G8 - 3rd QTR - LAS-WEEK-4 - Final - Edited - 040521

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
IKATLONG MARKAHAN
IKAAPAT NA LINGGO
Pangalan: _____________________________ Lebel: _______________
Seksiyon: ___________________________ Petsa: ________________

Aralin 10
KATAPATAN SA SALITA AT GAWA

❖ Nakikilala ang:
o Kahalagahan ng Katapatan
o Mga Paraan ng pagpapakita ng katapatang, at
o Bunga ng hindi pagpapamalas ng katapatan EsP8PBIIIg-12.1

❖ Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan.


EsP8PBIIIg-12.2
Ating Alamin
Sa mga nakaraang modyul, natuklasan mo ang kahalagahan ng pagsunod at
paggalang sa mga magulang, nakakatanda at may awtoridad upang magabayan ka sa
pagkamit ng katarungan at pagmamahal. Sa pagkakataong ito, pag-usapan natin kung
paano mapanatili ang mabuting pakikipagkapwa.
Nakaranas ka na ba ng pagtatalo ng iyong isip at kilos? Iyon bang ayaw naman
talaga ng isip mo ngunit ginawa mo pa rin. Maraming mga pagkakataon sa buhay ng tao
na nangyayari ang ganito at marahil hindi natin makakaila na sa usapin ng katapatan,
ganito rin ang madalas na sitwasyon. Alam natin na dapat lamang na maging matapat
tayo sa salita at gawa ngunit para bang hindi sumusunod ang ating katawan at bibig.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto:
1. Panoorin o pakinggan ang mga patalastas sa inyong telebisyon o radio
2. Sa proseso ng panonood ay tingnan o pakinggan ang sumusunod na panuto:
a. Ano ang mga kataga sa patalastas na nagpapakita ng katapatan?
b. Ano ang mga kataga sa patalastas na sumsusubok sa katapatan?
c. Ano ang mga kilos na nasaksihan o napakinggan sa patalastas ang
nagpapakita ng katapatan?
d. Ano ang mga pangunahing balakid sa pangingibabaw ng katapatan?
e. Ano ang pinakamahalagang mensahe na ipinakikita sa patalastas?
3. Gumawa ng komprehensibo at malikhaing ulat matapos mapanood, marinig at
masuri ang kabuuan ng patalastas. Isulat sa iyong papel.
Republic of the Philippines
Department of Education

Gawain 1
Panuto: Basahin ang sanaysay sa ibaba, pagnilayan ang mahalagang mesahe na
ipinararating nito at bumuo ng mahalagang konsepto mula rito.

KATAPATAN SA SALITA

Ang salita ng tao na tumutulong sa atin upang maging ganap ay ginagamit at


madalas na inaabuso; ang pagsisinungaling ay isang paraan ng pag-abuso rito. Ang
pagsisinungaling ay baluktot sa katotohanan, isang panlilinlang. Ang pagsisinungaling ay
ang pagtatgo ng isang bagay na totoo sa isang taong may karapatan naman dito. Hindi
kailanman binigyan ng karapatan ang sinumang ipagkait ang katotohanan lalo na kung
karapatan naman niya na ito ay malaman. Anumang uri ng pagsisinungaling ay kalaban
ng katotohanan at katapatan. Ayon sa isang artikulo mula sa internet ang sumusunod ay
ang iba’t-ibang uri ng pagsisinungaling.

A. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial Lying).


Madalas na nagagawa ito para sa isang taong mahalaga sa kaniyang buhay.
Halimbawa, pumunta kayo sa isang pagdiriwang sa kaarawan ng isang kaklase
kasama ang inyong ibang kaibigan. Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga
magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya na hindi naman siya
papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhanm hindi na ninyo
namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na pagagalitan siya ng kaniyang
mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling sa mga ito
upang sabihin na giniabi kayo dahil sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay.
Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak ang iyong kaibigan. Sa maraming
pagkakataon, hindi man natin ninanais, hindi natin mapabayaan ang taong
mahalga sa atin kung kaya napipilitan tayong magsinungaling para sa kanya.

B. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o


maparusahan (Self-enhancement lying). Marahil naoobserbahan mo ang iloang
mga kaklase na nakagawa ng pagkakamali sa paaralan. May mga pagkakataon
na ipinatatawag sa paaralan ang kanilang mga magulang. Ngunit sa halip na
sabihin sa mg magulang ay makikiusap sa isang kakilala na magpanggap na
kaanak. Sa ganitong paraan, hindi siya mapapagalitan ng kanyang mga magulang
sa kanyang pagkakasala na nagawa. Dumarami ang taong kanyang niloloko
upang maisalba ang kanyang sarili sa anumang kahihinatnan ng kanyang
pagkakamali.

C. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili na makapnisala sa ibang tao


(Selfish lying). May mga taong labis na makasarili. Ang tanging iniisip ay ang
pansariling kapakanan at hindi na iniisip kung makakasakit ng kanyang kapwa.
Halimbawa, may isa kang kaklaseng lalaki na labis ang pagiging pilyo. Kahit sa
oras ng klase ay pinaiiral niya ang ugaling ito. Binato niya ang isang kaklase ng
bolang yari sa papel. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang tinamaan nito
ay ang kanyang guro na nakatalikod hanbang nagsusulat sa pisara. Sa
pagtatanong ng guro kung sino ang may kagagawan ay bigla na lamang niyang
Republic of the Philippines
Department of Education

ituturo ang isang tahimik na kakalse upang siya ang pagalitan ng guro. Hindi ba
nangyayari talaga ito sa silid-aralan?

D. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Anti-social Lying). Minsan


kapag may galit tayo sa isang tao, lumilikha tayo ng maraming kuwento na
makakasira ng kanyang pagkatao. Ikakalat itosa mga taong nakakakilala sa kanya
na may hangarin na sirain ang pagtingin ng mga ito sa kanya. Sa paraang ito ay
nakakaramdam ng kasiyahan ang taong gumagawa nito. Ito ay dahil sa kanyang
palagay na makakaganti siya sa kanyang kaaway.

Marami pang ibang mga dahilan kung bakit nagsisinungaling ang isang tao.
Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga ito:
a. Upang makaagaw ng atensyon o pansin
b. Upang mapasaya ang isang mahalagang tao
c. Upang hindi makasakit sa isang mahalagang tao
d. Upang pagtakpan ang isang suliranin na sa kaniyang palagay ay seryoso o
“malala”

1. Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan – isang


birtud na pinahahalagahan ng maraming tao.

2. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng


seguridad at kapayapaan ng kalooban. Ang pagsisinungaling ay nagdudulot ng
bigat ng kalooban, isang dikta ng konsensiya na patuloy na babagabag sa iyong
kalooban. Ito ay magiging dahilan upang hindi ka magkaroon ng katahimikan.

KATAPATAN SA GAWA

May kasabihan na “action speaks louder than words”. Patunay ito na mas
binibigyan ng halaga ang gawa kaysa sa salita. Sa usapin ng katapatan, minsan ay
natutuon lamang ang pansin ng marami sa kasinungalingan bilang paglabag sa
katotohanan. Nakaligtaan na ang kilos din ng tao ay may kakayahang lumabag sa
katapatan.

Ang matapat na tao ay hindi kailanman magsisinungaling, hindi kukuha ng bagay


na hindi niya pag-aari at hindi manlilinlang o manloloko ng kaniyang kapwa sa anumang
paraan. Ito ay ang pagkakaayon ng isip sa katotohanan.

Ito rin ay pagbabantay sa sarili laban sa panlilinlang, pagtatago, at pagpapanggap.


Kung talagang nais nating mamuhay nang may pagkakaisa, kailangan nating yakapin
ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon. Ito ay batayan ng anumang sibilisasyon at ng
lipunan – ang maging totoo sa sarili at sa kapwa. Ngunit kapansin-pansin na nagkukulang
na ang maraming tao sa birtud na ito. Parami nang parami ang taong namumuhay sa
kasinungalingan, sa panlilinlang, at sa pagiging makasarili.
Republic of the Philippines
Department of Education

Mahalaga na sa lahat ng ating iniisip, sinasabi, at ginagawa, malaking bagay man


ito o maliit, lagi nating sinisiguro na ito ay yumayakap sa katotohanan. Magagawa natin
ito sa pamamagitan ng pagsisimula sa maliliit na bagay. Katulad na lamang ng tatlong
maliliit na huwaran ng asal (behavior patterns) na nagpapakita ng tatlong malalaki at
magkakaugnay na birtud.

Una, gumagawa ka ba ng tama at mabuting mga pagpapasiya at naninindigan


para rito? (Decisiveness).

Ikalawa, ikaw ba ay bukas sa iyong kapwa? Sa pagbabahagi mob a ng iyong sarili


sinisiguro mo na ito ay may kalakip na moral na awtoridad (moral authority)? Ikaw ba ay
marunong tumanggap ng pagkakamali (openness and humility)?

Ikatlo, ang lahat ba ng iyong iniisip at ginagawa ay sinisiguro mo na yumayakap


sa katotohanan (sincerity or honesty)?

Ang pagyakap sa lahat ng mga ito ang maglalayo sa iyo sa sitwasyon na


kakailanganin mong gumawa ng mga bagay na labag sa katotohanan para lamang
pagtakpan ang iyong mga pagkakamali. Kailangang sa simula pa lamang ay gabay mo
na ang mga ito upang makapamuhay ka na puno ng katapatan.

Laging tandaan na ang katotohanan ay hindi nililikha ng tao, nag-iisa lamang ito
at hindi kailanman magbabago ng panahon o lugar.

Pagtalakay sa Araling Binasa


Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang pagsisinungaling?
2. Bakit may mga pagkakataon na mas nangingibabaw ang mga gawaing taliwas sa
katapatan?
3. Ilarawan ang isang taong matapat. Magbigay ng halimbawa.
4. Paano mo mailalarawan ang mundong pinaiiral ang katapatan? Ng
kasinungalingan?
5. Bakit mahalagang isabuhay ang katapatan sa salita at gawa?
6. Ano ang maaari mong gawin upang mangibabaw sa lahat ng pagkakataon ang
katapatan?
Sagot:
1. _______________________________________________________________
2. _______________________________________________________________
3. _______________________________________________________________
4. _______________________________________________________________
5. _______________________________________________________________
6. _______________________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education

Gawain 2
1. Sa pagkakataong ito, gagawa ka naman ng isang Truth Log. Naglalaman ito ng
iba’t ibang kwento ng katapatan.

2. Hatiin mo sa dalawang bahagi ang iyong Truth Log.


a. Sa unang bahagi, itala ang iyong sariling kwento ng katapatan sa salita at sa
gawa sa bawat araw. Kailangan mong ibahad ang detalye ng kwento at ang
iyong damdamin dahil sa iyong naging karanasan.

b. Sa ikalawang bahagi, magtala ng kwento ng katapatan ng iyong naobserbahan


mula sa kapamilya, kapatid o kapitbahay. Maari ding magtala ng karanasan
kung saan masaksihan ang kawalan ng katapatan ng iba at iyong isalaysay
ang iyong naging damdamin nito. Itala mo rin kung ano ang iyong ginawa
matapos na masaksihan ang kawalan ng katapatan ng kapwa.

c. Gawin ang gawaing ito sa loob ng isang linggo.

d. Gumawa ng pagninilay matapos ang isang linggo batay sa ginawang Truth


Log.

TRUTH LOG
Sa Sarili Sa Naobserbahan

Pagninilay:
Republic of the Philippines
Department of Education

Gawain 3
1. Batay sa mga nabasa ukol sa katapatan, tayain ang iyong katapatan gamit ang
“Honesty Meter”. Gawin mo ito matapos ang pagsusuri sa iyong sarili at sa lahat
na maging karanasan na sumubok sa iyong katapatan.

2. Batay sa iyong mga naging tugon sa bawat pagsubok ayain mo ang iyong sarili
gamit ang “Honesty Meter”.

3. Maaring gamiting halimbawa ang larawan sa kanan. 4


Guhitan mo ng arrow paturo sa bilang na mapipiling 3 5
pagtataya para sa iyong sarili.Sa baba nito sumulat 2 6
ng maikling paliwanag kung bakit ito ang ibinibigay 1 7
na pagtataya sa sariling katapatan.

Honesty Meter

4. Matapos ang pagtataya ay Paliwanag:


gumawa ng mga tiyak na
hakbang kung paano mas
patatagin ang sarili sa
pakikipaglaban para sa
katapatan sa salita at sa
gawa.

5. Bantayan ang paglalapat ng mga tiyak na hakbang sa loob ng isang linggo.

6. Ilapat ang mga tiyak na hakbang sa katulad na pormat sa ibaba. Ihanda ang unang
bilang magsilbing halimbawa.

NAGAWA KO HINDI KO NAGAWA


MIYERKULES

MIYERKULES
BIYERNES

BIYERNES
HUWEBES

HUWEBES
SABADO

SABADO
MARTES

MARTES
LINGGO

LINGGO
LUNES

LUNES

MGA
TIYAK NA
HAKBANG
Republic of the Philippines
Department of Education

RUBRIC/ PAMANTAYAN NG GURO SA PAGMAMARKA:


5 puntos - Nakagagawa ng Lubos na Kasiya-siya tungkol sa mga Tiyak na hakbang sa loob ng
isang linggo.
4 puntos - Nakagagawa ng mas Kasiya-siya ang paglalapat tungkol sa mga Tiyak na hakbang
sa loob ng isang linggo.
3 puntos - Nakagagawa ng Kasiya-siya ang paglalapat tungkol sa mga Tiyak na hakbang
sa loob ng isang linggo.
2 puntos- Nakagagawa ng Di Gaanong Kasiya-siya tungkol sa mga Tiyak na hakbang
sa loob ng isang linggo.
1 puntos - Walang nagawa / Walang naisulat.

Gawain 4 Paghinuha ng batayang konsepto


Buuin ang batayang konsepto sa tulong ng graphic organizer na nasa ibaba.

Ang pagiging matapat sa ay pagpapatunay ng


pagkakaroon ng

Ito ay may layuning Gabay ang

Pag-uugnay ng batayang konsepto sa aking pag-unlad bilang tao:


1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?
2. Anu-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa
modyul na ito?
Republic of the Philippines
Department of Education

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na aytem at piliin ang pinakaangkop na
sagot. Isulat ang titik ng napiling sagot sa iyong papel.
Para sa bilang 1-3. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng
mga tao sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa
sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.
a. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
b. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o
maparusahan
c. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
d. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao

1. Ipinagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman
totoo. Naiinggit kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa
huli.

2. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa isang paglabag sa


panuntunan sa paaralan. Sa takot na mapapagalitan humanap siya ng ibang
kakilala na magpapanggap na magulang niya.

3. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na


nahuhuli siya ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay
kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro
sinasabi nya na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng
kaklase.
Para sa bilang 4-5. Tukuyin kung anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan ang
ipinakikita sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa
sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.
a. Pag-iwas
b. Pananahimik
c. Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
d. Pagbibigay ng salitang dalawang ibig sabihin o kahulugan

4. Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang
lugar kung nasaan ang kaniyang ama ay hindi pa rin nagsalita si Alvin.

5. Sinabi ni Joy sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan


ngunit hindi niya sinabi rito na malayo ang tirahan ng mga ito dahil alam niyang
hindi siya papayagan ng mga ito.
Republic of the Philippines
Department of Education

SUSI NG KASAGUTAN

C 5.
B 4.
B 3.
C 2.
C 1.

Sanggunian
A. Pampamahalaang Publikasyon

Edukasyon sa Pagpapakatao 8 - Modyul para sa Mag-aaral

Unang Edisyon 2013, DepEd

DepEd Most Essential Learning Competencies

Alternative Delivery Material (ADM)

Inihanda nina:

G. Reginald B. Adia

Bb. Tee Jaye J. Capistrano


Mga Guro sa EsP Grade 8

Binigyang-pansin ni:

Bb. Rosalie Nenette S. Barela


Gurong Tagapanguna sa ESP

You might also like