Pintig. Liglig. Daigdig

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Pintig, Ligalig at Daigdig

Jet Oria Gellecanao

“Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon. Ang bawat araw ay


nagiging mga oras, ang bawat oras ay nagiging minuto, ang bawat minuto
ay nagiging mga segundo na lamang. Kaya naman, maging ang pintig ng
bawat sandali, ng bawat puso, ng bawat bagay at nilalang sa mundo ay
sumasabay rin sa isang maligalig na daigdig.”

Sa umpukan ng mga nakatatanda ay madalas marinig ang mga


usapang ito “Talagang sang-ayon ako sa mga pahayag na ito,” wika ng
isang lola. “Kakaiba na ang panahon sa ngayon, mas higit na mapanganib!”
Mas matigas na rin ang ulo ng mga kabataan!” sambit naman ng isa.
Sumagot naman itong si lolo: “Hindi ako sang-ayon riyan, mas marurunong
at mas maabilidad na ang mga bata sa ngayon.” Kaya, kabataan, sino ka
sa mga nabanggit nila? Paano mo pinatunayan sa iyong sarili ang taglay
mong mga talento at taglay na kaalaman? Madalas rin silang magpayo sa
atin: “Mag-ingat ka sa iyong paglakad, at baka ika’y madapa, mas malalim
ang sugat.” Dapat lamang na pakinggan natin ang mga payong ito sabay
sambitin ang mga katagang “Taos-puso po naming tinatanggap ang inyong
mahalagang mga paalaala at mga gintong kaisipan.” Kaisipang
nagpapaalala sa atin na nawa’y tahakin natin ang tama at tuwid na landas.
Sa kabilang panig, tanggapin natin ang katotohanan na may mga
pagbabagong nagaganap sa kasalukuyang panahon. Tunay ngang kakaiba
na talaga sa ngayon ang takbo ng buhay. Makikita ito sa uri at istilo ng
pamumuhay ng bawat isa. Sa paraan ng kanilang mga pananalita at gawi
at lalo na sa kanilang mga pananaw, paniniwala at paninindigan sa buhay.
Isa sa mga higit na nakakaimpluwensiya sa mga tao ngayon ay ang pag-
usbong ng modernong teknolohiya. Idiniriin sa atin ang konsepto ng
“Globalisasyon” at ang paglitaw ng teoryang “Global Village” kung saan ang
mundo, ang bawat bansa at bayan na naririto ay wala nang anumang mga
hadlang o tagapamagitan lalo na sa larangan ng pakikipagtalastasan.
Nariyan ang Internet, Facebook, Twitter, Youtube, Skype at iba pa upang
mas higit na mapadali at mapabilis ang komunikasyon. Kasabay ng pag-
unlad ng teknolohiya, ay ang paniniwala ng karamihan na dahil sa labis na
ang kasamaan ng tao,sandali na lamang at magugunaw na ang mundo.
Maaari kayang mangyari ang iba’t ibang mga hula ng mga tao tungkol
dito? Tandaan natin, nilikha ng Diyos ang tao at ang daigdig hindi upang
gunawin at sirain lamang ito. Sa halip, ang mga bagay na hindi karapat-
dapat manirahan dito ang siya lamang niyang aalisin. Tanging siya lamang
at wala nang iba pa ang nakaaalam kung kailan niya mangyayari ang
pagpuksa sa mga masasama at sa sumisira ng kanyang mga nilikha. Kaya
mga kapwa ko kabataan, panahon na upang ikaw ay magbulaybulay. Ano
na ang nagawa ko para sa aking sarili? Para sa aking kapwa? Higit sa lahat,
ay ang iyong magandang kaugnayan sa Diyos.

Kaya’t ito ang tamang panahon upang harapin ang mga bagong
hamon sa buhay. Magpatuloy ka, upang minsan sa isang araw ng iyong
buhay ay hindi mo masambit ang mga katagang “Sayang, kung ginawa ko
lamang sana iyon.” Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon, ang bawat
araw...nagiging oras, nagiging minuto hanggang maging segundo. Ang
bawat pintig, pintig...at pintig sadyang may ligalig sa ating daigdig...
Kabataan! Panahon na upang tanggapin mo ang hamon sa iyo!

You might also like