q4 Las Week 7 Piling Larang Akademik
q4 Las Week 7 Piling Larang Akademik
q4 Las Week 7 Piling Larang Akademik
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of City of Malolos
Marcelo H. Del Pilar National High School
Bagong Bayan, City of Malolos, Bulacan
GAWAING PAGKATUTO SA
FILIPINO PILING LARANGAN
AKADEMIK
BAITANG- 11
Q4- WEEK 1-2
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of City of Malolos
Marcelo H. Del Pilar National High School
Bagong Bayan, City of Malolos, Bulacan
Posiyong Papel
• Ito ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinusulat ng may-
akda o nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa
akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.
• Ang balankas ng isang posisyong papel ay mula sa pinakapayak tulad ng isang liham sa patnugot hanggang
sa pinakamagusot tulad ng isang akademikong posisyong papel.
• Ginagamit din ng malalaking organisasyon ang mga posisyong papel upang isapubliko ang kanilang mga
opisyal na pananaw at ng kanilang mga mungkahi.
• Nagbibigay daan ang mga posisyong papel sa akademya upang talakayin ang mga umuusbong na paksa
nang walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na karaniwang makikita sa isang akademikong
pagsulat.
• Karaniwan, pinagpapatibay ng isang dokumento ang mga kuro-kuro o mga posisyong iniharap gamit ang
ebidensya mula sa malawak at obhektibong talakayan ng naturang paksa.
(www.xavier.edu/library/students/documents/position_paper)
Ang layunin ng isang posisyong papel ay upang makabuo ng suporta sa isang isyu. Ito ay naglalarawan ng
isang posisyon sa isang isyu at ang nakapangangatwiran para sa posisyon na iyon. Ang posisyon ng papel ay
batay sa mga katotohanan na nagbibigay ng isang matatag na pundasyon para sa iyong mga argumento.
1. Gumamit ng katibayan upang suportahan ang iyong posisyon, tulad ng ebidensyang, istatistikal, petsa at
kaganapan.
2. Patunayan ang iyong posisyon sa tulong ng mga kapani-paniwalang sanggunian o pangunahing
pinagkukunan ng sipi.
3. Suriin ang mga posibleng solusyon at magmungkahi ng aksyon. Pumili ng isang isyu kung saan mayroong
isang malinaw na dibisyon ng opinyon at kung saan ito ay maaring patunayan ng mga katotohanan at ng
mga saklaw na paraan ng pangangatwiran.
Ang Katawan- Ito ay maaring maglaman ng ilang mga talata. Ang bawat talata ay dapat nagpapakita ng isang ideya
o pangunahing konsepto na naglilinaw ng isang bahagi ng pahayag sa posisyon at ito ay sinusuportahan ng mga
ebidensya o katotohanan. Ang mga katibayan ay maaring maging pangunahing pinagkunan ng sipi, statistical data,
mga panayam sa mga eksperto, at hindi mapag-aalinlanganang petsa o mga kaganapan.
Ang Konklusyon- Dapat ibinubuod nito ang mga pangunahing konsepto at ideya at pinatitibay ito nang walang pag-
uulit, ang pagpapakilala o katawan ng papel. Ito ay maaring magsama ng mga iminungkahing aksyon at mga
posibleng solusyon.
Gawain #1
Panuto: Magisip ng isang karaniwang isyu sa inyong kumunidad. Pagisipan kung paano ninyo ito bibigyan ng
kaukulang solusyon. Bumuo ng agenda at pagkatapos ay gawan ng katitikang pulong. (25 puntos)
Kabuuang Puntos 25
Gawain #2
3. Ibigay ang tatlong bahagi ng posisyong papel at isa-isahing ilarawan. (15 puntos)
______________________________________________________________________________________

Inihanda nina:
EUNICE ANNE SYTAMCO
FRANICIA MAE GATCHALIAN
SUSANA FAJARDO
Sinuri ni:
VIRGILIO J. VALENZUELA
Puno, Kagawaran ng Filipino