Filipino10 Q4 W5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

FILIPINO 10
Ikaapat na Markahan
Ikalimang Linggo

Aralin: EL FILIBUSTERISMO Kabanata 20-24


MELCs:
1. Natatalakay ang mga kaisipang ito: kabuluhan ng edukasyon, pamamalakad sa
pamahalaan, pagmamahal sa: Diyos, Bayan, Pamilya, kapwa-tao, kabayanihan,
karuwagan, paggamit ng kapangyarihan, kapangyarihan ng salapi, kalupitan at
pagsasamantala sa kapwa, kahirapan, karapatang pantao, paglilibang,
kawanggawa, paninindigan sa sariling prinsipyo at iba pa. (F10PB-IV-e-89)

2. Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng binasang akda sa


mga kaisipang namayani sa binasang akda. (F10PD-IVd-e-83)

3. Naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang sa akda kaugnay ng:


karanasang pansarili, gawaing pangkomunidad, isyung pambansa, pangyayaring
pandaigdig (F10PN-IVf-90)

4. Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at pagpapahalaga


kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda. (F10PU-IVd-e-87)

Susing Konsepto

Kabanata 20 “Ang Nagpapalagay”


Buod:
Tinaguriang “Buena Tinta” si Don Custodio dahil sa galing sa pagsulat ng

papeles. Naging tanyag na mangangalakal at naging mayaman dahil sa

napangasawang mestisang mayaman. Siya ay naging abala sa paghahanap ng

kalutasan sa Akademya ng Wikang Kastila, ang nilapitan niyang si Ginoong Pasta

ay hindi rin naging maganda ang kasagutan sa kaniya. Ipinagpalagay na siya ay

maka-Indiyo dahil pinahalagahan ng mga Pilipino ang kaniyang pagkatao na taliwas

sa mga kababayan niya sa Espanya.

1
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Kabanata 21 “Nahati ang Maynila”

Buod:

Naging matagumpay ang operetang Pranses kahit ipinagbawal ng simbahan

ang ganoong panoorin sapagkat maaga pa lamang ay wala ng mabiling tiket. Kung

si Tiyo Kiko ang tatanungin ang pagpapalagay ng kartel ang naging dahilan para

dumugin ang palabas. Wala namang pakialam si Camaroncoccido bagamat isa rin

siya sa nagkakabit ng kartel, maging ang kaniyang nakita at narinig na binabalak

ni Simoun na himagsikan ay kaniya rin ipinagsawalang bahala.

Kabanata 22 “Ang Palabas”

Buod:

Naging maingay sa dulaan, bagamat lampas na sa oras ay hindi pa rin ito

nagsisimula dahil wala pa ang Kapitan Heneral. Ang upuang kapansin-pansin na

bakante ay pinaghihinalaang kay Simoun. Ang pagtugtog ng Marcha Real ay hudyat

ng pagdating ng Kapitan Heneral. Hawak na ni Pepay ang kasulatan na ibinigay ni

Don Custodio kaya naging masaya ang lahat ng mag-aaral maliban kay Isagani na

labis na nagseselos kay Juanito Pelaez sapagkat kasama nito ang kaniyang

kasintahan na si Paulita Gomez. Hindi natapos ng mga mag-aaral ang palabas nang

mabasa nila ang naging pasya ni Don Custodio. Dahil sa kanilang pagkadismaya ay

pumunta sila sa isang pansiterya ng mga Intsik.

2
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Kabanata 23 “Namatay si Maria Clara”

Buod:

Naging abala sa binabalak na himagsikan kaya hindi dumalo sa ginanap na

dulaan si Simoun. Dinalaw niya si Kapitan Tiyago at kinumusta ang kalagayan nito

kay Basilio. Sinabi ng binatang magdodoktor na ang lason ay laganap na sa katawan

ng kapitan, bagay na inihambing naman ni Simoun sa kalagayan ng Pilipinas.

Hinimok ni Simoun ang binata na lumahok sa himagsikan at pamunuan ang

pagtatakas sa kumbento kay Maria Clara. Sinabi ni Basilio na huli na si Simoun

dahil pumanaw na si Maria Clara. Hindi makapaniwala si Simoun sa sinapit ng

kasintahan kaya’t patakbo siyang nanaog sa bahay ni Kapitan Tiyago na litong-lito.

Panghihinayang at habag ang tanging naramdaman ni Basilio sa sinapit ng

magkasintahan.

Kabanata 24 “Mga Pangarap”

Buod:

Matagal na naghintay si Isagani sa lugar ng tipanan nila ng kasintahang si

Paulita Gomez, hindi magawang magalit ng binata sapagkat batid niya na

mapagmataas si Paulita. Ipinahayag ni Isagani ang kaniyang pangarap sa

kasintahan nang sila ay magkasarilinan na. Hindi nagkasundo ang magkasintahan

dahil magkasalungat ang kanilang papanaw tungkol sa kalayaan at kaunlaran.

3
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Gawain 1

Panuto: Tukuyin kung anong kaisipan ang masasalamin sa mga pahayag na nasa ibaba. Piliin

ang wastong sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang bago ang bilang.

___________________1. Naging tanyag na mangangalakal at yumaman si Don Custodio dahil

sa napangasawang mestisang mayaman.

___________________2. Masigasig ang mga mag-aaral na maipatayo ang Akademya ng Wikang

Kastila,kaya inilapit nila ito kay Don Custodio.

___________________3. Nasa kamay ng Kapitan-Heneral ang mga desisyon kaya inaalis niya sa

posisyon ang sinomang tutol dito.

___________________4. Ipinagsawalang bahala ni Camaroncocido ang nalamang plano ni

Simoun na paghihimagsik.

___________________5. Nais ni Isaganing gumawa ng marangal at iwasan ang masamang

pamamaraan upang makamit ang kahilingan.

Mga Pagpipilian:

Paninindigan sa sariling prinsipyo Kapangyarihan ng salapi

Paggamit ng kapangyarihan Karuwagan

Pagmamahal sa bayan Kabuluhan ng edukasyon

4
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Gawain 2

Panuto: Pumili ng isang gawain upang mabuo ang talahanayan sa ibaba.

A. Panoorin ang nilalaman ng kabanata sa YouTube mula sa sumusunod na link pagkatapos

ay ilahad ang kaisipan na ipinababatid ng bawat kabanata. Isulat ang iyong sagot sa

talahanayan.

https://www.youtube.com/watch?v=RlOCiVkvUoc

https://www.youtube.com/watch?v=P9w_RnBq2ws

https://www.youtube.com/watch?v=1pPEuaVT7p8
https://www.youtube.com/watch?v=uT8YGrbLLOY
https://www.youtube.com/watch?v=2MoRXN92Dz4

B. Basahin ang buod ng kabanata na mababasa sa Susing Konsepto. Pagkatapos ay ilahad


ang kaisipan na ipinababatid ng bawat kabanata. Isulat ang iyong sagot sa kanang kolum ng
talahanayan.

Kabanata Kaisipan
Kabanata 20
“Ang Nagpapalagay”

Kabanata 21
“Nahati ang Maynila”

Kabanata 22
“Ang Palabas”

Kabanata 23
“Namatay si Maria Clara”

Kabanata 24
“Mga Pangarap”

5
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Gawain 3

Panuto: Ipaliwanag ayon sa sariling paniniwala ang sumusunod na kaisipan ng akda at

ipaliwanag kung ano ang kabuluhan nito sa iyong sarili, komunidad, isyung pambansa o

pangyayaring daigdig. Isulat ang paliwanag sa espasyong nakalaan.

1. “Sa ikauunlad ng bayan, ang mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.”

Paliwanag:

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

2. “Pinuno ang gagabay sa bayan; batas ang dapat sundin ng mamamayan.”

Paliwanag:

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

3. “Ang mga kabiguan at kasawian ay nagpapahina sa katauhan. Ang pananalig at tiwala sa

Diyos ang nagpapalakas sa ating pag-asa.”

Paliwanag:

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

6
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

4. “Ang sinomang nagmamahalan ay magiging maligaya kung ang kanilang mga mithiin at

layunin sa buhay ay magkaugnay.”

Paliwanag:

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

Mga Gabay na Tanong:

1. Bakit tinaguriang “Buena Tinta” si Don Custodio?

2. Tama ba ang naging pambabalewala ni Camaroncocido sa narinig na plano na

paghihimagsik ni Simoun? Pangatuwiranan ang iyong sagot.

3. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Camaroncocido gagawin mo rin ba ang ginawa niyang

pambabalewala sa kaniyang nakita at narinig? Pangatuwiranan ang iyong sagot.

4. Paghihiganti ang tanging layunin ni Simoun sa paghihimagsik laban sa pamahalaan

at sa mga prayle, hinimok niya si Basilio na umanib sa kaniyang pangkat ngunit may

pag-aalinlangan ang binata. Kung ikaw si Basilio aanib ka ba sa himagsikan?

Pangatuwiranan ang inyong sagot.

5. Ano-ano ang mensaheng ipinababatid ng bawat kabanata? Paano mo ito iuugnay sa

kasalukuyang pangyayari sa ating lipunan?

7
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1:
Gawain 2:
1. Kapangyarihan ng
Maaaring magkakaiba
salapi
ang posibleng sagot.
2. Kabuluhan ng
Gawain 3:
edukasyon
Maaaring magkakaiba
3. Paggamit ng
ang posibleng sagot
kapangyarihan
4. Karuwagan
5. Paninindigan sa sariling
prinsipyo

Sanggunian

Corazon G. Magbaleta at Cid V. Alcaraz, El Filibusterismo (Sa Bagong Pananaw) Valenzuela

City: JO-ES Publishing House,2006,152-188.

Emily V. Marasigan, Pinagyamang Pluma 10 Aklat 2 El Filibusterismo,Quezon City:Phoenix

Publishing House Inc,2015,676-725.

“Buod ng El Filibusterismo KABANATA 20: ANG NAGPAPALAGAY”, MNM Tutorials, last

modified August 5, 2020, http://www.youtube.com/CRMateo

“Buod ng El Filibusterismo KABANATA 21: MGA AYOS NG MAYNILA”, MNM Tutorials, last

modified August 5, 2020, http://www.youtube.com/CRMateo

“Buod ng El Filibusterismo KABANATA 22: ANG PALABAS”, MNM Tutorials, last modified

August 5, 2020, http://www.youtube.com/CRMateo

“Buod ng El Filibusterismo KABANATA 23: ISANG BANGKAY”, MNM Tutorials, last modified

August 5, 2020, http://www.youtube.com/CRMateo

“Buod ng El Filibusterismo KABANATA 24: ANG PANGARAP”, MNM Tutorials, last modified

August 5, 2020, http://www.youtube.com/CRMateo

8
RO_MIMAROPA_WS_FIL10_Q4

Inihanda ni:

TONY ROSE C. ICALLA

Tiniyak ang kalidad at kawastuan nina:

GESABETH G. IMPERIAL

EDUARDO A. ICAL

ALJUNE J. CASTILLO

Sinuri nina:

LODEVICS E. TALADTAD

G. MARLON L. FRANCISCO

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: [email protected]
9

You might also like