Banghay Aralin Oktubre 28-Nobyembre 1,2019

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Filipino 7

Petsa: Oktubre 28-Nobyembre 1,2019

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa sa mga kadang pampanitikan ng Luzon.
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay inaasahang makasusulat ng sariling tula o awiting panudyo,
Tugmang de gulong, palaisipan at mga bugtong batay sa itinakdang pamantayan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
*F7PN-IIIa-c-13
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono.diin.antala), at
mga di-berbal na palatandaan (kumpas, galaw ng mata/katawan, at iba pa|) sa tekstong
napakinggan.
*F7PB-IIIa-c-13
Nailalahad ang pangunahing ideya ng tekstong nagbabahagi ng buong pandamdamin
ng akda.
*F7PB-IIIa-c-13
Naihahambing ang mga kahulugan ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan at bugtong.
*F7PT-IIIa-c-13
Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat.
*F7PD-IIIa-c-13
Nasusuri ang nilalaman ng napanood na dokumentaryo kaugnay ng tinalakay na mga
tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan.
*F7PU-IIIa-c-13
Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan batay sa
itinakdang pamantayan.
*F7WG-IIIa-c-13
Naiaangkop ang wastong tono o intonasyon sa pagbigkas ng mga tula/awiting
panudyo, tulang de gulong at palaisipan.
*F7EP-IIIa-c-7
Nagagamit nang wasto ang mga primarya at sekundaryang pinagkukunan ng mga
impormasyon.

II. NILALAMAN
A. Panitikan: Chit Chirit Chit- Awiting Panudyo
Pedro Penduko-Tulang Panudyo
Mga Tugmang de Gulong, Palaisipan, mga Bugtong ng Katagalugan
B. Gramatika at Retorika: Mga Ponemang Suprasegmental
(Diin, Tono at Antala)
C. Uri ng Teksto: Tulang Nagsasalaysay (Wika)
Sanggunian: Batikan 7 pahina 1-7; Gabay Pangkurikulum 149
Kagamitang Panturo: video clips, internet, cellphone, kamera, awtentikong kagamitan,
kagamitang biswal, Batikan

III. PAMAMARAAN
UNANG ARAW
 ENERGIZER (KASARIAN SONG)
A. TUKLASIN

 TUKLAS LARAWAN
 HANAP SALITA (CROOSWORD PUZZLE)
Gawain 1
Pangkatang pagbasa sa mga sumusunod na tugmaan nang may wastong ritmo.
1. Santo Nino sa Pandakan
Putoseo sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam
2. Bata, batuta, nagsuot sa lungga
Hinabol ng daga
3. Di matingalang bundok
Sagot: _____________
4. Kakabiyak ng niyog
Magdamag inililibot
Sagot:_____________
*Gawain 2
Pagkatapos mabasa ang mga taludturan, aawitin nang sabayan nang may angkop na
galaw at kumpas ang saknong bilang 1,2, at 3.
*Gawain 3.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Ano ba ang paksa sa halimbawa bilang isa, dalawa, at tatlo?
b. Paano binuo ang mga ito?
c. Ano naman ang layunin ng bilang 4,5,6, at 7?
d. Ano ang tawag sa mga ito?
e. Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga akdang ganito sa ating kalinangan.
*Gawain 4.
Pagdako sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Tula o Awiting Panudyo, Tugmang de
Gulong, Palaisipan at Bugtong.

PASA BOLA
Panuto: Pagpapasa-pasahan ang bola sa saliw ng ibat-ibang awitin. Kung sino
man ang may hawak ng bola kapag huminto ang tugtog ang siyang sasagot sa
mga katanungan.

*Gawain 5. Paghahambing
Batay sa kaalamang natalakay, ihanay sa loob ng Venn Diagram ang katangina ng tula/
awiting panudyo at tugmang de gulong. Gayundin ang katangian ng palaisipan at
bugtong.
Isulat ang sagot sa loob ng dayagram.

Tula/Awiting Panudyo Tugmang de Gulong


P
a
g
k
a
k
a
t
u
l
a
d

Pagkakaiba Pagkakaiba
Palaisipan Bugtong
P
a
g
k
a
k
a
t
u
l
a
d

Pagkakaiba Pagkakaiba

PANGKATANG GAWAIN
1. Awiting Panudyo – Flip Top
2. Tugmaang de Gulong – Patalastas
3. Palaisipan – Pass the Message
4. Bugtong – Celebrity Bluff
5. Tulang panudyo – Role Play

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Nilalaman 40 puntos
Orihinalidad 20 puntos
Kasiningan ng kumpas at galaw 10 puntos
Wastong tono/intonasyon at bigkas 20 puntos
Pagkakaisa ng pangkat 10 puntos
Kabuuan 100 puntos

ISKOR MO! SHOW MO!

PAGSASABUHAY
HASHTAG O HUGOT?
Base sa napakinggan at napanuod sa ipinakita ng bawat pangkat. Ano ang natutunan
ng bawat isa sa kanilang ginawa. Bilang mag-aaral, bilang magkakaibigan at magkamag-
aral.Ibigay ito sa pamamagitan ng hash tag/hugot.lines.
Pantay-pantay ba ang turingan ng bawat isa bilang magkakamag-aral at
magkakagrupo?

IPALIWANAG MO!

GIRL BOY BAKLA TOMBOY, LAHAT TAYO PANTAY-PANTAY!

IKALAWANG ARAW

B. LINANGIN.
*Balik-aral.
*Gawain 7. Pagbasa sa mga Unang Teksto
Pangkatang pagbasa sa mga ss. na teksto.
I. Chit Cirit Chit, alibangbang
Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang
II. Pedro Penduko, Matakaw sa tuyo
Nang ayaw maligo, Pinukpok ng palo
III. Ms. Na Sexy, kung gusto mo’y libre
Sa drayber ka tumabi

*Gawain 8. Paglinang ng Talasalitaan


1. Lagyan ng angkop na panlapi o kaya katambal na salita upang makabuo ng
iba pang salita. Punan nang sagutang talahanayan.

Panlapi o Nabuong
Salitang-ugat Katambal na salita
salita
a. isip
b. awit
c. tula
d. bugtong
e. tugma

2. Isulat ang nabuong salita ayon sa anyo nito sa loob ng talahanayan.

Maylapi Tambalang Salita Kahulugan

3. Gamitin ang nabuong salita sa madiwang pangungusap.


a. ____________________________________________
b. ____________________________________________
c. ____________________________________________
d. ____________________________________________
e. ____________________________________________

*Gawain 9. Pag-unawa sa mga Akda


Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang paksa ng bawat teksto?
2. Ibigay ang katawagan ng bawat isa.
3. Para sa iyo, ibigay ang pagkakaiba nila sa maikling pangungusap.
4. Bakit mahalaga pa ring gamitin ang ganitong mga akda sa kasalukuyan?
5. Ano ang pangunahing layunin ng mga akdang tinalakay?
*Gawain 10.Pagsulat
Punan ng tamang salita upang mabuo ang sumusunod na akda.
1. Bnal na aso ______________ kabayo
Natatawa ako ______________.
2. Siya’y isang _________________ maganda lang
Kanyang katawan tapon ulo
Maganda siya pag nakatalikod pag humarap
Mukhang ___________________
3. Tutubi, tutubi
Huwag kang ________________
Sa batang ___________________
4. Isang bayabas
Pito ang butas
Sagot: _____________________
5. Dalawang mag-ma ang namimingwit sa tabing-ilog isang hapon. Nakahuli sila ng
tatlong malalaking isda at siyang ginawa nilang hapunan, tig-iisang piraso. Paano
nagkasya ang tatlong isda sa dalawang mag-ama?
* Gawain 11. Bumuo ng sariling bersyon. Pumili lamang ng isa.
1. Awiting Panudyo
2. Palaisipan
3. Tugmang de Gulong
4. Tulang Panudyo
5. Bugtong
*Kraytirya
a. Dalawang taludtod/hangagng apat
b. Orihinal
c. Nakakaaliw
*Gawain 12
Pagkatapos makasulat, bigkaisn ito nang may ritmo. Angkupan ng himig ang
awiting panudyo.

PAGSASANIB NG GRAMATIKA AT RETORIKA

Pagbibigay input hinggil sa ANG PONEMAANG SUPRASEGMENTAL


*Ponema
*Morpema
*Segmental
*Suprasegmental
=diin =tono =antala

Pagsasanay 1.
Masining na pagbasa sa tulang ALDUB ni E.M. Marasigan.
Pagsasanay 2.
Pumili ng naibigang saknong.
Lagyan ng mg simbolo ng suprasegmental.
Pagkatapos bigkasin nang may ritmo at kilos ng katawan.

IKATLONG ARAW

C. PAGNILAYAN AT UNAWAIN
*Balik-aral.
*Gawain 13. Pagpapaliwanag
Ipaliwanag ang kahulugan ng pag-aaral tungkol sa mga panudyo, palaisipan, tugmang
de gulong at bugtong.
Kraytirya:
p. Makatotohanan
q. Naglalahad ng sariling kongklusyon
r. May batayan ang mga ideya

*Gawain 14. Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng Iba


Ipadama ang damdamin nangingibabaw sa mga binasang teksto bilang
halimbawa ng tula/awiting panudyo at palaisipan.
Kraytirya:
p. Makatotohanan
q. Tapat
r. Naglalahad ng sariling damdamin at ng ibang tao
*Gawain 15. Pagsagot sa mga Pokus na Tanong
Pagbibigay ng pinal na kasagutan sa mga ss. na katanungan
(kahalintulad ng mga tanong na matatagpuan sa Gawain 6).

IKAAPAT NA ARAW

D. ILIPAT
*Balik-aral.
1. Pahapyaw na pagtalakay sa katuruan ng tula/awiting panudyo, tugmang de
gulong, palaisipan o mga bugtong.
2. Pagbibigay ng ilang mungkahing estratehiya sa presentasyon.
a. Tulang Panudyo- Jungle Rap
b. Awiting Panudyo- FLIP TOP
c. Tugmang de Gulongpaggawa ng “Bookmark”
d.Palaisipan -Celebrity Bluff
e. Bugtong -Celebrity Bluff
3. Pagsasaad ng pamantayan sa paglikha ng sariling tula, awiting panudyo,
tugmang de gulong, palaisipan at mga bugtong.
Nilalaman - 50%
Orihinalidad - 10%
Kasiningan ng kumpas
at galaw - 10%
Wastong tono/intonasyon
at bigkas - 30%
K A B U U A N- 100%
4. Paglikha ng produkto.
5. Masining na pagtatanghal ng bawat pangkat sa nabuong produkto. (depende
sa mapagkakayariang araw)
6.Mapanuring pagtataya ng guro at mag-aaral gamit ang nabuong pamantayan.

IKALIMANG ARAW
 Remedyal na klase (ayon sa pangangailangan ng mga mag-aaral)

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:

GNG. TESNALYN G. NIMO ELOISA S. OPILLA


Guro sa Filipino 7 Pang-ulong Guro V

Namasid nina:

MARLON A. FERNANDEZ ANASTACIA G. PLACIDO FLORANTE S. ESPILA


Master Teacher I Master Teacher I Master Teacher II

Pinagtibay ni:

WILMA M. AQUINO
Punong-guro IV

You might also like