin ng modyul na ito hanggang sa tayain na
susukat sa kanilang mga natutuhan.
Gumamit ng iba’t ibang estratehiya sa paglinang ng mga gawain para sa
mga mag-aaral ang manunulat upang mapanatili ang kapanabikan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul

ii
Para sa mag-aaral:

Masayang pagtangap sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Filipino sa Ikalabing-isang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa Sitwasyong Pangwika: Sitwasyong Pangwika sa Iba Pang Anyo ng Kulturang
Popular: Flip Top, Pick-up Lines at Hugot Lines!

“Kapag may tiyaga ay may nilaga.” Isang kawikaang gabay ng lahat sa


pagkamit ng inaasam na katagumpayan mula sa pag-aaral, paghahanap-buhay, at
sa anomang hangaring ating pinapangarap. Ang sipag at tiyaga ng bawat mag-aaral
ang pangunahing sandata upang matutong magbasa, umunawa, mag-analisa, at
magtaya ng mga kaisipang natutuhan. Ang mga katangiang ito ang humuhubog sa
iyong isipan na lalo pang magsikhay na matutuhan ang mga kompetensi at
kasanayang akademiko na magpapayaman ng iyong kaalaman at buong pagkatao.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang ikaw ay wala sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
iyong pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Pinagyamang Pluma ….
Sanggunian Sining at Komunikasyon……
Komunikasyong Global

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

iv
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutan ang lahat ng mga pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro numerong ibinigay niya sa
iyo. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong
kapatid, o sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Aralin SITWASYONG PANGWIKA:
SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG
1 ANYO NG KULTURANG POPULAR: FLIP
TOP, PICK-UP LINES AT HUGOT LINES

Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang maunawaan ang
mga aralin sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino kaya’t
matutunghayan mo sa modyul na ito ang mga paunang kasanayan tulad ng malalim
na pag-unawa sa iyong wika at kultura bilang kabataang Pilipino bilang paghahanda
tungo sa pagbuo mo ng iyong ninanais na Pananaliksik sa Wika at Kultura.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa


mga blog, social media post at iba pa. (F11PB– IIa– 96)

1
Subukin
Tukuyin ang mga sumusunod na halimbawa kung anong kulturang popular
nabibilang. Hanapin sa loob ng kahon ang wastong sagot. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel

A. Flip Top B. Pick-up Lines C. Hugot Lines

1. Nakakaawa kang ibagsak, Nakakastress kang ipasa.

2. Maliit man ang kita ko bilang guro, ang mahalaga mahal ko ang pagtuturo.

3. Buti pa sa online games mataas ang iyong PUNTOS. Eh, sa exam ko? Kasing
hugis ng MENTOS!

4. Yung tingin ng tingin sayo crush mo, tapos kinokopyahan ka lang pala.

5. Kapag nakataas ang kamay mo ayaw ka naman tawagin, Pag hindi nakataas saka
ka tatawagin. YUNG TOTOO?!

6. Kung sa langit maraming falling star, Dito sa lupa maraming feeling star.

7. Hinay-hinay ka lang sa pagdi-diet, Baka imbes na pumayat ka, pumanaw ka.

8. Ang pagmamahal ko sa iyo ay nasa kabilang classroom. Ibang klase talaga.

9. Huwag mong ikahiya ang bilbil mo. Pinaghirapan mo yan kakakain.

WORK HARD, EAT WELL.

10. Kanina narinig kong tinawag mo akong negrito, bakit iyang kasama mo mukhang
nasunog na kaldero. - Zaito_

11. Ano? Masakit na ba? Iiyak ka na? ARUY! Maggoogle ka. Magresearch ka. Para
matuto ka. BADUY!

12. Alam mo ba kung bakit busy ang mga magaganda’t gwapo? Sige EXPLAIN KO
SAYO MAMAYA. Busy pa ako.

2
13. Aminin mo man o hindi. Sa tyangge ka lang nagiging maganda. “Ganda anong
hanap mo?”

14 Para kang signal. Kapag wala ka. Hinahanap kita.

15. Kapag nasasaktan ka magdasal ka lamang tiyak gagaan ang pakiramdam mo.

3
Pagganyak
Halina at sabayan mo akong suriin ang mga sumusunod na mga larawan. Pamilyar
ka ba sa mga ito? Sige nga tukuyin mo bawat isa at sagutin ang mga katanungan
na nasa ibabang bahagi nito. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

DEAR STUDENT.
Kung seryoso ka sa LOVELIFE MO, SANA ganun di sa PAG-AARAL mo.
Nagmamahal,
ANG IYONG GURO

Boy: Nag-review ka na ba?


Girl: Bakit?
Boy: Kasi mamaya, pasasagutin na kita

Magkaroon ka naman ng balat!


Huwag mong ikumpara ang sarili mo sa ALAMAT

Huwag mong pilitin lumipad, di ka pa


Marunong maglakad!

Tanong:

1. Ano ang iyong napansin sa mga pahayag na ginawa? Ilahad ang mga ito.

2. Sa iyong palagay, may kabuluhan kaya ito sa ating pang-araw-araw na


pamumuhay?

3. Bakit mahalagang alamin ang sitwasyong pangwika sa bansa?

4
Tuklasin

Mga Tala para sa mag-aaral


Sa bahaging ito ng modyul iyong mababatid ang pag-unlad
ng wikang pambansa. Basahin at unawaing mabuti.

Isang katangiang dapat taglayin ng wika ay ang pagiging malikhain. Sa patuloy na


pag-unlad ng wika ay umuusbong ang iba’t ibang pamamaraan ng malikhaing
paggamit dito dulot na rin ng impluwensiya sa mga pagbabagong pinapalaganap ng
social media.

Alam mo ba?

Ang kulturang popular ay isang kasangkapan ng pagpapahayag ng damdamin at


maging ng kaisipang popular. Subalit ang pagpapahayag na ito ay maituturing na
hindi isang payak lamang sa pagpapalit ng nilalaman ng isang isipan ng iba.
Mayroong radikal na intensyon ang komunikasyon sapagkat ito ay kasangkapan ng
kapangyarihan na dahilan ng pagiging bukal ng wika sa pagnanais ng taong abutin
at manipulahin ang kanyang lugar.

5
Suriin

Sa dakong ito, iyong basahin at unawain ang iba’t ibang sitwasyong pangwika na
kabilang sa kulturang popular na laganap sa kasalukuyang panahon.

SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR


FLIPTOP

FlipTop
• Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap.

• Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat


sa fliptop ay hindi nakalahad o walang malinaw ang paksang tinatalakay.

• Gumagamit ng di-pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya naman


kadalasan ang mga ginagamit na salita ay balbal at impormal at mga salitang
nanlalait.

• Ang kompetisyon ay tinatawag na “Battle League” at kung isinasagawa sa wikang


ingles ay tinatawag na “Filipino Conference Battle

Ikaw ba ang Phone Charger ko?


Dahil kapag wala ka mamamatay ako

6
PICK-UP LINES

• Makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na


madalas naiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto sa buhay.

• Sinasabing nagmula ito sa bulalas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais


magpapansin, magpakilig, magpangiti at magpa-ibig sa mga babaeng
nililigawana nito.

• Kung may mga salitang makapaglalarawan sa mga ito, masasabing ito ay


nakakatuwa, nakapagpapangiti, nakakakilig, cute, cheesy at masasabi ring
corny.

• Nakikita din ito sa mga facebook wall, Twitter at iba pang social networking sites.

• Karaniwang wikang Filipino ang ginagamit ngunit may pagkakataon ring nasa
wikang Ingles o kaya naman ay Taglish.

#HUGOT
HUGOT LINES

• Tawag sa linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakatutuwa, cute, cheesy o minsa’y


nakakainis.

• Tinatawag ding love lines o love quotes na nagpapatunay na ang wika ay


malikhain.

• Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon na


nagmarka sa puso’t isipan ng mga manonood.

• Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay Taglish.

• May mga pagkakataon na nakagagawa rin ang isang tao ng hugot line depende
sa damdamin o karanasang pinagdadaanan nila sa kasalukuyan.

7
Pagyamanin

Gawain 1.

Lumikha ng tig-dalawang halimbawa ng Fliptop, Pick up lines at hugot lines batay


sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Panahon ng Pandemya

2. Social Distancing

3. Online Class
4. Modular

5. Internet Connection

Gawain 2.

Sumulat ng isang maikling talumpati tungkol sa kahalagahan ng kulturang popular


sa Pilipinas. Isulat ito sa iyong sagutang papel. Narito ang iyong pamantayan sa
pagsasagawa at pagmamarka.

PAMANTAYAN SA PAGSASAGAWA
1. Binubuo lamang ito ng tatlong talata na may tig-apat na pangungusap.

2. Magsagawa ng ilang pananaliksik upang ito ay maging obhetibo ang paglalahad


ng mga impormasyon.
3. Sikapin na maging makabuluhan ang nilalaman nito.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Makabuluhan ang nilalaman 5 puntos

Sistematiko at organisado ang paghahanay ng mga kaisipan 5 puntos

Kabuuan 10 puntos

Gawain 3.

Magtala ng tig-tatlong kulturang popular sa mga sumusunod na paksa. Kopyahin


muna ang paksa at sa ibabang bahagi isulat ang mga halimbawang ililahad.

8
Fliptop

Paksa: Online Learning at Modular Learning

1.________________________________________________________________________________
2.________________________________________________________________________________

3.________________________________________________________________________________

Pick up Lines

Paksa: New Normal na sistema ng Edukasyon sa PIlipinas

4.________________________________________________________________________________
5.________________________________________________________________________________

6.________________________________________________________________________________

Hugot lines
Paksa: Kasalukuyang mong naiisip at nararamdaman sa kasalukuyang sitwasyon

7.________________________________________________________________________________
8.________________________________________________________________________________

9.________________________________________________________________________________

9
Isaisip

Magsaliksik sa mga blog, social media post ng mga halimbawa ng mga kulturang
popular. Magsagawa ng isang pagsusuri hinggil dito. Kopyahin ito sa iyong sagutang
papel o maaari rin itong kunan ng larawan at idikit sa iyong sagutang papel. Ilahad
ang mga isinagawang pagsusuri hinggil dito.
Narito ang maaaring gabay o patnubay na iyong susundin sa isasagawang
pagsusuri.

1. Paggamit ng wika.
2. Paghahatid ng mensahe (hayag o nakatagong mensahe).

3. Epekto nito sa pananaw ng mga mambabasa.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Nailahad ng maayos at organisado ang iyong punto de vista sa isinagawang


pagsusuri 5 puntos
Makabuluhan ang inilahad na mga halimbawa na kulturang popular mula sa
sinaliksik sa blog o mga post sa social media 5 puntos

KABUUAN 10 puntos

Istruktura ng Paglalahad ng Pagsusuri

Nasaliksik na Kulturang Pagsusuri:


Popular _____________________________________
_____________________________________
(Flip Top, Pick-up
_____________________________________
Lines at Hugot Lines)
____________________________________.

10
Isagawa

MINUTES TO DO!

Lumikha ng isang poster hinggil sa iyong naging konsepto sa tinalakay na kulturang


popular. Gumamit ng A4 na malinis na coupon bond.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Nilalaman -------------------------------------- 4 puntos

Pagkamalikhain-----------------------------------2 puntos

Kaugnayan sa Paksa---- ------------------------2 puntos

Kalinisan---------------------------------------------2 puntos

KABUUAN--------------------------------------------10 PUNTOS

11
Tayain
Isulat ang FT kung Flip Top, PU kung Pick–up Lines at HL kung Hugot lines kabilang
ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1. Isinasagawa sa paraang pa-rap.

2. Nahahawig sa balagtasan.

3. Balbal at impormal ang mga salitang ginagamit.

4. Walang malinaw na paksang tinatalakay.

5. Ang mga bersyon ay magkakatugma.

6. Makabagong bugtong.

7. Ini-uugnay sa pag-ibig.

8. Madalas nakikita sa facebook wall, twitter at iba pang post sa social media.

9. Taglish ang kadalasang wikang ginagamit.

10. Ini-uugnay ito sa ibang aspeto ng buhay.

11. Tinatawag din itong loveliness o love quotes.

12. Pinapatunayan dito na sadyang malikhain ang wika.

13. Kadalasan ito ay nagmumula sa ilang tauhan sa pelikula o telebisyon na


nagmarka sa puso at isipan ng mga manonood.

14. Madalas ito ay nakadepende sa damdamin o karanasan na kasalukuyang


pinagdadaanan.

15. Linya ng mga lalaking nanliligaw.

12
Karagdagang Gawain

# Journal Mo To!

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan na nakalahad sa ibabang bahagi.

1 Paano nagiging malikhain ang wika sa kulturang popular?

2. Sa iyong palagay, mananatili ba ang mga ganitong pamamaraan sa pagpapaunlad


ng ating wika sa mga susunod pang mga henerasyon?

3. Bilang isang mag-aaral paano ka makapag-aambag ng iyong karunungan sa


pagpapaunlad ng ating wika?

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_______________________.

13
14
Pagyamanin
Gawain 1 Subukin
✓ Guro ang 1. c
magbibigay ng 2. c
pagpupuntos.
3. c
Gawain 2 4. c
✓ Guro ang 5. c
magbibigay ng
6. b
pagpupuntos.
7. b
Gawain 3 8. b
✓ Guro ang 9. b
magbibigay ng
pagpupuntos. 10.b
11.a
12.c
13.c
14.b
15.b
Balikan /Pagganyak
✓ Guro ang
magbibigay ng
pagpupuntos.
Susi sa Pagwawasto
15
Tayain
1. FT Karagdagang Gawain
2.FT Gawain 1
3.FT ✓ Guro ang
magbibigay ng
4.FT
pagpupuntos.
5.FT
6.PU
7.PU
Isagawa
8.PU
Gawain 1
9.PU
✓ Guro ang
10.PU magbibigay ng
pagpupuntos.
11.HL
12.HL
13.HL
Isaisip
14.HL
Gawain 1
15.HL
✓ Guro ang
magbibigay ng
pagpupuntos.
Sanggunian

Alma M. Dayag at Mary Grace G. Del Rosario. Pinagyamang Pluma (2017) Phoenix
Publishing House, INC.

Roberto DL. Ampil PhD., et al. Akademikong Filipino sa Komunikasyong Global


(2010) UST Publishing House. Manila, Philippines

Alcomtiser P. Tumangan et al., Sining ng Pakikipagtalastasan. (2000) Mutya


Publishing House Inc.

Jose A. Arrogante et al. Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino. (2009)


National Book Store. Mandaluyong City 1550.

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: [email protected]

You might also like