Esp 4 Las q4 Week5 Manlimos Juana S.

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

LEARNING ACTIVITY SHEETS

Edukasyon sa Pagpapakatao 4
Quarter 4 Week 5
Mga Materyal na Kagamitan, Likas o Gawa
ng Tao: Pahalagahan at Alagaan

Layunin
Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:
1. nagkakaroon ng pagbabalik-aral tungkol sa Materyal na Kagamitang
Likas o Gawa ng Tao;
2. nalalaman ang mga pamamaraan sa pangangalaga ng mga ito; at
3. nalalaman ang kahalagahan ng pangangalaga ng mga ito.

Pag-Aralan

Mga Likas na Yaman

 Ito ay ang pangunahing pinagmumulan ng yaman at batayan ng


kaunlarang pangkabuhayan.
 Yaman na biyaya ng kalikasan.
 Mga likas na yaman: kagubatan, anyong lupa, anyong tubig, mineral,
mga isda at hayop.
 Ito ay kaloob ng Maykapal na dapat pangalagaan at paunlarin para
mapakinabangan ng tao. Ang maling paggamit nito ay maaaring
humantong sa pagkasira, pagkawasak o pagkawala nito. Pangalagaan
ang mga likas na yaman at mga kagamitang gawa ng tao mula rito sa

1
pamamagitan ng wastong pamamaraan upang ito ay mapakinabangan
sa mahabang panahon.

Ano-ano ang mga paraan sa pangangalaga sa kalikasan at mga


kagamitang gawa ng tao mula rito? Mayroon bang mga batas na
magbibigay ng seguridad upang magampanan ang mga paraang ito?

1. Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code


- ito ay batas na naglalayong protektahan ang kagubatan at kakahuyan sa
Pilipinas. Ito ay inaprubahan noong Mayo 1975. Nilalaman ang batas na ito
ang epektibong pangangasiwa ng mga lupain at yamang-lupa sa bansa. Ang
isa pang mahalagang probisyon ng batas na ito ay ang pangangasiwa sa
dami at uri ng kakahuyan na maaaring putulin pati na rin ang pamamaraan
ng pagkamit ng lisensya ng mga kompanyang puputol ng puno. Mula sa mga
puno ay nakagagawa ng mga upuan, mesa, tahanan at iba pang pasilidad
na ginagamit ng pamahalaan ng mga pamayanan.

2. Republic Act No. 9275 o The Philippine Clean Water Act of 2004
-noong Marso 2004 ipinatupad ang batas na ito bilang sa kahalagahan ng
proteksyon ng mga yamang-tubig at ng katubigan sa Pilipinas. Kabilang din
sa batas na ito ang pagpapalaganap ng impormasyon sa publiko sa
kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan ng mga tubig.
-“Ang Tubig ay Buhay”.

3. Republic Act No. 8749 o The Philippine Clean Air Act


- layuning panatilihing malinis at ligtas ang hanging nilalanghap ng mga
mamamayan. Ayon sa batas na ito mas kailangang bigyang pansin ang
pagpapahinto ng mga gawaing nagpaparumi ng hangin.

Paano nga ba ang wastong paggamit ng mga Likas na Yaman?

 Pagbabawal ng pagtatapon sa mga tubigan ng mga basurang galing sa


tahanan, pabrika at mga gusaling komersyal.
 Pagtatayo ng mga water treatment plant upang linisin ang mga
maruruming tubig mula sa mga pagawaan, pook alagaan ng mga
hayop, tahanan at taniman.

2
 Pagtatanim muli ng mga puno sa mga kagubatan upang mapigil ang
biglang pagdaloy ng tubig mula sa kabundukan.
 Pag-iwas sa paggamit ng kemikal sa mga taniman.
 Pagbabawal sa pagtatayo ng mga pagawaan at pook alagaan ng hayop
na malapit sa dagat o ilog.
 Matipid na paggamit ng tubig saan mang lugar
 Iwasan at limitahan ang paggamit ng mga sasakyan.
 Paghihiwalay ng mga basura mula sa nabubulok at di-nabubulok.

Kahalagahan ng Pangangalaga ng Mga Likas na Yaman

Hindi lamang ang pamahalaan ang may katungkulan sa panatilihing malinis


ang hangin, subalit pati ang mga pribadong mamamayan at commercial na
industriya ng bansa.

Mahalagang malaman at isabuhay ang mga nabanggit na batas para sa


wastong paggamit ng ating likas na yaman. Ang gawaing ito ay
nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos at pagkakawanggwa sa kalikasan
upang patuloy na mapaunlad at higit na maipadama ito sa ating kapwa at
sa lahat ng kanyang nilikha.

Ano ang Yamang-Tao?

Ang yamang-tao ay isa sa mga pinakamahalagang pinagkukunang yaman


ng Pilipinas. Ang mga mamamayan ng ating bansa ang may angking talino,
kasanayan, kakayahan, at lakas upang makagawa ng iba’t ibang bagay o
produkto at ang mga serbisyong tutugon sa mga pangangailangan natin.
Dagdag pa rito ang pagkamalikhaing tao na nasa karagdagang sangkap
upang lalong maging mahusay ang kanilang mga gawa.

3
Mga Gawain

Gawain 1
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa patlang.
______1. Ito ay isa sa mga pinakamahalagang pinagkukunang yaman ng
Pilipinas. Ang mga mamamayan ng ating bansa ang may angking talino,
kasanayan, kakayahan, at lakas upang makagawa ng iba’t ibang bagay o
produkto at ang mga serbisyong tutugon sa mga pangangailangan natin.
A. Yamang Likas B. Yamang Gawa ng Tao C. Yamang Mineral
______2. Ito ay ang pangunahing pinagmumulan ng yaman at batayan ng
kaunlarang pangkabuhayan. Ito ang yamang biyaya ng kalikasan.
A. Yamang Likas B. Yamang Gawa ng Tao C. Yamang Mineral
______3. Ayon sa batas na ito mas kailangang bigyang pansin ang
pagpapahinto ng mga gawaing nagpaparumi ng hangin.
A. Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code
B. Republic Act No. 9275 o The Philippine Clean Water Act of 2004
C. Republic Act No. 8749 o The Philippine Clean Air Act
______4. Noong Marso 2004 ipinatupad ang batas na ito bilang sa
kahalagahan ng proteksyon ng mga yamang-tubig at ng katubigan sa
Pilipinas.
A. Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code
B. Republic Act No. 9275 o The Philippine Clean Water Act of 2004
C. Republic Act No. 8749 o The Philippine Clean Air Act
______5. Ito ay batas na naglalayong protektahan ang kagubatan at
kakahuyan sa Pilipinas.
A. Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code
B. Republic Act No. 9275 o The Philippine Clean Water Act of 2004
C. Republic Act No. 8749 o The Philippine Clean Air Act

4
Gawain 2
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang mungkahing paraan ng
pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa ay wasto at ekis (X)
kung hindi wasto.
______1. Hayaang nakabukas ang gripo kahit na umaapaw na ang tubig sa
balde.
______2. Buksan ang telebisyon kahit walang manoonod dahil hindi naman
ikaw ang nagbabayad ng bayaran sa kuryente.
______3. Gawin ang programang 3Rs (Reuse, Reduce, Recycle).
______4. Ipagwalang bahala ang mga batas pangkalikasan.
______5. Magtanim ng mga puno at halaman sa mga bakanteng lote.

Gawain 3
Panuto: Magtala ng limang paraan ng wastong paggamit ng kalikasan.
Kopyahin ang sumusunod na larawan sa sagutang papel at ilagay ang
inyong sagot sa bawat parte ng bulaklak.

Mga Paraan
ng wastong
paggamit ng
kalikasan

5
Repleksyon

Repleksyon
Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan sa Paksang Likas
Panuto: Punan ang
na3-2-1 tsart ng iyongat
Yaman mgaYamang
natutunan hinggilGawa
sa balagtasan.ng
IsulatTao.
ang Isulat ang iyong sagot sa
sagutang
iyong sagot papel
sa sagutang papel.

Ang natutunan ko…


3 Bagay Ang natutunan ko…
1. ____________________________________________
na 1. ________________________________
natutunan
2. ____________________________________________
2. ________________________________
3. ________________________________
3. ____________________________________________

Ang bagay na nakapupukaw sa aking interes ay…


2 Bagay na Ang bagay na nakapupukaw sa aking interes ay…
1.nakapukaw
____________________________________________
1. ____________________________________
ng interes
2. ____________________________________
2. ____________________________________________
3. ____________________________________________

Kailangan ko po ang matutunan ang…


Kailangan ko pang matutunan ang…
1.1____________________________________________
bagay na 1. ________________________________
nakapagpalito
2. ____________________________________________
3. ____________________________________________

6
7
Mga Gawaing Pampagkatuto
Gawain 1
1. B. Yamang gawa ng tao
2. A.Likas na Yaman
3. C. Republic Act No. 8749 o The Philippine Clean Air Act
4. B. Republic Act No. 9275 o The Philippine Clean Water Act of 2004
5. A. Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code
Gawain 2
1. X
2. X
3. /
4. X
5. /
Gawain 3 (pumili lamang ng lima)
 pagbabawal ng pagtatapon sa mga tubigan ng mga
basurang galing sa tahanan, pabrika at mga gusaling
komersyal.
 Pagtatayo ng mga water treatment plant upang linisin ang
mga maruruming tubig mula sa mga pagawaan, pook
alagaan ng mga hayop, tahanan at taniman.
 Pagtatanim muli ng mga puno sa mga kagubatan upang
mapigil ang biglang pagdaloy ng tubig mula sa
kabundukan.
 Pag-iwas sa paggamit ng kemikal sa mga taniman.
 Pagbabawal sa pagtatayo ng mga pagawaan at pook
alagaan ng hayop na malapit sa dagat o ilog.
 Matipid na paggamit ng tubig saan mang lugar
 Iwasan at limitahan ang paggamit ng mga sasakyan.
 Paghihiwalay ng mga basura mula sa nabubulok at di-
nabubulok.
1.
Susi sa Pagwawasto
\
Sanggunian

https://www.youtube.com/watch?v=XhQF6NHWjoY

https://www.google.com/search?q=paano+pangalagaan+ang+mga+likas+na+yaman%3F&tb
m=isch&ved=2ahUKEwiQhP76jsjwAhXmGKYKHYqgBh8Q2-
cCegQIABAA&oq=paano+pangalagaan+ang+mga+likas+na+yaman%3F&gs_lcp=CgNpbWc
QA1AAWABgsN4_aABwAHgAgAEAiAEAkgEAmAEAqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&
ei=Od-dYNCDEOaxmAWKwZr4AQ#imgrc=HLIkkZZ6zgthUM

https://www.google.com/search?q=paano+pangalagaan+ang+mga+likas+na+yaman%3F&tb
m=isch&ved=2ahUKEwiQhP76jsjwAhXmGKYKHYqgBh8Q2-
cCegQIABAA&oq=paano+pangalagaan+ang+mga+likas+na+yaman%3F&gs_lcp=CgNpbWc
QA1AAWABgsN4_aABwAHgAgAEAiAEAkgEAmAEAqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&
ei=Od-dYNCDEOaxmAWKwZr4AQ#imgrc=rBMe30ZkNXTA3M

https://www.google.com/search?q=paano+pangalagaan+ang+mga+likas+na+yaman?&sxsrf
=ALeKk01S3Vpk5XY3WPI79OjNB43UtjqVmw:1620959030361&tbm=isch&source=iu&ictx=
1&fir=HLIkkZZ6zgthUM%252C7F9CmnByqtt1bM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kRnavLnbfFlvZjJl8AiDOFFVAYh6Q&sa=X&ved=2ahUKEwjJqcz5jsjwAhWHdXAKHd6UDWM
Q9QF6BAgLEAE#imgrc=use1mSNJSABlFM

https://www.google.com/search?q=paano+pangalagaan+ang+mga+likas+na+yaman%3F&tb
m=isch&ved=2ahUKEwiQhP76jsjwAhXmGKYKHYqgBh8Q2-
cCegQIABAA&oq=paano+pangalagaan+ang+mga+likas+na+yaman%3F&gs_lcp=CgNpbWc
QA1AAWABgsN4_aABwAHgAgAEAiAEAkgEAmAEAqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&
ei=Od-dYNCDEOaxmAWKwZr4AQ

https://www.google.com/search?q=worksheets+ng+yamang+likas+at+gawa+ng+tao&tbm=is
ch&ved=2ahUKEwiP7PLtlcjwAhVBEqYKHUBfDe4Q2-
cCegQIABAA&oq=worksheets+ng+yamang+likas+at+gawa+ng+tao&gs_lcp=CgNpbWcQAz
oCCAA6BQgAELEDOggIABCxAxCDAToKCAAQsQMQgwEQQzoHCAAQsQMQQzoECAA
QQzoECAAQAzoGCAAQBRAeOgYIABAIEB5QregxWIDUMmD61zJoA3AAeAKAAZQFiAH3
X5IBDTAuMTEuMjAuNS40LjOYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=d
OadYI_iNMGkmAXAvrXwDg

Icons credit: Ivin Mae N. Ambos, Division of Surigao del Sur

8
Published by the Department of Education, Caraga Region
Schools Division Office of Surigao City
Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Surigao
Tagapamanihalang Pansangay: Karen L. Galanida, PhD, CESO V
Kawaksing Tagapamanihalang Pansangay: Laila F. Danaque, PhD, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ngLearning Acitivity Sheets


Manunulat : Juana S.Manlimos
Editor : Linda T. Geraldino
Tagasuri : Heide L. DIhayco,
: Inday Robbie A.Cubillan
Venus M. Alboruto
Tagalapat : Juana S. Manlimos
Tagapamahala : Karen L. Galanida
Laila F. Danaque
Carlo P. Tantoy
Elizabeth S. Larase
Venus M. Alboruto
Inday Robbie A. Cubillan
Linda T. Geraldino

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lunsod ng Surigao


Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telephone : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E-mail Address : [email protected]

You might also like