Magbasa Tayo (UNANG BAHAGI) Printable

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Magbasa Tayo

(Unang Bahagi)

Baitang 1

Magbasa Tayo #1
ang ng
Basahin:
1. ang saya ng yaya
2. ang pana ng bata
3. ang baraha ng raha
4. ang dala ng asawa
5. ang kasama ng dalaga
6. ang lasa ng papaya
7. ang panata ng dalawa
8. ang kalabasa ng mama
9. ang haba ng kama
10. ang halaga ng mana
Magbasa Tayo #2
mga at

1. mga mata at paa


2. mga lata at tasa
3. mga pata at tapa
4. mga alaga at yaya
5. mga kawa at banga
6. mga panga at baba
7. mga palaka at daga
8. mga baka at maya
9. mga kalabasa at papaya
10. mga akala at haka-haka
Magbasa Tayo # 3
Si ay
1. Si Aya ay sasama.
2. Si Sara ay tatawa.
3. Si Aga ay maaga.
4. Si Ara ay kawawa.
5. Si Ana ay mataba.
6. Si Lara ay bababa.
7. Si Papa aymasaya.
8. Si Mara ay dalaga.
9. Si Yaya ay kasama.
10. Si Kaka ay masa
Magbasa Tayo # 4
Ang Palaka sa Sapa

May palaka sa sapa.


Ang palaka ay mataba.
Masaya ang palaka kapag
nasa sapa

Tanong:
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
a. Ang Palaka sa Sapa
b. Ang Baka sa Sapa
2. Nasaan ang Palaka?
a. sa sapa b. sa aplaya
3. Ano ang pakiramdam ng palaka pag nasa
sapa?
a. naiinis b. masaya
Magbasa Tayo # 5
1. May bisita ang hari.
2. Binati siya ng dalaga.
3. Ang dila ay madada.
4. Si Mika ay may gitara.
5. Ang pitaka ay malaki.
6. Hinati niya ang tinapa.
7. May kalapati sa sanga.
8. Ang pisara ay mahaba.
9. Siya ay taga Tawi-tawi.
10. Masama ang gawi ng tiya.

Magbasa Tayo # 6
Ang Hari

Ang hari ay may bisita.


Dalaga ang bisita ng hari.
Binati ng dalaga ang hari,
Kaya anghari ay masaya.

______________________________

Sagutin ang mga tanong.


1. Sino ang may bisita?
2. Sinoang bisita ng hari
3. Ano ang ginawa ng dalaga?
4. Bakit masaya ang dalaga?

Magbasa Tayo # 7
1. Nasa Laguna si Papa.
2. Bumili ng suka si Kaka.
3. May buwaya sa sapa.
4. Nasa kusina ang luya.
5. Ang bituka ay mahaba.
6. Tuka ng tuka ang kalapati.
7. Malawak ang lupa ni Mila.
8. Inuwi ni nanay ang palamuti.
9. Malakas ang buhawi kagabi.
10. Humihingi ng gugo ang bata.

Magbasa Tayo # 8
Ang Tutubi

May tutubi sa sanga.


Ang tutubi ay pula.
Nakita ng butiki ang tutubi.
Hinuli ng butiki ang tutubi.
Kawawa ang tutubi.
______________________________

Sagutin ang mga tanong:


1. Nasaan ang tutubi?
2. Ano ang kulay ng tutubi?
3. Ano ang ginawa ng butiki sa tutubi?

Magbasa Tayo # 9
1. May elesi sa kisame.
2. Kinarate siya ni Nene.
3. Si Renata ay may gasera.
4. Minasahe ni ate si Mama.
5. Marami ang pera sa mesa.
6. Marami ang bagahe ng ate.
7. Ang gasera ay nasa kusina.
8. Dumaraan ang mga kadete.
9. Ang kalesa ay nasa garahe.
10. Si Rene ay kapareha ni Nena.

Magbasa Tayo#10
Si Nenita

Si Nenita ay uuwi na.


Nakatira siya sa Amerika.
Marami ang bagahe na dala niya.
Mabigat ang bagahe ni Nenita.
Masaya si Nenita na siya ay uuwi sa Laguna.
______________________________

Sagutin ang mga tanong:


1. Sino ang uuwi?
2. Saan nakatira si Nenita?
3. Ano ang dala-dala niya?
4. Ano ang nararamdaman ni Nenita na
siya ay uuwi sa Laguna.

Magbasa Tayo # 11
1. May tabo sa bilao.
2. Si Lolo ay may lobo.
3. Si Ramona ay morena.
4. Bumili ng pabo si Oka.
5. Totoo ang sinabi ni tato.
6. Si Korina ay may abaniko.
7. Ang ama niya ay abogado.
8. Paborito ni Lola ang kamote.
9. May dugo ang siko ni Amado
10. Masarap ang adobo ni Adora.

Magbasa Tayo # 12
Ang Kuneho

May kuneho sa kubo.


Nakita ng kuwago ang kuneho.
Gusto ng kuwago ang kuneho.
Kaya ang kuneho ay tumago sa sako.

______________________________

Sagutin ang mga tanong:

1. Anong meron sa kubo?


2. Sino ang nakakita sa kuneho?
3. Ano ang maramdaman ng kuneho ng
makita siya ng kuwago?
4. Saan nagtago ang kuneho?

Magbasa Tayo # 13
1. Ito ay para sa iyo.
2. Sino ang kalaro mo?
3. Talo ng pusa ang aso.
4. Dumugo ang ulo ni Pilo.
5. Nahuli ko ang paru-paro.
6. Tinuka ng pabo ang pato.
7. Ano ang itinuturo ng guro?
8. Marumi ang mga kuko ni Kiko.
9. Dumarami ang mga buwaya.
10. Binato ni Renato ang mga lobo.

You might also like