2.) EDITED ADM - Math1 - Q3 - Wk1M2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

Mathematics

Quarter 3 – Module 2
Visualizing, Representing, and
Separating Objects into Groups of
Equal Quantity Using Concrete
Objects up to 50
Mathematics–Grade 1
Alternative Delivery Mode
Quarter 3–Module 2: Visualizing, Representing, and Separating Objects into Groups of
Equal Quantity Using Concrete Objects up to 50
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas satelebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region II

Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728
E-mail Address: [email protected]
1

Mathematics
Quarter 3 – Module 2
Visualizing, Representing,
and Separating Objects
into Groups of Wqual
Quantity Using Concrete
Objects up to 50
PaunangSalita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics 1 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Visualizing, Representing,
and Separating Objects into Groups of Equal Quantity Using Concrete
Objects up to 50.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang
mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan
ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan sila ng
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

2
Malugod na pagtanggap sa Mathematics 1 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Visualizing, Representing, and Separating Objects into Groups of
Equal Quantity Using Concrete Objects up to 50.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin mga dapat mong matutuhan sa
modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


Subukin kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

3
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap
o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa


Tayahin o masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang panibagong Gawain upang
Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

4
Naglalaman ito ng mga tamang sagot
Susi saPagwawasto sa lahat ng mga Gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na


ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang Gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga Gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
5
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral ng Mathematics –


Grade 1upang magsisilbing gabay sa pagkatuto sa paksang araling
Visualizing, Representing, and Separating Objects into Groups of
Equal Quantity Using Concrete Objects up to 50 . Ito ay naglalaman
ng mga gawaing nagbibigay oportunidad sa mga mag-aaral na tuklasin
ang kanilang kakayahang umunawa sa konseptong nais ipahatid ng
aralingito. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay naniniwalang ang Modyul
na ito ay magiging malaking tulong bilang kasangkapan para sa mga
mag-aaral. Ang bawat isa ay magkakaroon ng kasiyahan at malawak na
kaalaman sa paksang aralin na nakapaloob sa modyul na ito.

Ang modyul ay nakapokus sa araling:


● Visualizing, Representing, and Separating Objects into Groups of
Equal Quantity Using Concrete Objects up to 50

Pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Matututukoy ang mga paraan kung paano ilalarawan at ihihiwalay ang
mga bagay na pantay ang dami o bilang gamit ang mga konkretong
bagay.
2. Makasusulat ng katumbas na ekspresyon gamit ang pagbabahagi ng
mga bagay na pantay ang dami o bilang gamit ang mga konkretong
bagay
3. Magkakaroon ng malawak na kaalaman at kasiyahan sa paggawa ng
mga nakatakdang gawain tungkol sa iba pang paraan ng patas na
pagbabahagi.

1
Subukin

Pangkatin ang mga bagay ayon sa binigay na bahagi. Isulat sa patlang


kung ilan ang bilang ng bawat bahagi.

1. dalawang bahagi

________

2. dalawang bahagi

________

3. tatlong bahagi

________

4. Apat na bahagi

________

5. limang bahagi

________

2
Balikan

Tingnang mabuti ang mga larawan. Bilangin kung ilan ang bungkos at
isulat ang sagot sa patlang.

1.
________

2.
________

3.
________

4.
________

5.

________

3
Tuklasin

May anim na putong ibinigay sa dalawang bata. Ilang puto kaya ang
natanggap ng bawat bata. Suriing mabuti ang larawan.

Ano ang ibinigay sa mga bata? __________


Ilan ang ibinigay nila? __________
Ilan silang maghahati? _________
Ilan kaya ang natanggap na puto ng bawat bata? ________
Kung ikaw ang magbibigay ng puto, paano mo ito hahatiin? Bakit?
_________________________________________________________
_

Makikita sa larawan na nasa itaas na ang bawat bata ay nakatanggap


ng 3 puto. Ang ginawa nila ay pagbabahagi ng mga bagay na pareho
ang bilang o dami o tinatawag nating equal sharing. Maaaari din itong
isulat: 6 ÷ 2= 3
Maaari din nating gamitin ang pangkatang pagbabahagi o making of
equal groups. Halimbawa nito ay ang larawan sa ibaba.

4
Mapapansin mo na ang ang mga mangga ay nahati ng pantay-pantay.
Bawat pinggan ay pareho ang laman. Kung inilagay mo ang 12 na
mangga, bawat pinggan ay may 4 na laman. Kung isusulat mo ito ay
ganito: 12 ÷ 3= 4.

Suriin

Punan ang mga patlang ang tamang sagot.

1. Sampung bulaklak ay ipamimigay sa 5 babae.


Ang bawat babae ay makatatanggap ng _____ bulaklak.

10 ÷ 5=_____
2. Siyam na atis ay ipamigay sa 3 bata.
Ang bawat bata ay makatatanggap ng ____ atis.

9 ÷ 3= _____
3. Ilagay ang 16 na pakwan sa 2 basket na magkapareho ang dami.
Ilang pakwan sa bawat basket? ________

16 ÷ 2 =_____
4. May 20 na bulaklak si Lita. Inilagay niya sa 4 na plorera na may
parehong bilang. Ilang bulaklak sa bawat plorera?_____

5
20 ÷ 4 =_____

Pagyamanin

Gawain 1. Punan ang nawawalang bilang. Isulat ang sagot sa loob ng


kahon.

1. Ibigay mo ang 10 mangga sa dalawa mong kaibigan at paghatian


ito ng patas.

10 ÷ 2 =

Bawat kaibigan mo ay nakakuha ng mangga.

2. Ilagay mo ang 24 na puto sa 4 na plato.

24 ÷ 4 =

Mayroong na puto sa bawat plato.

6
3. Si Berto ay may 32 na bayabas. Naglagay siya ng 8 bayabas sa
bawat supot.

32 ÷ 8 =

Kailangan niya ng supot.

4. Ilagay ang 50 na itlog sa loob ng basket. Ang bawat basket ay may


10 itlog.

50 ÷ 10 =

Kailangan mo ng na basket.

Gawain 2 . Tingnang mabuti ang mga larawan. Punan ang mga kahon
ng tamang sagot.

1.

÷ =

2.

÷ =

3.

÷ =

4.

7
÷ =

5.

÷ =

Isaisip

1. Mayroong mga paraan kung paano hahatiin ang pangkat ng mga


bagay na may parehong dami o bilang gamit ang konkretong
bagay.
2. Maaari itong ipakita sa pamamagitan ng patas na pagbabahagi o
sharing equally at maaari ding gawin ang pantay na pagpapangkat
o pagkakaroon ng equal groups.

Isagawa

Tingnang mabuti ang mga larawan. Punan ang mga kahon ng tamang
sagot.
1. Namitas si Nena ng 10 bulaklak at inilagay niya ang mga ito sa 2
paso. Ilang bulaklak sa bawat paso?

Ang bawat paso ay may na bulaklak.


2. Si Ginang Santos ay naglaga ng 16 na pirasong kamote. Ibinigay
niya ang mga ito sa apat niyang anak. Ilang kamote ang
natanggap ng bawat anak?

Ang bawat bata ay nakatanggap ng na kamote.

8
3. Si Ginang Rizal ay bumili ng 30 pirasong puto. Nais niyang
ipamahagi ito sa 5 niyang kapatid. Ilang puto ang natanggap ng
bawat kapatid niya?

May puto ang natanggap ng bawat kapatid ni Ginang Rizal.

Tayahin

Tingnang mabuti ang mga larawan. Punan ang mga patlang ng tamang
sagot para mabuo ang pangungusap.
1. Hatiing mabuti ang mga bulaklak. Ilagay ito sa mga plorera.

Ang kabuuang bilang ng bulaklak ay


Mayroong plorera.
Ang bawat plorera ay may na bulaklak.
2. Maglagay ng abokado sa bawat plato. Dapat magkasindami ng
laman ang bawat plato.

Ang kabuuang bilang ng abokado ay


Mayroong plato.
Ang bawat plato ay may na abokado.

3. Ayusin ang mga itlog sa lalagyan nito. Dapat ang bawat lalagyan
ay pare-pareho ang bilang ng itlog.

9
Ang kabuuang bilang ng itlog ay

Mayroong na lalagyan ng itlog.


Ang bawat lalagyan ay may na itlog.

Karagdagang Gawain

Basahing Mabuti ang sumusunod na word problem. Iguhit at isulat ang


inyong sagot sa loob ng kahon.

1. Sina Berto, Eliseo at Vicente ay magkakapatid. Pinaghatian nilang


Mabuti ang 15 na nilagang saging na niluto ng kanilang nanay.
Ilang nilagang saging ang nakuha ng bawat isa?

2. Hinati nang Mabuti ni Maria ang 24 na mangga para sa apat


niyang kaibigan. Ilang mangga ang natanggap ng bawat kaibigan
niya?

10
Susi
saPagwawasto

SUBUKIN BALIKAN SURIIN


1. 4 1. 3 1. 3.
2. 5 2. 4
3. 5 3. 3
4. 4 4. 4
5. 5 5. 2 2. 4.

PAGYAMANIN
Gawain 1

1. 3.

2. 4.

Gawain 2

1. 8 ÷ 2 = 4 o 8 ÷ 4 = 2 4. 16 ÷ 4 = 4

2. 12 ÷ 3 = 4 o 12 ÷ 4 = 3 5. 50 ÷ 10 = 5 o 50 ÷ 5 = 10

3. 21 ÷ 7 = 3 o 21 ÷ 3 = 7

ISAGAWA
1. 5

11
2. 4
3. 6

TAYAHIN
1. 2. 3.

KARAGDAGANG GAWAIN
1.

Berto -

Eliseo –

Vicente –

15 ÷ 3 = 5

2.

12
24 ÷ 4 = 6

Sanggunian
“LR Portal.” Deped LR Portal. Accessed August 7, 2020.
https://lrmds.deped.gov.ph/k_to_12.

13

You might also like