Ap10 q3 Mod3 Tugonngpamahalaanatmamamayansamgaisyungkarahasanatdiskriminasyon Finalcopy-1
Ap10 q3 Mod3 Tugonngpamahalaanatmamamayansamgaisyungkarahasanatdiskriminasyon Finalcopy-1
Ap10 q3 Mod3 Tugonngpamahalaanatmamamayansamgaisyungkarahasanatdiskriminasyon Finalcopy-1
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Tugon ng Pamahalaan
at Mamamayan sa mga Isyu
ng Karahasan at Diskriminasyon
Tuklasin
7
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng tula?
2. Ilarawan ang mga tauhan sa tula.
3. Ano-ano ang kanilang pagkakaiba?
4. Bakit nakakaranas ng karahasan at diskriminasyon ang iba’t ibang kasarian?
5. Bilang isang mamamayan, paano ka makatutulong upang mawakasan na ang
diskriminasyon at karahasan sa mga kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+?
Suriin
Tayo ngayon ay nasa makabagong panahon na, subalit hindi pa rin maaalis
sa ating lipunan ang patuloy na pakikibaka ng mga iba’t ibang kasarian upang
makaiwas sa mga karahasan at diskriminasyon. Sa bansang patuloy na
nangingibabaw ang batas, may pagkakataon pa kayang maipakita ng mga
kalalakihan, kababaihan at LGBTQIA+ ang angking husay nang walang
mararanasang diskriminasyon at karahasan?
Basahin at unawaing mabuti ang teksto upang malaman mo kung paano
mabibigyang proteksyon at benepisyo ang mga kalalakihan, kababaihan at
LGBTQIA+.
Ang CEDAW
Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for
Women, kilala rin ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for
the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan
na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa
sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya,
panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong
Disyembre 18,1979, kaalinsabay ng pagdiriwang ng UN Decade for Women. Pumirma
ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5,
1981. Kasunod ng Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang
pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika. Umabot na
sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o state parties noong Marso 2005. Unang
ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 39 taon na ang nakararaan
noong 2006, subalit kaunti pa lang ang nakaaalam nito.
8
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa
kababaihan?
1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa
kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta
sa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng Estado. Ibig sabihin, may
responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito maaaring
bawiin.
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa
kababaihan, anumang layunin ng mga ito.
4. Inaatasan nito ang State Parties na sugpuin ang anumang paglabag sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa
gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibiduwal o grupo.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng
karapatan ng babae, at hinahamon nito ang state parties na baguhin ang mga
stereotype, kostumbre at mga gawain nagdidiskrimina sa babae.
9
Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang
mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan
o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang
lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman
ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-
walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na labing-
walong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang
sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa
ilalim ng kaniyang pangangalaga.
Responsibilidad ng Pamahalaan
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang pamahalaan bilang pangunahing
tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito.
Ginagawang tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang
kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga
karapatan.
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng
mga nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng
batas. Kabilang sa mga paraang ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas,
patakaran at programang nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga
10
babae, tungo sa kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng mga hakbang ang
pamahalaan upang marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa, at
polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon laban sa kababaihan.
Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay alisin ang mga stereotype at
tanggalin ang mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon,
paniniwala, salita at gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at
lalaki.
11
Ang isang lalaki ay maaaring mag-file ng Paternity Leave bago, habang at
pagkatapos na ang kanyang legal na asawa ay makapanganak. Nararapat lamang
niyang kumpletohin ang mga impormasyong hinihingi sa Paternity Notification Form
buhat sa kanyang employer kasama ang kopya ng marriage contract.
Bagaman hanggang ngayon ay walang partikular na batas para sa
kalalakihan, patuloy pa ring tinutugunan ng pamahalaan ang anumang karahasan
at diskriminasyong kanilang nararanasan. Patuloy ring isinusulong ang mga
panukalang batas upang mabigyan ng proteksiyon ang mga LGBTQIA+.
Pagyamanin
A. Da-Hu?
Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin at isulat ang letra
ng tamang sagot sa isang papel.
A. CEDAW
B. Pamahalaan
C. Marginalized Women
D. Magna Carta for Women
E. Women in Especially Difficult Circumstances
F. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
_____ 1. Layunin nitong itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad.
_____ 2. Ito ay batas na nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga kababaihan at
anak nito.
_____ 3. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing
tagapagpatupad ng batas na ito.
_____ 4. Sila ang mga babaeng biktima ng pang-aabuso, armadong sigalot at
prostitusyon.
_____ 5. Sila ang mga babaeng nasa di-panatag na kalagayan, may limitadong
kakayahan, at maralitang-tagalungsod.
12
B. Hanep-Salita
Panuto: Hanapin at isulat sa isang papel ang mga letrang nakatapat sa bawat bilang
upang mabuo ang mga salita.
A B C D E F G H I J K L M
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13
N O P Q R S T U V W X Y Z
14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26
1. __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
20 1 7 1 16 1 7 16 1 20 21 16 1 4
2. __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
16 18 15 20 5 11 19 25 15 14
3. __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
20 1 7 1 16 1 7 20 1 14 7 7 15 12
4. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
2 1 19 1 7 9 14 1 14 7 19 20 5 18 5 15 20 25 16 5
5. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
12 21 13 9 11 8 1 14 7 2 1 20 1 19
Tugon ng
pamahalaan sa mga
isyu ng karahasan
at diskriminasyon
13
D. Magkalinawan tayo
Panuto: Punan ang mga dialogue box sa ibaba, base sa mga tanong na sa kaliwang
bahagi ng papel. Isulat ang iyong paliwanag sa 2-3 pangungusap. Isulat ang mga ito
sa isang papel.
E. I-minapang Konsepto
Panuto: Gumawa ng isang concept map ukol sa napapanahong isyu ng kararahasan
at diskriminasyon. Gawing basesahan ang nasa ibaba. Ibigay ang maaaring tugon
ng pamahalaan at mamamayan upang maiwasan ito. Isulat ang sagot sa papel.
Napapanahong
isyu ng
karahasan at
diskriminasyon
14
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o tanong sa bawat bilang.
Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa isang papel.
1. Layunin ng batas na ito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad at makilala na ang
karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
A. Magna Carta for Women
B. Women Discrimination Bill
C. Women for Magna Carta Act
D. Act Against Women Discrimination
2. Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang
mga anak, nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng
kaukulang parusa sa lumalabag nito?
A. Women and Children Act
B. Anti-Children and Women Act Bill
C. Act for Women at Children in Discrimination
D. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
3. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan ayon sa Magna
Carta for Women.
A. Samahang Gabriela
B. Marginalized Women
C. Powerful Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances
4. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing tagapagpatupad
o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito.
A. paaralan C. senado
B. pamahalaan D. simbahan
5. Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong
ipinatutupad ang community quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women, saan
nabibilang ang mga biktima ng prostitusyon?
A. Marginalized Women
B. Women in Marginal Society
C. Focused Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances
18
6. Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?
A. pagbabalewala sa tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan
B. pagbabawal sa aksyon o patakarang umaabuso sa kababaihan anuman ang
layunin nito
C. hindi pagbibigay ng pansin sa mga ulat na nagpapakita ng mga
kababaihang biktima ng karahasan
D. pagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga
kababaihang biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon
7. Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-
pantay sa karapatan ng mga babae. Ang sumusunod ay tungkulin ng Estado
bilang State Party sa Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination
Against Women (CEDAW) maliban sa:
A. paggalang sa karapatan ng kababaihan
B. kondenahin ang pamahalaan dahil mahina ito
C. masolusyunan ang laganap na diskriminasyon
D. ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan
8. Isang empleyado ng AMG Network si Calib. Ang kanyang asawa ay nagdadalang-
tao. Bilang isang empleyado, anong benespisyo ang makukuha niya sa
kompanya kapag nanganak na ang kanyang asawa?
A. Maternity Leave C. Leave for Fathers
B. Paternity Leave D. Paternity Leave of Absence
9. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan
tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, biktima ng
prostitusyon at mga babaeng nakakulong.
A. Women of The Society
B. Able Women of the Society
C. Especial Women in Difficult Circumstances
D. Women in Especially Difficult Circumstances
10. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na
komprehinsibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa
sibil at pulitikal na larangan kundi pati na rin sa aspetong kultural, pang-
ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
A. Conference Elimination of All Forms of Discrimination Agianst War
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agianst War
C. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agianst
Women
D. Convention on the Eradication of All Forms of Discrimination Agianst
Women
11. Ito ay isang batas na nagsasaad na ang bawat empleyadong lalaki sa pribado at
pampublikong sektor ay pinapayagang lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa
loob ng pitong (7) araw at pagkalooban ng kaukulang pasahod.
A. Republic Act 817 C. Republic Act 8187
B. Republic Act 8971 D. Batas Pambansa Bilang 1162
19
12. Bakit nararapat na ipagbigay-alam ng isang empleyadong lalaki sa kanyang
employer ang pagdadalang-tao at ang inaasahang petsa ng panganganak ng
kanyang asawa?
A. Sapagkat ito ay kanyang karapatan.
B. Dahil siya ay mag-a-apply ng paternity leave.
C. Dahil nais niyang ipaalam na siya ay may-asawa.
D. Upang maiwasan niya ang pagliban sa trabaho ng walang dahilan.
13. Sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit sa mga
kababaihan at anak nito?
A. live-in partners na lalaki
B. kasalukuyan at dating asawang babae
C. kasalukuyan at dating kasintahan babae
D. mga lalaking nagkaroon ng anak sa lalaki
14. Ang sumusunod ay mga dahilan upang mag-file ng Paternity Leave ang isang
empleyadong lalaki maliban sa:
A. pagkatapos ng kasal
B. habang nagbubuntis ang legal na asawa
C. pagkatapos manganak ng kanyang legal na asawa
D. bago, habang at pagkatapos manganak ng legal na asawa
15. Ito ay isinabatas upang itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at
lalaki sa lahat ng bagay alinsunod sa mga Batas ng Pilipinas.
A. Magna Carta for Men
B. Magna Carta for Women
C. Gender and Equality Rights
D. Anti-Discrimination Act for Men and Women
20
Karagdagang Gawain
#Makatutulong ako
Panuto: Bilang isang mamamayan, paano ka makatutulong upang maging epektibo
ang mga batas na nagbibigay-proteksiyon sa iba’t ibang kasarian?
21
22
Subukin Pagyamanin Pagyamanin
1. D 9. B C. D.
2. B 10. C 1. Magna Carta for Unang dialogue – ang Paternity
3. B 11. B women Leave ay benepisyong
4. D 12. C - Ang kaalaman ipinagkakaloob sa mga
5. A 13. B ukol dito ay empleyadong lalaki. Maari silang
6. D 14. A maaaring ibahagi sa hindi pumasok sa trabaho kapag
7. D 15. A aking mga nanganak ang kanilang legal na
kabarangay. asawa.
8. D
- Ang batas na ito Ikalawang dialogue - ang isang
Pagyamanin ang magbibigay empleyadong lalaki na buntis at
A. proteksyon sa mga nanganak ang lehitimong asawa.
1. D kababaihan.
2. F 2. CEDAW Ikatlong dialogue – kinakailangan
3. B - Ang batas na ito laman niyang ipagbigay alam sa
ay makatutulong kanyang employer na ang kanyang
4. E
upang asawa ay buntis. Dapat din siyang
5. C
magpakita ng marriage contract
maproteksyunan ang
bilang patuna
B. mga kakababaihan
1. Tagapagpatupad 3.Paternity Leave F.
2. Proteksyon - Ang kaalaman ko Maaring magkaiba-iba ang sagot ng
3. Tagapagtanggol rito ay makatutulong mga mag-aaral sa bahaging ito ayon
4. Basagin ang stereotype sa akin lalo na sa barangay na kanilang
5. Lumikha ng batas totoong buhay. kinabibilangan.
Pagyamanin Isaisip Tayahin
E. Natutuhan sa aralin 1. A
Mga napapanahong isyu ng karahasan at 1.Magna Carta, CEDAW, 2. D
diskriminasyon. Anti-Violence Against 3. B
Women and their Children 4. B
- Pagbabawal sa isang transwoman na
5. D
gumamit ng pambabaeng palikuran sa 2.Paterntiy Leave
6. D
mall. 3. Mga samahan ng LGBT 7. B
Bagay na isasagawa 8. B
Tugon: Maaring dumulog sa himpilan ng
9. D
polisya o management ng mall 1.Aking igagalang ang bawat
10. C
kasarian 11. C
-Mag-ina na inaabuso ng padre de pamilya
2.Susundin ko ang mga 12. B
Tugon: Maaari silang magtungo sa kanilang
batas at isusulong ang 13. C
barangay at doon ay magsumbong. Ang Anti- 14. A
mga programa ng
Violence Against Women and Their Children 15. B
pamahalaan ukol dito.
Act batas na magbibigay sa kanila ng
proteksyon. Kaalamang ibabahagi sa iba
- Isang lalaking napatunayang bakla ang 1. Ang pamahalaan ay hindi
pinalayas sa apartment na kanyang nagpapabaya sa kanilang
tinitirhan. tungkulin upang ang iba’t
ibang kasarian ay mabigyan
-Tomboy na inabuso ng kanyang amo
ng proteksiyon. Bilang
Tugon: Papapanagutin ng batas sa ilalim ng
mamamayan akin naman
Magna Carta for Women ang umabuso.
silang susuportahan.
Susi sa Pagwawasto