Filipino1 Quarter 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

pPRES. CORAZON C.

AQUINO ELEMENTARY SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills Quezon City

Filipino 1
Ikaapat na Markahan
Unang Linggo
Iskor:

Pangalan: ____________________________________________________
Baitang at Seksyon: _____________________ Petsa: _______________

Layunin:
Natutukoy ang mga salitang magkatugma.

Learning Competency with Code: K to 12 MELC, F1KP-IIIc-8

Ang salitang magkatugma ay nangangahulugan na ang mga


huling pantig ng mga salita ay magkapareho ng tunog.
● lamok - manok  
● bitaw - sitaw  
● damit - kawit
● baso - laso  

Panuto: Lagyan ng / kung ang dalawang salita ay magkatugma at


X kung hindi.

____1. baraha - kutsara

____2. agiw - giliw

____3. ahas - mansanas

____4. lapis - pambura

____5. tatay - nanay


Pangalan at Lagda ng Magulang

PRES. CORAZON C. AQUINO ELEMENTARY SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills Quezon City

Filipino 1
Ikaapat na Markahan
Ikalawang Linggo
Iskor:

Pangalan: ____________________________________________________
Baitang at Seksyon: _____________________ Petsa: _______________

Layunin:
Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t-
ibang gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan. Learning

Competency with Code: K to 12 MELC, F1WG-111e-5

Salitang Kilos- ito ay mga salita na nagsasaad o nagpapakita ng


kilos o galaw.
Halimbawa: naglalakad, nagluluto, kumakain

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salitang kilos. Isulat


ito sa patlang.

nagluluto naglalaba naghuhugas


nag-iigib nagdidilig

Ang aming pamilya ay nagtutulungan sa mga gawaing bahay. Si


tatay ang _______________ ng masarap at masustansiyang pagkain.
Si nanay ang ______________ ng aming maruruming damit. Si kuya
ang _________________ ng tubig.
Si ate naman ang _______________ ng aming mga pinagkainan.
Ako naman ang ________________ ng mga halaman tuwing
umaga.

Pangalan at Lagda ng Magulang

PRES. CORAZON C. AQUINO ELEMENTARY SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills Quezon City

Filipino 1
Ikaapat na Markahan
Ikatlong Linggo
Iskor:

Pangalan: ____________________________________________________
Baitang at Seksyon: _____________________ Petsa: _______________
Layunin:
Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasingkahulugan.
Learning Competency with Code: K to 12 MELC, F1PP-IIIh-1-4

Magkasingkahulugan ang tawag sa pares ng mga salitang


magkapareho ang kahulugan.

Panuto: Piliin ang titik ng kasingkahulugan ng salitang may


salunnguhit.
1. Ang maliit niyang kapatid ay madaldal.
a. maingay c. matabil
b. tahimik d. magulo
2. Siya’y matipid sa pera.
a. maingat c. masinop
b. mapag-impok d. waldas
3. Hindi siya batugan.
a. malaki c. mangmang
b. tamad d. bayani
4. Napakatamad ni kuneho.
a. napakabagal c. napakakuripot
b. napakatagal d. napakasipag
5. Si Sylvia ay malungkot ngayon.
a. matamlay c. mahina
b. masaya d. mapanglaw

Pangalan at Lagda ng Magulang

PRES. CORAZON C. AQUINO ELEMENTARY SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills Quezon City

Filipino 1
Ikaapat na Markahan
Ikaapat na Linggo
Iskor:

Pangalan: ____________________________________________________
Baitang at Seksyon: _____________________ Petsa: _______________

Layunin:
Nasasabi ang paraan, panahon at lugar ng pagsasagawa ng kilos
o gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan.

Learning Competency with Code: K to 12 MELC, F1WG-IIIh-1.4


Ang pang-abay na pamaraan ay nagsasaad kung paano
naganap o magaganap ang kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Masayang naglalaro ang mga bata.
Tahimik na naglakad sina Ben at Jose.

Panuto: Bilugan ang mga salitang nagsasaad kung paano


isinagawa ang kilos. Bilugan ang mga pang-abay na pamaraan.
1. Dahan-dahang binuksan ni Andrea ang pintuan ng kwarto.

2. Mabilis na niluto ni Ella ang ulam para sa hapunan.

3. Nagmamadaling naglinis si Fe para magawa niya ang

kanyang takdang aralin pagkatapos maglinis.

4. Masayang sinunod ni Crystal ang utos ni nanay.

5. Taimtim na nananalangin ang pamilya tuwing sasapit ang

ala-sais.

Pangalan at Lagda ng Magulang

PRES. CORAZON C. AQUINO ELEMENTARY SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills Quezon City

Filipino 1
Ikaapat na Markahan
Ikalimang Linggo
Iskor:

Pangalan: ____________________________________________________
Baitang at Seksyon: _____________________ Petsa: _______________
Layunin:
Nakapagbibigay ng sariling hinuha.
Learning Competency with Code: K to 12 MELC, F1PN-IIIj-12
Ang pagbibigay ng wastong paghihinuha sa pangyayari-saloobin ng
damdamin sa binasa o pagbubuo ng sarilingpalagay, pasiya o kalabasan
ng pangyayari ay nababatay sa mga detalyeng inilahad. Dito nililinang ang
kakayahan sa pagbibigay ng pasiya o desisyon.
Panuto: Ibigay ang sariling hinuha sa mga sumusunod na
sitwasyon. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
Tuwing bisperas ng Pasko palaging pinapatulog nang maaga ni Aling Mely at
Mang Jose ang mga bata. Bago magsitulog nagsasabit muna sila ng medyas
para sa pamasko ni Santa Claus. Hatinggabi na dumarating si Santa Claus.

Ano kaya ang mangyayari sa kanilang medyas? (2 puntos)


a. Tatangayin ng kanilang aso.
b. Malalaglag sa ibaba ang mga medyas.
c. Lalagyan ng Pamaskong handog ni Santa Claus.

Sa lahat ng batang mag-aaral sa unang baitang, namumukod si Berto dahil siya


ay matalino. Isa sa mga katangian ni Berto ay mapangarapin. Dahil mahirap sila
gusto niyang yumaman. Madalas niyang sabihan “umulan sana ng pera” Ilang
sandal may narinig siyang mga mabibigat ng butil na lumaganap sa bubungan.
Narinig niya sa mga kapitbahay na umuulan ng salapi. Nagutom siya sa
kakahakot ng pera at wala siyang mabilhan ng pagkain dahil sarado lahat ng
mga tindahan. Tinanong niya ang pulis kung bakit walang nagtitinda. May pera
na sila sagot ng pulis. Tinawag siya ng kanyang ina at niyugyog.

Sa inyong palagay, ano kaya ang ginagawa ni Berto? (3 puntos)


a. Naglalaro buong araw sa paligid.
b. Natutulog at nananaginip.
c. Nakikipagwentuhan sa kanyang nanay.
Pangalan at Lagda ng Magulang

PRES. CORAZON C. AQUINO ELEMENTARY SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills Quezon City

Filipino 1
Ikaapat na Markahan
Ikaanim na Linggo
Iskor:

Pangalan: ____________________________________________________
Baitang at Seksyon: _____________________ Petsa: _______________
Layunin:
Nagagamit ng wasto ang mga pang-ukol.

Learning Competency with Code: K to 12 MELC, F1WG-IVd-f7

Pang-ukol ito mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan at sa


iba pang salita sa pangungusap katulad ng: ng, ni/nina, kay/kina,
laban sa/kay, ayon sa/kay, para kay/kina
Halimbawa: Ang prutas ay para kay Lola Nadya.
Ayon sa balita, isang tren ng MRT ang tumirik na naman.

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pang-


ukol. Isulat ito sa patlang na nasa ibaba.

1. kay - _________________________________________________________

2-3. ayon sa -
_________________________________________________________________

4-5. para kina -


_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

Pangalan at Lagda ng Magulang

PRES. CORAZON C. AQUINO ELEMENTARY SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills Quezon City

Filipino 1
Ikaapat na Markahan
Ikapitong Linggo
Iskor:

Pangalan: ____________________________________________________
Baitang at Seksyon: _____________________ Petsa: _______________
Layunin:
Natutukoy ang gamit ng iba’t – ibang bantas.
Learning Competency with Code: K to 12 MELC, F1AL-IVf-8

Gamit ng mga Bantas


✔ tuldok ( . )ay ginagamit sa pagsasabi ng impormasyon.
Halimbawa: Nagkaroon siya ng bulutong.
✔ tandang pananong ( ? ) ay ginagamit ito sa mga
pangungusap na nagtatanong ng impormasyon.
Halimbawa: Nagkaroon siya ng bulutong?
✔ tandang padamdam ( ! ) ay gingamit kung nais mong sabihin
ang pagkatakot, pag-aalala, pagkabahala o pagkagulat sa
isang impormasyon.
Halimbawa: Nagkaroon siya ng bulutong!

Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap nang angkop na


bantas. . ? !

1. Siya ay masipag mag-aral _

2. Bakit ka malungkot_

3. May ahas_

4. Sino po ang hinahanap niyo_

5. Ang mga bata ay tahimik na nakikinig sa guro_


Pangalan at Lagda ng Magulang

PRES. CORAZON C. AQUINO ELEMENTARY SCHOOL


IBP Road, Batasan Hills Quezon City

Filipino 1
Ikaapat na Markahan
Ikawalong Linggo
Iskor:

Pangalan: ____________________________________________________
Baitang at Seksyon: _____________________ Petsa: _______________
Layunin:
Nakabubuo ng wasto at payak na pangungusap na may tamang
ugnayan ng simuno at panaguri sa pakikipag-usap.
Learning Competency with Code: K to 12 MELC, F1WG-IVi-j-8
✔ Simuno - ito ay ang paksa o pinag-uusapan
Halimbawa: Masayang namasyal sina Ella at Miguel.
✔ Panaguri – ito ay naglalarawan sa simuno o paksa
Halimbawa: Masayang namasyal sina Ella at Miguel.
✔ Payak na pangungusap – na may isang diwa at binubuo ng
simuno at panaguri.

Panuto: Bumuo ng payak na pangungusap gamit ang mga


sumusunod na payak at panaguri sa bawat bilang.

1-2) simuno: ang mga bata panaguri: mabilis na nagtakbuhan

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________
3-5) simuno: sina lolo at lola panaguri: masayang ipinagdiwang
ang kanilang anibersaryo

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

Pangalan at Lagda ng Magulang

You might also like