Panuto: Basahin ang “Pangako ng Kasal”, pagkatapos,
sagutin ang mga tanong sa ibaba nito.
Babae: Narito ako ngayon upang ihandog sa iyo ang aking
sarili, bilang iyong asawa. Ako ay nangangakong maging tapat magpakailanman, daramayan ka sa panahon ng hinagpis, magbubunyi kasama ka sa panahon na kaligayahan. Sa aking pag-ibig sa iyo, ako ay nangangakong magiging maunawain, matiyaga at mapagmahal. Hayaan kong lumago ang ating pagmamahalan na may tiwala at paggalang sa pagkatao ng isat-isa. Palalakihin ko ang ating magiging mga anak sa pagkabuklod ng ating pag-ibig bilang isang mabuting pamilyang Kristiyano ng Diyos. Habambuhay kong pahahalagahan ang pangakong ito sa lahat ng araw ng aking buhay.
Lalaki: Narito ako ngayon upang ibigay sa iyo ang aking
sarili, bilang iyong asawa, at upang hilingin sa iyong makibahagi sa aking buhay. Nangangako ako sa iyo ang iyong mga pangangailangan , ipagsasanggalang ka laban sa lahat ng kapahamakan, iingatan ka ng aking pag-ibig, pagkakatiwalaan, mamahalin, at igagalang ka at magiging tapat sa iyo magpakailanman. Tinatanggap kita bilang ikaw at yaong gusto kong maging ikaw, at aking pahahalagahan ang pangakong ito sa iyo, sa lahat ng araw ng aking buhay.