Filipino 9 Q4 Week 4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

1

Aralin Pagbabahagi ng Damdamin at Pananaw ukol sa mga

Pangyayari sa Buhay ng mga Tauhan sa Nobelang Noli
Me Tangere Gamit ang
4 Antas ng Pormalidad ng Wika

Mga Inaasahan

Sa araling ito, aalamin mo ang mahalagang papel na ginampanan ni Elias

gayundin ang kaniyang mga katangian at ang kulturang Asyano na nangibabaw sa
kaniyang katauhan. Gayundin inaasahang magagamit mo ang kaalaman sa antas ng
pormalidad ng wika sa pagpapahayag ng pananaw o damdamin. Handa ka na ba?

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod na

kasanayan:

1. Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring

naganap sa buhay ng tauhan (F9PN-IVd-58);
2. Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa
magulang, sa kasintahan, sa kapwa, at sa bayan (F9PB-IVd-58);
3. Napapangkat ang mga salita ayon sa antas ng pormalidad ng gamit nito
(level of formality) (F9PT-IVd-58).

Sasagutan mo ang mga pagsasanay at gawain sa nakalaang sagutang papel.

Bago tayo magsimula ay sagutan mo muna ang paunang pagsusulit upang

masukat ko ang iyong kaalaman sa paksang pag-aaralan.

Paunang Pagsubok

Basahing mabuti ang mga pahayag. Alamin ang damdamin nakapaloob dito.
Isulat ang letra ng tamang sagot.

1. “Itinuturing ko pong masamang manggagamot ang isang walang sinisikap kundi

sugpuin at lapatan lamang ng lunas ang mga tanda ng sakit. Hindi sinusuri ang
pinagmumulan ng sinasabing sakit o kung nalalaman man ito ay kinatatakutan
naming sawatain.”
A. saya B. galit C. selos D. gulat

2. “Mamamatay akong di man makita ang maningning na pagbubukang-liwayway sa

aking Inang Bayan! Kayong makakakita, batiin ninyo siya – at huwag kalilimutan ang
mga nalugmok sa dilim ng gabi!”
A. habilin B. pangako C. banta D. sumpa

3. “Kalimutan mo na ako, kalimutan ang isang pag-ibig na baliw at walang saysay!

Marahil ay makatatagpo ka roon ng isang di gaya ko.”
A. poot B. panibugho C. kasakiman D. pagpaparaya

4. “Iniibig ninyo ang inyong bayan gaya ng pag-ibig natin sa lahat ng nagbibigay sa
atin ng ligaya. Ngunit sa araw na kayo‟y maghirap, magutom, pag-usigin, ipagsuplong
at ipanganyaya ng inyo na ring mga kababayan – sa araw na iya‟y itatakwil ninyo ang
inyong sarili, ang inyong Inang-bayan at ang lahat-lahat na.”
A. kalungkutan B. panibugho C. kataksilan D. pagmamahal

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
2

5. “Kahit kaunti ay mayroon din po tayong mapapala. Di lahat ng namamahala ay

walang matwid. Kung wala tayong mapapala, kung di dinggin ang ating mga hinaing,
kung ang tao ay maging bingi na sa mga taghoy ng kaniyang mga kapwa – sa araw na
iya’y ibilang ninyo akong isa sa inyong mga kabig.”
A. pagtitiwala B. kalapastanganan C. paghihirap D. pandaraya

Balik-tanaw

Piliin ang letra ng sagot na kukumpleto sa mga pahayag.

1. Ang pang-uri ay salita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa _____________.

A. pandiwa o pang-ugnay C. pangngalan o panghalip

B. pantukoy o pang-ukol D. pangatnig o panuring

2. Nais kong magkaroon ng matibay na kompyuter. Ang pang-uring ginamit ay ______.

A. panlarawan B. pantangi C. pamilang D. panunuran

3. Tigwalong modyul ang natapos ng magkaibigan na handa na nilang ipasa sa

paaralan. Anong uri ng pang-uring pamilang ang ginamit sa pahayag?

A. patakaran B. panunuran C. pamahagi D. pahalaga

4. Sino ang binatang nag-aral sa Europa na kababata at kasintahan ni Maria Clara?

A. Kapitan Tiago B. Basilio C. Elias D.Crisostomo Ibarra

5. Siya ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya.

A. Sisa B. Tiya Isabel C. Salome D. Maria Clara

Pagpapakilala ng Aralin

Isa sa mahalagang tauhan na nagbigay ng kulay sa nobelang Noli Me Tangere

ay si Elias. Bagamat hindi nakasentro sa kaniya ang takbo ng istorya, masasabing
naging bahagi siya ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan na
si Crisostomo Ibarra. Lutang na lutang ang kaniyang mga paniniwala at paninidigan na
makikita sa kaniyang mga kilos, pagsasalita at pagdedesisyon. May pagkamisteryoso
ang kaniyang katauhan na dapat mong tuklasin sa pagbabasa mo ng mga kabanata.
Sa araling ito ay mamamalas mo rin ang iba’t ibang antas ng salita o wika na maaari
mong magamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.

A. Pagpapakilala ng Tauhan: Si Elias

Tanging isang tao – ang nagpapalakad ng bangka – ang noo’y hindi umiimik at
di pansin ang gayong kasayahan. Isa siyang binatang may matipunong
pangangatawan at nakaaakit na pagmumukha gawa ng kaniyang mapapanglaw at
malalaking mata at saka mga labing may anyong kapita-pitagan. Ang maitim, mahaba
at gusot niyang buhok ay halos nakalugay sa kaniyang bilugang liig. Nakasuot siya ng
isang barong ang kayo’y magaspang at ang bisig na malalakas. Kung ikampay niya
ang malapad at malaking sagwang siya ring ipinang-uugit, ay para lamang isang
patpat na nilalaro sa tubig upang mapalakad ang dalawang bangka.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
3

Maikling pahayag mula kay Elias

“Ako ba ang hinahanap mo? Ang pilotong bumugbog kay Pari Damaso at
naglublob sa alperes sa putikan. Hindi ka nga nagkakamali. Ako si Elias, ang piloto,
ang magbubukid.”
“Nagdurusa ako sa mga kasawiang hindi ako ang may kagagawan. Matagal na
sanang pinakasalan ko si Salome at bumuo ng pamilya. Pero dahil ayaw kong danasin
ng aking mga anak ang kasawiang dinanas naming magkapatid. Pinili kong
magkalayo kami ng babaing aking pinakamamahal. Nais kong magwakas sa akin ang
kasawian ng aking pamilya.”

B. PANITIKAN: Halaw mula sa mga Kabanata

Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang mga kabanata.

Kabanata X
Lilisanin ni Elias ang pook, at ibig ding umalis ni Salome upang manirahang
kapiling ng mga kamag-anak sa Mindoro. Kung hindi lamang sa kanilang mga
kapalaran, maaaring matagal nang nagpakasal ang dalawang magkaibigan sa puso.
Ibig sana ni Salome na makapiling si Elias, na samahan siya nito sa paglipat sa
Mindoro, subalit walang kalayaan si Elias na gawin ito dahil sa mga kaganapan noong
araw na iyon bago sila muling nagkita. Hiniling ni Elias na pahalagahan ni Salome
ang taglay pa nitong kabataan at kagandahan upang makakita ng kapalit niya para
maging kaisang-dibdib. Hinikayat naman ni Salome, na sa kaniyang paglayo, gamitin
ni Elias ang tahanan ni Salome bilang kaniyang tirahan at tulugan, bilang pag-aalala
nila sa isa’t isa habang magkalayo. Para kay Salome, sapat ito upang maituring na
magkasama pa silang dalawa sa kabila ng kanilang pagkakalayo sa isa’t isa.

Kabanata XXXIII
Tumungo si Elias sa tanggapan ni Ibarra. “Kayo ang nagligtas sa aking buhay,”
ang bati ng mahiwagang panauhin na tila nahuhulaan ng nilalaman ng isip ni Ibarra.
“Nagsadya ako rito para mangutang ng loob sa inyo,” pahayag ni Elias.
“Ipinamamanhik ko po sa inyong huwag mababanggit kanino pa man ang ibinulong
ko sa inyo sa simbahan. Matatag na sinagot ni Ibarra na hindi dapat mabahala si
Elias at hindi niya ito isusuplong. Sinabi rin ni Elias kay Ibarra na ipaaalaala sa
kaniya na kailangan makita ng kaniyang kaaway na siya’y walang pag-ingat at
nagtitiwala sa lahat.
Nagulat si Ibarra at naibulalas na “Aking mga kaaway! May kaaway po ba ako?”
“Tayong lahat ay may kaaway, ginoo, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa
may-isip na tao, mula sa lalong aba hanggang sa pinakamayaman at
makapangyarihan! Ang pakikipag-alit ay siyang batas ng buhay,” sagot ni Elias.

Kabanata XLV
Nagpunta sa kagubatan si Elias at hinanap si Kapitan Pablo. Nang makita ni
Elias ang matandang Pablo, may tali ang ulo nito ng isang bigkis na kayong may
bahid ng dugo. Kaya, nagkakilala silang dalawa. May anim na buwan na nang huli
silang magkita. Noon, ayon kay Tandang Pablo, siya ay naaawa kay Elias. Subalit
ngayon nagkapalit sila ng puwesto. Si Elias ay malakas samantalang ang matanda ay
sugatan at lugami sa hirap ng katawan at kalooban.
Ipinaliwanag ni Elias sa Kapitan na nais niya itong isama sa lupain ng mga di-
binyagan upang doon na manirahan nang payapa kahit na malayo sa sibilisasyon,
yaman din lamang na walang nangyari sa kaniyang paghahanap sa angkang
nagpahamak sa kaniyang pamilya. Binigyang-diin ni Elias na magturingan na lamang
silang dalawa bilang mag-ama yayamang pareho na lang silang nag-iisa sa buhay.

Kabanata XLIX
Sa kanilang pagpapalitan ng kurukuro, humanga si Ibarra kay Elias,
samantalang ang piloto‟y hindi rin makapaniwala sa mga ideya ni Ibarra.
Nang banggitin ni Ibarra na ang utang niya sa kaniyang bayan ang kaniyang
kaligayahan, sinagot din siya ni Elias na utang din niya sa bayan ang kaniyang mga
kasawian. Medyo nag-isip si Ibarra at hiniling na isalaysay kahit bahagi lamang ng
kaniyang buhay upang kahit paano’y maunawaan niya ang mga pangangatwiran ng
piloto.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
4

Kabanata LIV
Ipinagtapat ni Elias ang natuklasang pag-aalsa na sinasabing si Ibarra ang may
panukala. Muli’y pinagpayuhan niya si Ibarra na iligtas ang sarili alang-alang sa
bayan. Iminungkahi ni Elias na sunugin ang mga kasulatan na maaaring
magpahamak sa kaniya.

Kabanata LV
Nang malaman ang pagdakip kay Ibarra ay agad niyang kinuha ang
mahalagang bagay na inihanda ni Ibarra. Inilagay din niya sa lalagyan ang larawan ni
Maria Clara. Isinakbat sa balikat at bago tumalon sa bintana ay sinugo ang mga
takaw-apoy na mga papeles.
Ang dalawang sibil na dumating at gustong kunin ang mga papeles na
magagamit na ebidensiya laban kay Ibarra ay sinalubong ng malaking apoy.

Kabanata LXI
Habang sakay ng bangka ay nagpalitan ng kuru-kuro sina Ibarra at Elias
tungkol sa kung paano makatatakas. Balak ni Elias na dalhin si Ibarra sa kaibigan sa
Mandaluyong upang pansamantalang itago. Dadalhin niya roon ang kayamanan ni
Ibarra na magagamit niya upang mangibang bansa. Iminungkahi ni Ibarra na
sumama si Elias sa kaniya at magturingan silang magkapatid. Dito‟y tumutol si Elias
dahil baka kailanganin daw siya ng kaniyang bayan. Hindi na rin mangingibang
bansa si Ibarra at maging pibustero at maghimagsik nang totoo.

Modyul ng Pag-aaral ng Nobela – Noli Me Tangere – Sheila C. Molina

C. GRAMATIKA – Antas ng Wika

1. Pormal na Wika
Ginagamit ito sa loob ng mga paaralan, sa opisina, at halos sa lahat ng bahagi
at ahensiya ng ating lipunan. Maging sa paglilimbag ng mga aklat, ito rin ang ating
tanging gamit.

 Pambansang Wika/Lingua Franca

Ang bawat bansa ay mayroong sariling wikang pambansa. Ito ay tatak na
sumisimbolo at sumasalamin sa kung anong lahi at bansa nabibilang ang isang
indibidwal. Ang bansang Pilipinas ay may pambansang wika – ito ay ang wikang
Pilipino. Halimbawa ng Pambansang Wika:
anak himpilan kumusta naroon
ina paaralan pagsusulit kabataan

 Pampanitikan
Maging sa larangan ng midya, radio man o telebisyon, wikang pambansa pa rin
ang karamihan sa ginagamit. Sa larangan ng mga sining, sa pinilakang tabing lalo na
sa paggawa ng mga kanta hindi rin mapag-iiwanan ang wikang pambansa.
Gumagamit rin ang mga manunulat ng mga mabubulaklak at mga matatalinhagang
mga salita. Ito ang kanilang mga panghikayat sa kanilang mga tagapagtangkilik.
Halimbawa ng Pampanitikang wika:
kabiyak ng puso ilaw ng tahanan kapit-tuko
bukas palad bunga ng pagmamahalan kutis porselana
mababaw ang luha magbanat ng buto pusong bato

2. Impormal na Wika
Ang impormal na wika ay kinabibilangan ng mga salita na karaniwang
ginagamit na pang araw-araw. Mga wika na kadalasan nating naririnig at ginagamit
sa loob ng bawat tahanan. Impormal ang tawag natin sa mga salitang ito dahil hindi
kailangan na pumasok sa isang paaralan para ito ay matutuhan.

 Lalawiganin
Kadalasang may ibang tono o punto ang istilo ng pananalita ng mga tao sa
lalawigan o probinsiya. Ang bawat wikang lalawiganin ay may magkakaibang punto o
bigkas. Ito ang kanilang mga natatanging karakter na sadyang mahirap gayahin kung
hindi ka taal sa isang lugar. Halimbawa ng Lalawiganing wika:
Tagalog: aalis kanin alikabok paa
Ilokano: papanaw inapoy tapok saka
Cebuano: molakaw kan-on abug tiil

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
5

Bikolano: mahali maluto alpog bitis

 Balbal o Kolokyal
Sa mga kabataan, mabenta ang mga salitang balbal at kolokyal. Sila-sila na rin
mismo ang mga nag-iimbento ng bawat wika na kanilang mga ginagamit. Salitang
kanto kung tawagin ito ng ilan. Hindi man ito makikita sa ating mga diksionaryo ay
sikat ito at patuloy na ginagamit sa sirkulasyon ng mga kabataan. Noong mga
naunang mga dekada, nauso ang pagbabaligtad nila ng mga salita tulad na lamang ng
erpats at ermats na ibig sabihin ay tatay at nanay. Ngayon, nakikita ang pagbabalik
ng ganitong estilo ng mga pananalita tulad na lamang sa mga pauso sa telebisyon na
lodi at werpa. Iba pang halimbawa ng Balbal o Kolokyal na wika:
musta – kumusta frenshie – kaibigan gurang – matanda
tipar – party ewan – aywan anyare? – anong nangyari?
chaka – pangit yosi – sigarilyo utol – kapatid
https://takdangaralin.ph/antas-ng-wika/

Malinaw ba sa iyo ang ating aralin? Ngayon ay isagawa mo na ang mga

gawaing inihanda ko para sa iyo.

Mga Gawain

Gawain 1.1. Talasalitaan

Igrupo ang mga salita mula sa kahon ayon sa antas ng wika nito.

Paraluman Pluma Senglot Agaw-buhay

Ditse Brad Jowa Aklat

Liham Jejemon Malaporselana Astig

Ginoo Babakal Mag-aaral Ineng

Ingkong Dugong-bughaw Manang balat-sibuyas

Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Balbal o Kolokyal

1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2.
3. 3. 3. 3.
4. 4. 4. 4.
5. 5. 5. 5.

Gawain 1.2. Gabay na Tanong: Sagutin ang mga tanong.

1. Sa iyong palagay, paano ipinakita ni Elias ang kaniyang pagmamahal ayon sa

binasang mga halaw ng Kabanata?

Pagmamahal sa Pagmamahal sa Pagmamahal sa Pagmamahal sa

Magulang Kasintahan Kapwa Bayan

2. Anong katangian ni Elias bilang isang kaibigan ang mababakas mula sa mga
binasang Kabanata?

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
6

3. Magbigay ng mga bagay na pinaniniwalaan o pinaninidigan ni Elias mula sa mga

kabanatang binasa.

4. “Ang pakikipag-alit ay siyang batas ng buhay.” Ano sa palagay mo ang kahulugan

ng pahayag na ito ni Elias?

5. Kung ikaw ang nasa katayuan ng sumusunod na persona, ano ang ipapayo mo kay
Elias tungkol sa mga dapat niyang gawin matapos ang pagdakip kay Ibarra? Gamitin
ang teknik na Look at Others Viewpoint.
a. May katungkulan sa pamahalaan
b. Isang alagad ng simbahan
c. Kaibigan

Mga Katangian ng Sagot Bibigyan ka ng Sumusunod na Puntos

✓ Naibigay ang mga hinihinging punto ng 5 puntos – Kung tinataglay ang 3
sagot. pamantayan.
✓ Gumamit ng angkop na salita at bantas at 3 puntos – Kung tinataglay ang 2
pamantayan.
buo ang pangungusap. 2 puntos – Kung 1 pamantayan lamang ang
✓ Kumpleto at malinaw ang pagpapaliwanag. taglay.

Gawain 1.3.
Ilahad ng sariling damdamin ukol sa mga sitwasyon hango sa nobela.

1. “Hinikayat naman ni Salome, na sa kaniyang paglayo, gamitin ni Elias ang tahanan

ni Salome bilang kaniyang tirahan at tulugan, bilang pag-aalala nila sa isa’t isa
habang magkalayo. Para kay Salome, sapat ito upang maituring na magkasama pa
silang dalawa sa kabila ng kanilang pagkakalayo sa isa’t isa.”

2. “Nakakita si Basilio ng puno at kaniyang inakyat at pagkatapos ay nagpatihulog sa

kaniyang ina. Niyapos at pinaghahagkan niya ang ina hanggang mawalan ng ulirat.
Nakita ni Sisa na may bahid ng dugo ang sugat ni Basilio sa noo at bigla itong
nagbalik sa katinuan ng isip. Niyapos din at pinaghahagkan nang makilala ang
kaniyang anak at nawalan din ng malay.”

3. “Sa kanilang pagpapalitan ng kurukuro, humanga si Ibarra kay Elias, samantalang

ang piloto‟y hindi rin makapaniwala sa mga ideya ni Ibarra. Nang banggitin ni Ibarra
na ang utang niya sa kaniyang bayan ang kaniyang kaligayahan, sinagot din siya ni
Elias na utang din niya sa bayan ang kaniyang mga kasawian.”

4. Nagulat si Ibarra at naibulalas na “Aking mga kaaway! May kaaway po ba ako?”

“Tayong lahat ay may kaaway, ginoo, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa
may-isip na tao, mula sa lalong aba hanggang sa pinakamayaman at
makapangyarihan! Ang pakikipag-alit ay siyang batas ng buhay,” sagot ni Elias.

5. “Nagdurusa ako sa mga kasawiang hindi ako ang may kagagawan. Matagal na
sanang pinakasalan ko si Salome at bumuo ng pamilya. Pero dahil ayaw kong danasin
ng aking mga anak ang kasawiang dinanas naming magkapatid. Pinili kong
magkalayo kami ng babaing aking pinakamamahal. Nais kong magwakas sa akin ang
kasawian ng aking pamilya.”

Mga Katangian ng Sagot Bibigyan ka ng Sumusunod na Puntos

✓ Naibigay ang mga hinihinging punto ng 5 puntos – Kung tinataglay ang 3
sagot. pamantayan.
✓ Gumamit ng angkop na salita at bantas at 3 puntos – Kung tinataglay ang 2
pamantayan.
buo ang pangungusap. 2 puntos – Kung 1 pamantayan lamang ang
✓ Kumpleto at malinaw ang pagpapaliwanag. taglay.

Tandaan

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
7

Ang tao ay nilalang na may pinakamataas na antas ng kaanyuang pisikal at

intelektwal. Dahil dito tayo rin ay nabiyayaan ng kakayahan na makapagpahiwatig ng
ating mga saloobin gamit ang sari-saring uri ng wika.
Wika na daan sa pagkakaisa, pakikisalamuha, pakikipagtalastasan at higit sa
lahat, paglilinang ng katalinuhan ng buong sangkatauhan. Ang bawat indibidwal ay
nabibilang sa iba’t ibang uri ng antas sa lipunang kaniyang ginagalawan. Tandaan na
walang parehong indibidwal ang mayroong eksakto o parehong uri o istilo ng
pananalita. Nababatay ang pagkakaiba sa antas sa mga sumusunod na aspeto:

 Katayuan o estado sa buhay  Antas ng natapos

 Edad  Kasalukuyang propesyon
 Kasarian  Pagiging dayuhan o lokal
 Grupo o pangkat etniko na
kaniyang kinabibilangan
https://takdangaralin.ph/antas-ng-wika/

Isagawa mo pa ang sumunod na gawain upang mailapat mo ang iyong

mga natutuhan.

Pag-alam sa Natutuhan

Sa pamamagitan ng pagsulat ng isang talata, ibahagi mo ang natatangi

mong karanasan na nagdulot sa iyo ng matinding damdamin na kailan man ay
hindi mo makalilimutan. Siguraduhing makagagamit ka ng antas ng wika gaya ng

Mga Katangian ng Sagot Bibigyan ka ng Sumusunod na Puntos

✓ Naibigay ang mga hinihinging punto ng 10 puntos – Kung tinataglay ang 3
sagot. pamantayan.
✓ Gumamit ng angkop na salita at bantas at 8 puntos – Kung tinataglay ang 2
pamantayan.
buo ang pangungusap. 5 puntos – Kung 1 pamantayan lamang ang
✓ Kumpleto at malinaw ang pagpapaliwanag. taglay.

Pangwakas na Pagsusulit

Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang letra ng sagot.

1. Anong antas ng wika ang ginagamit ng iba’t ibang grupo o pangkat etniko?
A. Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin D.Balbal o Kolokyal
2. Sa pagbuo ng isang tula o sanaysay, ano ang dapat gamiting antas ng wika?
A. Pambansa B. Pampanitikan C. Lalawiganin D.Balbal o Kolokyal
3. Astig ang mga Pilipino dahil kaya nating umahon sa lahat ng uri ng problema. Alin
sa mga salita sa pangungusap ang may antas na Balbal o Kolokyal?
A. astig B. Pilipino C. umahon D. problema
4. Anong klase ng pagkatao mayroon si Elias ayon sa nobela?
A. mapaghimagsik B. misteryoso C. simple D. mapangahas
5. “Iniibig ninyo ang inyong bayan gaya ng pag-ibig natin sa lahat ng nagbibigay sa
atin ng ligaya. Ngunit sa araw na kayo‟y maghirap, magutom, pag-usigin, ipagsuplong

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
8

at ipanganyaya ng inyo na ring mga kababayan – sa araw na iya‟y itatakwil ninyo ang
inyong sarili, ang inyong Inang-bayan at ang lahat-lahat na.” Ano ang damdaming
namamayani kay Elias?
A. kalungkutan B. panibugho C. kataksilan D. pagmamahal

Pagninilay

Pumili ng isang sitwasyon mula sa mga binasang kabanata at iugnay ito sa

kasalukuyang panahon. Gawin ito sa pamamagitan ng pasulat ng 3 o higit pang
pangungusap sa sagutang papel.

Mahusay! Magaling! Nararapat kang purihin sapagkat natapos mo ang

lahat ng mga pagsubok na ibinigay. Kung mayroon pang bahagi na hindi mo
naunawaan ay huwag kang mag-atubili na sumangguni sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
9

FILIPINO 9
SAGUTANG PAPEL
Ikaapat na Markahan- Ikaapat na Linggo

Pangalan: _______________________________________ Guro: ___________________________

Baitang at Seksyon: _____________________________ Iskor: ___________________________
Paunang Pagsubok Balik-Tanaw
1 1
2 2
3 3
4 4
5 5

Gawain 1.1
Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Balbal o Kolokyal
1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2.
3. 3. 3. 3.
4. 4. 4. 4.
5. 5. 5. 5.

Gawain 1.2

1. Pagmamahal sa Magulang

_____________________________________________________________________________________

Pagmamahala sa Kasintahan

Pagmamahal sa kapwa

Pagmamahal sa Bayan

2.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Ikaapat na Linggo
10

3.

4.

5.

Gawain 1.3

1.

11

You might also like