Modyul 1
Modyul 1
Modyul 1
MANANALIKSIK
MODYUL 1
TEKSTONG IMPORMATIBO
Pangkalahatang-Ideya:
Ang modyul na ito ay naglalayong mapalawak ang kaalaman at malinang ang
kasanayang pag-unawa ng mga mag-aaral sa Baitang 11 ng Open High School ng Senior
High School gamit ang iba’t ibang uri ng teksto.
Ang mga gawain sa bawat paksa sa modyul na ito ay nakapokus sa kasanayang
pampagkatuto na nasusuri ang kahulugan , katangian at kalikasan ng tekstong
impormatibo at deskriptibo . Ang mga uri ng tekstong ito ay lilinang sa kasanayang
pampanitikan at magpapalago sa kaisipan ng mga mag- aaral. Mahalagang mauunawaan
ang iba’t ibang teksto at ang layunin nito upang masuri ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig. Ang pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri
ng iba’t ibang teksto ay makatutulong sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong
pananaliksik.
.
Mga Layunin
a. Nasusuri ang paksang tinalakay sa tekstong binasa.(F11PB-IIIa-98))
b. Natutukoy ang kahulugan, katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo. (F11PT-
IIIa-88)
c. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigidig. (F11PB- IIId- 99)
d. Nakabubuo ng sariling halimbawa ng tekstong impormatibo.
Pagtalakay sa Nilalaman
TEKSTONG IMPORMATIBO
- Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay
naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at
walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
- Ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may-akda ay hindi nakabase
sa kanyang opinyon kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito
masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa. Karaniwang may
malawak na kaalaman tungkol sa paksa ng manunulat o kaya’y nagsasagawa
siya ng pananaliksik o pag-aaral ukol dito.
- Ang mga tekstong impormatibo ay karaniwang makikita sa mga pahayagan o
balita, sa mga magasin, textbook, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad
ng encyclopedia, gayundin sa iba’t ibang website sa internet. Naglalahad ng
mga bagong impormasyon, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga
bagong impormasyon ang tekstong impormatibo. Layunin ng tekstong ito na
magbigay ng mahalagang impormasyon upang alisin o linawin ang mga
agam-agam na bumabalot sa isipan ng mambabasa kaugnay ng isang paksa
o isyung tinatalakay. Ang mga kaalaman ay nakaayos nang sekwensyal at
inilahad nang buong linaw at kaisahan.
Pantulong na Kaisipan
Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop, mga pantulong na kaisipan o mga detalye
upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang
matanim o maiwan sa kanila.
2. Pag-uulat pang-impormasyon
- Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon
patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay,
gayundin sa mga pangyayari sa paligid. Ito’y nangangailangan ng masusing
pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at delalyeng taglay nito ay
naglalahad ng katotohanan at hidi dapat samahan ng personal na pananaw o
opinion ng manunulat.
3. Pagpapaliwanag
- Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o
bakit nagana pang isang bagay o pangyayari. Karaniwan itong ginagamitan
ng mga larawan, dayagram,o flowchart na may kasamang mga paliwanag.
Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto.
LINANGIN
GAWAIN B.: Tukuyin kung anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ang binabasa
ng mga tauhan sa bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa
kahon.
1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niyang ngayong malaman kung paano at
bakit nagbabagong anyo ang mga ito. Hawak niya ang isang tesktong may
pamagat na “Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”