Modyul-2 1st Quarter Fil
Modyul-2 1st Quarter Fil
Modyul-2 1st Quarter Fil
FILIPINO
Unang Markahan
Modyul 2:
Pagbubuo ng Sariling
Paghatol o Pagmamatuwid
sa mga Ideyang
Nakapaloob sa Akda
9
FILIPINO
Unang Markahan
Modyul 2:
Pagbubuo ng Sariling
Paghatol o Pagmamatuwid
sa mga Ideyang
Nakapaloob sa Akda
INTRODUKSIYON
Ang modyul na ito ay inihanda upang matugunan ang mga programa ng K to
12 Basic Education Curriculum na mabigyan ng sapat na kaalaman at malinang ang
iyong mga kasanayan bilang mag-aaral.
Layunin ng modyul na ito na malinang ang iyong kahusayang maging mapanuri
sa Maikling Kuwento ng Pilipinas “Ang Ama”, na isinalin sa Filipino ni Mauro R.Avena.
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na mga kasanayan:
• Mga layunin ng pagkatuto na inaasahang matamo pagkatapos mong masuri
ang modyul na ito.
• Panimulang Pagtataya na nasa bahaging Subukin. Layon nitong masukat ang
dati mong kaalaman tungkol sa paksa.
• Taglay ng modyul na ito ang mga aralin na dapat mong matutunan. Pag-aralan
mong mabuti ang mga ito upang masagot mo nang wasto ang mga
pagsasanay.
• Mga kasanayang pampagkatuto na tiyak lilinang sa iyong kahusayan at
kakayahang umunawa. Huwag mong kalimutang basahin at unawaing mabuti
ang panuto upang masagot mo nang tama ang mga gawaing inihanda. Pag-
isipan mong mabuti ang mga tanong bago mo sagutin ang mga ito.
• Pangwakas na Pagtataya na nasa bahaging Tayahin. Layunin nitong matasa
ang iyong kaalaman matapos mong masuri at napag-aralan ang mga aralin.
1
Alamin…
Ilalahad sa araling ito ang isang kuwento na tatalakay sa suliraning kinakaharap
ng isang ama sa pamilya at kung paano ito nakaaapekto sa sikolohikal na kalagayan
ng mga anak. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo
mo ang sumusunod na kasanayan:
• Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob
sa akda
• Nabibigyang kahulugan ang mahihirap na salitang ginamit sa akda batay sa
denotatibo o konotatibong kahulugan
Subukin…
Huwag kang matakot sa pagsusulit na ito. Layon lamang ng pagsusulit na
masukat ang dati mong kaalaman tungkol sa paksa.
Handa ka na ba? Magsimula ka na!
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga pagpipilian at isulat sa iyong
kuwaderno.
1. Ito ay tumutukoy sa ekstrang kahulugan na ikinabit sa isang salita depende
sa intensyon (agenda) ng nagsasalita o sumusulat.
a. Denotatibo c. Literal
b. Konotatibo d. Metaporikal
2. Ito ay ang literal na kahulugan ng isang salita na matatagpuan
sa diksyunaryo.
a. Denotatibo c. Pahiwatig
b. Konotatibo d. Simbolismo
3. Ano ang konotatibong kahulugan ng: Ang ama ay haligi ng tahanan?
a. Ang matibay na pundasyon ng tahanan ay nagdepende sa
pag-uugali ng ama.
b. Dapat ang ama ay maghanapbuhay para sa pamilya.
c. Hindi kumpleto ang tahanan kapag walang ama.
d. Ang ama ang batas sa loob ng tahanan.
2
4.“Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit
anumang saglit”, ito ay nagpapahiwatig ng:
a. Matinding init
b. Nalalapit na ulan
c. Malamig na panahon
d. May bagyong darating
Para sa 5-6
Ngunit ang damdamin ko’y tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan.
Balikan…
Maikling
Kuwento
4
Tuklasin…
Bago natin babasahin ang teksto, bigyan muna natin ng kahulugan ang mahirap
na mga salita o parirala.
5
“Ang Ama”
(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)
Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang
kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na
nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa
pagkain na paminsan- minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na
iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng
ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay
naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kanina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa
pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y
sansubo lang ng masarap na pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata
lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose
anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang
sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may
parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na
babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na
naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng
ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang
supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap
nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.
Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag- uuwi ng
pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung
hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa
rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang
titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung
umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga
bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at
umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.
6
Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata
na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon
ay mamamaga, kaya mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na
katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa
kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at
malakas na bulalas na pag- ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung
ano ang ginagawa nito.
Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may
pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at
sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin,
pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kaniyang
mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayong pauli-ulit siyang
pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kaniyang halinghing.
Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa
bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot nang pahiga sa banig kasama ang
ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kaniya ang pinakamatandang
lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa
pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na
nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam
nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama
at ito'y nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit
sa bata at hahampasin iyon nang buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at
papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kaniyang
kabuwisitan.
Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil
nasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang
mahahabang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata
gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang ano-ano, ang kamao ng ama ay
bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung
saan ito nanatiling walang kagalaw- galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang
mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng
malamig na tubig.
Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang
ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon
may isang kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod. Ilan sa taganayon na nakatatanda
sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong
nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng
trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga
palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang
balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kaniyang
amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin
siya uli, para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mga anak.
7
Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip
ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki
mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong
sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kaniyang anak, ang lalaki ay napaiyak at
kinailangang muling libangin.
Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang isang malupit
na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng kaniyang
dugo at laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na
pagmamahal sa patay na bata, kaya madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa
kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod -
payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa
matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit
siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata at
bubulong- bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal
niya ang bata".
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.
Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya
sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito
agad sa kaniya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito
ay hindi niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas
siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila.
Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na
uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.
Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na
may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala
ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin
silang mabuti. May supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit. Nagtaka ang mga
bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit;
nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan.
Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, 'yong katulad ng minsa'y
ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira roon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng
nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pandidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na
sila ano man ang laman niyon. Kaya nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na
hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng kaniyang
kuwarto.
Di-nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa.
Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay
sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng
bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana,
nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng
ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta.
8
" Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayo-
layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang
bumalik sa bahay, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man
lang sila napuna.
Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na
kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang
inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang
maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy
itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman
ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit
anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan
ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata
ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa
kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang ‘di nila
mararanasang muli.
Matapos mong basahin ang teksto. Sagutin mo ang kasunod na gawain upang
masukat natin kung paano mo ito bibigyan ng paghahatol o pagmamatuwid ang
ginawa ng ama sa kuwento. Handa ka na ba?
Suriin…
Ngayon may mga paraan kung paano mo bibigyan ng kahulugan ang mga salita
o parirala. Ito ay malaking tulong sa mga babasahin mo.
Alam mo ba na may…
Dalawang Paraan ng Pagpapakahulugan:
1. Konotatibo- ay tumutukoy sa ekstrang kahulugan na ikinabit sa isang salita
depende sa intensyon (agenda) ng nagsasalita o sumusulat. Ang konotatibo
ay maaaring mag iba-iba ayon sa saloobin, karanasan at sitwasyon ng isang
tao. Ang konotatibo ay nagtataglay ng mga pahiwatig ng emosyonal o
pansaloobin ang mga salita.
9
Halimbawa ng denotatibo at konotatibo:
NILANGAW:
Denotasyon: Literal na may mga umaaligid na lagaw sa sinasabing bagay, tao, o
pagkain. “Nilangaw na ang pagkain sa mesa! Ayaw niyo pang kainin?”
Pagyamanin…
Matapos mong mabasa ang kuwentong “Ang Ama”, gawin ang mga sumusunod
na pagsasanay:
Pansariling Gawain 1. Pagpapakita ng Paghahatol o Pagmamatuwid
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Kung ikaw ang isa sa mga anak, ano ang gagawin mo? Bakit?
3. Ano ang masasabi mo tungkol sa ama?
4. Kapag si Mui Mui ay kakilala mo, ano ang gagawin mo?
5. Hayaan mo nalang bang si Mui Mui ay papatayin ng kanyang sariling ama?
Bakit?
6. Paano mo itutuwid ang pag-uugali ng ama?
10
Pansariling Gawain 3. Meaning Pa More!
Ang gagawin mo ay bibigyan ng kahulugan ang bawat salita. Ihanay mo lamang at
isulat sa kuwaderno.
Halimbawa:
Salita / Parirala Denotatibo Konotatibo
haligi ng tahanan - haligi ng bahay/poste - ama
1. ilaw ng tahanan - -
2. itim - -
3. leon - -
4. puso - -
5. putik - -
6. palad - -
7. bulaklak - -
8. bola - -
11
Isaisip…
Upang mabatid ko ang kaalamang iyong napupulot sa kuwento, ngayon ay
gagawin mo ang susunod na gawain.
Isagawa…
Ngayon, basahin at unawain mong mabuti ang isa na namang maikling kuwento
na pinamagatang “Paalam sa Pagkabata” upang maihambing mo ang ginawi ng ama
sa kuwento.
12
PAALAM SA PAGKABATA (KUWENTO/CEBUANO)
Salin ni Nazareno D. Bas sa “Panamilit sa Kabantanon” ni Santiago Pepito
Mula noon ay hindi na ginalaw ni Nanay ang lambat. Naluma na ito ngunit
buong-buo pa rin sa aking paningin. Buong-buo pa rin sa paningin ni Nanay.
13
Ano kaya ang misteryong napapaloob sa lambat na iyon? Alam kong alam ni Nanay
ang hindi ko nalalaman. At kailangang malaman ko ito. May karapatan akong
makaalam.
14
Lumingon ako sa laot. Nasa malayo ang mga bangka ng mga mangingisda.
Bumaling ako sa pinanggalingan ng awit na ngayo’y gumaganda sa aking pandinig.
At para akong hinihila. Nakalimutan ko ang ipinagbabawal ni Tatay. Mabilis ang aking
paglakad at sa ilang saglit kaharap ko na ang taong naggigitara at umaawit. May luha
sa kanyang mga mata.
Ngumiti siya at pinahid ang aking mga luha.Hinimas ang aking ulo. Unti-unting
lumuwag ang aking paghinga. Nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal nang
tumingin ako sa kanya. Muli niya akong niyapos.
Hindi ako kumibo. Tinitigan ko siya. Ang kanyang mga mata, ang ilong, ang
labi- lahat parang nakita ko na. Saan? Alam ko na, sa salamin. Talagang siya ang
nakita ko sa salamin na nakasabit sa dingding ng aming bahay.
“Di ko gusto ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang matitikman mo
kapag umulit ka pa. Hala, kunin mo ang mga isda at sumunod ka kaagad sa akin.”
15
Sa aking kinauupuan sa may bintana nakikita ko si Nanay na nakaupo sa may
hagdanan. Tahimik at nakatingin na naman sa sampayan ng lambat. Luhaan na
naman ang kanyang mga mata. At naalala ko ang pangyayari noong itinapon ni
Nanay. Lahat may itinatagong kahulugan. At naalala ko ang nangyari kanina sa
dalampasigan. Naalala ko iyong tao.
“Celso!”
Nahihilo ako, parang ibig himatayin. Umiikot ang aking paningin. Parang may
nakita akong anino – si Tatay na sumusurot kay Nanay.
16
Di ko pansin ang mga gasgas sa dalawang siko. Sa labis na panghihina’y
umusad ako nang umusad. Hanggang sa nangangatog kong mga bisig ay yumapos
sa mga binti ni Tatay. Naramdaman ko ang panlalamig ng katawan at ako ay
napahandusay sa kanyang paanan.
KONOTATIBO DENOTATIBO
1. Daigdig ng kamalayan -
2. Pandagdag sa kalungkutan ng daigdig -
3. Matagal ng umalipin sa kanya -
4. Pagkainip ay kakambal ng aking buhay -
5. tigang na lupang pinagkaitan ng ulan -
17
Tayahin…
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa mga pagpipilian at isulat sa iyong
kuwaderno.
Para sa 5-6
Ngunit ang damdamin ko’y tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan.
Para sa 7-8
18
8. Ano ang konotatibong kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. Sobrang galit c. Galit na galit
b. Nagagalit d. Galit
9. “Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw, Aang bata kong puso ay
tigang na lupang uhaw na uhaw...” Ang sinalungguhitang pahayag ay nagpapahiwatig
ng ____.
a. Kaligayahan c. Kalungkutan
b. Kalutasan d. Pagdurusa
Para sa bilang 10-11
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon
siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa
ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa
kanya, tulad ng nararapat).
10. Mahihinuhang ang ama ay magiging:
a. Mabuti c. Matatag
b. Masayahin d. Matapang
11. Anong nangyayari sa ama?
a. Walang nagbago sa kanya c. Nagbago na siya
b. Magiging mabuti na d. Malupit pa rin
12. Ano ang nangyari sa ama sa wakas ng kuwento?
a. Nagsisisi c. Walang pagbabago
b. Umiyak ng todo d. Nagsisisi at itinuwid ang
pagkakamali
19
SANGGUNIAN:
Aklat
Peralta, Romulo N, and Et. Al. 2016. Panitikang Asyano 9. Pasig City: DepEd-IMCS.
Peralta, Romulo N., and et. al. 2016. Panitikang Asyano. 2nd. Edited by Reynaldo S. Reyes and et. al.
2 vols. Pasig City: Sunshine Publishing House Inc. Accessed June 6, 2020.
htts://www.slideshare.net/daniholic/tiyo-simon.
Larawan
Collection, Orovidence. 2020. Good Salt. Accessed June 15, 2020.
https://tl.goodsalt.com/details/prcas5023.html.
Peralta, Romulo N, and Et. Al. 2016. Panitikang Asyano 9. Pasig City: DepEd-IMCS.
Peralta, Romulo N., and et. al. 2016. Panitikang Asyano. 2nd. Edited by Reynaldo S. Reyes and et. al.
2 vols. Pasig City: Sunshine Publishing House Inc. Accessed June 6, 2020.
htts://www.slideshare.net/daniholic/tiyo-simon.
2016. Pixa Bay. December 27. Accessed June 17, 2020. https://pixabay.com/vectors/light-bulb-idea-
enlightenment-plan-1926533/.