FINAL - FILIPINO6 - Q1 - M3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

6

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 3:
Wastong Paggamit ng Pangngalan
at Panghalip sa Pakikipag-usap
sa Iba’t ibang Sitwasyon

May-akda: Lydia A. Abegonia


Tagaguhit: Ivy Danielle G. Pinca

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin.

● Aralin 1 – Wastong Paggamit ng Pangngalan at Panghalip


sa Pakikipag-usap sa Iba’t ibang Sitwasyon

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang


sumusunod:

A. nasasagot ang mga tanong sa lunsaran;


B. nakikilala ang mga pangngalan at panghalip;
C. nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip
sa sitwasyong pagpapakilala sa sarili at paglalarawan ng isang
tao; at
D. nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa
pagtatanggol sa isang kaibigan at pagpapaliwanag nang maayos
sa magulang.

Subukin
Kumusta? Bago ka magtungo sa bagong paksa ay subukan mong
gawin ang bahaging ito. Lagyan ng PN ang pangungusap na ang paksa ay
pangngalan at PH kung paksa ay panghalip.
1. Ang Abokado ay napapanahon kaya mura nalang ang
presyo sa palengke.
2. Silang matatanda at mga batang may edad na labinsiyam
ay pinagbabawalang lumabas alinsunod sa kautusang
ipinatutupad.
3. Ako man ay nag-aalangan ding mamalengke at mamasyal
kung saan-saan.
4. Ang mga magsasaka ay labis na natutuwa kapag umuulan
dahil nakakalibre ng patubig sa mga pananim nila.
5. Sa Ilocos Norte nagmula ang mga politikong Marcos.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Wastong Paggamit
Aralinng Pangngalan at Panghalip sa Pakikipag-usap sa Iba’t iban
1

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang wastong paggamit ng mga


pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwsyon.
Malilinang ito kung matapat mong maisasagawa ang mga gawain.

Balikan

Balik-aralan mo ang pangngalan at panghalip. Magbigay ng


halimbawa ng pangngalan (maaaring tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari) at panghalip na angkop sa mga pangngalan na iyong ibinigay.

Pangngalan Panghalip

Tuklasin
A. Panimula

Pag-aralan ang larawan. Pangarap mo rin ba ito? Ano-ano ang


iyong ginagawa upang makamit ang iyong mga pangarap?
B. Pagbasa

Ngayon ay umpisahan mong basahin ang akda at sagutin ang mga


tanong. Pansinin ang mga ginamit na pangngalan at panghalip sa akda.

MANGARAP KA, ABUTIN MO


ni Lydia E. Abegonia

Sa barangay Suyo ay may mag-asawang marami ang anak. Sila ay


nakikisaka lamang sa mga lupain ng kanilang kamag-anak, kaya halos
sapat lang ang kanilang kinikita sa araw-araw na pangangailangan.
Noong nagkaedad na ng labing anim at labinlima ang
panganay at pangalawa, nagpaalam sila sa ina.
“Tapos na ako ng sekondarya, kinausap ako ni lola Sefa
kung gusto ko rin mag-aral sa kolehiyo ay tutulungan ako pero
sa kanila na titira,” paalam ni Digna.
“Ako rin daw po, sabi naman ni Eden, sa bahay nina lola
Maring ako titira para makapagtuloy ako sa pag-aaral
hanggang makatapos,” dugtong niya.
“Ganon ba mga anak? Pasensiya na kayo, tutol man
ang kalooban namin, di na namin kayo pipigilan ng tatay ninyo,
kasi ‘di talaga namin kaya ang magpaaral sa kolehiyo,” parang nahihiyang
sabi ni aling Lina.
“Huwag po kayong mag-alala nanay, tatay, pagbubutihin namin
ang pag-aaral hanggang sa makapagtrabaho para makatulong din kami sa
aming mga kapatid at sa inyo,” pangako ni Digna na sinang-ayunan din ni
naman Eden.
Pagkalipas ng limang taon, natupad ang pangarap ng magkapatid,
hindi na sila pinauwi sa kanilang pamilya subalit, hinayaan silang
paminsan-minsan ay dumalaw at magbigay ng
bahagi ng kanilang sahod para sa kanilang
mga magulang. ‘Di nagtagal, naipaayos ang
kanilang bahay. Pinag-alaga rin nila ng mga
hayop ang kanilang magulang, gaya ng baka,
baboy at manok, bilang karagdagang
pagkakakitaan. Naparami nila ang mga
alagang hayop at hindi na nahirapang
magpaaral sa ibang pang mga anak. Halos
taon-taon ay magkakasunod nang nakatapos
ang mga anak at nang lumaon ay ganap na
silang masaya at umunlad ang buhay. Ang iba
ay nagkaroon na rin ng kani-kaniyang pamilya.
C. Pag-unawa sa Binasa

1. Ano-anong mga salita ang di-pamilyar sa binasa?


2. Sino-sino ang mga tauhan? Ilarawan ang bawat isa.
3. Sino sa tingin mo ang labis na natuwa sa narating ng
mga magkakapatid?
4.Anong katangian meron ang mga tumulong sa pag-aaral nina
Digna at Eden?
5. Lagyan ng salungguhit ang mga pangngalang ginamit sa akda.
Samantala, bilugan ang mga panghalip. Paano ginamit ang mga
pangngalan at panghalip sa binasa?

Suriin

pangalan ng tao, bagay, lugar at pangyayari.


wat pangungusap ay pangngalan. Kung ang mga ito’y tiyak na ngalan ng tao, lugar hayop bagay, o pangyayari ay nagsisimula
n (sila, siya, kaniya, kami, tayo at iba pa), ay ginagamit upang maiwasan ang paggamit sa ngalan ng tao, lugar, hayop, bagay
Panahon naman upang palawakin ang iyong kaalaman sa
paggamit ng pangalan at panghalip. Isagawa ang mga sumusunod. Isulat sa
hiwalay na papel ang mga sagot.

A. Ipakilala ang iyong sarili sa harap ng isang webcam o kamera.


Gumamit ng mga pangngalan at panghalip sa papapakilala. Ipasa
sa guro ang nakarekord na video ng iyong pagpapakilala.

B. Ilarawan ang iyong kaibigan o kapatid gamit ang isang video


camera. Gumamit ng mga pangngalan at panghalip sa
pagpapakilala. Ipasa sa iyong guro ang nakarekord na video.

C. Bumuo ng usapan o diyalogo tugkol sa pagtatanggol sa harap


ng klase. Ipinagtatanggol mo na ang iyong kaibigan ay hindi
tumakas sa oras ng klase. Gumamit ng mga pangngalan at
panghalip sa pagtatanggol.

D. Bumuo ng isang usapan tungkol sa pagpapaliwanag mo nang


maayos sa iyong magulang na hindi masamang impluwensiya ang
iyong kaibigan. Gumamit ng mga pangngalan at panghalip sa
pagpapaliwanag.

Isaisip

Ang mga pangngalan at panghalip ay parehong mahalaga sa


pakikipagusap sa kapwa, pagpapakilala, paglalarawan, pagpapaliwanag at
iba pa. Ang panghalip ay ginagamit na panghalili o pamalit sa pangngalan
na ginamit sa unang pangungusap o susunod pa upang maiwasan ang pag-
uulit na pagbanggit ng ngalan ng tao, bagay, lugar o pangyayari maaaring
ikalito ng mga tagapakinig o mambabasa.

Samakatuwid, ang pangngalan at panghalip ay isa sa mahahalagang


sangkap ng pangungusap sa pakikipagtalastasan na nakapagbibigay linaw
sa mensahe ng alinmang akda.
Isagawa
Iugnay mo sa pang-araw-araw na buhay ang iyong natutuhan sa
aralin. Pumili ng dalawa sa sumusunod na gawain:

A. Harapin ang bago mong kaklase. Ipakilala mo ang iyong sarili.


Gumamit ng mga mga wastong pangngalan at panghalip sa iyong
pagpapakilala.

B. Ipakilala at ilarawan online sa iyong mga kakalase ang alaga


mong hayop. Gumamit ng mga wastong pangngalan at panghalip
sa paglalarawan at pagpapakilala ng iyong alaga.

C. Ipagtanggol mo ang isang matanda na wala siyang kasalanan


sa nabasag na bote ng softdrinks. Gumamit ng mga wastong
pangngalan at panghalip sa pagtatanggol.

D. Magkakaroon kayo ng online collaboration tungkol sa inyong


pangkatang proyekto sa Araling Panlipunan. Ipaliwanag sa iyong
mga magulang ang isasagawang pangkatang gawain na baka
kayo ay abutin ng gabi. Gumamit ng mga wastong pangngalan at
panghalip sa pagpapaliwanag.

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang aralin, oras na para sukatin ang
iyong natutuhan. Isagawa ang sumusunod na gawain:

A. Bumuo ng isang usapan o diyalogo tungkol sa pangyayaring


ipinagtanggol mo ang iyong kaibigan na si Meynard dahil
pinagbibintangan na siya raw ang nagtago sa bag ng katabi niya sa
upuan. Hanggang sa opisina ng punong-guro at sa harapan ng mga
magulang ninyo ay hindi mo pinabayaan ang iyong kaibigan. Tiyaking
gumamit ng mga pangngalan at panghalip sa pagtatanggol.

B. Puntahan ang link na ito sa Youtube


https://youtu.be/ftZOOVHJGxs Panoorin at pakinggang mabuti ang
akda. Pagkaraan ay ilarawan sa iyong mga kapatid/kapamilya/kalaro
ang mga tauhan sa iyong pinakinggan. Irekord ang nasabing
paglalarawan. Tiyaking gumamit ng mga pangngalan at panghalip sa
paglalarawan.

Karagdagang Gawain

Lalo pang palawakin ang iyong kakayahan. Isagawa ang


sumusunod:

A. Halimbawa, ikaw ay tatakbo sa pagkapangulo sa Supreme Pupil


Government (SPG). Binigyan kayo ng pagkakataon para magsalita sa
loob ng mga klase. Ipakilala mo ang iyong sarili at mga kapartido.
Ilatag ang iyong plataporma o kayang gawin ng grupo ninyo
sakaling kayo ay manalo. Gawin ito sa harap ng klase o kaya ay
online. Tiyaking gumamit ng mga pangngalan at panghalip sa
pagpapakilala.

B. Manood sa isang episode ng alinmang teleserye sa telebisyon.


Mula sa pinanood, gumawa ng isang diyalogo o usapan ng mga
tauhan na nagpapakilala, nagtatanggol at nagpapaliwanag. Tiyaking
gumamit ng mga pangngalan at panghalip sa diyalogong gagawin.

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-aaral.


Binabati kita! Sige, hanggang sa muli!
Susi ng Pagwawasto
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Lydia E. Abegonia (Kapitan Moy Elementary School)


Mga Tagasuri:
Willy Santos (Fortune Elementary School)
Lucila Morete (Malanday Elementary School)
Wilfredo Padua (Principal, Nangka Elementary School)
Zenaida E. Munar (PSDS)
Tagasuri- Panlabas:
Tagaguhit: Ivy Danielle G. Pinca (Marikina Elementary School)
Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (Nangka High School)
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

You might also like