Epp5 Ict5 Q4 M15

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

5

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan

Ikaapat
na Markahan ICT/ ENTREPRENEUR

1
EPP – Ikalimang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 15: Nakagagamit ng mga basic functions at
formula sa electronic spreadsheet upang malagom ang datos.

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Pepito B. Cagunot Jr.
Editors: Dolores O. Antolin, Bernadette B. Enriquez
Tagasuri: Dolores O. Antolin, Bernadette B. Enriquez
Teknikal :
Tagaguhit: Arnel R. Ganados
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig.

2
EPP 5
Ikaapat na Markahan
Modyul 15 para sa Sariling Pagkatuto

Paglalagom ng Datos Gamit ang mga Basic


Function at Formula sa Electronic
Spreadsheet

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan ICT/ ENTREPREUR 5 ng Modyul para sa araling Nagagamit ng
mga basic functions at formula sa electronic spreadsheet upang malagom ang datos.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan ICT/


ENTREPREUR 5 Modyul ukol sa Paggamit ng mga Basic Functions at
Formula sa Electronic Spreadsheet upang malagom ang datos.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAAN

5
Pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang
nakagagamit ng mga basic functions at formula sa electronic spreadsheet upang malagom
ang datos.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Tukuyin ang mga bahagi ng isang Electronic Spreadsheed. Piliin sa


kahon ang tamang sagot at isulat

Cell Ribbon Tool bars


Column Row
Formula Bar Sheet tab
Formatting tool bars Task pane
Name Box Title bar

6
BALIK-ARAL

Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng spreadsheet ang sumusunod.


Piliin sa kahon ang tamang sagot at isulat sa patlang

Cell Row
Worksheet Spreadsheet
Formatting tool bar

__________________1. Ito ay karaniwang makikita sa sa itaas ng


workbook,nakakatulong ito sa pagsasaayos ng txt
tulad at pagpili ng font, pagpapalaki ng mga titik at iba
pa.
___________________2. Ito ang hanay na may numero sa kaliwa.
___________________3. Ano ang tawag sa isang computer application
program para sa maayos na presentasyon ng
impormasyon.
___________________4. Dito inilalagay ang impormasyon tekstuwal o numero.
___________________5. Ito ay isang koleksyon ng cell na kinalalagyan ng
impormasyon na maaring suriin o manipulahin.

ARALIN

Paggamit ng Basic Function at Formula sa Eletronic


Spreadsheet

Malaki ang naitutulong ng electronic spreadsheet upang


mapabilis ang pagtutuos o paglalagom sa pagkukuwenta ng mga benta o
gastusin ng isang negosyo. Sa pamamagitan ng mga basic functions at
formula madali tayong nakagagawa ng mga ulat ng kita, ulat ng paggamit ng
pananalapi, balance sheet, at iba pa.
Ang Formula ay nagpapakita ng relasyon ng iba’t ibang variable
sa isang mathematical expression. Sa electronic spreadsheet, ang formula ay
isang pahayag ng user sa kung paano niya nais makuwenta ang mga datos

7
sa worksheet. Ito ay nagsisimula sa equal sign (=) at kalimitang
naglalarawan ng values, cell references, cell names, at functions.
A4=(A5+A6+A7)-A8
Ang functions ay formula na nakahanda na upang magamit sa
pagkuwenta. Ito rin ay nagsisimula sa equal sign at naglalaman ng function
name at arguments.
A4=SUM (A5:A7)
Maraming iba’t ibang klaseng basic functions ang maari mong
gamitin sa electronic spreadsheet. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod.
1. Sum Function – kinukuha nito ang kabuuang bilang ng mga numeral
sa datos sa mga piniling cells.
2. Average Function -kinukuha nito ang average o karaniwang halaga
ang mga piniling numerical na datos.
3. Max Function – ibinibigay nito ang pinakamalaking bilang mula sa
mga piling numerical na datos.
4. Min Function – ibinibigay nito ang pinakamaliit na bilang mula sa mga
piling numerical na datos.
5. Count Function – ibinibigay nito ang bilang ng mga tinalang halaga sa
mga piniling cells.

Kung nais kunin ang sum o kung gustong pagsama-samahin ang halaga,
maaaring gamitin ang apat na paraan.

1. I-click at i-drag lamang


ang mouse upang
pagsama-samahin ang
mga halaga at i-click
ang “Autosum” na
matatagpuan sa itaas
ng spreadsheet.
Pagkatapos mapindot
ang “Autosum” lalabas
na ang resulta.
Siguraduhing
pasobrahan ang cell na
ida-drag kung saan
awtomatikong mailalagay ang pinagsama-samang halaga.

8
2. Gamitin ang mano-manong
paggawa ng formula sa isang
cell, kagaya ng nasa larawan,
Maaaring ilagay ang mga cell
nang mano-mano o ilagay ito
sa pamamagitan ng pag-click
sa cell na nais ilagay
pagkatapos ay sundan ito ng
plus sign +. Pagkatapos ilagay
ang mga cell, pindutin lamang
ang “Enter” o i-click lamang
ang mouse o cursor saan man
sa spreadsheet at lalabas na ang resulta ng pinagsamang mga
numero.

3. I-type ang basic function at cell FORMULA


range sa loob ng saknong:
=SUM(C4:C8). Katulad nang
ipinapakita sa larawan,
makikitang may equal sign (=)
bago magsimula ang formula,
pagkatapos ay sinusundan ito
ng parenthesis ( ).Sa loob ng
parenthesis matatagpuan ang
mga cell na nais pagsama-
samahin.

4. I-click ang insert function


button. Magbubukas ang
Function Argument dialog box.
Piliin ang “Sum” sa “Select a
function” at i-press ang “OK”

9
Ang ganitong uri ng
paraan ng pagtutuos o paggamit
ng function at formula ay nag-
iiba lamang sa gamit.
Halimbawa, kung may nais
mag-subtract, gagamit lamang
ang minus sign (-) sa pagitan ng
mga cell na nais bawasin.

Ginagamit naman ang


asterisk (*) kapag nais i-
multiply ang dalawang numero
o higit pa.

Kapag nais namang


i-divide ang dalawang numero
ginagamit ang slash (/). Ang
nasa itaas ay ilan lamang sa
mga basic functions at formula
na maaaring gamitin.
Ganunpaman, marami pang
makikitang mga formula sa
“Formula Tab” ng Excel .

10
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Lagyang ng tsek ( /) ang patlang kung ang ipinahahayag ng


pangungusap ay tama at ekis (x) naman kung mali.

Average Function Max Function

Count Function Min Function Sum Function

______1. Ibinibigay ng max function ang pinakamalaki at bilang


mula sa mga piling numerical na datos.
_______2. Kinukuha ng min function ang bilang ng mga tinalagang
halaga sa mga piniling cells.
______3. Kinukuha ng average function ang karaniwang
halaga ng mga piniling numerical na datos.
_______4. Ibinibigay ng sum function pinakamaliit na bilang mula sa
mga piling numerical na datos.
______5. Kinukuha ng count function ang kabuuang bilang ng mga
numeral sa datos sa mga piniling cells.

Pagsasanay 2

Panuto: Subukin mong gamitin ang ang formula at basic function sa


paglalagom ng buwanang badget ng pamilya ni Aling Carmen. Sundin ang
sumusunod na hakbang gamit ang inyong computer/Laptop.

1. Buksan ang electronic spreadsheet tool (excel)


2. I-type ang mga tekstuwal at numerical na datos na makikita sa table
sa ibaba. I-format ang table upang mas maging kaaya-aya.

11
Buwanang Badget ng Pamilya

Buwanang Sahod 25,000.00


Mga Gastusin (Expenses)
Pagkain 7,000.00
Tubig 300.00
Koryente 1,400.00
Baon ng mga bata 4,000.00
Renta ng bahay 2,500.00
Iba pang gastusin 6,000.00
Kabuuang Nagastos
Kabuuang ipon (Savings)

3. Upang makuha ang ipon o savings kailangan ay makuha ang


kabuuang gastusin (expenses). Upang makuha ito maari mong
gamitin alin sa apat na paraan na natutuhan mo.
4. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
a. Anong ginamit mong paraan upang malagom ang kabuuang
gastusin?
b. Alin sa mga gastusin ang malaking badget?
c. Alin naman sa mga gastusin ang maliit ang badget?
d. Magkano ang kabuuang nagastos?
e. Magkano ang naging ipon (savings) ni Aling Carmen?

Rubriks sa Paglalagom

Tayahin ang gawain sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan.


Lagyan ang puntos na naayon sa mga sumusunod na pamantayan.

Pamantayan Puntos

1.Mahusay na nalagom ang bawat datos kung kaya tama lahat 5


ang sagot sa ginawa.
2.Maayos na nalagom ang bawat datos ngunit may isang (1) mali 4
sa ginawa.
3.Maayos na nalagom ang bawat datos ngunit may dalawang(2) 3
mali sa ginawa.
2.Hindi natapos sa paglalagom. 2

Kabuuang Puntos

12
PAGLALAHAT

Bilang pagbubuod ng ating aralin, kayo ay aking susubukin kung


gaano ninyo lubos na naunawaan ang ating aralin para sa araw na ito.

Basic
Functions

PAGPAPAHALAGA

Ang pamilya nina Aling Adeling at Mang Pepeng ay may maliit na


negosyo sa palengke. Naging matumal ang kanilang paninda dahil sa
pandemya kaya’t pinagkakasya lamang nila ang maliit na kinikita sa pang-
araw-araw nilang gastusin. Paano nila pinahahalagahan ang pagbabadget
ng kanilang gastusin?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

13
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik nang tamang sagot at isulat isulat sa patlang.

_______1. Ito ay ginagamit kung nais mag-subtract o magbawas sa


pagitan ng mga cell.
A. plus sign (+)
B. minus sign (-)
C. asterisk sign(*)
D. slash sign (/)
_________2. Ang simbulong ito ay ginagamit kung nais mag-multiply ng
dalawang numero.
A. plus sign (+)
B. minus sign (-)
C. asterisk sign(*)
D. slash sign (/)
________3. Ito ay isang paraan kung nais kunin ang kabuuang datos
sa pamamagitang ng pag-drag ng mouse.
A. AutoSum
B. Function Argument
C. Mano-mano
D. Paglikha ng formula
_________4. Ito ay nagpapakita ng relasyon ng iba’t ibang
variables sa isang matematikal expression.
A. Addition sign (+)
B. Equal Sign (=)
C. Formula
D. Parenthesis ( )
_________5. Ginagamit upang mapadali ang pagtutuos o paglalagom ng
mga datos gamit ang mga function at formula.
A. Electronic Spreadsheet
B. Formula
C. Microsoft
D. Word Processing Tool

14
15
Panapos na Pagsusulit
1. B
2. C
3. A
4. C
5. F
Panapos na Pagsusulit Balik-aral Pagsasanay 1
1. Sheet tab 1.Formatting tool bar 1. /
2. Row 2. Row 2. x
3. Cell 3. Spreadsheet 3. /
4. Name Box 4. Cell 4. x
5. Formula Bar 5. Worksheet 5. x
6. Formatting tool bars Pagsasanay 2
7. Title bar a. Mano-mano, Autosum,
8. Ribbon Tool bars Gamit ang formula etc.
9. Column b. Pagkain
10. Task pane c. Tubig
d. 21,200
e. 3,800
SUSI PAGWAWASTO
Sanggunian
Aklat

Gloria A. Peralta, Ed.D, Ruth A. Arsenue, Catalina R. Ipolan,


Yolanda L. Quiambao at Jeffrey D. de Guzman
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 Batayang Aklat
K to 12 – EPP5IE- 0c – 8 to 9
Teacher Guide ICT Aralin 8

Deped K-12 Curriculum Guide Most Essential Leaning Competencies


Prototype Lesson Plants in Grade 5, Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan K to 12 Curriculum
Electronic /Online Sources:
https://www.slideshare.net/evarinovicente/aralin-16-ict-q2-wk6
Http//:quipperschool.com ( K-12 ICT - grade 5 )

16

You might also like