10 Aralin 11 Kabanata 7

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Mas Marami,

Mas Masaya! 
PAGHIHIMAGSIK
MGA LAYUNIN:
• Nakikilala ang mahahalagang pangyayaring sa
kabanata.
• Napapaunlad ang kasanayang makabuo ng iba
pang mga salitang hango sa punong salita.
• Nakapaglalahad ng mga detalye ng aralin sa
pamamagitan ng Story Pyramid.
MGA LAYUNIN:
• Nakabubuo ng mga ugnayan ng mga ideya at kaisipan
sa pamamagitan ng mga konsepto ukol sa
paghihimagsik (sanhi at bunga).
• Napahahalagahan ang pagiging mapagpatawad sa
kabila ng damdaming mapanghimagsik.
Kabanata 7:
Si Simoun
BUOD NG KABANATA 7

Makapangyarihan ang mayamang mag-aalahas na si Simoun. Ilang taguri


sa kanya ay Indiong Ingles, Portuges, Kardinal Moreno, at maitim na
tagapayo ng Kapitan Heneral. Dahil siya ay makapangyarihan, wala
siyang kinatatakutan maging ang Kapitan Heneral. Matalim siyang
magsalita at laging naghahamon ng kakayahan sa mga nakakusap.
Bumalik siya ng Pilipinas pagkatapos ng labintatlong taon upang
maghiganti at maghasik ng rebolusyon sa mapaniil at tiwaling
pamahalaan.
BUOD NG KABANATA 7

Natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun nang di sinasadyang makita


siya nito na naghuhukay sa madilim na kagubatan. Upang hindi
mabunyag ang pagbabalatkayo ni Simoun ay inisip niyang wakasan
ang buhay ni Basilio subalit nagbago ang kanyang isip. Nang mabatid
niyang hindi siya ipapahamak o ipagkakanulo ng binata sa
makapangyarihan ay hinimok siya ni Simoun na siya’y tulungan
subalit tumanggi ang binata dahil hindi siya mahilig sa politika at iba
ang kanyang layunin.
BUOD NG KABANATA 7

• Nais ng binata nang mapayapa at tahimik na buhay subalit hindi siya


tinigilan ni Simoun na imulat ang kanyang mga mata sa mga totoong
pangyayari at ang magiging kinabukasan ng kanyang bayan kung silang
mga kabataang may mahuhusay na kaisipan ay malilihis ng adhikain.
• Patuloy niyang hinamon ang binata sa paggising sa kanyang diwa
tungkol sa kasawian ng kanyang pamilya na nakapagpaalab ng kalooban
ng nakababatang ginoo. Bukas pa rin ang usapan at hiling ni Simoun sa
binata kaya sinabihan siyang makipagkita sa kanya sa pagbalik nito ng
Maynila.
STORY PYRAMID

1. Pangalan
2. 2 salitang naglalarawan sa pangunahing tauhan.
3. 3 salitang naglalarawan sa pook-tagpuan.
4. 4 na salitang naglalahad sa suliranin ng kabanata.
STORY PYRAMID

5. 5 salitang naglalarawan sa unang pangyayari.


6. 6 salitang naglalarawan sa ikalawang pangyayari.
7. 7 salitang naglalarawan sa ikatlong pangyayari.
8. 8 salitang nag lalahad sa solusyon ng problemang
nakapaloob sa kabanata.
S __
T
O __ __
R ___ ___ ___
Y
___ ___ ___ ___
P
Y
___ ___ ___ ___ ___
R ___ ___ ___ ___ ___ ___
A
M ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
I
D ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
Pag-usapan sa pangkat ang mga
katanungang ito. Ano ang kadalasang sanhi
ng paghihimagsik ng isang tao sa kaniyang
kapwa at ano naman ang nagiging bunga
nito? Isagawa ito sa pamamagitan ng sanhi at
bunga sa tulong ng Fish Bone Technique.
Sanhi ng Paghihimagsik

Bunga ng Paghihimagsik
Panuto: Tukuyin kung ang mga nakalahad na
pangyayari ay tama o mali. Isulat ang salitang
TAMA kung ang pahayag ay tama, at MALI naman
kung ito hindi.
1. Si Isagani, na kasintahan ni Juli, ang nakakita kay Simoun sa
gubat.
2. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang ilibing nila
ang labi ng ina ni Basilio sa lugar na iyon.
3. Dinukot ni Simoun ang kaniyang rebolber at itinutok kay
Basilio.
4. Hinihikayat ni Simoun na maghimagsik din si Basilio sa
pamahalaan.
5. Umalis si Basilio dahil sa takot nang nakita niyang
naghuhukay si Simoun sa gubat.
TAKDANG-ARALIN:

Sa kalahating bahagi ng papel, ipaliwanag ang sumusunod na


pahayag. “Walang mang-aalipin kung walang magpapaalipin.”
Nilalaman 20pts
Mekaniks 15pts
Kaisahan at Kaugnayan 15pts
Kabuoan 50pts

You might also like