Magagalang Na Pananalita G6 - QUARTER 1 WEEK 5

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Magagalang na

Pananalita
QUARTER 1- WEEK 5
LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
 nakagagamit ng magagalang na pananalita sa iba’t ibang
sitwasyon;
 sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin (F6PS-Id-12.22)
 pagbabahagi ng obserbasyon sa paligid (F6PS-IIc-12.13)
 pagpapahayag ng ideya (F6PS-IIIf-12.19)
 pagsali sa isang usapan (F6PS-IVg-12.25)
 pagbibigay ng reaksiyon (F6PS-IVh-12.19)
Panuto: Iguhit ang ê kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng paggalang at Ω kung hindi
nagpapahayag ng paggalang. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Hindi ko kailangan ang iyong opinyon.
2. Nabasa ko sa libro na hindi iyan totoo.
3. Mali ka, hindi ganyan ang paggawa nito.
4. Ipagpaumanhin po ninyo nahuli ako sa klase.
5. Hindi namin kailangan ang tulong galing sa iyo.
6. May naisip ako na mas maganda kaysa sa
iminungkahi mo.
7. Maraming salamat po sa ibinigay ninyong
tulong sa aming pamilya.
8. Naniniwala po ako na mas makabubuti sa lahat
ang desisyon ng pangulo.
9. Hindi po ako sumasang-ayon dahil nakasasama
po ito sa aming kalusugan.
10. Magandang umaga po, Gng. Luces, ako na po
ang magdadala ng mga gamit ninyo.
Balikan:
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung
ang sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang at
MALI kung hindi.
1. Iniwasan ni Eryll ang mga kaibigang nagbigay
puna sa kaniyang gawa.
2. Nakangiting pinakikinggan ni Jyle ang mga
ideya ng kaniyang kapangkat.
3. Hinihikayat ni Shun ang kaniyang
miyembro na magbigay ng kanilang mga
opinyon.
4. Pinagtawanan si Danica ng mga kamag-
aral niya nang magkamali siya sa pagsagot.
5. Tinanggap nang maluwag ni Mark na hindi
maisasama ang kanyang ideya sa plano ng
kanilang klase.
TUKLASIN:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang
diyalogo. Pagkatapos, sagutin ang pag-usapan
natin.
SAGUTAN ANG MGA SUMUSUNOD NA KATANUNGAN.
1. Tungkol saan ang diyalogo?
2. Bakit hinuli ng tanod ang magkaibigang Jimboy at
Sean?
3. Paano sumasagot sina Jimboy at Sean habang
kinakausap sila ng tanod?
4. Ano-ano ang magagalang na pananalita ang ginamit
sa diyalogo?
5. Bilang isang bata at mag-aaral, ano-ano ang
magagalang na pananalita ang inyong gagamitin sa
pagsali sa isang usapan?
Minsan, ang magkaibigang Jimboy at Sean
ay nagkasundo na lumabas ng kanilang bahay
para puntahan ang kanilang kaklase.
Jimboy: Sean, puntahan naman natin si Rey
doon sa kabilang kalye.
Sean: Sige, iyon din ang iniisip ko dahil
matagal-tagal na rin kasing hindi natin
siya nakasama.
Jimboy: Kaya lang, bawal pala sa ating mga bata
ang lumabas ng bahay dahil naka
Enhanced Community Quarantine parin ang
lugar natin.
Sean: Puwede naman tayong magtago sa mga
tanod para hindi nila tayo makita.
Jimboy: Sige na nga.
Tanod: Psst. Hoy! Saan kayo pupunta?
Jimboy: Magandang umaga po, Sir.
Tanod: Bakit nandito kayo sa kalye? Hindi ba ninyo alam na
bawal lumabas ang mga batang tulad ninyo sa panahong
ito?
Sean: Alam po namin, Sir. Pasensya na po kayo. Gusto lang
po sana naming bisitahin ang aming kaibigan.
Tanod: Puwede naman ninyong bisitahin ang inyong
kaibigan kung magbibigay nang panukala ang ating gobyerno
na kukunin na ang curfew sa mga kabataang may edad 20
pababa. Kasi sa panahon ngayon, delikado ang ating
sitwasyon dahil sa kumakalat na sakit na dulot ng Covid-19.
Gusto ba ninyong magkaroon ng virus at mamatay nang
maaga?
Sean: Naku! Hindi po, Sir. Pasensiya na po kayo. Uuwi
na kami sa aming bahay.
Jimboy: Humihingi po kami ng patawad sa nagawa
namin.
Tanod: Sige, umuwi na kayo. Huwag na ninyong uulitin
ito, ha! At pagdating ninyo sa inyong bahay maghugas
muna kayo ng kamay at maglagay ng alcohol para
siguradong patay ang mga mikrobyo.
Sean: Opo, Sir. Maraming salamat po.
Jimboy: Uuwi na po kami, Sir. Maraming salamat po sa
paalala.
SAGUTAN ANG MGA SUMUSUNOD NA KATANUNGAN.
1. Tungkol saan ang diyalogo?
2. Bakit hinuli ng tanod ang magkaibigang Jimboy at
Sean?
3. Paano sumasagot sina Jimboy at Sean habang
kinakausap sila ng tanod?
4. Ano-ano ang magagalang na pananalita ang ginamit
sa diyalogo?
5. Bilang isang bata at mag-aaral, ano-ano ang
magagalang na pananalita ang inyong gagamitin sa
pagsali sa isang usapan?
SURIIN

Mainam bang gumamit ng magagalang


na pananalita sa pakikipag-usap?
Narito ang ilan sa mga pangungusap sa
usapan. Basahin ang mga ito. Pansinin ang
mga salitang may salungguhit.
1. Magandang umaga po, Sir.
2. Opo, Sir.
3. Uuwi na po kami.
4. Maraming salamat po sa paalala.
5. Naku! Hindi po, Sir.
Panuto: Piliin sa bawat bilang ang mga
magagalang na pananalita na ginamit sa
diyalogo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
A. Pasensiya na po kayo.
B. Magandang umaga po, Sir.
C. Opo, tinulungan ko po si lolo.
D. Humihingi po kami ng patawad sa nagawa
namin.
E. Uuwi na po kami, Sir. Maraming salamat
po sa paalala.
F. Gusto lang po sana naming bisitahin ang
aming kaibigan.
1. __________________________________________________________________________
2. __________________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________________
4. __________________________________________________________________________
5. __________________________________________________________________________
Ginagamit ang magagalang na pananalita
sa pamamagitan ng pagsagot ng po at opo sa
pakikipag-usap sa nakatatanda o kahit na sa
iyong kapuwa bata sa lahat ng pagkakataon.
Gumagamit tayo ng magagalang na
pananalita sa pagbati, sa paghingi ng
paumanhin, sa pagtanggap ng panauhin, sa
paghingi ng pahintulot at pakiusap, at
pagpapakilala.
Maaari ring gumamit ng mga magagalang na
pananalita sa pagpapahayag ng saloobin o
damdamin, sa pagbabahagi ng obserbasyon
sa paligid, sa pagpapahayag ng ideya, sa
pagsali sa usapan at pagbibigay reaksiyon sa
isang bagay o isyu. Ito ay mga sitwasyong
ginagamitan ng magagalang na pananalita.
Sa kabuoan, ang paggamit ng mga ito ay
nagpapakita ng paggalang sa kausap.
Panuto: Piliin ang pinakamagalang na sagot
sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Nais mong hiramin ang aklat ng iyong
kaklase. Paano mo ito sasabihin sa kanya?
A. Akin na muna ang iyong aklat.
B. Ipahiram mo sa akin ang aklat mo.
C. Maaari ko bang gamitin ang aklat mo?
D. Ibigay mo sa akin ang aklat mo, bilis!
2. Ang kaibigan ng nanay ni Belen ay
dumalaw sa kanilang bahay. Ano ang dapat
niyang sabihin?
A. Naku, hindi ko kayo kilala.
B. Nay, nandito ang kaibigan ninyo.
C. Wala po dito si Nanay, umalis na kayo.
D. Pasok po kayo, tatawagin ko lang si Nanay.
3. Isang umaga, binisita ni Shella ang klinika
ni Dra. Acepcion. Paano niya ito babatiin?
A. Magpapakonsulta sana ako.
B. Kumusta ka na, Dra. Acepcion?
C. Magandang umaga po, Dra Acepcion.
D. Dra. Acepcion, magpapakonsulta ako.
4. Inutusan ka ng iyong itay na bumili ng
mantika sa tindahan. Ano ang isasagot mo?
A. Opo, Itay.
B. Ayoko, Itay.
C. Saglit lang, Itay.
D. Mamaya na, may ginagawa pa po ako.
5. Pinuntahan mo sa kanilang bahay si Ken.
Ngunit kapatid niya ang nagbukas sa pintuan.
Ano ang iyong sasabihin?
A. Nandiyan ba si Ken?
B. Magandang umaga, si Ken?
C. Hinahanap ko si Ken, nandiyan ba siya?
D. Magandang umaga po, nandiyan po ba si
Ken?
Panuto: Isulat ang T kung tama ang pakikipag-usap, M
naman kung mali. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
______ 1. ”Opo, inay. Ako na ang maghahatid kay bunso sa
eskuwelahan.”
______ 2. “Pasensiya na po kayo, hindi ko sinasadya”,
paumanhin ni Ben.
______ 3. “Umuwi na siya kahapon, Itay”, ang sabi ni
Melca sa kaniyang tatay.
______ 4. “Hindi ako sasama, wala akong gana”, ang sagot
ni Gerry sa kapatid.
______ 5. “Sumama po siya sa kaniyang kaklase, sagot ni
Sauro sa kanyang guro.
PERFORMANCE TASK:
Isulat ang iyong damdamin o reaksiyon kung
sumasang-ayon ka o hindi sa pagpapatupad ng
Enhanced/General Community Quarantine sa mga
lugar sa ating bansa dahil sa kumakalat na sakit na
dulot ng Covid-19.
Gamitin ang magagalang na pananalita sa
pagpapahayag ng iyong damdamin o reaksiyon. Isulat
ang iyong sagot sa Portfolio.
Panuto: Basahin ang talata. Pagkatapos,
sagutin ang kasunod na mga tanong gamit
ang mga magagalang na salita.

Si Mang Nestor ay isang masipag na


magsasaka. Siya ay isa sa may malalawak na
lupain sa kanilang lugar. Ngunit napabayaan
niya ito dahil nagkaroon siya ng malubhang
karamdaman.
Kaya tinubuan na lamang ng makakapal at
matataas na damo ang kaniyang lupain. May
mga kapitbahay siyang nagmamagandang-
loob na linisin ito. Nagnanais na tamnan ang
nakatiwangwang niyang lupa dahil
naghihinayang sila. Ngunit ayaw silang
pagbigyan ni Mang Nestor.
1. Kung ikaw si Mang Nestor, hahayaan mo na lang ba
na nakatiwangwang ang iyong lupain? Bakit?
2. Sa iyong palagay, bakit ayaw ipalinis sa iba ni Mang
Nestor ang kaniyang lupain?
3. Kinakailangan bang matamnan ang lupain ni Mang
Nestor? Bakit?
4. Kung ikaw ay isa sa mga kapitbahay ni Mang Nestor,
paano mo siya paliliwanagan?
5. Paano mo matutulungan si Mang Nestor at ang
kanyang mga kapitbahay upang magamit ang
bakanteng lupain?

You might also like