Banghay Aralin Sa Dulang Pantelebisyon Grade 7.

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Paaralan: SAN JOSE NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang/Antas: Grade 7

Guro: Gng. Marcheline Ivy F. Arsenio Markahan: Ikatlong Markahan
Petsa/Oras: May 11, 2021 / 10: a.m

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman
Naipamamalas ng mga-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon

B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mga mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news Casting ) tungkol sa
kanilang sariling lugar
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
 Nabibigyang kahulugan ang dula.
 Nasusuri ang mga elemento at sosyo-historikal na konteksto ng napanood na dulang
pantelebisyon.
 Nakasusulat ng maikling diyalogo na may kaugnayan sa mga isyung panlipunan.

II. PAKSA

Wika: Dulang Pantelebisyon

Kagamitan: Power Point Presetation, makukulay na larawan, manila paper at pisara
Sanggunian: Pluma 7

III. Pamamaraan
A. Paghahanda
 Pagsasagawa ng handwashing, pagsout ng face mask at social distancing
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

B. A K T I B I T I

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (Larawan ko, Alamin mo)

Panuto: (Pangkatang Gawain) Observe Social Distancing
May ihandang larawan ang guro tungkol sa mga problemang kinakaharap ng Pilipinas sa
kasalukuyan. Aalamin ng bawat grupo kung anong isyu ang tinutukoy ng larawang kanilang napili.
• Pagpapangkat ng mga mag-aaral sa tatlong pangkat.
• Pagpili ng mga mag-aaral ng kanilang pinuno, tagasulat at taga-ulat sa kanilang grupo.
• Pagbunot ng pinuno ng larawan.
• Sa loob ng limang minuto (5mins.) ay ipaliwanag ng pinuno ang napiling larawan
Unang Larawan Ikalawang Larawan

Ikatlong Larawan

Gabay na Tanong:
a. Ano-anong mga isyung panlipunan ang tinatalakay ng larawan?
b. Ibigay ang inyong sariling opinyon tungkol dito.
c. Mayroon bang mga akdang pampanitikan na tumatalakay sa mga opinyon ng isang tao tungkol
sa isang isyu?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.

Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Paano naapektuhan ng lipunan ang mga palabas sa dulang

pantelebisyon?

3. Pagtalakay ng Paksa ( Powerpoint presentation)

4. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (SINE TIME)

Pagpapanood ng video clip mula sa isang dulang pantelebisyon na nagpapakita ng iba’t ibang
isyung panlipunan.

PANGAKO SA ‘ YO
https://www.youtube.com/watch?v=2IU722ZZYqg

C. A N A L I S I S
1. Aling dayalogo sa teleserye ang pumukaw ng inyong damdamin. Ibigay ang kahulugan ng
dayalogong ito para sa inyo.
2. Anong isyung panlipunan ang tampok sa inyong pinanood? Ano-ano ang maaaring maging
dahilan ng pagkakaroon ng mga isyung panlipunan sa ating bansa?
3. Mayroon ka bang sariling opinyon tungkol sa mga isyung panlipunan na nararanasan ng bansa?
Ihayag ito sa klase.
4. Bukod sa mga dulang pantelebisyon, saan pa madalas nailalahad/naipakikita/nababasa ang mga
opinyon tungkol sa mga isyu o suliranin ng ating bansa?
5. Anong akdang pampanitikan ang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa sa
mga kaisipan at mga bagay-bagay tungkol sa isang napapanahong isyu? May pagkakaiba ba ito
sa ibang akdang pampanitikan? Isa-isahin.

D. A B S T R A K S I Y O N CONCEPT MAPPING

Panuto: Sa pamamagitan ng Concept mapping ay ipaliwanag kung bakit mahalagang pag-

aralan ang dulang pantelebisyon.
 Isa-isang pupunta ang mga mag-aaral sa pisara at idikit ang mga salitang may
kaugnayan sa paksang ang kahalagahan ng dulang pantelebisyon.
 Iproseso ng guro ang sagot.

KAHALAGAHAN NG
DULANG PANTELEBISYON

E. A P L I K A S Y O N (EBALWASYON)

Panuto: Sa loob ng 5 minuto sumulat ng maikling diyalogo na may kaugnayan sa mga isyung
nangyayari sa ating lipunan.

F. P A G L A L A H A T (Generalization)

Balik sa pokus na tanong:

Paano kaya naapektuhan ng lipunan ang mga palabas sa dulang pantelebisyon?

IV. KASUNDUAN

Panuto: Manood ng paborito mong dulang pantelebisyon. Suriin ang elemento ng napanood na
dulang pantelebisyon. Punan ang nakahandang banghay sa ibaba:

A.
a. Nilalaman/Kuwento:

____________________________________________________________________________________________
__________________________

b. Mga Tauhan:
____________________________________________________________________________________________
__________________________

c. Disenyong Pamproduksiyon:
____________________________________________________________________________________________
__________________________

B. Ano ang masasabi mo tungkol sa sumusunod na mga elemento ng dulang pantelebisyon na

napanood?

a. Takbo ng diyalogo: ____________________________________________

b. Sinematograpiya: _____________________________________________
c. Direksiyon: ___________________________________________________
Unang Pangkat

Ikalawang Pangkat

Ikatlong Pangkat
Balik- Aral

Ano ang Sanaysay

Sagot: Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa sa
mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa. May
dalawang anyo ang sanaysay. Ito ang

Ano ang dalawang anyo ng sanaysay

Sagot: pormal o maanyo at pamilyar o personal.

Ano ang Pornal o Maanyong Sanaysay

Sagot: Pormal o Maanyong Sanaysay – nagtataglay ng makatotohanang impormasyon, piling mga salita,
at pahayag na maingat na tinalakay kaya’t masasabing mabisa. Ito ay may maayos na balangkas na
nakatutulong sa lohikal na paglalahad ng kaisipan. Ang ganitong uri ng sanaysay ay karaniwang umaakay sa
mga mambabasang mag-isip nang malalim at paglakbayin ang guni-guni. Ang pormal na sanaysay ay
nagnanasang magpaliwanag, manghikayat at magturo tungo sa pangkaunlarang-isip at moral ng mga
mambabasa.

Ano ang Pamilyar o Di-Pormal na sanaysay?

Sagot: Pamilyar o Di-Pormal – tinatawag ding palagayang sanaysay. Ito ay mapang-aliw, mapagbiro, at nagbibigay-
lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwan, pang-araw-araw at personal na paksa. Binibigyang-diin nito
ang karanasan at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring naranasan din ng
mambabasa. Ang pananalita ay parang usapan lamang ng magkakaibigan kaya magaan, madaling maintindihan at
palagay na palagay ang loob ng may-akda. Malimit itong nasusulat sa unang panauhan.

Mtibasyon:
Gabay na Tanong:
d. Ano-anong mga isyung panlipunan ang tinatalakay ng larawan?
1. Kahirapan,
2. pagtaas ng bilang ng tao, panganganak o early pregnancy. Pagdami ng taobaba naman ng
halaga ng peso.
3. Druga, marami ang napapabalitaang nahuhuli dahil sa pagbebenta ng droga

e. Ibigay ang inyong sariling opinyon tungkol dito.

f. Mayroon bang mga akdang pampanitikan na tumatalakay sa mga opinyon ng isang tao tungkol
sa isang isyu?
Halimbawa : sanaysay – isang akdang pampanitikan na kung saan kalimitang naglalaman ng
personal na kuru-kuro ng may-akda hinggil sa nangyayari sa kanyang kapaligiran.

Dulang pantelebisyon
Halimbawa:
Pelikula ni Bonifacio
Na ang unang pangulo ay binigyang-buhay ni Robin Padila. Ang dulang ay
pumapatungkol sa pagiging isang tagapangulo ni Bonifacio sa isang pangkat laban sa mga mananakop,
kaugnay rin dito ang babaeng nagpatibok ng puso ni bonofacio na si Gregoria De Jesus. Itinuturing na
pinakamalaking pelikula na tumatalakay sa buhay ng bayaning si Andress Bonifacio.

You might also like