Pananaliksik SLHT 5 Part2
Pananaliksik SLHT 5 Part2
Pananaliksik SLHT 5 Part2
Uri ng kaganapan sa komunidad: Paghuli ng mga Hindi sumusunod sa mga bagong batas tulad
ng hindi pagsuot ng facemask at
Pangalan ng lugar: V-rama, Langtad
Petsa/Oras ng pangyayari: Mayo 12, 2021
Mga taong naging sangkot sa pangyayari: Ric(ako), Pulis, Tatay Nelson, Ate
Mga impormasyong kailangan pang saliksikin o hanapan ng karagdagang impormasyon: Kung
ano ang mga bagong batas na dahil sa Covid 19 Virus.
Mga pagpapahalagang natutuhan mula sa karanasan: Laging mag suot ng facemask sa tuwing
lalabas ng bahay.
Layunin ng isusulat na teksto: layunin nito na ikwento kung ano ang nangyari sa akin noong
akoy lumabas sa bahay na hindi sinout ang facemask.
Uri ng pagsasalaysay na gagamitin: Salaysay ng mga pangyayari
Teknik ng pagsasalaysay na gagamitin: in medias res
Punto-de-bistang gagamitin sa pagsasalaysay: Unang Panauhan
Noong nakaraang mayo 12 taong 2021 ay nagising ako sa tunog ng aking cellphone dahil may
tumatawag nito. Nagtataka akong kung sino dahil hindi ko alam ang number na ito at wala
namang tumatawag sa akin gamit ang number ko. Sinagot ko dahil gusto kong tanungin kung
sino ito. Ako’y biglang nagising dahil ito pala ang tagapaghatid ng aking delivery sa shoppe.
Nagtanong si kuya kung saan ang bahay namin at nandon daw sya sa kapilya ng aming purok,
kaya sinabi ko nalng kay kuya na ako na ang pupunta sa kanya at maghintay nalng sya don.
Dahil ako ay nagmamadali para pumunta sa kinaroroonan ng tagapaghatid ng shoppe ay hindi ko
namalayan na nasa kamay kulang pala ang facemask at hindi nakasuot at dahil sa antok pa ako
non ay hindi ko Nakita ang patrol ng pulis na papunta sa akin. Don kulang namalayan ang pulis
nung sumigaw ang tiyuhin ko na isout ang facemask ko pero huli na ang lahat dahil bumaba na
sa sasakyan ang pulisat tinanong ako kung bakit hindi ko sinuot ang aking mask at agad hinuli at
pinasakay sa sasakyan ng pulis. Ako lang mag isa doon sa likod ng sasakyan ng pulis, buti nalng
ay dala ko ang cellphone ko. Kaya sinabihan ko ang ate ko na may delivery ako sa shoppe na
naghihintal sa kapilya. Dalawa, nagging tatlo, apat, pito. Pito kami lahat ang nahuli na may ibat
ibang paglabag sa bagong batas. Ako na hindi pagsout ng facemask, ang iba namn ay ang hindi
pagsunod ng social distancing. Dinala kami sa aming barangay at nag seminar kami doon
tungkol sa mga batas na di naming sinunud. Dahil don ay sinabi ko sa sarili ko na sa tuwing akoy
lalabas sa bahay ay lagi na akong susuot ng facemask para hindi na ako mahuli pa.