Slem 4 Grade 11 Week 5 6 Final

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

FILIPINO 11

IKAAPAT NA MARKAHAN
SLeM #5: Paraan at Tamang Proseso sa Pagsulat ng
Pananaliksik batay sa: Layunin, Gamit, Metodo, at Etika
ng Pananaliksik

INAASAHAN
Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa araling ito, inaasahang ikaw ay:
A. Nalalaman ang mga bahagi ng konseptong pananaliksik
B. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang
pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananaliksi (F11PU – IVef – 91)
C. Nakabubuo ng simpleng proposal ng pag-aaral na isasagawa sa paraang
abstrak

PAALALA: ISULAT ANG IYONG MGA KASAGUTAN SA LAHAT


NG MGA GAWAIN SA SLeM NA ITO SA HIWALAY NA
SAGUTANG PAPEL.

PAUNANG PAGSUBOK
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap sa bawat bílang. Piliin
ang letra ng tamang sagot.
1. Nirerespeto at iginagalang ang anomang mga pribadong impormasyon tungkol
sa kaniyang pinag-aralan. Ano ang tinutukoy sa pahayag na ito?
A. kahalagahan B. pribado C. pagtitiyaga D. etika
2. Hindi kinilala ni G. Maglaya ang isinalin na akda ni G. Lumbera. Ano’ng tawag
sa kaniyang ginawa?
A. plagiyarismo B. metodo C. layunin D. gámit
3. Bahagi ito ng isang pananaliksik na kakikitaan ng talaan ng mga aklat, journal,
pahayagan, magasin, o website na pinagsanggunian o pinagkuhaan ng
impormasyon.
A. Metodo C. Konseptong Papel
B. Pagpili ng paksa D. Talaan ng Sanggunian/ Bibliyograpiya
4. Ito ang pinakapamagat ng ikalawang bahagi ng sulating pananaliksik na
katutunghayan ng pamamaraan at paraaan, gayundin ng mga bilang ng
respondente na gagamitin o ginamit sa pag-aaral.
A. Resulta C. Diskusyon
B. Metodolohiya D. Introduksiyon
5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng plagiyarismo?
A. Hindi man kilala ang awtor ng pinagkunan ay binibigyan pa rin ito ng
pagkilala.
B. Hindi paglalagay nang maayos na panipi sa mga siniping pahayag.
C. Humihingi ng pahintulot sa may-akda ng mga gagamiting talâ
D. Pagbanggit sa awtor ng mga pinagkunang sanggunian

1
BALIK-TANAW
Gawain 2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Isulat ang sa tingin mo ay magiging kalakasan mo bilang isang mananaliksik.

PAGPAPAKILALA NG ARALIN
Gawain 3

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng teksto/talata.

Paraan at Tamang Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik batay sa:


Layunin, Gamit, Metodo, at Etika ng Pananaliksik

Mga Bahagi ng Pananaliksik

1. Pamagat
Nakapaloob sa bahaging ito ang pagbuo ng isang titulo mula sa paksang
pinag-aaralan. Maaaring ito ay nakasulat sa paraang patanong, paglalahad,
pabuod, o dalawang hati.

Halimbawa
• Nakatutulong ba Talaga ang Pagsulat sa Mag-aaral? (Patanong)
• Ang Epekto ng Feng Shui sa Pilipinas (Pagbubuod)
• Pugot na Ulo: Isang Kaalamang-Bayan ng mga taga-San Dionisio ng
Lungsod ng Paraňaque (Dalawang hati)

2. Panimula o Introduksyon
Nakapaloob sa panimula o introduksyon ang tatlong pangunahing
layunin:

a. Mailahad ang kaligiran o background kung bakit isinusulat ang paksa.


b. Ilarawan ang pokus at kahalagahan kung bakit isinusulat ang
pananaliksik.
c. Maglahad ng buong nilalaman o overview ng pananaliksik sa iba’t ibang
bahagi nito.

2
Halimbawa:

Bunga ng impluwensiya ng iba’t ibang bansang sumakop sa ating bansa,


maraming Pilipino ang nahuhumaling sa mga paniniwala at pamahiin ng ibang
bansa. Malaki ang epekto nito sa pagpapasiya o pagdedesisyon ng mga Pilipino
sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga paniniwala at
pamahiing ito ang nagdadala ng malaking impluwensiya sa ating kultura at
pananaw ng bawat mamamayan tulad ng Feng Shui. Ang Feng Shui ay isang
matandang kaugalian ng mga Tsino na dinala sa ating bansa. Ang pagpasok
ng paniniwalang ito ay nagdala ng panibagong pananaw sa mga Pilipino sa
kanilang pagpoposisyon ng istruktura ng tahanan o mga kagamitan sa loob ng
tahanan.

Kung kaya’t nais pag-aralan ng pananaliksik na ito ang epekto ng


impluwensiyang Feng Shui sa Pilipinas.

3. Layunin o Paglalahad ng Suliranin


Isinasaad sa layunin o paglalahad ng suliranin ang dahilan ng pananaliksik
o ano ang nais matamo pagkatapos ng pag-aaral na isinasagawa. Ang pahayag o
isteytment na ito ay nagmumula sa paksang pinag-aaralan. Ang layunin ay
isinusulat sa paraang pasalaysay o paglalahad habang ang paglalahad ng
suliranin ay nasa anyong patanong.
Ang layunin ay karaniwang nahahati sa dalawang bahagi: ang
pangkalahatang layunin at ang tiyak na layunin. Nakapaloob sa pangkalahatang
layunin ang kabuoang layon, ang nais mangyari o matamo sa pananaliksik.
Karaniwang nagmumula ito sa pamagat ng pananaliksik. Ipinahahayag naman ng
tiyak na layunin ang espesipikong pakay o tunguhin ng paksa sa pananaliksik.

Halimbawa:

Pangkalahatang Layunin:
Malaman ang epekto ng impluwensiya ng Feng Shui sa Pilipinas

Tiyak na Layunin:
1. Matukoy ang historical na kaligiran ng Feng Shui sa bansa
2. Masuri ang mga bagay na naapektuhan ng Feng Shui sa bansa
3. Mailalahad ang implikasyon ng Feng Shui sa bansa.

4. Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


Inilalahad sa bahaging ito ang nakalap na mga impormasyon tungkol sa
problema sa pananaliksik. Mahalaga ang mga pag-aaral at literatura sa paksa
dahil ito ay magsisilbing suporta sa problema na pinag-aaralan sa konteksto.
Bumubuo rin ng sintesis (synthesis) sa huling bahagi ng kabuoan ng pag-aaral at
literatura na sumasagot sa ugnayan nito sa isinasagawang pag-aaral.

Halimbawa:

Sa perspektiba at pagpapakahulugan ng mga mananaliksik at mga


iskolar, ang mga pamahiin ay walang batayang paniniwala sa isang bagay o
pangyayari na makaaapekto sa isa pang pangyayari dahit wala silang
relasyon sa isa’t isa (Eliese, 2008).

3
Ayon naman kay Oblena (2008), ang pamahiin ay isang gabay o batayan,
na sa tamang paggamit ay maaaring magbigay ng magandang kapalaran,
lakas ng loob o dagdag na paniniwala sa sarili. Para kay Brunvand (1998),
manunulat ng The Study of American Folklore, ang pamahiin ay paniniwala,
kaugalian, pamamaraan at pagpapalagay na kadalasang may kinalaman sa
kalikasan ng mga sanhi at bunga.

Ayon kay Dr. Sonia M. Zaide (1999), manunulat ng “The Philippines: A


Unique Nation,” naimpluwensiyahan ng iba’t ibang bansa at kultura ang
ating mga pamahiin. Ang ilang halimbawa nito ay ang India, Tsina, at Peru.
Ang may pinakamalaking naging impluwensiya sa ating mga pamahiin at
paniniwala ay ang mga Espanyol. Isa rin sa mga bansang sumakop sa
Pilipinas ang Tsina na may malaking ambag sa mga pamahiing
pinaniniwalaan ngayon ng maraming Pilipino. Hindi lamang sa mundo ng
kalakalan at industriya sila mayroong naiambag kundi sa pamahiin din.
Kilala ito sa tawag na Feng Shui. Ito ay isang sistemang dibinasyon kung
saan pinaniniwalaang gumagamit ng batas ng langit at lupa upang
matulungan mapabuti ang buhay ng tao sa pagtanggap ng positibong
enerhiya.

5. Gamit/Kahalagahan - Batay sa maaaring kinalabasan ng pag-aaral, sino


ang makikinabang ng saliksik na ito? Para saan at kanino? May mababago bang
sistema o nakagawiang gawain ang mababago matapos ang saliksik na ito?

6. Metodolohiya o Pamamaraan
Inilalarawan sa bahaging ito kung ano at kung paano isinagawa ang pag-
aaral batay sa disenyong ginamit sa pananaliksik.

Halimbawa
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng isang deskriptibong pamamaraan.
Ginamit ang nasabing disenyo para ilarawan ang kalikasan ng Feng Shui sa
kaugalian at pamumuhay ng mga Pilipino. Susundin din sa pag-aaral na ito ang
mga makatutulong sa pananaliksik.

1. Pananaliksik ng mga literatura at Pag-aaral tungkol sa paksa.


- Sa hakbang na ito, nagsagawa ng pagkuha ng kahulugan ng Feng Shui
at mga dokumentong makatutulong sa pananaliksik.
2. Pagbuo ng konseptong paksa mula sa literatura.
- Sinikap ng mananaliksik na makabuo ng isang paksang pag-aaralan.
Mula rito, ginamit ang konseptong ito upang palalimin ang kaisipan sa
kalalabasan ng pananaliksik.
3. Pagsasagawa ng interbyu at sarbey hinggil sa pag-aaral.
- Nagsagawa ng interbyu ang mananaliksik sa mga piling kalahok o
participants ng pag-aaral gamit ang simpleng mga handang tanong
tungkol sa paksa.
4. Pangangalap at paglalahad ng datos mula sa pag-aaral.
- Sa hakbang na ito, inilarawan ng mananaliksik ang datos na nakalap sa
pag-aaral.
5. Paglalahad ng resulta, kongklusyon at rekomendasyon.
- Mula sa kinalabasan ng mga pag-aaral, nakabuo ng kongklusyon at
rekomendasyon ang mananaliksik tungkol sa pag-aaral.

4
7. Resulta ng Pag-aaral o Pagtalakay
Sa bahaging ito nakapaloob ang kinalabasan ng mga datos na ibinigay sa mga
kalahok, magmumula ito sa pagsagot ng layunin o suliranin ng pag-aaral.
Maaaring ipakita ito sa pamamagitan ng mga deskriptibong paglalahad, tsart, pie
graph, bar graph, at iba pang grapikong representasyon para mas mailahad ang
resulta, inaasahan na ang mananaliksik ay magbibigay ng kaniyang analisis mula
sa natatanging obserbasyong tungkol sa pag-aaral.

Halimbawa:

Mula sa ipinakita ng tsart sa itaas, masasabi na walumpung porsiyento


(80%) ng mga kalahok ang nagsabi na may malaking impluwensiya ang Feng
Shui sa posisyon ng kanilang gamit sa tahanan: labinlimang porsiyento (15%)
naman sa kanilang pagpapatayo ng bahay; at limang porsiyento (5%) sa
kanilang pananamit at palamuti. Lumalabas na ang lakas ng impluwensiya
ng Feng Shui ay higit na nakikita sa pantahanang salik kaysa sa
pampersonal.

8. Kongklusyon at Rekomendasyon
Isinasaad dito ang natutuhan at napatunayang konsepto sa pananaliksik.
Sinasagot sa bahaging ito ang “nais iwang mensahe” at “pangunahing natupad”.
Nakapaloob din ang mga tanong o pahayag para sa susunod na pag-aaral.

Halimbawa:
Mula sa kinalabasan ng pag-aaral, masasabing may malaking epekto ang
Fung Shui sa kaisipan at gawi ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Kung kaya’t
isang rekomendasyon sa papel na ito na magsagawa pa ng pag-aaral tungkol
sa implikasyon at epekto ng Feng Shui sa mas espesipikong aspekto tulad ng
arkitektura sa pagbuo ng bahay.

9. Bibliyograpiya
Nakasulat ang mga ginamit na aklat, dyornal, website, tesis, disertasyon,
peryodiko at iba pang bagay na nakatulong sa pagsulat ng pananaliksik.

10. Buod o Lagom


Makikita sa buod ang maikling pagpapakilala ng pag-aaral. Matatagpuan
dito ang layunin o suliranin, kongklusyon, at rekomendasyon ng pag-aaral.
Nakasaad dito ang metodolohiya o pamamaraang ginamit sap ag-aaral. Sa
pagsulat nito, inaasahang (1) mapaiikli mo ang diwa na taglay ng iyong papel
subalit naroon ang kabuoan nito at (2) maisusulat mo ito ayon sa iyong sariling
paraan. Karaniwang nakikita ang buod o lagom sa harapan o hulihang bahagi ng
tesis o disertasyon at mga akademikong dyornal.
Halimbawa:

Ang pananaliksik na ito ay tumatalakay sa pananaw ng mga piling mag-


aaral sa kolehiyo sa lungsod ng Dasmariñas ukol sa Administrasyong
Duterte. Saklaw ng pag-aaral na ito na ang mga opinyon ng mga kabataan
kung nararamdaman ba nila ang mga pagbabago sa pamamahala ng
Administrasyong Duterte. Ang isinagawang pananaliksik ay ginamitan ng
deskriptib na pagsusuri na mayroong talatanungan na sinagutan ng mga
respondente. Ang kabuoang bilang ng respondente ay limang daan (500) na

5
nanggaling sa paraalan ng Emillio Aguinaldo College, National College of
Science and Technology at Asian Institute of Science and Technology.

11. Abstrak
Kapag nabuo ang iyong pananaliksik, maaari ka nang bumuo ng isang
abstrak. Ang abstrak ay isang maikling buod (binubuo ng 100-250 salita) o
kabuoan ng pananaliksik. Nakapaloob dito ang layunin, resulta at kongklusyon
ng isinasagawang pag-aaral. Sa mga kumprensiyang nasyonal o internasyonal,
iminumungkahi na ipadala ito sa kanilang sulatroniko o email address.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano


ang mga pinagdadaanan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal,
espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik
ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng non-random
convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga
mananaliksik base sa “convenience”.
Ang bilang ng respondente ay tatlumpo’t lima (35) na batang ina na may
edad na labindalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa
Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean
score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pagpasok, edad ng
unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay
tumigil o ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa
mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong
marital.

12. Apendiks
Nakapaloob dito ang mga ebidensiya sa isinagawang pananaliksik. Makikita
rito ang (1) liham na ginawa ng mananaliksik (2) talatanungan o survey form (3)
mga transkripsyon sa ginawang interbyu (4) larawan ng isinagawang pananaliksik
(5) curriculum vitae o resume ng mananaliksik, at iba pang ginamit sa pag-aaral.

13. Etika ng Pananaliksik


Ang isang pananaliksik, tulad ng ibang makahulugang mga pagsulat,
nangangailangan ito ng personal na proseso ng paggalugad o paghahanap. Sa
pananaliksik, haharapin ang pagkokontrol sa mga impormasyon na nais gamitin.
Inaasahan na maingat na pinag-aralan ang mga pinaghanguan o sources at ang
mga pinakamahalaga at mapagkakatiwalaang literatura lamang ang gagamitin ng
isang mananaliksik. Nararapat ding tukuyin ang mga nadiskubreng literatura na
nag-ugnay sa kaisipan ng mananaliksik. Narito ang mga etika na dapat tandan sa
pananaliksik.

1. Iwasan ang pamamalahiyo o plagiyarismo. Sa etikang ito, inaasahan na


tutukuyin ang mga pinaghanguan o sources ng mga ideya o pahayag na
ginamit sa pananaliksik. Upang maiwasan ang plagiyarismo, sundin ang
mga sumusunod na hakbang:
a. Bigyang-halaga ang ideya ng isang nagsulat sa pamamagitan ng
pagbanggit sa pangalan ng may-akda, petsa at pahina kung kailan at
saan ito nailimbag.
b. Magbigay ng panibagong pagkilala o citation sa mga karagdagang
impormasyon mula sa dating kinilalang hanguan.
c. Sa pagbuo ng paraphrasing, alalahanin na gumamit ng mga panipi (“”)
sa mga salita o parirala na direktang kinuha sa pinaghanguan.

6
d. Kilalanin lahat ang mga hiniram na ideya maliban na lamang kung ang
impormasyon ay isang pangkalahatang kaalaman.
2. Ipalaalam sa mga kalahok ang mga posibleng positibo o negatibong
epekto ng pananaliksik. Sa etikang ito, hihingin ng mananaliksik ang
permiso ng mga kalahok o respondente sa pag-aaral.
3. Gumamit lamang ng sampol sa pag-aaral. Sa etikang ito, ang
mananaliksik ay gagamit ng sampol ng populasyon para sa representasyon
ng buong pangkat.
4. Iwasan ang magtahi o baguhin ang pananaliksik o iba pang
pananaliksik. Sa etikang ito, ang mananaliksik ay babase sa nilalaman at
kinalabasan ng kaniyang pag-aaral at pag-aaral na pinaghanguan. Iiwasan
ng mananaliksik na dalhin sa kanyang pag-aaral ang pagiging subhektibo
o ang kaniyang sariling opinyon tungkol sa isinasagawang pag-aaral.
5. Iwasan na maglabas ng mga espesipikong impormasyon. Sa etikang ito,
iiwasan ng mananaliksik na maglabas ng isa-isang sagot ng mga kalahok
sa pag-aaral lalo na kung ito ay makaaapekto sa kanilang pagkatao o
pamumuhay.
6. Ipaliwanag ang isinasagawang pananaliksik. Sa etikang ito, sisikapin ng
mananaliksik na ipaliwanag ang nilalaman, proseso, at layunin ng sarbey,
interbyu, o anumang uri ng instrumentong gagamitin sa pananaliksik sa
mga kalahok.
- SIKHAY: Aklat sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
ibang teksto Tungo sa Pananaliksik

GAWAIN
Gawain 4

A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Paano nabibigyang halaha ng panimula ang kabuoan ng isang


pananaliksik?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Paano nabubuo ang isang pangkalahatan at tiyak na layunin sa pag-aaral?
Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga na may malawak na pagbasa ang isang mananaliksik sa


iba’t ibang pag-aaral at literatura na maiuugnay sa kaniyang
pamnanaliksik?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
4. Bakit mahalaga na magkaroon ng paglalahad ng resulta sa isang
pananaliksik?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
5. Gaano kahalaga na ang mananaliksik ay nakabubuo ng konklusyon at
rekomendasyon/Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

7
A. Panuto: Bigyan ng kahulugan ang sumusunod na mga salita.

Abstrak Etika literatura


_____________________ _____________________ ______________________
_____________________ _____________________ ______________________
_____________________ _____________________ ______________________

Rekomendasyon Lagom Analisis


______________________ ____________________ _____________________
______________________ ____________________ _____________________
______________________ ____________________ _____________________

TANDAAN
Gawain 5

Paraan at Tamang Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik batay sa: Layunin,


Gamit, Gamit, Metodo, at Etika sa Pananaliksik

1. Pamagat
Nakapaloob sa bahaging ito ang pagbuo ng isang titulo mula sa paksang
pinag-aralan. Maaaring ito ay nakasulat sa paraang patanong, paglalahad, pabuo,
o dalawang hati.
2. Panimula o Introduksyon
Nakapaloob sa panimula o intruduksyon ang tatlong pangunahing layunin.
3. Layunin o Paglalahad ng Suliranin
Isinasaad sa layunin o paglalahad ng suliranin ang dahilan ng pananaliksik
o ano ang nais matamo pagkatapos ng pag-aaral na isinasagawa. Ang pahayag o
isteytment na ito ay nagmumula sa paksang pinag-aaralan.
4. Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura
Inilalahad sa bahaging ito ang nakalap na mga impormasyon tungkol sa
problema sa pananaliksik. Mahalaga ang mga pag-aaral at literatura sa paksa dahil
ito ay magsisilbing suporta sa problema na pinag-aaralan sa konteksto.
5. Gamit/kahalagahan - Batay sa maaaring kinalabasan ng pag-aaral, sino ang
makikinabang ng saliksik na ito? Para saan at kanino? May mababago bang
sistema o nakagawiang gawain ang mababago matapos ang saliksik na ito?
6. Metodolohiya o Pamamaraan
Inilalarawan sa bahaging na ito kung ano at kung paano isinagawa ang pag-
aaral batay sa disenyong ginamit sa pananaliksik.
7. Resulta ng Pag-aaral o Pagtalakay
Sa bahaging ito nakapaloob ang kinalabasan ng mga datos na ibinigay sa mga
kalahok, Magmumula ito sa pagsagot ng layunin o suliranin ng pag-aaral.

8. Kongklusyon at Rekomendasyon
Isinasaad dito ang natutuhan at napatunayang konsepto sa pananaliksik.
Sinasagot sa bahaging ito ang “nais iwang mensahe” at “pangunahing natupad”
Nakapaloob din ang mga tanong o pahayag para sa susunod na pag-aaral.
9. Bibliyograpiya

8
Nakasulat ang mga ginamit na aklat, dyornal, website, tesis, disertasyon,
peryodiko at iba pang bagay na nakatulong sa pagsulat ng pananaliksik.
10. Buod o Lagom
Makikita sa buod ang maikling pagpapakilala ng pag-aaral. Matatagpuan
dito ang layunin o suliranin, kongklusyon, at rekomendasyon ng pag-aaral.
Nakasaad dito ang metodolohiya o pamamaraang ginamit sap ag-aaral.
11. Abstrak
Kapag nabuo ang iyong pananaliksik, maaari ka nang bumuo ng isang
abstrak. Ang abstrak ay isang maikling buod (binubuo ng 100-250 salita) o
kabuoan ng pananaliksik.
12. Apendiks
Nakapaloob dito ang mga ebidensiya sa isinagawang pananaliksik.
13. Etika ng Pananaliksik
Ang isang pananaliksik, tulad ng ibang makahulugang mga pagsulat,
nangangailangan ng personal na proseso ng paggalugad o paghahanap. Sa
pananaliksik, haharapin ang pagkokontrol sa mga impormasyon na nais gamitin.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN
Gawain 6
Panuto: Bumuo ng simpleng proposal ng pag-aaral na isasagawa sa paraang abstrak.
(Binubuo ng 100-250 salita).

Pamantayan Marka
Impormasyong nakapaloob 10 puntos
Organisasyon 10 puntos
Paggamit ng Wika at katumpakan ng
10 puntos
Pangugnusap
Kabuoan 30 puntos

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Gawain 7

A. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pahayag tungkol sa
paraan at tamang proseso sa pagsulat ng pananaliksik batay sa: layunin,
gamit, metodo, at etika sa pananaliksiksa, MALI naman kung hindi wasto ang
pahayag.

_________1. Bigyang halaga ang ideya ng isang nagsulat sa pamamagitan ng


pagbanggit ng pangalan ng awtor, petsa, at pahina kung kailan at saan ito
nalimbag.
_________2. Sa pamagat nakapaloob ang tatlong pangunahing layunin.
_________3. Inilalahad sa bahagi ng Metodolohiya ang nakalap na
impormasyon tungkol sa isang problema sa pananaliksik.
_________4. Ang abstrak ay isang maikling buod na binubuo ng 100-250
salita o kabuoan ng pananaliksik.
_________5. Nakapaloob sa panimula o introduksyon ang mga ebidensiya sa
isinasagawang pananaliksik.
9
B. Panuto: Pag-isipang mabuti ang pamagat ng pananaliksik at pangunahing
layunin nitó. Subukan mong lapatan ng tatlong tiyak na mga layunin sa
gagawing pananaliksik.

Persepsiyon ng mga Mag-aaral at Guro ng City of Bacoor Senior High


School-Dulong Bayan sa Distribusyon ng Condom ng DOH
at ang Implikasyon nito sa mga Kabataan

Layunin ng Pag-aaral:
Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang iba’t
ibang persepsiyon ng mga mag-aaral at guro ng City of Bacoor Senior High
School Dulong Bayan ukol sa distribusyon ng condom ng Kagawaran ng
Kalusugan at ang implikasyon nitó sa mga kabataan.

Nilalalayon ng pananaliksik na ito na:

1.__________________________________________________________________________
2.__________________________________________________________________________
3.__________________________________________________________________________

10
11
PANGWAKAS NA ISAGAWA
PAGSUSULIT
A. Ang gawaing ito ay
1. TAMA nakabatay sa ibibigay
2. MALI na halimbawa ng mga
3. MALI mag-aaral at nasa
4. MALI pagpapasya ng guro ang
5. TAMA pagwawasto nito. (15
B. puntos)
Ang gawaing ito ay
nakabatay sa ibibigay
na paliwanag ng mga
mag-aaral at nasa
pagpapasya ng guro ang
GAWAIN
pagwawasto nito.
A at B (10 PUNTOS)
Ang gawaing ito ay
nakabatay sa ibibigay
na paliwanag ng mga BALIK-TANAW PAUNANG
mag-aaral at nasa Ang gawaing ito ay PAGTATAYA
pagpapasya ng guro ang nakabatay sa ibibigay
pagwawasto nito. na kasagutan ng mga 1. D
(Gawain A 5 puntos / mag-aaral at nasa 2. A
Gawain B 5 na puntos) pagpapasya ng guro ang 3. D
pagwawasto nito. 4. C
(10 PUNTOS) 5. B
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like