Suri Sa Awit Na Upuan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

PAGSUSURI SA AWIT NA

‘UPUAN ‘
ni: Gloc9

Panimula
 Ang awiting ito ay isang paraan ng may akda upang mag-labas ng saloobin o opinyon ukol sa nasaksihan na katayuan ng tao, o
pangyayari na nagaganap sa panahon na isinulat ang awit. Hindi lamang inaalay ang awit na ito sa sariling kapakanan ng may akda
bagkus ay para mamulat ang mga mamamayang Pilipino sa tunay na kalagayan ng lipunan.
May-akda
 Gloc9 o Aristotle Pollisco
 isang rapper na kung mag salita ay animo machine gun, sinasabi na siya ang pinakamabilis na rapper sa pilipinas na kaya bumigkas ng
200 words kada minuto ng malinaw at kaya pa rin intindihin.
 Siya ay nanalo ng award na Best Rapper sa Philippine Hip-hop music award noong 2005 2006 at 2007.
 Mayroon rin siyang awit award bilang best rap recording para sa kanta niyang Isang Araw. Nagsimula sa industriya ng musika
noong 2003 sa album na Gloc-9. Ang mga kanta na jologs, simpleng tao ay ilan lamang sa sikat na kanta ni Gloc-9 sa kanyang
pinakaunang album.
 Ang mga awit ni Gloc-9 ay ginagawa mismo ng kanyang sarili at minsan may kasama siya sa pag likha ng kanyang mga produktong
pang sining. Ang mga kanta na nililikha ni Gloc-9 ay ang kanyang mga emosyon at kanyang mga saloobin sa mundo.
 Dito sa pag awit niya inalabas ang kanyang mga pananaw at naiisip tungkol sa ano mang bagay, ito ba ay para sa bansa,pagibig o kahit sa
mga isyung pangkasulukuyan. Sa ngayon may limang album na nagawa si Gloc-9 lahat ay kanyang inilikha o kasama siyang lumikha ng
mga ito.
AWITING UPUAN

Kayo po na naka upo


Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko
Ganito kasi yan eh
Tao po nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga patay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan
Kayo po na naka upo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko
Mawalang galang na po
Sa taong naka upo
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
mataas lang ang bakod nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo kaya

Wag kang masyadong halata


Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata (hehey)
Wag kang masyadong halata
Wag kang masyadong halata (hehey)
Wag kang masyadong halata (hehey hehey)
Hehey hehey
GENRE
 Hip-hop, Rapper

TEMA/PAKSA
 Ang tema/ paksa ng ng awiting ' Upuan' ay tungkol sa mga taong nakaupo sa mataas na posisyon. Katulad na lamang ng mga kawani ng
pamahalaan. Ang mga taong tinutukoy sa kantang ito ay nangangailangan ng tulong sa mga taong nakaupo o mga lider. Ngunit sadyang
mapaglaro ang batas dahil may mga taong kurap o kurakot at inaabuso nila ang kanilang kapangyarihan upang tumulong sa mga
mahihirap. Ang mga taong mahihirap ay nananatiling matatag kahit na sila’y mamamatay na sa gutom subalit, ang mga taong
mayayaman ay sadyang nagbibingihan at hindi pinapansin ang mga taong nangangailangan. Nais ng akda na makarating ang mensahe ng
mga mahihirap sa mga taong may lakas na tumulong sa kapwa.
SUKAT
 Ito ay walang sukat sapagkat nakasulat ito sa malayang taludturan na bilang ng pantig bawat taludtod.

SAKNONG
 Ang awiting “ Upuan ” ay binubuo ng limang (5) saknong.

PERSONA
Ang persona ng ay nasa unang panuhan sapagkat ang tinutukoy ng kanta ay ang mismong kalagayan ng umaawit at gumawa ng kanta.
Mapapansin din natin na gumamit ang may-akda ng panghalip na panao na “ko”. Pansinin:
Kayo po na naka upo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

TUGMA
Ang tugmaan ng awiting ito ay mayroong tugmaang patinig na nagtatapos sa “o” sa una at pangatlong saknong at tugmaang katinig sa
ikalawang saknong na nagtatapos sa “n at ng’. Pansinin:
Kayo po na naka upo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

Ganito kasi yan eh


Tao po nandyan po ba kayo sa loob ng
Malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga patay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan
Kayo po na naka upo
Subukan nyo namang tumayo
At baka matanaw at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko
Mawalang galang na po
Sa taong naka upo
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Pero kulang na kulang parin
Ulam na tuyo't asin
Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Di ko alam kung talagang maraming harang
mataas lang ang bakod nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Kahit sa dami ng pera niyo
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo kaya

Wag kang masyadong halata


Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
O bato-bato bato sa langit
Ang matamaan ay
Wag masyadong halata (hehey)
Wag kang masyadong halata
Wag kang masyadong halata (hehey)
Wag kang masyadong halata (hehey hehey)
Hehey hehey
KARIKTAN
 Mula sa kantang Upuan, sa mga lirikong nagamit dito, masasabi na ito ay nakakapukaw ng damdamin at nakakawiling kantahin
sapagkat nailantad ang mga nais ipahiwatig sa liriko ng kanta.
TALINGHAGA
May malawak na bakuran, matataas na pader at pinapaligiran ng mga mamahaling sasakyan- inilarawan niya ang bahay na malalaki
Sa dami ng pera niyo, walang doctor na makapagpapalinaw ng mata niyo.
Nagbubulag bulagan ang mga ito kahit na alam nilang maraming nangangailan ng tulong.

Bato-bato sa langit ang matamaa’y wag magalit.


Nais patamaan ng akda ang mga taong sakim.

Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong.

Matibay ang kanilang bubong kaya kahit na tulo ng ulan ay hindi makakapasok sa kanilang bahay.

 TONO/INDAYOG
Ang tono ng awiting ito ay mapapansing naging balanse ang pagbibikas sa liriko ng kanta ito ay malakas at mayroong mahinang parte.
Base sa liriko ng kantang ito,sa unang berso inilarawan niya ang sitwasyon ng isang mamamayan na mayroong napakaraming bagay na
wala ang mahihirap.
 SIMBOLISMO
Sinisimbolo ng awiting “Upuan” ang mataas na posisyon, at pinararating ng kanta sa pamamagitan ng simbolong ito na mayroong hindi
tamang nangyayari sa bansang ito at dapat ito bigyan ng remedyo.

 MENSAHE AT IMPLIKASYON
Huwag sana nilang pairalin ang kanilang masasamang ugali dahil hindi ito makabubuti sa hinaharap. Kailangan nating magtulungan
upang umunlad ang ating lipunan. Tayo ay iisa, tayo ay may kanyakanyang problema dapat nating pairalin ang mabuting asal dahil iyan
ang nais ng diyos sa atin.

 TEORYANG PAMPANITIKAN

Teoryang Sosyolohika- May layunin ito na ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Ang
pangalawang saknong ay nagpapahayag ng kalagayan ng mga mayayaman o sumisimbolo mismo sa mga politiko o nanunungkulan ang
pang-anim na saknong at naman nagpapahayag ng kalagayan ng mga mahihirap o ng buhay mismo nagsasalita. Sa kabuuan, pumapasok
ang kantang "Upuan" sa teoryang ito dahil isinaad ang magkaibang kalagayan or estado ng buhay ng dalawang pangkat sa pamamagigan
ng paglalarawan ng mga tirahan, pagkain at uri ng pamumuhay nila sa pang-araw-araw. Ipinapakita rin ang suliranin na kinakaharap ng
bansa kung sususriing mabuti ang kanta at iyon ay ang korapsyon at kahirapan na kung saan parang humihingi ng tulong o nananawagan
ang mga mahihirap sa mga taong nakaupo o nakatataas. Karagdagan, imbis na masolusyonan ang kahirapan, napupunta lang sa bulsa ng
mga nanunungkulan, patuloy na nagpapayaman at nagbubulag- bulagan.
 Teoryang Realismo- May layunin itong ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may- akda sa kanyang lipunan at iyon ay kahirapan
at korapsyon na nangyayari sa totoong buhay ngunit hindi naman direktang isinaad kung ano ang nais niyang iparating o kung sino ang
pinapatamaan niya dahil inisip ng may- akda ang kapakanan ng kanyang sinulat. Kung tutuusin, may ideya na tayo sa kung anong
mensahe ng kanta ang nais niyang iparating base sa mga detalye at paglalarawan niya sa teksto.
 . Teoryang Imahismo- May mga ideya na nailarawan kanta na tumutukoy sa mga mayayaman or mahihirap. Base sa mga imahe o
detalye, mahihinuha mo ang inilalarawan. Halimbawa ay ang linyang "at kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon", ipinapakita nito
na mayaman ka o may-kaya ka sa buhay dahil alam naman natin na mahal ang mga hamon at bihira lang tayo maghain ng ganito lalo na
kapag pasko lamang. Kung sa bahagi naman ng mga mahihirap, pag-iipunan o magsisikap muna bago makabili nito at nang may
mathapag man lang sa kapaskuhan. Isa pang halimbawa na linya ay "ulam na tuyo't asin". Kaagad na papasok sa isipan natin na
tumutukoy sa mga mahihirap dahil doon lang aabot ang kanilang perang pinaghirapan sa buong maghapon upang may maibili pa
hanggang matapos ang araw.

 BISANG PAMPANITIKAN

 Bisa sa isip — Hindi ko inaasahan na magbibingi-bingihan ang mga taong nasa itaas. Kung hindi dahil sa mga taong bumuto sa kanila ay
hindi nila mararating ang kanilang mga posisyon sa pamahalaan.
 Bisa sa damdamin — naaawa ako sa mga mahihirap dahil kahit na anong parinig sa kanila ay tila hindi nila ito naririnig. Nakaramdam rin
ako ng galit sa mga taong may kapangyarihan upang tumulong.
 Bisa sa kaasalan — ang mga tao ang naglagay sa kanila sa ganoong posisyon. Dapat rin sana nito nilang igalang at tulungan dahil sila
ang pinili nga pamayanan. Hindi magandang asal ang kanilang ipinapakita. Isa itong malaking kamalian at kawalan ng tiwala galling sa
mga taong sumuporta sa kanila.
 Bisa sa lipunan — hindi ito kailan man maging magandang epekto sa lipunan dahil maraming mga tao ang magdurusa.maraming tao ang
nagugutom nang dahil sa kanilang kasakiman. Implikasyong panlipunan — Huwag sana nilang pairalin ang kanilang masasamang ugali
dahil hindi ito makabubuti sa hinaharap. Kailangan nating magtulungan upang umunlad ang ating lipunan. Tayo ay iisa, tayo ay may
kanyakanyang problema dapat nating pairalin ang mabuting asal dahil iyan ang nais ng diyos sa atin.
 KONKLUSYON
Ang awiting ‘Upuan’ ay may kaakibat sa mensaheng, na nagpapaalala mula noon magpahanggang ngayon, mga paulit ulit na
isyung panlipunan ang ating kinakaharap. Sa bawat lider na tatakbo bawat termino ay may mga platapormang nakaaantig ng ating
puso ngunit sa panahong tapos na ang botohan, nasan na ang pangako? Nasaan na ang plataporma? Nasaan na ang aksyon?
Nasaan na? “Mga kababayan pasensya at ito ay naglaho na, panahon na para ako ay mamuhunan mula sa aking posisyon.” -Sagot
na di man narin naririnig ay atin namang nararamdaman. Ang lider na dapat binibigyang halaga ang karamihan ay bigla ng
nawala. Sa kantang ito minumulat rin ang mga nasa kinauukulan na subukan namang imulat ang mata at puso upang malaman
nila ang dinaranas ng mga Pilipino. May mga taong kaawa-awa at namamatay na lamang dahil sa kahirapan. Masaklap ngunit ito
ang katotohanan.Nawa’y sa simplemg kantang ito ay mamulat ang mga lider at nagnanais maging lider sa kung ano ang tunay
nilang tungkulin sa bayan, sa kung ano ang tunay na pangangailangan ng bansa at sa tunay na problemang sosolusyunan nila.
Hindi uunlad ang bansa kung walang maayos na mamamayan at hindi rin uunlad kung walang epektibong lider. Ito ay tungkol sa
lider at kanyang mamamayan, hindi lider lamang o mamamayan lamang. Tayong lahat ang aaksyon patungkol dito.

You might also like