Edukasyon Sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan - Modyul 3: Pagkilala Sa Kabutihan NG Kapwa

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8 Zest for Progress


Zeal of Partnership

8
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 3:

8
Pagkilala sa Kabutihan ng Kapwa

Pangalan ng Mag-aaral: ____________________________


Baitang at Seksyon:
Paaralan:
ALAMIN
Isa sa magandang katangian ng Pilipino ang pagkilala sa taong
nakagawa sa atin ng kabutihan sa abot ng ating makakaya. Mahalaga din
na bukod sa ating kapwa, alam natin kung kanino nagmula ang lahat ng
biyaya na ating tinatamasa at ang pagkilala sa lahat ng kanyang kabutihan
ay katangi-tangi sa lahat.
Sa modyul na ito ay matutukoy ang kahalagahan ng pagkilala sa
kabutihan na mula sa iba bilang isang mag-aaral.
a. Natutukoy ang mga angkop na kilos sa pagkilala sa kabutihang
mula sa kapwa.EsP8PBIIIb-9.3a
b. Nasusuri ang mga sitwasyong kinakaharap kung ito ay
nagpapakita ng pagkilala o hindi pagkilala sa kabutihang
natanggap mula sa iba.EsP8PBIIIb-9.3b

SUBUKIN
Basahing mabuti ang bawat tanong at bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, maliban sa
A. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing
pangangailangan dahil menor de edad
B. Pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso
C. Hindi pagkilala o pagbigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan
2. Ang pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino. Naipakikita ito
sa
A. Pagsunod sa kapwa
B. Pagtanaw ng utang ng loob sa kapwa
C. Pag-iisip ng mabuti sa kapwa
3. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
A. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
C. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa
4. Ito ay patunay ng hindi pagpapahalaga sa taong nagsakripisyo upang sa
simpleng paraan na inialay niya ay maging maganda ang iyong buhay.
A. Pagpapakumbaba
B. Pasasalamat
C. Pagkalimot
5. Sino sa sumusunod ang tunay na nagpapakita ng pasasalamat.
A. Si Kristina ay masaya sa simpleng pamumuhay at marunong pahalagahan
ang mga natatanggap na tulong mula sa kapwa at diyos.
B. Sa layo ng narating ni Mark, hindi parin siya nakalimot sa kanyang
pinanggalingan.
C. Hindi man bukal sa kalooban ni Joseph nagpapasalamat parin siya para
hindi masira ang kanyang pangalan.
6. Ang sumusunod ay mga pagkilala sa sakrispisyo ng may awtoridad, maliban sa
A. Pagsunod sa kanilang pinapatupad na batas sa pamayanan
B. Pagbibigay ng tulong kung kinakailangan nila ito
C. Pagawa ng sariling desisyon na di-alinsunod sa pinapatupad nila
7. Ang sumusunod ang iba pang halimbawa ng entitlement mentality maliban sa
A. Ang pagkilala sa mga sundalong namatay para ipaglaban ang saligang batas.
B. Pagiging palaasa ng mga tao sa pamahalaan upang sila ay bigyan ng
sustento sa kanilang pang-araw-araw na panggastos.
C. Pagsisi sa pamahalaan sa taong nawalan ng trabaho at pilit na humihingi ng
bagong trabaho.
8. Ayon kay ___________ ang pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa ay kasama
sa antas ng pasasalamat.
A. Santo Papa Juan
B. Santo Tomas de Aquino
C. Santo Mateo de Jesus
9. Ang tunay kasiyahan ay tiyak makakamtan ng iyong kapwa kung maibibigay mo
ang?
A. Maraming pera at materyal na bagay
B. Pagtanaw ng utang na loob na may pag-aalinlangan
C. Taos pusong pagkilala sa kabutihang ginawa nila
10. Sa pamamagitan ng pagkilala sa kabutihan ng kapwa magdudulot ito sa kanya
ng
A. Kasiyahan
B. kadakilaan
C. Kasaganahan
BALIKAN
Sa nagdaang modyul, ang tao ay bukod tangi dahil sa kakayahan
nitong magpakita ng pasasalamat sa mga biyayang natanggap mula sa
kapwa. Ang pagiging mapagpasalamat ay nagpapakita ng tunay na
kadakilaan ng tao. Ito ay likas sa tao.

Gawain 1: Kabutihan nila, Susuklian ko.


Panuto: Muli ay iyong balikan ang mga kabutihang natanggap mula sa
Diyos at kapwa at ang mga paraan mo sa pagpapakita ng pasasalamat .
May inihandang halimbawa para sa iyo. Sundin ang pormat sa ibaba.
KABUTIHANG Paraan ng pagpapakita ng
NATANGGAP pasasalamat
Halimbawa:
Tinulungan ako ng aking kaibigan sa Binigyan ng liham pasasalamat at
paggawa ng proyekto. maliit na regalo.
1.
2.
3.
4.
5.

Tanong:
1. Ano ang iyong nararamdaman habang ginagawa ang gawain?
Pangatwiranan.
Sagot: _________________________________________________________________
2. Ang pagpapakita ng pasasalamat ay makatutulong ba sa iyong pagkatao?
Sa paanong paraan?
Sagot: ______________________________________________________________
TUKLASIN
Gawain 2: Ang kanilang mga Gawa
Panuto: Masdan ang sumusunod na larawan. Sagutin ang mga tanong at
nakatakdang gawain pagkatapos nito.

MAGULANG HEALTH WORKERS GURO


Tanong:
1. Ano ang pagkakatulad ng tatlong larawan?
Sagot: ___________________________________________________________

2. Ano ang pagkakaiba sa tatlong larawan?


Sagot: ___________________________________________________________

3. Alin sa tatlong larawan ang nakahihigit sa lahat? Ipaliwanag.


Sagot: ___________________________________________________________

SURIIN
Maraming tao sa ating buhay ang kailangang bigyan ng pagkilala
tulad ng: Magulang, health workers , at ang mga guro. Bawat isa ay may
responsibilidad na ginagawa para sa atin at sa iba.
Kaakibat ng kanilang responsibilidad ang pagharap sa anumang
pagsubok at nangunguna dito ang pandemya o COVID 19 na dinaranas ng
buong mundo. Bilang mga kabataan ang hindi paglimot sa kanilang mga
sakrispisyo ang isa sa mga magpapatatag sa kanila para magpatuloy sa
kanilang mga responsibilidad na ginagampanan.

Gawain 3: Pagkilala Ko sa Iyo


Panuto: Isa-isahin ang pagkilalang nararapat sa ating kapwa. Itala ito sa
hanay ng bawat isa. Gamitin ang tsart sa ibaba para rito.
Pagkilala sa Kanila
Magulang HealthWorkers Guro

Tanong:
1. Paano mo naipakikita ang iyong pagkilala sa bawat isa?
Sagot: ____________________________________________________________

2. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagkilala sa bawat isa?


Sagot: ____________________________________________________________

3. Ano ang maaaring halimbawa mo nang hindi pagpapakita ng pagkilala sa


kanila?
Sagot: __________________________________________________________

PAGYAMANIN
Gawain 4: Pagsusuri ng Larawan

Panuto: Suriin ang sumusunod na mga larawan.

Tanong:

1. Ano ang ipinahihiwatig sa mga larawan? Ipaliwanag.


Sagot: ____________________________________________________________
2. Tukuyin ang mga nagpapakita ng pagkilala at hindi pagkilala sa
kabutihang gawa ng kapwa na ipinahihiwatig sa bawat larawan.
Sagot: ____________________________________________________________
3. Ano-ano ang maaaring dahilan ng hindi pagkilala sa kabutihang gawa
ng kapwa na ipinahihiwatig sa bawat larawan.? Ipaliwanag.
Sagot: ____________________________________________________________
4. Paano nakaaapekto sa pakikipag-ugnayan sa kapwa ang hindi pagkilala
sa kabutihang kanilang ginawa? Ipaliwanag.
Sagot: ____________________________________________________________
5. Ano-ano ang mga hakbang na maaring gawin upang maipakita at
maiparamdam sa kanila ang pagkilala dahil sa kanilang ginawa?
Tukuyin ang mga ito at ipaliwanag.
Sagot: ____________________________________________________________

Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang pagkilala sa kabutihang ginawa


ng kapwa ay isa sa tatlong antas ng pasasalamat kasama dito ang
pagpapasalamat at pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa abot
ng makakaya.
Ang pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino.
Naipakikita ito sa utang na loob. Nangyayari ang utang na loob sa panahong
ginawan ka ng kabutihan ng iyong kapwa. Ito ay ang pagkilala at pagtugon
sa kabutihang ginawa ng kapwa sa iyo lalo na sa oras ng matinding
pangangailangan.
Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng isang taong puno ng
biyaya, isang pusong marunong magpahalaga sa mga magagandang
biyayang natatanggap mula sa kapwa. Isang mahalagang bahagi ng
pasasalamat ay ang pagpapakumbaba dahil kinikilala mo na hindi lahat ng
mga magagandang nangyayari sa buhay mo ay dahil lamang sa sarili
mong kakayahan o pagsisikap. Mahalaga na marunong kang
magpakumbaba, at kilalanin mo na sa tulong ng ibang tao ikaw ay naging
matagumpay.
Ang pagpapakita ng pasasalamat kahit sa simpleng paraan ay
nagdudulot ng kaligayahan sa taong pinagkakautangan mo ng loob.
Kinikilala mo ang kaniyang pagkatao na nag-alay ng tulong sa iyo lalo na sa
oras ng kagipitan.
Ang pagkalimot ang pinakamabigat na antas sa kawalan ng
pasasalamat, ito ay patunay ng hindi pagpapahalaga sa taong
nagsakripisyo upang sa simpleng paraan na inialay niya ay maging
maganda ang iyong buhay at ito ay masasalamin sa entitlement mentality.
Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam ng isang tao ay
karapatan niya na dapat bigyan ng dagliang pansin. Iniisip niya na
kailangang ibigay ang kaniyang mga karapatan kahit walang katumbas na
tungkulin o gampanin.
Isang halimbawa nito ay ang hindi pagbibigay pasasalamat ng mga
anak sa kanilang magulang sa kabila ng sakripisyong ginawa nila para
mabigyan ang mga ito ng magandang kinabukasan. Kinakatwiran nila na
sila naman ay mga anak at nararapat bigyan ng edukasyon.
Mahalagang maunawaan ng mga anak na may karapatan silang
mag-aral ngunit kailangan nilang mag-aral nang mabuti bilang pasasalamat
o pagtanaw ng utang na loob nila sa kanilang magulang.
Bilang mga kabataan mahalaga na ikaw ay marunong
magpasalamat sa mga mumunting biyayang natatanggap, tulad ng
pagmamahal mula sa pamilya, kaibigan, sa ibang kapwa at lalung-lalo na sa
Diyos. Ito ang bukod-tanging pagkilala sa kanila.

Gawain 5: Pagkilala ko ay Pasasalamat


Panuto: Pag-aralan ang larawan. Isulat ang iyong paraan ng pasasalamat sa
mga sitwasyong hinihingi.
Sa aking Magulang Sa aking Guro

ISAGAWA
Panuto: Gamit ang talaan sa ibaba (Plano ng aking Pagkilala), isulat sa
chart ang limang (5) taong nais mong bigyan ng pagkilala at ang mga bagay
na nais mong gawin upang mapaunlad mo ang pakikipag-ugnayan sa
kanila. Gamiting gabay ang Rubriks sa ibaba.
Plano ng Pagkilala sa Kabutihang Gawa Nila

Pangalan Siya ay Gagawin ko upang Petsa ng Naramdaman ko


aking: maiparamdam ang pagsasakatu pagkatapos kong
ang lubos na pagkilala paran. gawin.
sa kanila.
Hal. Ama Sa kanyang kaarawan Ika – 30 ng Napaiyak sa
Junex bibili ako ng isang Marso sobrang saya ng
magandang cake mula makita ko ang
sa aking ipon at kasiyahan sa
magbibigay ako ng aking ama.
mensahe ng
pasasalamat sa lahat ng
kanyang sakripisyo para
sa aming pamilya.
1.

2.

3.

4.

5.
Kraytirya Nilalaman Organisasyon Kalinisan sa Mekaniks
35% 35% Paggawa 10%
Malinaw at Naisagawa ang 20% Wasto ang ginamit na
makatotohananang gawain ayon sa Maganda , salita at
pagkakagawa ng plano malinis at pagbabantas.
plano ng kahanga– hanga
paglilingkod (action ang pagkagawa
plan)
Rubriks sa Pagsusulat ng Plano ng Pasasalamat

A. PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at bilugan ito.
1. Ito ay patunay ng hindi pagpapahalaga sa taong nagsakripisyo upang sa
simpleng paraan na inialay niya ay maging maganda ang iyong buhay.
A. Pagpapakumbaba
B. Pasasalamat
C. Pagkalimot
2. Sa pamamagitan ng pagkilala sa kabutihan ng kapwa magdudulot ito sa kanya
ng
A. Kasiyahan
B. kadakilaan
C. Kasaganahan
3. Ano ang entitlement mentality?
A. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
B. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo
na dapat bigyan ng dagliang pansin.
C. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga
tao.
4. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
A. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
C. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa
5. Ang sumusunod ay mga antas ng kawalan ng pasasalamat maliban sa
A. Ang hindi pagbabalik ng kabutihang loob sa kapwa sa abot ng makakaya
B. Ang pagtatago sa kabutihang ginawa ng kapwa
C. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
6. Ano ang isang halimbawa ng entitlement mentality?
A. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong
B. Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang
magulang
C. Ang kawalan ng utang ng loob sa taong tumutulong
7. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, maliban
sa.
A. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing
pangangailangan dahil menor de edad
B. Pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso
C. Hindi pagkilala o pagbigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan
8. Sino sa sumusunod ang tunay na nagpapakita ng pasasalamat?
A. Si Kristina ay masaya sa simpleng pamumuhay at marunong
pahalagahan ang mga natatanggap na tulong mula sa kapwa at diyos.
B. Sa layo ng narating ni Mark, hindi parin siya nakalimot sa kanyang
pinanggalingan.
C. Hindi man bukal sa kalooban ni Joseph nagpapasalamat parin siya para
hindi masira ang kanyang pangalan.
9. Ang sumusunod ay mga pagkilala sa sakrispisyo ng magulang, maliban sa
A. pagbibigay regalo sa kanilang kaarawan
B. Pagtulong sa mga gawain nila ng buong puso.

C. Pagsunod sa kanilang mga utos na labag sa kalooban


10. Ito ay ang pagkilala at pagtugon sa kabutihang ginawa ng kapwa sa iyo lalo
na sa oras ng matinding pangangailangan.
A. Pagtanaw ng utang na loob
B. Bukas na kalooban
C. Entitlement mentality
B. PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at bilugan ito.
1. Ito ay isa sa tatlong antas ng pasasalamat
A. Entitlement mentality
B. Pagkilala sa kabutihan ng kapwa
C. Pagpupugay sa mga bayani ng bayan
2. Ang tunay kasiyahan ay tiyak makakamtan ng iyong kapwa kung maibibigay mo
ang?
A. Maraming pera at materyal na bagay
B. Pagtanaw ng utang na loob na may pag-aalinlangan
C. Taos pusong pagkilala sa kabutihang ginawa nila
3. Kahit isang beses hindi naiparamdam ni Joel sa kanyang mga magulang ang
pasasalamat sa lahat ng sakripisyo na kanilang ginawa para sa kanilang pamilya
dahil sa paniniwala niya na responsibilidad ito ng kanyang mga magulang. Ang
katangian ipinakikita ni Joel ay halimbawa ng
A. Entitlement Mentality
B. Crab Mentality
C. Right Mentality
4. Alin sa sumusunod ang tamang paraan ng pasasalamat?
A. Pagbabayad ng salapi para wla kang utang na loob sa kanila
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng iilan lamang na nakatulong sayo.
C. Pagsasabi o pagbibigay ng simpleng pasasalamat na bukal sa kalooban.
5. Ang sumusunod ay mga antas ng pasasalamat maliban sa
A. Pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa kung nangangailangan
lamang sila.
B. Pagpapasalamat
C. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
6. Ang sumusunod ang iba pang halimbawa ng entitlement mentality maliban sa
A. Ang pagkilala sa mga sundalong namatay para ipaglaban ang saligang
batas.
B. Pagiging palaasa ng mga tao sa pamahalaan upang sila ay bigyan ng
sustento sa kanilang pang-araw-araw na panggastos.
C. Pagsisi sa pamahalaan sa taong nawalan ng trabaho at pilit na
humihingi ng bagong trabaho.
7. Ayon kay ___________ ang pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa ay kasama
sa antas ng pasasalamat.
A. Santo Papa Juan
B. Santo Tomas de Aquino
C. Santo Mateo de Jesus
8. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkilala sa kapwa.
A. Hinandugan ni Maria at ng kanyang mga kapatid ng sopresang kanta ang
kanilang ina sa kaarawan nito.
B. Naghatid ng mga libreng pagkain ang pamilyang Santos sa mga health
workers sa pampublikong hospital.
C. Lahat ng nabanggit ay tama
9. Ang sumusunod ay mga pagkilala sa sakrispisyo ng may awtoridad, maliban
sa:
A. Pagsunod sa kanilang pinapatupad na batas sa pamayanan
B. Pagbibigay ng tulong kung kinakailangan nila ito
C. Pagawa ng sariling desisyon na di-alinsunod sa pinapatupad nila
10. Ang pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino. Naipakikita ito
sa
A. Pagsunod sa kapwa
B. Pagtanaw ng utang ng loob sa kapwa
C. Pag-iisip ng mabuti sa kapwa
Susi sa Pagwawasto
PAUNANG PAGTATAYA Set A Set B
Sanggunian:
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-aaral, pp 227-255
The ALS-EST Program
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk03Cz8C4EB_ouAmSDtJ4O6qb5kRMFA:1613009444118&source=uni
v&tbm=isch&q=deped+students+in+school+clipart&sa=X&ved=2ahUKEwiwjL634ODuAhUDGKYKHV1FC8QQjJkEe
gQIAxAB&biw=1164&bih=597#imgrc=jSjo1249RFFOkM
Accessed on February 11, 2021
When Mom is Sick – The Impact
https://www.google.com/search?q=thanking+parents+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwiMq5LC8ODuAhVPEogKH
agmAqMQ2-
cCegQIABAA&oq=thanking+parents+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAA6BAgAEEM6BggAEAcQHjoICAAQBxAFEB
46BggAEAUQHlDKpgNYn9EDYOvUA2gBcAB4AIABnwKIAcAckgEGMC43LjEwmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAA
QE&sclient=img&ei=AaMkYMymGs-koASozYiYCg#imgrc=Wuyeg--4_THX5M
Accessed on February 11, 2021
How to Properly Wear a Face Mask: Infographic
https://www.google.com/search?q=not+wearing+mask+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwia3bnf8ODuAhXYBN4KH
TQzDTAQ2-
cCegQIABAA&oq=not+wearing+mask+clipart&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyCAgAEAcQBRAeMgYIABAFEB4yBggAEA
gQHjoECAAQQzoHCAAQsQMQQzoGCAAQBxAeOggIABAIEAcQHlCG-wdYz6QIYJ-
oCGgAcAB4AIAB4gKIAbQdkgEIMC4yLjEzLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=PqMkYJrG
NtiJ-Aa05rSAAw#imgrc=NCiuLHzdoPdHLM
Accessed on February 11, 2021
Volunteer Giving Food ,Free Food and Items to Homeless, Unemployed
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk004tL5LNljdvpEVp5Qqm9vo6G7P4Q:1613014396906&source=univ
&tbm=isch&q=giving+free+food+to+healthcare++clipart&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwiNj5Tx8uDuAhWFOnAKHe4-
BqwQjJkEegQIAxAB&biw=1164&bih=597#imgrc=y7pYOAHMSZ3a0M
Accessed on February 11, 2021

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: KATHERINE LESLEE C. CALUNSAG, T-III

Zamboanga del Sur NHS, Pagadian City Division

Editor/QA: AILEEN L. LUAB, HT-III

Zamboanga del Sur NHS, Pagadian City Division

Tagasuri:

Tagaguhit:

Tagalapat:

Tagapamahala: DANNY B. CORDOVA, EdD, CESO VI

OIC Schools Division Superintendent

MA. COLLEEN L. EMORICHA, EdD, CESE

OIC-Assistant Schools Division Superintendent

MARIA DIOSA Z. PERALTA

CID-CHIEF

MA. MADELENE P. MITUDA. EdD

EPS-LRMDS

JOVITA DUGENIA

EPS-ESP
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,
Here the breezes gently Blow, Here Linger with love and care All of them are proud and true
the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset Are Region IX our Eden Land
The liberty forever Stays, visions you’ll never forget Region IX Our..
Here the Badjaos roam the seas HereOh! That’s Region IX Eden...
the Samals live in peace Here the Hardworking people Abound, Every valleys Land...
Tausogs thrive so free With the and Dale
Yakans in unity Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

My Final Farewell
Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Let the sun draw the vapors up to the sky,
Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, And heavenward in purity bear my tardy protest
Gladly now I go to give thee this faded life's best, Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,
And were it brighter, fresher, or more blest And in the still evening a prayer be lifted on high
Still would I give it thee, nor count the cost. From thee, 0 my country, that in God I may rest.

On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Pray for all those that hapless have died,
Others have given their lives, without doubt or heed; For all who have suffered the unmeasur'd pain;
The place matters not-cypress or laurel or lily white, For our mothers that bitterly their woes have cried,
Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, For widows and orphans, for captives by torture tried
T is ever the same, to serve our home and country's need. And then for thyself that redemption thou mayst gain

I die just when I see the dawn break, And when the dark night wraps the graveyard around
Through the gloom of night, to herald the day; With only the dead in their vigil to see
And if color is lacking my blood thou shalt take, Break not my repose or the mystery profound
Pour'd out at need for thy dear sake And perchance thou mayst hear a sad hymn r eso und
To dye with its crimson the waking ray. ' T is I, O my co untr y, r aising a song unto thee.

My dreams, when life first opened to me, And even my gr ave is r ememb er ed no more
My dreams, when the hopes of youth beat high, Unmark 'd by never a cross nor a stone
Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea Let the plow sweep through it, the spade turn it o' er That my
From gloom and grief, from care and sorrow free; ashes may carpet earthly f loor,
No blush on thy brow, no tear in thine eye. Before into nothingness at last they are blown.

Dream of my life, my living and burning desire, Then will oblivion bring to me no care
All hail ! cries the soul that is now to take flight; As over thy vales and plains I sweep;
All hail ! And sweet it is for thee to expire ; Throbbing and cleansed in thy space and air
To die for thy sake, that thou mayst aspire; With color and l ight, with song and lament I fare, Ever
And sleep in thy bosom eternity's long night. repeating the f aith that I keep.

If over my grave some day thou seest grow, My Fatherland ador' d, that sadness to my sorrow lends Beloved
In the grassy sod, a humble flower, Filipinas, hear now my last good -by!
Draw it to thy lips and kiss my soul so, I give thee all: parents and kindred and friends
While I may feel on my brow in the cold tomb below For I go where no slave before the oppressor bends,
The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. Where faith can never kill, and God reigns e' er on high!

Let the moon beam over me soft and serene, Farewell to you all, from my soul torn away,
Let the dawn shed over me its radiant flashes, Friends of my childhood in the home dispossessed! Give
Let the wind with sad lament over me keen ; thanks that I rest from the wearisome day!
And if on my cross a bird should be seen, Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved
Let it trill there its hymn of peace to my ashes. creatures all, farewell ! In death there is rest!

I Am a Filipino, by Carlos P. Romulo


I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The
future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,
meeting my responsibility to the past, and the task of performing was my mother, and my sire was the West that came thundering
my obligation to the future. across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of
I sprung from a hardy race, child many generations removed of the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for
ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East
rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has
ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see bound his limbs, and start moving where destiny awaits.
them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind, I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give
carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge
of new land that was to be their home and their children’s forever. that has come ringing down the corridors of the centuries, and it
I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears
that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance. when first they saw the contours of this land loom before their eyes,
In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to of the battle cries that have resounded in every field of combat from
battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:
in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and ―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom
Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor. shall have been added unto my inheritance—for myself and my
The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my children and my children’s children—forever.‖
manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds
that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand
years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the
insignia of my race, and my generation is but a stage in the
unending search of my people for freedom and happiness.

You might also like