Filipino3 Q2 Mod5 PaggamitNgMagagalangNaPananalitaSaPagpapaliwanag V1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

3

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Paggamit ng Magagalang na
Pananalita sa Pagpapaliwanag

CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Paggamit ng Magagalang na Pananalita
sa Pagpapaliwanag
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Cristine M. Manlangit
Editor: Cristy S. Agudera, Lorna C. Ragos
Tagasuri: Romeo A. Mamac, Emma T. Esteban, Bryan Ephraem E. Miguel
Tagawasto: Iris Kristine Mejos
Tagaguhit at Tagalapat: Richard Binas, Jecson L. Oafallas, Maelyne L. Yambao
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Josephine L. Fadul
Janette G. Veloso Christine C. Bagacay
Analiza C. Almazan Lorna C. Ragos
Ma. Cielo D. Estrada Cristy S. Agudera
Mary Jane M. Mejorada Alma D. Mercado

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI


Office Address: F. Torres St., Davao City
Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: [email protected] * [email protected]
3

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Paggamit ng Magagalang na
Pananalita sa Pagpapaliwanag
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM
na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo.
Alamin

Magandang araw sa iyo aking


kaibigan! Kamusta ka na?
Binabati kita, dahil nakarating
ka na sa ikalimang modyul ng
baitang tatlo.
Sa araling ito, ay matutuhan
mo ang paggamit ng magagalang
na pananalita sa pagpapaliwanag.
May mga pagsasanay akong
inihanda para sa iyo upang mahasa
ang iyong kaalaman tungkol dito.
Basahin mong mabuti ang panuto
sa bawat bahagi at isulat ang iyong
mga sagot sa sagutang papel.
Kung nahihirapan kang
magbasa sa mga gawain, tawagin
mo ang iyong magulang, guro o
sinomang kasama mo sabahay at
magpatulong ka sa kanya.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

● nagagamit ang magagalang na pananalita sa angkop


na sitwasyon sa pagpapaliwanag (F3PS-IIb-12.5).

1 CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
Subukin
Gawain ng Magulang/Guro
 Gabayan ang bata sa pagbabasa. Kung ang bata ay
hirap sa pagbabasa, maaari mo siyang sabayan o
basahin sa kanya nang malakas ang bawat pahayag.
Gawain ng Mag-aaral
 Sagutin ang gawain

Gawain 1
Panuto: Isulat mo sa iyong sulatang papel
ang mga pahayag na nagsasabi ng
magagalang na pananalita.

Magandang araw po sa Umalis ka nga sa harapan


inyo. ko!

Umuwi ka na sa bahay Ako po ay nagagalak na


ninyo. makilala ka.

Wala kang pakialam kung Tuloy po kayo sa aming


ano man ang gagawin ko! munting tahanan.

Pasensiya na po. Hindi ko po Aalis na po ako inay para


sinasadya. hindi ako mahuli sa aming
klase.

2 CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
Aralin Paggamit ng Magagalang

1 na Pananalita sa
Pagpapaliwanag

Balikan
Gawain ng Magulang/Guro
 Gabayan ang bata sa pagbabasa.
 Ipaliwanag sa kanya ang gagawin.
Gawain ng Mag-aaral
 Makinig sa direksyon ng iyong magulang o guro
 Sagutin ang gawain

Gawain 2
Panuto: Piliin mo sa loob ng kahon ang
angkop na magagalang na pananalita na
ipinapakita sa larawan. Isulat ang iyong sagot
sa iyong papel.

a. Mano po, lola.


b. Bakit ka ba nandito, lola?
c. Magandang araw.

3 CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
2

a. Ano ba itong binigay mo?


b. Maraming salamat po.
c. Maganda ba ito?

3
a. Sino ang nag-imbita sa iyo
dito?
b. Halika, tumuloy ka sa
aming bahay.
c. Hindi ka imbitado dito?

a. Diyan ka lang nay!


b. Huwag niyo akong
susundan.
c. Paalam po, inay.

a. Magandang araw din sa iyo,


Lito.
b. Hoy, hintayin mo nga ako.
c. Ang bilis mo namang
maglakad.

4 CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
Tuklasin
Gawain ng Magulang/Guro
 Gabayan ang bata sa pagbabasa. Kung siya’y
nahihirapan, maaari mo siyang sabayan o basahin sa
kanya nang malakas ang kuwento at gawain.
Gawain ng Mag-aaral
 Makinig sa direksyon ng iyong magulang o guro
 Sagutin nang tapat gawain

Basahin mo ang kuwento sa


susunod na pahina.
Pagkatapos, sagutin mo ang
mga tanong sa ibaba.
Isulat ang iyong sagot sa
papel.

5 CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
Ang Batang Matapat
Isinulat ni: Cristine M. Manlangit
Si Lani ay walong taong gulang at nasa ikatlong baitang.
Likas sa kaniya ang pagiging matapat kung kaya ay
pinagkakatiwalaan siya ng kaniyang guro at mga kaklase.
Tinuruan siya ng kaniyang mga magulang ng mabubuting asal
at isa na rito ang pagiging matapat sa kapwa.
Isang araw habang siya ay naglilinis sa silid-aralan ay
natapik niya ang plorera ng kaniyang guro. Kinabahan si Lani
dahil baka pagalitan siya ng kaniyang guro. Pagdating ng
kaniyang guro ay ipinaliwanag niya kaagad ang mga
pangyayari.
“Patawarin mo po ako Bb. Reyes. Hindi ko po sinasadyang
mabasag ang inyong plorera,” pagpapaliwanag ni Lani.
“Naglilinis po kasi ako nang bigla kong natapik ang
inyong plorera. Hindi ko po talaga sinasadya Bb. Reyes,”
dagdag pa ni Lani.
“Okay ka lang ba? Wala ka bang sugat?, ” pag-aalala ni
Bb. Reyes.
“Okay lang po ako Bb. Reyes, hindi naman po ako
nasugatan,” malungkot na sabi ni Lani.
“Huwag ka nang malungkot Lani, okay lang hindi mo
naman sinasadya. Masaya ako dahil hindi ka nagdalawang -
isip na sabihin ang totoo,” sagot ng kaniyang guro.
“Opo, maraming salamat po Bb. Reyes, sa susunod ay
mag-iingat na po ako,” pagpapasalamat ni Lani.

6 CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
Gawain 3
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


A. Ang Batang Makulit
B. Ang Batang Mabait
C. Ang Batang Matapat

2. Sino ang batang matapat?


A. Lani
B. Kris
C. Ana

3. Bakit siya tinawag na batang matapat?


A. dahil mabait siya
B. dahil nagsasabi siya ng totoo
C. dahil sinungaling siya

4. Ano ang nabasag ni Lani?


a. Ang baso ng kaniyang guro.
b. Ang relo ng kaniyang kaklase.
c. Ang plorera ng kaniyang guro.

5. Kung ikaw si Lani, ano ang nararapat mong gawin?


A. Hindi ko sasabihin ang nangyari.
B. Sasabihin ko ang totoo at hihingi ng tawad.
C. Aalis ako at magpapanggap na walang nangyari.

7 CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
Suriin
Pag-aralan ang mga pahayag na nasa kahon.

1. Patawarin mo po ako Bb. Reyes

2. Hindi ko po sinasadyang mabasag ang inyong plorera.

3. Naglilinis po kasi ako nang bigla kong natapik ang inyong


plorera.

4. Okay lang po ako Bb. Reyes, hindi naman po ako


nasugatan.

5. Hindi ko po napansin ang plorera.

6. Opo, maraming salamat po Bb. Reyes, sa susunod ay


mag-iingat
Ang na po ako.
mga pahayag na nasa kahon ay nagpapakita ng
paggamit ng mga magagalang na pananalita sa
papapaliwanag.

Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba’t


ibang pamamaraan. Ang paggamit ng mga ito ay
nagpapakita ng paggalang sa taong kausap o
nakasasalamuha. Kinakailangan ang paggamit ng
magagalang na pananalita sa angkop na sitwasyon lalo na
kapag tayo ay nagpapaliwanag.

Ang paggamit ng po at opo ay isa sa mga paraan ng


pananalita na nagpapakita ng pagiging magalang sa ating
mga nakatatanda o sa ating kapwa. Maaaring maipakita ang
paggalang sa pamamagitan ng pagsasalita ng malumanay.

8 CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
Halimbawa:

Sitwasyon:
Hindi ka nakapasok sa paaralan kahapon dahil
nagkasakit ang iyong nanay.
Paano mo ito ipapaliwanag sa iyong guro?

Ipagpaumanhin niyo po
Bakit ba hindi ka ma’am, hindi po ako
pumasok sa nakapasok kahapon
paaralan kahapon? dahil inalagaan ko po
ang nanay kong may
sakit .

Makikita rito na ang bata ay nagpapaliwanag sa kaniyang


guro gamit ang magagalang na pananalita.

9 CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
Halimbawa:

Sitwasyon:
Natagalan ka sa pag - uwi dahil nag- ensayo
kayo ng iyong mga kaklase para sa gagawing
presentasyon bukas. Paano mo ito ipapaliwanag sa
iyong nanay?

Pasensiya po inay. Natagalan


po ako ng pag - uwi kasi
Bakit ngayon ka nag - ensayo pa po kami ng
lang nakauwi, aking mga kaklase para sa
anak? aming presentasyon bukas.

Makikita rin dito na ang bata ay nagpapaliwanag sa


kaniyang nanay gamit ang magagalang na pananalita sa
pakikipag - usap.

10 CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
Pagyamanin
Gawain ng Magulang/Guro
 Gabayan ang bata mga gawain. Tulungan siya kung
nahihirapan, maaari mo siyang sabayan o basahin sa
kanya nang malakas ang mga pahayag.

Gawain ng Mag-aaral
 Sagutin nang tapat gawain

Gawain 4
Panuto: Piliin ang angkop na magagalang na pananalita sa
sumusunod na sitwasyon. (Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel).

Isulat ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. Nahuli sa klase si Lando dahil


nasira ang kaniyang bisikleta sa
daan. Paano niya ito
ipapaliwanag sa kaniyang guro?
a. Wala kayong pakialam kung
mahuli man ako sa klase.
b. Patawad po ma’am, nasiraan
po kasi ako ng bisikleta sa
daan.
c. Nahuli ako dahil nasiraan ako
ng bisikleta.

11 CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
2. Nabangga mo ang isang
matanda sa iyong pagmamadali.
Ano ang iyong sasabihin?
a. Kasalanan mo! Hindi ka kasi
tumitingin sa dinadaanan mo!
b. Huwag kang nakaharang
c. Pasensiya na po nay.
Nagmamadali po kasi ako.

3. Tinanong ka ng iyong tatay kung


bakit gising ka pa na napakalalim
na ng gabi. Ano ang sasabihin mo?
a. Nag-aaral pa po kasi ako sa aking
mga aralin tay.
b. Hindi ako makatulog!
c. Wala kayong pakialam sa akin.

4. Nabasag mo ang plorera ng iyong


ina. Paano mo ito ipapaliwanag sa
kaniya?
a. Hindi ko po kasalanan iyan.
b. Hindi ako ang may gawa niyan!
c. Patawarin niyo po ako inay. Hindi ko
po sinasadya.

5. Inimbitahan ka ng iyong kaibigan sa


kaniyang kaarawan. Paano mo ito
ipapaalam sa iyong ina?
a. Payagan niyo akong dumalo sa
kaarawan ng aking kaibigan!
b. Dadalo ako sa kaarawan
c. Gusto ko pong dumalo sa kaarawan
ng aking kaibigan. Sana po ay
payagan niyo ako inay.

12 CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
Isaisip
Gawain ng Magulang/Guro
 Gabayan ang bata sa pagbasa ng bawat aytem.
Para sa batang hirap sa pagbabasa, maaring
basahin sa kaniya nang malakas ang bawat aytem
at pasagutan ito.
 Ipaliwanag sa kanya ang gagawin.

Gawain ng Mag-aaral
 Sagutin ang gawain

Gawain 5
Panuto: Punan mo ng angkop na salita ang
bawat patlang upang mabuo ang
ipinahahayag nitong diwa. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.

Ang 1)___________ na pananalita ay ginagamit sa iba’t


ibang pamamaraan. Ang paggamit ng mga ito ay
nagpapakita ng 2) ___________ sa taong 3) ____________ o
nakasasalamuha.
Maipapakita ang paggalang sa pamamagitan ng
pagsasabi ng 4)____________ sa taong kausap. Maaaring
maipakita ang paggalang sa pamamagitan ng pagsasalita ng
5)_____________.

13 CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
Isagawa
Gawain ng Magulang/Guro
 Gabayan ang bata sa pagbasa ng bawat aytem. Para sa
batang hirap sa pagbabasa, maaring basahin sa kaniya
nang malakas ang bawat aytem at pasagutan ito.
 Ipaliwanag sa kanya na kapag ang bata ay nakikipag-usap
sa nakatatanda sa kaniya, kailangang gumamit siya ng
magagalang na pananalita.

Gawain ng Mag-aaral
 Makinig sa direksyon ng magulang o guro
 Sagutin ang gawain

Gawain 6
Panuto: Tukuyin mo ang mga pahayag na gumagamit ng
magagalang na pananalita sa pagpapaliwanag. Isulat ang tsek
(/) kung ito ay gumagamit ng magagalang na pananalita at ekis
(X) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa papel.

1 2

Nanay: “Anak, kumusta ang Gng. Ramos: Ana, ano ang


iyong pagsusulit? ginagawa mo?
Anak: “Okay naman po, Ana: “Magandang araw
inay. Mataas po ang aking po Gng. Ramos. Ako po ay
nakuhang marka.” nagbabasa ng aklat.”

14 CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
3 4

Ale: “Bata, puwede bang Nanay: “Anak, bakit maaga


magtanong? Saan dito ang kang gumising ngayon?”
daan patungong kantina?” Anak: “Mayroon po kasi
Bata: “Naku ale! kaming gagawing proyekto
magtanong ka sa iba! ngayon inay sa bahay ng
aking kaklase.”

Bunso: “Paumanhin po manong, hindi


ko po sinasadyang mabangga kita.
Nagmamadali po kasi ako sa
paglalakad kaya hindi kita nakita.”
Manong: “Okey lang bata basta sa
susunod mag-iingat ka.”

15 CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
Tayahin
Gawain ng Magulang
 Gabayan ang bata sa pagsagot ng mga Gawain.
 Basahin sa kaniya ang bawat aytem kung kinakailangan.

Gawain ng Mag-aaral
 Basahin at sagutin ang bawat bilang

Gawain 7
Panuto: A. Iguhit mo ang masayang mukha kung ang
pahayag ay gumagamit ng magagalang na pananalita at
malungkot na mukha kung hindi. Isulat ang sagot sa malinis
na papel.

_______1. "Ako po ay masaya na nakapunta kayo sa aking


kaarawan.”
_______2. “Ibigay mo sa akin ang sapatos ko.”
_______3. “Pupunta po muna ako ng tindahan dahil may bibilhin
ako.”
Panuto: B. Isulat sa lobo ng diyalogo ang magagalang na
pananalita na angkop gamitin sa ibinigay na sitwasyon. Isulat ang
sagot sa malinis na papel.
1. Napagalitan ka ng iyong ama dahil matagal kang nakauwi
kagabi. Paano mo ito ipapaliwanag gamit ang magagalang na
pananalita?

16 CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
2. Lumiban ka sa klase kahapon dahil nagkaroon ka ng lagnat.
Paano mo ito ipapaliwanag sa iyong guro gamit ang
magagalang na pananalita?

Karagdagang Gawain
Panuto: Basahin mo ang mga sitwasyon at ibigay ang angkop na
pagpapaliwanag sa mga ito. Isulat ang sagot sa iyong sulatang
papel

1. Gusto mong pumunta sa palikuran ngunit nasa pintuan ang


iyong guro at ang kaniyang kausap. Ano ang sasabihin mo.
Sagot: ______________________________________________________

2. Nagbigay ng pasulit ang iyong guro subalit naubusan ka na ng


papel.
Ano ang sasabihin mo upang ikaw ay makahingi ng papel?
Sagot: ______________________________________________________

3. Nakita ka ng iyong tito sa bahay ng iyong kaklase dahil


mayroon kayong gagawing proyekto. Ano ang sasabihin mo sa
iyong tito?
Sagot: ______________________________________________________

4. Nakatulog ka sa inyong klase habang nagtuturo ang inyong


guro dahil inalagaan mo ang iyong kapatid na maysakit
kagabi. Ano ang sasabihin mo sa iyong guro?
Sagot: ______________________________________________________

17 CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
CO_Q2_Filipino 3_ Module 5 18
Subukin (Gawain 1) Isaisip Karagdagang
Gawain
Ako po ay nagagalak (Gawain 5 )
na makilala kayo. Mga posibleng
1. Magagala
sagot:
Tuloy po kayo sa n
aming munting 2. Respeto 1. Ma’am/Sir, maaari
tahanan. 3. Kausap po ba akong
4. po at opo pumunta sa
Pasensiya na po. 5. maluman
Hindi ko po palikuran?
ay
sinasadya. Ma’am/Sir , pupunta
Aalis na po ako inay Isagawa po muna ako sa
para hindi ako mahuli palikuran.
(Gawain 6)
sa aming klase. 2. Puwede po bang
1. / makahingi ng papel?
Balikan (Gawain 2)
2. /
1. A 3. X Pahingi po ako ng
2. B 4. / papel.
3. B 5. /
3. Magandang araw
4. C Tayahin
po Tito. May
5. A
(Gawain 7) gagawin po kaming
Tuklasin(Gawain 3 )
proyekto kaya
A.
1. C nandito ako sa aking
2. A 1. kaklase.
3. B 2.
3. 4. Patawad po
4. C
5. B ma’am/sir kung
B.
nakatulog ako sa
Ito ay ating klase. Hindi po
Pagyamanin(Gawain nakadepend kasi ako nakatulog
4) e sa sagot ng maayos kagabi
1. B ng mga dahil inalagaan ko
2. C mag-aaral. po ang aking
3. A kapatid.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Amaflor, A., Agustin, L., Ambat ,A., et al.( 2016). Batang Pinoy Ako.
Santa Ana, Manila: Vicarish Publication and Trading, Inc.

19 CO_Q2_Filipino 3_ Module 5
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like