6 - Malusog Na Pamumuhay PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

Secondary: Critical Thinking

Malusog Na Pamumuhay

March 2006
Jointly developed by the DepED BALS and the Save the Children Federation under the ASCEND-Mindanao, a
program made possible with the generous support of the American People through the USAID.
Malusog Na Pamumuhay
Session Guide Bilang 1

I. MGA LAYUNIN

1. Naipaliliwanag ang kahalagahan nang pagkakaroon ng mabuti at malusog na


pangangatawan;
2. Naipakikita ang mga paraan upang mapangalagaan ang iyong katawan;
3. Nalalaman ang mga responsibilidad upang maiwasan ang mga sakit.

II. PAKSA

a) Aralin 1: Paano Ko Mapangangalagaan Ang Aking Katawan. pp. 1-23

Pangunahing kasanayan sa pakikipamuhay:


Mabisang pakikipagtalastasan, kasanayang makibagay sa kapwa, pansariling
kamalayan, paglutas sa suliranin, kasanayang magpasiya

b) Mga Kagamitan : tsart at tseklist, poster o larawan ng isang super hero, mga
parisukat na papel at pandikit o kaya ay post it

Resource person mula sa DOH o Barangay Health Center

III. PAMARAAN

a) Panimulang Gawain

1. Balik-aral: Laro: “I pass the ball”

• Balikang-tanaw ang kung anumang modyul na natapos. Tanungin ang


mga mag-aaral kung anu-ano ang mga natutunan nila rito.

• Patayuin ang mga mag-aaral upang bumuo ng isang bilog na


magkakaharap.

• Gamit ang isang magaan na bola o kinuyumos na papel o rolyo ng


tisyu, pagpasa-pasahan ito sa pagbabahagi ng mga natutunan.

• Uumpisahan ito ng IM. Pagkatapos magbigay ng isang kaalaman na


natutunan sa nakaraang pulong, ipasa ang bola sa isang mag-aaral.
Sasaluhin iyon ng mag-aaral at siya naman ang magbibigay ng isang
kaalaman. Gawin ito hanggang ang lahat sa klase ay mabigyan ng
pagkakataon na magbahagi.

2
2. Pagganyak : Kilalanin si Super Lusog

• Magpaaawit ng lang awiting may aksyon. Hikayatin ang mga mag-


aaral na kumilos at gawin ang mga aksyon ng masigla. Halimbawa:

Kung ikaw ay masaya, pumalakpak ka. (2x)


Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla.
Kung ikaw ay masaya, pumalakpak ka.

(Maaaring palitan ang salitang masaya ng MALUSOG. Ang aksyon


naman ay maaring palitan ng ibang kilos gaya ng PUMADYAK,
LUMUNDAG, KUMEMBOT at iba pang kilos na may tatlong pantig.)

• Pagkatapos ng mga awitin, tanungin ang lahat kung sila ba ay


malusog at masaya. Pasalamatan sila sa kanilang masiglang
kooperasyon.

• Ipakita ang larawan ng


isang taong malusog. Idikit
ito sa pisara o dingding
upang makita ng lahat.
(Ang larawan ay dapat
kahalintulad ng isang super
hero kagaya ni Superman o
Batman. Maliban sa
pagiging malusog, dapat ito
ay masaya at maliksi rin.)
Ipakilala sa mga mag-aaral
na ang karakter na nasa
larawan ay tinatawag na si
“Super Lusog”, isang
bagong super hero.

• Sa pamamagitan ng maliliit
na parisukat na papel na
may pandikit o post-it, ipasulat sa mga mag-aaral kung ano sa palagay
nila ang mga katangian ng isang taong malusog kagaya ni Super
Lusog. Ipadikit sa mga mag-aaral ang mga post-its sa larawan ni
Super Lusog.

• Hikayatin ang lahat na sumali sa gawain at magdikit ng mas marami


pang post-its.

• Ipabasang isa-isa sa isang volunteer ang mga sagot. Pag-umpuk


umpukin ang mga magkakatulad na sagot.

3
• Tanungin ang mga mag-aaral kung mayroon pa silang ibig idagdag.
Ipakilala ang aralin na nakatakda sa araw.

b) Panlinang na Gawain

1. Paglalahad: Pagsasadula

• Himukin ang mga mag-aaral na isadula ang isang ordinaryong umaga


sa isang tahanan o pamilya. Tumawag ng mga volunteers mula sa
mga mag-aaral na gaganap bilang ama, ina, mga anak, kapitbahay,
tindera sa palengke, ilang mga mamimili at iba pa.

• Ang pagsasadula ay iinog sa tatlong bahagi o tagpo:

Mga gawain ng pamilya pagkagising sa umaga


Pamimili ng ina at ng ate sa palengke ng mga pagkain para sa
pamilya
Pagsasalu-salo ng pamilya sa almusal

• Bigyan ang mga mag-aaral ng sapat na oras upang iplano ang


pagsasadula Ang bawat bahagi o tagpo ay maaring isadula ng iba’t-
ibang pangkat upang mabigyan ng pagkakataon na sumali sa gawain
ang mas nakararami. Ang mga plano sa pagsasadula ay maaari ring
ibigay bilang takdang aralin bago pa man talakayin ang aralin na ito
upang mas lalong mapabuti ang paghahanda sa pagsasadula.

• Hanggat maaari ay huwag idikta ang mga sitwasyon at diyalogo ng


mga magsisiganap. Hayaan ang mga ito na hugutin sa kanilang
aktwal na buhay ang mga sitwasyon at diyalogo upang maging
makatotohanan ang pagsasadula sa klase.

• Bago umpisahan ang palabas, ipaalala sa mga mag-aaral na


masusing magmasid at makinig sa pagsasadula.

2. Pagtalakayan 1: Paggamit ng Tseklist

• Gamit ang tseklist na nasa ibaba, balikan ang mga tagpo at eksena sa
pagsasadula.

Oo Hindi
Pagkagising sa umaga
1. Naghilamos ba ng mukha at
nagsipilyo ng ngipin ang mga
miyembro ng pamilya?
2. Sila ba ay nagsipagpaligo?
3. Nagwalis ba sila ng bahay at ng
bakuran?

4
4. Pinunasan ba ang mga lamiseta at
upuan?

Pagsasalo-salo sa almusal
1. Naghugas ba ng kamay ang mga
miyembro ng pamilya bago dumulog
sa hapag kainan?
2. Nagsipilyo ba sila ng ngipin
pagkatapos kumain?
3. Malinis ba ang pinagkukunan ng
tubig?
4. Maayos at malinis ba ang
paghahanda ng mga pagkain?

Pamimili sa palengke
1. Sariwa at masustansiya ba ang
kanilang napamili?
2. Namili ba sila ng gulay at prutas?
3. May itlog, isda at karne ba na
kasama rito?
4. Kumpleto ba ang mga sustansiya na
kailangan sa pagkain ng wasto?

• Ipamahagi ang tseklist sa bawat mag-aaral. Ipaliwanag na ito ay dapat


nilang sagutin ng “Oo” at “Hindi” lamang.

• Itabi pansamantala ang tseklist at pangkatin ang mga mag-aaral.


Hayaang basahin nila ang Modyul sa pahina 7 na nagsasaad ng mga
paraan para mapanatili ang mailinis at malusog na paligid. Pag-
usapan ang mga kaalaman dito at itala ang mga ito gamit ang tsart sa
ibaba:

Pagpapanatili nang malinis at malusog na paligid

Mga wastong Mga di wastong


gawi gawi

Pagtatapon ng
basura

Paglilinis ng bahay

Pagpapanatili ng
kalinisan ng mga
alagang hayop

Pagsisiguro ng

5
malinis na
pinagkukunan ng
tubig

Paggamit ng kemikal
na pamatay insekto

• Ipagpatuloy ang pag-aaral sa Modyul. Sa dating pangkat ng mga


mag-aaral, basahin ang mga kaalaman tungkol sa pagbabalanse ng
pagkain sa pahina 10-13.

• Batay sa mga kaalaman na natutuhan sa Modyul, maghanda ng isang


simpleng menu sa maghapon para sa isang pamilya. Gamitin ang
“menu guide” sa ibaba para sa pagtatala:

Almusal Tanghalian Hapunan

Enerhiyang
pagkain
(“Go” Foods)

Pagkaing
panghubog-
katawan
(“Grow “foods)

Pagkaing taga-
ayos
(“Glow” foods)

• Hikayatin ang mga mag-aaral na gumawa ng kanilang indibidwal na


Programang Pang-Enerhiya sa Araw-araw. Pabuksan ang Modyul sa
pahina 16 para sa tsart na gagamitin. Hayaan sila na sumangguni sa
mga kaalaman na nakasaad sa pahina 14-15 ng Modyul.

Pagtatalakayan 2: Pagbabahagi ng Resource Person (Optional)

6
• Hayaan ang “resource person” na magbahagi ng mga kaukulang
impormasyon tungkol sa:

wastong pagkain
tamang ehersisyo
tamang pahinga
paglilinis at pangangalaga ng katawan
paglilinis ng kapaligiran
at iba pang bagay na nakaapekto sa malusog na
pamumuhay

3. Paglalahat

• Balikan ang tseklist na naunang sinagutan. Sa ikaapat na kolum, ilista


ang mga bagay na natutunan mula sa pagsasadula ng mga kaklase at
sa mga ibinahagi ng resource person. Tutukan lamang ang mga
bagay na dapat na ginagawa upang mapanatili ang malusog na
pamumuhay. Itala ang mga sagot ayon sa paksa sa bawat kahon sa
tsart: paggising sa umaga, sa pagkain at sa pagpili ng pagkain.

4. Pagpapahalaga

• Pagkatapos punan ang tsart, bigyan ng panahon ang mga mag-aaral


upang ibahagi ang kanilang mga sagot sa kanilang partner o sa
kabuuan ng klase. Subuking alamin sa mga mag-aaral kung anu-ano
ang mga kahalagahang idudulot ng kanilang bagong kaalaman sa
kanilang pamumuhay at pakikipagkapwa-tao.

5. Paglalapat: Paggawa ng Aksyon Plan

• Indibidwal na gawain: Bumuo ng isang plano ng pagkilos o aksyon


plan gamit ang tsart sa ibaba. Ilista ang mga ibig mong gawin upang
magkaroon o mapanatili ang malusog na pamumuhay mo at ng iyong
pamilya.

Mga gawain Mga inaasahang Kailan isasagawa? Sino/sinu-sino ang mga


resulta kasali at magsisigawa?

7
IV. PAGTATAYA

Gawaing pangkat:

• Himukin ang mga mag-aaral na mamili ng isa sa mga gawain sa ibaba at


isagawa sa kanilang barangay upang maibahagi ang bagong kaalaman
tungkol sa malusog na pamumuhay. Pgbigayin sila ng ulat sa kanilang mga
ginawa.

Isagawa ang aksyon plan kasama ang ilang kapitbahay sa


pakikipagtulungan ng barangay.

Bumuo ng isang pamplet o poster na naglalaman ng mga


mahahalagang impormasyon tungkol sa malusog na pamumuhay at
ibahagi sa kaklase o mga kapitbahay ang halimbawa kung paano
makaiiwas sa sakit at iba pa.
Mag-volunteer sa isang barangay meeting upang magsalita at ibahagi
ang kaalaman tungkol sa malusog na pamumuhay.

Bumuo ng pangkat na binubuo ng ilang kapitbahay upang magsagawa


ng paglilinis o kaya ay pagtatanim sa barangay.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

• Gumawa ng pagkilos upang lalong mapabuti at mapayaman ang napiling


gawain sa bahagi ng Pagtataya sa aralin na ito. Humingi ng tulong sa mga
opisyal ng barangay o anumang sangay ng gobyerno at mga pribadong
samahan sa iyong lugar upang maibahagi pa ang mga impormasyon o
pagkilos tungkol sa pagpapanatili ng malusog na pamumuhay sa iyong
komunidad.

• Sumulat ng diary tungkol sa mga gawain mong natapos sa linggong nagdaan.


Itala ang iyong mga nagawa o natapos sa panahong ito. Itala rin ang mga
suliranin na kinaharap mo at paano mo napagtagumpayan ang mga ito.

• Maghanda upang ibahagi ito sa klase sa susunod na pulong.

8
MALUSOG NA PAMUMUHAY
Session Guide Bilang 2

I. MGA LAYUNIN

1. Naipakikita ang mga dahilan na nakaaapekto sa kabuuang pag-iisip


ng isang tao
2. Naipaliliwanag kung paano mapananatili ang kalusugan ng isipan
3. Nagagamit ang natutunan upang lutasin ang mga pang araw-araw na
suliranin

II. PAKSA

a) Aralin 2: Malusog na Pag-iisip, Malusog na Katawan. pp. 24-38

Pangunahing kasanayan sa pakikipamuhay:


Pansariling kamalayan, pag-aangko ng sarili sa mga mabibigat na dalahin,
pag-aangkop ng sarili sa mga emosyon, kasanayang makibagay sa
kapwa, mabisang pakikipagtalastasan

b) Mga Kagamitan : mga plakard, mga arrows na karton, masking tape,


kopya ng awit na “Smile”, brown paper, cassette tapes at player

III. PAMARAAN

a) Panimulang Gawain

1. Balik-aral

• Magbalik-tanaw sa natapos na aralin na nakapaloob sa Modyul na


“Malusog na Pamumuhay”. Tanungin ang mga mag-aaral kung anu-
ano ang mga mahahalaga at bago nilang kaalaman mula sa aralin na
ito. Sa mabilis na tanungan at sagutan, ipatukoy ang kahalagahan ng
mga sumusunod:

wastong pagkain
tamang ehersisyo
tamang pahinga
paglilinis at pangangalaga ng katawan
paglilinis ng kapaligiran
at iba pang bagay na nakaapekto sa malusog na pamumuhay

2. Pagganyak : Laro, Bugtungan at Biruan

9
• Patayuin ang mga mag-aaral at hayaang ayusin nila ang kanilang mga
sarili sa isang bilog.

• Magpatugtog ng masisiglang awitin gamit ang radyo o cassette tape at


player.
• Habang umaawit ang lahat, ipasa ang isang magaan na bola o
anumang bagay (gaya ng plastik na tasa o nakabungkos na panyo)
paikot sa mga mag-aaral.
• Sa pagkokontrol ng IM, ihinto ang musika sa iba’t ibang bahagi ng
kanta.
• Sa paghinto ng musika, ang mag-aaral na may hawak ng bola ay
kinakailangang magbahagi ng isang bugtong o joke. Kung ito ay
bugtong, hayaang sagutin ito ng kahit sinong mag-aaral sa klase.
• Ipaikot ang bola hanggang ang lahat o ang karamihan ng mga mag-
aaral ay nakapagbigay na ng bugtong o joke. Kung may oras pa,
alamin sa mga mag-aaral kung alin ang bugtong ang naibigan nila at
kung aling joke ang pinakanakatatawa. Bigyan ng kaunting pabuya
ang mga pinakamahusay na bugtong at jokes. Kung wala namang
nailaang papremyo, hayaang palakpakan na lamang ang mga ito.
• Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang reaksyon at
damdamin sa natapos na gawain. Alamin kung anu-ano ang mga
naidudulot ng mga laro, biruan at bugtungan sa kanila. (Ang mga
inaasahang sagot ay: nagdudulot ang mga ito ng saya, nakawawala
ng pagod, nakatutulong mag-relax at makatagpo ng kapahingahan ng
katawan at isip, at kung anu-ano pa.)

b) Panlinang na Gawain

1. Paglalahad: Ugat at Bunga: Saan nagmula ang alin?

• Ihanda ang iba’t-ibang plakard na nagtataglay ng mga sumusunod na


salita:

PAGOD SAKIT GALIT


Kahirapan
sa TENSYON Suliranin
pagtulog
LUNGKOT
Depresyon
10
• Idikit ang mga plakard sa pisara o sa dingding gamit ang masking
tape. Ikalat ang mga plakard na walang partikular na pagkakasunud-
sunod o ayos.

• Himukin ang mga mag-aaral na lumapit sa pisara at pag-aralan ang


mga salita. Himukin din sila na tukuyin kung ang bawat salita ay
bunga ng aling salita; at kung ito ba ay pinagmulan o ito ba ay resulta
ng alin sa mga salita. Halimbawa: ang LUNGKOT ay bunga ng
GALIT, ngunit ito rin ay maaaring ugat ng SAKIT

• Gamit ang mga arrows (na ginupit mula sa karton), himukin ang mga
mag-aaral na iayos ang mga salita sa pisara o sa dingding. Gamitin
ang arrows bilang panturo sa mga salita.

Mga halimbawa:

LUNGKOT ay bunga ng GALIT

LUNGKOT ugat ng SAKIT

• Hayaan ang mga mag-aaral na pag-usap-usapan ang kanilang mga


opinyon. (Maaaring magkaroon ng pagtatalo sa mga ilang punto
ngunit hayaang magdesisyon ang mga mag-aaral base sa kanilang
karanasan at opinyon.

2. Pagtatalakayan: Pangkatang pulong o buzz session

• Pansamantalang iwan sa pisara o sa dingding ang isinaayos na mga


plakard. Sa puntong ito, pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo para
sa pangkatang pulong o buzz session.

• Pabuksan ang Aralin 2 sa Modyul na “Malusog na Pamumuhay”. Sa


pahina 27-29 at 34-36 ay nakasaad ang mga paliwanag tungkol sa
mga salitang isinaayos ng mga mag-aaral. Hayaang pag-usapan ng
mga mag-aaral ang mga usapin sa modyul. Italaga sa mga pangkat
ang mga sumusunod na usapin:

11
Pangkat 1: Paliwanag tungkol sa pagod (pahina 25-27)
Pangkat 2: Mga simpleng bagay para ma-kontrol
ang pagod at istres(pahina 27-29)
Pangkat 3: Positibong pag-uugali (pahina 34-36)

• Himukin ang mga mag-aaral na magtalaga ng lider at tagasulat sa


kanilang pangkat. Bigyan sila ng brown paper at marker na panulat.
Hayaang iulat ng bawat pangkat ang kanilang mga pinag-usapan base
sa modyul.

• Habang nag-uulat ang bawat pangkat, maaaring isulat ng IM ang mga


importanteng punto sa pisara. Halimbawa ng mga ito ay ang mga
kaalaman na isinasaad sa Modyul kagaya ng mga sumusunod:

Mga sintomas ng matinding pagod at istres

o pananakit ng likuran, ulo, kalamnan, tiyan at puso


o kahirapan sa pagtulog
o pagdami ng paninigarilyo at paglakas ng pag-inom ng
alak
o paghihirap sa paghinga
o mataas na presyon
o biglang pagtaas o pagbawas ng timbang

Mga paraan para makontrol ang pagod at istres


o paggamit ng mabuti sa oras
o pagkakaroon ng regular na ehersisyo
o pagkakaroon ng sapat (ngunit hindi labis) na pagtulog
o pagkain sa tamang oras ng masaganang pagkain
o pag-iwas sa alcohol at tabako
o pagsasagawa ng mga paraan na makapagpahinga
o paglalaan ng oras para sa isports, paboritong gawain
o pakikihalubilo at iba pang mga bagay na ginagawa para
sumaya

3. Paglalahat

• Pagkatapos ng pag-uulat, balikan ang mga isinaayos na salita sa


pisara. Sa pagkakataong ito, subuking bumuo ng pagkakaisa o
consensus ng mga mag-aaral kung alin nga ba ang ugat at bunga ng
alin man sa mga salita.

• Sa pagbuo ng consensus, bigyan ng panahon ang ilan sa mga mag-


aaral na magbigay paliwanag sa kanilang desisyon. (Sa gawaing ito,
walang maling sagot dahil ang kahit alin sa mga salita ay maaaring

12
maging cause o effect ng kahit anong sitwasyon. Ito ay magbabase sa
paliwanag ng mga mag-aaral.)

4. Pagpapahalaga: Pag-awit ng “Smile”

• Muling ipadama ang kahalagahan ng positibong pag-iisip sa mga mag-


aaral sa pamamagitan ng pagbibigay buhay sa isang awit.

• Ituro ang awiting “Smile” sa mga mag-aaral. Isulat ang lyrics nito sa
isang malapad na brown paper at idikit sa pisara sa harapan upang
mabasa ng lahat. Maaari din naman na magdala ng cassette tape at
player upang madaling matututunan ang awitin sa pamamagitan ng
pagsabay sa saliw nito sa cassette player.

SMILE

Smile, though your heart is aching


Smile, even though it’s breaking
Though there are clouds in the sky, you get by

If you smile through your fears and sorrows


Smile and maybe tomorrow
You’ll see the sun come shining through

If you just light up your face with gladness,


Hide every trace of sadness
Although a tear may be ever, ever so near

That’s the time you must keep on trying


Smile, what’s the use of crying?
You’ll find life is so worthwhile
If you’ll just smile, come and smile.

If you just smile.

• Kung may oras at pagkakataon, maaari ring pagusapan ang salin at


kahulugan ng awit sa Filipino upang mas lubos pang mapahalagahan
ng mga mag-aaral ang mensahe nito.

5. Paglalapat: SWOT Analysis

• Hayaang mag-isip ang mga mag-aaral ng isang suliranin na dinaranas


nila o ng isang miyembro ng kanilang pamilya sa kasalukuyan.
Halimbawa: Kakulangan ng sapat na pera para sa pag-aaral sa
kolehiyo ng panganay na anak.

13
• Bumuo ng isang mahusay na pagsusuri ng suliraning ito sa
pamamagitan ng “SWOT analysis”. Itala sa mga kaukulang kahon ang
mga sumusunod:

Sa Kahon 1 – ang mga positibo mong katangian at ang mga kaiga-igayang


pangyayari sa kasalukuyan na maaaring makatulong upang malutas ang suliranin.
Halimbawa: labis mong suporta para sa iyong anak kaya gagawin mo ang lahat
para siya ay makapag-aral.

Sa Kahon 2 - mga negatibong katangian at pangyayari na maaaring makahadlang


upang malutas ang suliranin. Halimbawa: tamad ang iyong anak at hindi matiisin

Sa Kahon 3 – mga inaasahang pagkakataon na maaaring dumating upang


makatulong na malutas ang suliranin. Halimbawa: mga scholarships na maaaring
maibigay sa iyong anak para makapag-aral.

Sa kahon 4 – mga hindi inaasahang pagkakataon na maaaring dumating at


humadlang upang malutas ang suliranin. Halimbawa: hindi makapasa ang iyong
anak sa alinmang entrance test sa kolehiyo

SWOT Analysis

1 - Mga Kalakasan 2 - Mga Kahinaan


(Strengths) (Weaknesses)

3 - Mga Pagkakataon para 4 - Mga Banta sa Tagumpay


Magtagumpay (Opportunities) (Threats)

• Ipabahagi sa mga mag-aaral ang kanilang SWOT analysis sa kanilang


kapareha o sa boung klase kung ibig nila ito. Kinakailangang maging
maingat ang IM sa mga sensitibong mag-aaral upang hindi
mapanghimasukan ang kanilang pribadong buhay. Huwag pilitin ang
mag-aaral na ayaw magbahagi ng kanyang suliranin sa iba.

14
• Ipaalala sa mga mag-aaral na ang apat na kahon ay nagpapakita ng
iba’t ibang aspeto ng kanilang suliranin at ito ay magsisilbing mahusay
nilang basehan sa pagharap sa kanilang kasalukuyang suliranin.

IV. PAGTATAYA

• Sa pamamagitan ng pagdrowing o paggawa ng poster, ipaliwanag ang


kahulugan ng:

“Malusog na Pag-iisip, Malusog na Katawan”.

• Mamigay ng malinis na papel para sa drowing. Kung may mga gamit sa


Learning Center, magpahiram ng krayola o mga makukulay na lapis at
markers sa mga mag-aaral.

• Ilathala ang mga poster at drowing sa Learning Center.

V. KARAGDAGANG GAWAIN

• Maghanda ng isang personal na kuwento, karanasan o anekdotang masaya


at magbibigay inspirasyon sa iba tungkol sa iyong matalik na kaibigan,
kahanga-hangang kapitbahay o hinahangaan mong tao.

• Sikaping gumawa ng talaan ng mga punto tungkol dito na ibig mong ibahagi
sa klase sa susunod na sesyon.

15
MALUSOG NA PAMUMUHAY
Session Guide Bilang 3

I. MGA LAYUNIN

1. Natatalakay ang mga sosyal na salik na nakatutulong sa pagkakaroon ng


mabuting pamumuhay
2. Naisagagawa ang kaalaman o ang natutunan upang maging isang socially
adjusted na indibidwal

II. PAKSA

a) Aralin 3: Emosyonal at Sosyal na Pagkatao. pp. 39-50

Pangunahing kasanayan sa pakikipamuhay:


Mabisang pakikipagtalastasan, kasanayang makibagay sa kapwa, pansariling
kamalayan

b) Mga Kagamitan: masking tape, brown paper, markers, enbelop para sa


sulat, mga selyo, cassette tapes at player, expression board

III. PAMARAAN

a) Panimulang Gawain

1. Balik-aral

• Saglit na balikan ang natapos na aralin sa modyul na ito. Alamain sa


mga mag-aaral kung sila ay nakapaghanda ng kanilang mga kuwento
at karanasan sa ibang tao na masasaya at nagbibigay inspirasyon. Ito
ay karagdagang gawain na itinalaga sa kanila para sa pagpupulong na
ito. Hikayatin ang ilan sa mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang
kuwento.

2. Pagganyak

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang isang palasak na kasabihan sa Ingles


na “No man is an island”. Isulat ito sa pisara o sa brown paper.
Tanungin sila kung ano ang pagkaunawa nila sa kasabihang ito.
Habang nagpapahayag ang mga piling mag-aaral, isulat sa pisara ang
mga susing salita o key words na maaari nilang mabanggit na may
kinalaman sa aralin. Halimbawa ng mga salitang ito ay:
pakikipagkapwa-tao, kaibigan o kasama, komunidad, pamilya at iba
pa.

16
• Pagkatapos marinig ang opinyon ng ilan tungkol sa kasabihan,
magpasumula ng pangkalahatang pag-awit na may kinalaman sa
pakikipagkapwa-tao. Halimbawa ng mga awit na ito ay: “That’s What
Friends Are For”, “Those were the Days My Friends”. Maaari rin
namang humingi ng mungkahi mula sa mga mag-aaral. Mas mabuti
rin kung ang IM ay may nakahanda nang cassette tape o CD ng mga
awitin at player.

3. Paglinang na Gawain

1. Paglalahad - Laro: Mga Huni, Tunog at Piyok

• Himukin ang mga mag-aaral na makilahok sa pamammagitan ng


pagganap bilang iba’t ibang uri ng mga hayop. Italaga ang 3-4 na
mag-aaral bilang ibon, ang iba ay palaka, pusa, tuko at baboy.
Magdagdag ng mga iba pang uri ng hayop depende sa dami ng mga
mag-aaral. Huwag gumamit ng hayop na aso at baboy sa mga lugar o
grupo na may mga mag-aaral na Muslim.

• Sikapin na ang bawat uri ng hayop ay may 2 o mas marami pang


katulad maliban sa natatanging hayop na buwaya. Gawing sikreto ang
pagtatalaga sa pamamagitan ng palabunutan. Sabihin sa mga mag-
aaral na huwag muna ipagsasabi kung anong hayop ang kanilang
nabunot.

• Subukin ang bawat huni, tunog at piyok ng mga hayop sa


pamamagitan ng sabay-sabay na paghuni o pagpiyok ng lahat sa
bawat tatawaging hayop.

• Sa pag-paumpisa ng laro, himukin ang mga mag-aaral na ikalat ang


kanilang sarili sa loob ng Learning Center. Sa pagbilang ng IM, sabay-
sabay na gagawa ng tunog ang mga mag-aaral base sa kanilang
nabunot. Sisikapin ng mga mag-aaral na mahanap ang kanilang mga
katulad na hayop sa pamamagitan lamang ng mga huni, tunog at
piyok.

• Himukin ang mga nabuong pangkat na magsama-sama sa isang


sulok. Sa puntong ito, matitira sa gitna ang buwaya na mag-isa dahil
sadya na siya ay walang makakasama. Magiging nakatutuwa ang
sitwasyong ito. Sa puntong ito, papalakpakan ang mag-aaral na
naitalagang buwaya. O kaya nama’y magpanggap ang IM na siya ay
buwaya rin para may makasama ang natatanging mag-aral.

• Kapag ang lahat ay may mga kasama na, himukin ang mga pangkat
ng hayop na sabay-sabay na humuni at pumiyok nang malakas.

17
Pagkatapos nito, pasalamatan ang mga mag-aaral sa kanilang
masiglang pakikipaglaro.

2. Pagtatalakayan

• Balikan ang karanasan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng laro


na “Huni, Tunog at Piyok”. Sikaping ipakita sa kanila ang
kahalagahan nito sa pamamagitan ng mga tanong at pagbibigay
opinyon ng mga mag-aaral.

Mga tanong:
Naibigan n’yo ba ang ating laro? Ano ang naramdaman
n’yo bilang pusa, ibon, buwaya at kung anu-ano pang
hayop?
Madali n’yo bang nakita ang inyong mga kauri o kayo ay
nahirapan? Paano n’yo sila nahanap? Maliban sa huni,
may iba pa ba kayong ginawa upang makita ang inyong
mga kauri? Anu-ano ang mga ito?
(Sa natatanging mag-aaral) Ano ang naramdaman mo
bilang gumanap na buwaya at walang kasama? Palagay
mo ba ay talagang ikaw ay nag-iisa? Bakit kaya? Naisip
mo bang pumiyok bilang baboy o humuni bilang ibon na
lamang para may kapangkat ka rin? Bakit at bakit hindi?

• Bigyang kahulugan ang mga elementong ginamit sa laro at


ihalintulad sa sosyal at emosyonal na kundisyon ng tao.

Mga huni, tunog at piyok ng Paraan ng komunikasyon at


mga hayop pakikipag-kapwa tao – Kung
mahusay ang pakikipag-usap
at pakikitungo sa kapwa,
magiging mas madali ang
pakikipag-kapwa tao na
magdudulot ng masaya at
mabuting pamumuhay

Mga iba’t ibang pangkat ng Gaya rin ng mga tao, may


hayop kanya-kanyang grupo ang mga
ito na nakabase sa kanilang
interes, trabaho, estado sa
buhay at iba pa. Nakasalalay
na sa bawat indibidwal kung
paano hahanapin ang pangkat
na siyang makatutugon ng

18
kanyang mga sosyal at
emosyonal na pngangailangan.
Karaniwan, ito ay tumutukoy sa
pamilya ng isang tao kung
saan siya ay tanggap maging
anuman ang kanyang
sitwasyon sa buhay.

• Talakayin ang pahina 40-41 sa Modyul na tumutukoy sa paraan ng


pagbuo ng magandang relasyon sa ibang tao. Tukuyin ang ang
mga paraang ito gamit ang mga batayang tanong sa ibaba:

Anu-ano ang mga sosyal na aktibidad na nagdudulot ng


malusog na pamumuhay?
Ano ang social network at paano makibabahagi rito?
Bakit mahalaga ang pakikibahagi sa ibang tao at pagsali
sa mga asosasyon?

Buwaya Mga taong mas ibig mag-isa sa


buhay at hindi marunong
makihalu-bilo. Sa puntong ito,
ipaliwanag sa mga mag-aaral
na paminsan-minsan, nais din
ng bawat tao na mapag-isa.
Ang pag-iisa ay hindi
nangangahulugan na ang
isang tao ay malungkot.
Maaari rin tayong maging
masaya kahit nag-iisa.

• Talakayin ang pahina 44-47 ng Modyul na nagpapahayag ng


kahalagahan ng pagbabalanse ng oras para sa sarili at sa ibang
tao. Sa paglilinang ng bahaging ito, gamitin ang mga sumusunod
na batayang tanong:

Bakit mahalaga ang oras para sa sarili?


Paano iaangkop ang sarili sa mga pagbabago?

• Ibaling naman ngayon ang usapan sa pamilya, hikayatin ang mga


mag-aaral na patuloy na tumutok sa Modyul at buksan sa pahina
42. Ipabasa sa kanila ang talata tungkol sa pamilya.

19
• Pagkatapos basahin ang mga talata, hayaang magkuwento ang
ilan tungkol sa kanilang pamilya. Gamitin ang mga tanong sa
pahina 43 ng Modyul. Maaari ring magdagdag ng mga katanungan
ang IM o kaya ay hayaang magtanong ang mga mag-aaral sa
kanilang mga kaklase.
Mga Huni, Tunog
3. Paglalahat
at Piyok
• Gamit ang isang expression board
na nakadikit sa dinding o pisara, ☺
hikayatin ang mga mag-aaral na
sumulat ng isang pangungusap
tungkol sa kabutihang naidudulot sa
buhay ng pakikipagkapwa-tao at
ipabasa.

• Gawing makulay at maganda ang


expression board sa pamamagitan
ng paggamit ng krayola at mga
emoticons. Tawagin itong “Mga
Huni, Tunog at Piyok” bilang alaala
ng naunang laro ng mga mag-aaral. Ilathala ito sa Learning
Center. Isang halimbawa ng expression board ay nasa kanan.

4. Pagpapahalaga

• Hikayatin ang mga mag-aaral na sumulat sa kanilang indibidwal na


journal kung paano umunlad ang kanilang sosyal at emosyonal na
buhay bunga ng kanilang pagsali sa ALS A&E learning group.

• Himukin ang ilan na basahin ang kanilang journal sa klase.

5. Paglalapat

• Hikayatin ang mga mag-aaral na subuking gumawa ng sulat para


sa isang kamag-anak o kaibigan na nasa malayo upang
kumustahin ito. Kung maaari, maghanda ng mga sisidlan ng sulat
at selyo.

• Maaaring imbitahan ang mga mag-aaral na sabay-sabay magtungo


sa post office upang ihulog ang mga sulat. Sa paraang ito ay
napalalawig din nila ang kanilang pakikitungo sa ibang tao.

20
IV. PAGTATAYA

• Tukuyin at ipaliwanag ang mga sosyal na salik na nakatutulong sa


pagkakaroon ng mabuting pamumuhay.

• Sagutin ang tanong sa sitwasyon na inilalarawan sa ibaba na batay sa “Pag-


isipan Natin Ito” na bahagi sa pahina 47 ng Modyul.

Ikaw ay may bagong kaibigan at maayos ang inyong samahan. Isang


araw, binigyan ka niya ng mga ipinagbabawal na gamot, ano ang iyong
gagawin?

• Isulat ang mga sagot sa isang malinis na papel, ibahagi sa mga kaklase at
ipasa sa IM.
V. KARAGDAGANG GAWAIN

• Ibahagi sa mga miyembro ng iyong pamilya ang kahalagahan ng iyong


natutunan sa araling ito. Ipaalala rin sa kanila ang kahalagahan ng masaya
at nagkakasundong pamilya para sa pagkakaroon ng mabuting buhay.

• Sa susunod na pagtitipon, ikuwento sa mga kamag-aral ang naging reaskyon


ng iyong pamilya tungkol dito.

21

You might also like